Tahimik pa rin ang paligid pagkatapos niyang magsalita. Pagkatapos niyang ilabas ang nasa puso niya. Pagkatapos niyang aminin ang lahat. Dapat siguro kinikilig na ako. Dapat siguro umiiyak na ako sa saya. Dapat siguro yakapin ko na siya. Pero hindi dahil may isang pangalan pa. Isang alaala. Isang sugat na hindi pa niya nasasagot. Huminga ako nang malalim. Pinunasan ang gilid ng mata ko saka tumingin ako sa kanya nang deritso. Walang iwas. “Psalm,” sabi ko nang mahina pero buo. “Nagpapasalamat ako sa lahat ng sinabi mo. Kung totoo man ‘yan. Pero may isang bagay pa.” Napakunot ang noo niya. “Ano?” tanong niya. Pinilit kong huwag manginig ang boses ko. “Si Adam.” Nanlaki nang bahagya ang mata niya. Hindi siya nagulat. Hindi rin galit. Parang nag-alala. “Anong tungkol kay Adam?”

