bc

Worth The Pain-SPG

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
HE
opposites attract
dominant
blue collar
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Psalm Rasgild

Lara Chavez

“Dying for me would be too easy, live for me instead.”

Ang buong akala ni Lara ay matatapos na ang kaniyang buhay dahil sa pag-kidnap sa kaniya ng mga sanggano, subalit hindi niya inaakalang sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya ang binatang nagtatago sa sariling pamilya nito. Balot ng misteryo at sikreto ang pagkatao. Maliban sa kalamigan nito ay sobrang hanga si Lara sa tapang at kaguwapuhan. Bagama’t hindi sigurado ay wala siyang pakialam. Handa siyang tibagin ang pader at bakal na nakaatang sa puso nito. Subalit ang panahon na rin ang siyang magsasabing hindi sila para sa isa’t isa. Kaya niya kayang tanggapin at isalba ang binata sa kadiliman, o hayaan na lang itong magtiis at iwan sa kinasasadlakan?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Lara? Papasok ka na ba?” Napalingon ako sa kabilang banda ng bahay namin kung saan may malaking vulcanizing shop ang aking Tito Bob Uy. Ang “Air Supply, (Hangin You Near Me) Vulcanizing & Mechanic Shop. Sa kaniya rin ako nagtatrabaho bilang tindera ng kaniyang malaking sari-sari store. Kasama ko ang aking BFF na si Cora Tan. Siya naman ay na-assign sa katabing Carinderia ng tindahan. “Opo, Tito Bob, maraming kustomer ngayon sa tindahan,” sagot ko at inayos sa pagkakatali ang aking buhok. “Ikaw lang yata ang nagtatrabaho sa tindahan na kailangan na ring magpa-salon. Sagutin mo na kasi ako, Lareng. Sisiguradohin ko inat na inat ‘yang buhok mo 7 days a week,” wika ni Gargol. Talagang kumikindat-kindat pa sa akin. Akala mo naman ikinagwapo niya. “Ay sus! Itikom mo ‘yang bibig mo Gargol at umaabot ang bulok na amoy rito sa akin. Nangangarap ka pa talaga na maangkin itong beshywap ko eh ultimo buhok mo nga riyan sa ilong mo halos mag-hello na sa ‘yo, ‘di mo mabunot-bunot,” sabat ni Cora na kalalabas lang ng bahay nila. Magkapit-bahay kami at iisa lang ng lugar ang pinagtatrabahuan. “Kunwari ka pa, Cora. Pasabat-sabat pa eh ang totoo nagpapapansin ka lang naman sa ‘kin. Hindi mo na kailangang ikaila pa at ramdam kita. Hindi naman ako kasing-manhid ni, Lara para hindi ka mapansin,” sagot ni Gargol at tumataas-baba pa ang kilay. Hindi naman maiguhit ang mukha ni Cora. “Tingnan mo ‘tong tang-inang ‘to. Maaga pa pero kulong-kulo na ang dugo ko sa ‘yo,” gigil na wika ni Cora. “Aba’y normal lang ‘yan. Makita mo ba naman ang crush mo ng ganito kaaga, aba’y underrabolbol ka,” nakangiting sagot ni Gargol. Halos lumuwa ang mata ni Cora sa inis kaya hinawakan ko na’t pinakalma. “Understandable siguro ‘yon girl,” mahinang sambit ko. “Ay sus! Tama na ‘yan, baka sa susunod na buwan ay makakapag-sponsor pa ako ng lechon sa bangayan niyo,” sabat ni Tiyo Bob. “Ekskyusmi Tiyo Bob, oo nga’t hindi kagandahan itong byoti ko, may standard naman ako no. Hindi siya papasa sa standard ko,” malditang sambit ni Cora at halos mawala na ang itim sa mata niya kakairap kay Gargol. Natawa na lamang ako sa gilid. “Oo nga pala, magdala ka ng ulam mamaya sa likod Lara at may bisita ako. Darating ngayon ang kaibigan ni, Bruno. Bagong trabahante ko at magaling daw iyong mekaniko. Ang sabi eh probinsyano at gwapo. Baka naman ito na ang panahon para magka-nobyo ka na,” nakangiting saad ni tiyo. Mabilis na napasinyas ako na tahimik at baka marinig ng nanay ko. Talagang makukurot ako sa singit. Bagama’t nasa tamang edad na ako ay istrikta siya. Bente-siete na ako at fresh pa. Neber ben tats, neber ben kis. Pasimple kong nilapitan si tiyo at bumulong. “Iyan ba ay totoo. Nawawalan na ako ng pag-asa tiyo ha. Baka patulan ko na talaga iyong Indiyanong nagpapapayb-six. Bente siyete na ako,” wika ko. “Oo, pogi nga eh. Nakita ko sa piktyur. May pisbok nga eh, bigay ko pa sa ‘yo.” Napahawak naman ako sa mukha ko. “Girl, baka ‘yan na ang prince charming mo. Sama ako mamaya ha, tingnan natin kung pasado,” ani Cora. Inayos ko naman ang sarili ko. “Sige, pero alam niyo naman ‘di ba? Bihira na ang ganda ko. Siyempre, ayaw ko naman mag-asawa ng sakit sa mata. Masiyado ng pasmado ang mata ko sa paligid,” wika ko. “Aray! Parang sinasabi mo naman na pangit kami,” sabat ni Mang Tino na nagpapahangin ng motor niya. “Joke lang, ‘to naman masiyadong sensitive,” bawi ko. “Sige na, huwag mong kalimutan mamaya ha.” “Opo, tiyo,” sagot ko at umalis na kami ni Cora. “Girl, baka pogi nga. Kung sakaling hindi ka niya type at ako ang magustuhan tanggapin mo na lang ha. Hindi tayo magfi-friendship over. Alalahanin mo, magkaedad lang tayo,” wika ni Cora. “Oo naman, basta oorder ka ng lipstick sa ‘kin. Buy 1 get 2 naman ngayon.” “Saan mo na naman naharvat ‘yan? Apaka hayop mo girl. Nu’ng nakaraan binentahan mo ako ng blush on, para akong jinombag ng tatlong demonyo sa sobrang pula.” Napangiti naman ako. “Kung noon tatlo lang, dito sa lipatick na ‘to magiging anim na sila. Sobrang pula, sobrang nakakaakit,” saad ko. Kaagad siyang napangiwi. “Parang nakakatakot ‘yan ah.” “Girl, matakot ka kung hindi nagkukulay sa bibig mo,” wika ko. Natigilan siya at ininguso ang harap ng tindahan. Napalingon ako roon at nandito na naman ang isa ko pang beshywap. Si Gabbar Singh. Ang suki ni nanay sa payb-six. “Halo,” bati niya sa ‘kin. “Paano ba ‘yan? Alis na ako at kailangan na ako sa karinderya. Mamaya na lang, Lara,” ani Cora. Hindi pa nga ako nakakasagot ay nagmadali na siyang umalis. Nginitian ko lang nang tipid si Gabbar at pumasok na sa tindahan. “Lara, grabe ka sa ganda,” aniya. Napangiwi ako. “Alam ko, matagal na. Hindi mo na need sabihin,” sagot ko at inayos na ang kahera. “Lara, isang toyo nga,” wika ni Aling Sabel. “Aling Sabel, aba’y buti at ‘di na ako punta senyo,” sambit ni Gabbar. Alanganing ngumiti naman si Aling sabel at nagbigay ng bayad. Kaagad na kinuha ko naman. Akala ko nga’y aalis na pagkatapos pero mali ako. Heto na naman siya. Uupo na naman siya sa labas ng tindahan at makikipagtsismisan na naman ‘yan. “Alam mo ba, Lara kung ako sa ‘yo sagutin mo na ‘tong si Gabbar. Mapera, matangkad, medyo nognog nga lang pero sobrang tangos ng ilong. Madiskarte, may bahay, at paniguradong maa-out op da kantri ka kung sakali,” aniya. Tuwang-tuwa naman si Gabbar. “Rinig mo ‘yon, Lara?” nakangiting sambit ni Gabbar. Wala namang problema sa kaniya eh. Matangkad, madiskarte, at paniguradong hindi ka magugutuman. Mabait din kahit papaano. Pero sorry siya, hindi ko siya type. “Sige na, Lara. Grasya na ang lumalapit sa ‘yo oh, tukain mo na. Huwag mong gayahin iyong anak ni, Tasing. Akala mo kung sinong nakapag-asawa ng AFAM. Aba’y wala namang pera. Ginawang katulong ng asawa niya sa ibang bansa. Aanhin ko ang Amerika kung tagapunas ako ng pwet ng asawa ko. Buti sana kung dollars ang pampunas aba’y walang problema.” At nagsimula na nga siya. Walang kamatayang panlilibak sa mga kapit-bahay. Tingin ko nga’y nadadamay ako sa karma niya. Letseng buhay talaga. Kaya siguro hindi ako magkajowa-jowa. Nakikinig lang naman ako pero hindi ako nangja-judge no. “Sabel? Matutuyuan na ‘tong manok kahihintay sa toyo. Iyang bibig mo walang kapaguran kapuputak. Iuwi mo muna kaya ‘yan lintik ka!” sigaw ng asawa niya sa kabilang kanto. “Aba’y nahiya naman ako sa ‘yong palamunin ka. Maghintay ka riyan, tang-ina mo!” Napailing na lamang ako. Kailan nga ba ako masasanay sa barangay na ‘to? “Lara…” “Gabbar, marami ka pang dapat puntahan. Puntahan mo na. Nakaalis na si Aling Sabel ‘di mo pa nasisingil,” sambit ko. Ngumiti naman siya nang matamis sa ‘kin saka pinaandar ang scooter niya. “Mag-iingat ako para sa ‘yo,” aniya at kumindat pa. Ramdam ko ang pagtaasan ng balahibo sa aking braso. Kahit pa ibangga niya sa purok 2 wala akong pakialam.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook