Chapter 1

2371 Words
Nu’ng oras na nga ay pumunta na ako sa karendirya para kumuha ng pagkain na dadalhin. Umuusok na ang kawali, pawisan na ang batok ko, at ang isip ko’y nakatuon pa rin sa sinabi ni Tiyo Bob kaninang umaga. Probinsyano. Gwapo. Mekaniko. Tatlong salitang dapat sana’y wala akong pakialam, pero heto ako ngayon at mas maingat ang pagkakatali ng buhok, mas maayos ang suot kong blouse, at may konting pulbos pa sa pisngi. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kakaibang kaba sa dibdib ko. Siguro ito na ‘to. Hindi naman pwedeng mapahiya ako sa kaniya. “Tara na?” aya sa ‘kin ni Cora. Tumango naman ako at pareho kaming excited. Muntik pa akong mabahing nu’ng nakalapit na siya sa ‘kin. “Grabeng amoy ‘yan, Cora! Kahit masamang espirito lalayas sa sobrang tapang,” reklamo ko. “Girl, wala ka talagang alam sa mga sosyal na mga pabango. Channel ‘to, mura lang pero worth it ang amoy,” nakangiting sabat niya. Hindi na ako nagreklamo pa at umiling na lang. Channel daw eh. “Lara! Nandiyan na siya!” Napalingon ako agad. Si Tiyo Bob, nakatayo sa bungad ng shop niya, may kakaibang ngiti sa labi. Hindi ‘yong normal niyang ngiting parang nanalo sa tong-its kundi ngiting may halong pagtataka at paghanga. “Ha? Sino po?” tanong ko kahit alam ko na ang sagot. “‘Yong bagong mekaniko. Kaibigan ni Bruno.” Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Ilang beses na akong ipinakilala sa kung sinu-sinong gwapo raw ayon sa standards ng barangay, pero palaging nauuwi sa wala. Pumasok na kami ni Cora ng shop at deritso sa likod. Nakatayo siya sa ilalim ng puno sa likod. Matangkad. Broad ang balikat. Simple lang ang suot, itim na t-shirt at maong pero may kakaibang tikas ang tindig niya. Hindi siya ‘yong tipo ng lalaking maingay o palabati. Tahimik lang, nakasandal sa isang kotseng sira habang hawak ang cellphone niya habang nakatingin sa paligid na para bang sinusukat ang lugar. At nang magtama ang mga mata namin at napahinto ako. Letse! Hindi dahil gwapo siya. Kundi dahil malamig ang titig niya. Hindi bastos, hindi rin manyak. Pero may lalim. Parang taong maraming alam, maraming nakita, at maraming kayang gawin. Pero okay lang naman sa ‘kin kung medyo manyak ang titig niya. Letsugas! Ang gwapo niya. Napalingon ako kay Cora na hindi na nakapagsalita at naglalaway na nakatingin lang sa kaniya. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang bigat sa dibdib. “Iyan si Lara,” wika ni Tiyo Bob. “Pamangkin ko. Siya ang nag-aasikaso ng tindahan.” Iniangat niya ang tingin sa akin. Dahan-dahan. Para bang sinisigurado niya kung sino ako. “Lara,” sambit niya sa mababang tinig. Isang salita lang. Pero parang may dumaan na kuryente sa balat ko. May pumitik sa ilalim ko. Lintik! “O-opo?” sagot ko, pilit pinatatatag ang boses. “Markus,” pakilala niya. “Markus Alonzo.” Inilahad niya ang kamay niya. Nag-atubili ako sandali bago ko iyon tinanggap. Mainit ang palad niya,pero ang hawak niya, maingat. Walang pilit. Walang landi. At doon ko lalong naramdaman ang kaba. “Probinsyano ka?” bigla kong nasabi, agad kong ikinagat ang dila ko. Ang bobo mo, Lara. Bahagya siyang ngumiti. Hindi buong ngiti, parang anino lang. “Kung saan-saan,” sagot niya. “Matagal na rin akong palipat-lipat.” Tumango lang ako. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, nawala ang daldal ko. Gusto ko sana siyang tanungin kung single ba siya? Gusto ko fill-out-an niya ang slambook ko. “Halika na, Lara. Kain muna tayo, sabayan mo na kami,” aya ni Tiyo Bob. “Mukhang gutom na rin si Markus.” Tahimik na napaisip ako. Pwede niya akong kainin kung gusto niya ehe. Umayos ako at tiningnan si Markus. Tumango siya at sumunod. Habang naglalakad kami papunta sa lamesa, ramdam kong may mga matang nakasunod sa amin. Mga kapitbahay. Mga tsismosa. Normal na eksena. Pero siya. Hindi siya lumilingon. Hindi siya nag-aalala. Parang sanay na sanay sa mga matang nakamasid. Habang kumakain kami, tahimik lang siya. Sumagot lang kapag tinatanong. Hindi siya katulad ng ibang lalaking nagkukuwento agad ng achievements, trabaho, o kayabangan. “Magaling ka raw na mekaniko,” sabi ni Tiyo Bob. “Ginagawa ko lang ang trabaho ko,” sagot niya. Napatingin ako sa kaniya. Walang yabang. Walang pilit. Pero ramdam mo na hindi siya ordinaryo. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan para sa sarili ko. Dahil sa unang pagkakataon, may lalaking dumating sa buhay ko na hindi ko ma-figure out. At hindi ko alam kung bakit parang hindi ko siya dapat pagkatiwalaan. Pero ang kepay ko bwesit. Lumalandi. Nakakatunaw ang klase ng tingin niya. Pauwi na kami ni Cora galing sa tindahan nang mapansin kong masyado siyang tahimik. Hindi normal iyon. Kanina pa talaga ‘to. “Girl,” sabi ko habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada, “kung iniisip mo ‘yong ulam ni Aling Sabel kanina, huwag mo nang ulitin. Kahit aso namin ayaw no’n.” Huminto siya bigla at humarap sa ‘kin. “Hindi pagkain ang iniisip ko.” “Ay, oo nga pala. May bago ka na namang kaaway?” “Mas malala pa.” Napakunot-noo ako. “Ano?” “Si Markus Alonzo.” Napatigil din ako. “Ano’ng meron sa kaniya?” “Wala,” sagot niya agad. “Iyon nga ang problema.” “Ha?” Naglakad ulit kami. “Girl, hindi ko mabasa ang mukha niya.” Napatawa ako. “Malamang, hindi ka naman psychic.” “Hindi,” giit niya. “Kahit si Mang Tino nababasa ko. Kahit si Gargol, kahit baliktarin mo, mababasa mo. Pero ‘yon—” “Blank?” hula ko. “Oo. Parang bagong laba na whiteboard.” “Baka antok lang,” sabi ko. “O baka talaga gano’n ang mukha niya.” “Eh bakit nu’ng nginitian ko—” “NGINITIAN MO?” napahinto ako. “Reflex!” depensa niya. “Wala siyang reaction.” Napailing ako. “Baka hindi ka lang type.” “Ay wow,” sabi niya. “So ikaw type ka?” “Hindi rin,” sagot ko agad. “Wala nga siyang reaction kahit kanina.” Tumahimik kami sandali. “Alam mo,” sabi ni Cora, “hindi siya pang-barangay.” “Lahat ng pogi sinasabi mo ‘yan.” “Hindi ah. Iba ‘yon. Parang… pagod.” Napatingin ako sa kalsada. Naalala ko ang tindig niya. Simple. Walang yabang. Medyo madungis ang suot pero bagay. Rugged. Tipong hindi mo mapapansin agad, hindi, mali ako, pero kapag napansin mo na, hindi mo na maaalis sa isip. Pansinin talaga siya. “Baka mahiyain,” sabi ko. “Mahiyain?” natatawa niyang ulit. “Girl, ‘yong mahiyain, nagbubuhos ng ketchup sa kanin. Siya, parang kaya kang titigan nang isang oras nang hindi kumukurap.” “Ang OA mo.” “Hindi ako OA. Observationist ako.” “Marites ka.” “Professional,” diin niya. Pagdating namin sa tapat ng bahay, huminto siya ulit. “Sa totoo lang,” sabi niya, “hindi ko alam kung bakit pero parang mas mabuti na huwag mo munang pansinin ‘yon.” Napakunot-noo ako. “Bakit?” “Kasi kapag pinansin mo, baka ikaw ang mapansin.” “Tama ka na,” natawa ako. “Mekaniko lang ‘yon, Cora.” “Lahat naman nagsisimula sa lang. Buti sana kung ‘di kita napansin kanina muntik ka ng maglaway girl. Gwapong-gwapo ka sa kaniya,” sagot niya. Napatigil ako, tapos natawa. “Grabe ka. Sige na. Bukas ulit.” “Bukas ulit,” aniya. “Pero girl—” “Ano?” “Kung sakaling ngumiti ‘yon sa ‘yo…” “Ano?” “Sabihin mo agad sa ‘kin. Historical event ‘yon.” Tinawanan ko siya habang pumapasok na sa bahay. Hindi ko alam kung bakit, pero sa gabing iyon, kahit pagod ang katawan ko, hindi mawala sa isip ko ang lalaking halos walang expression. At sa kung paanong paraan, mas nakakaistorbo pala ang katahimikan kaysa sa ingay. Pagpasok ko pa lang sa bahay ay may kakaiba na agad. Una ay amoy kape. Pangalawa, may sapatos sa may pintuan. At pangatlo hindi iyon sapatos ni Nanay. “Nanay?” tawag ko habang dahan-dahang pumapasok sa sala. “Lara, anak!” masiglang sagot niya mula sa loob. “Halika rito, may ipakikilala ako sa ‘yo.” Pagliko ko sa sala ay napahinto ako. Nandoon siya. Si Markus Alonzo. Ano ba ang ginagawa niya rito? Na lab at first sight ba siya sa ‘kin? Kukunin na ba niya ang kamay ko kay nanay? Pero hindi pa kami magkakilala. Nakatayo siya ay hindi pala. Nakaupo siya sa luma naming sofa, hawak ang tasa ng kape, kalmado, diretso ang likod, parang matagal nang nakatira roon. Suot pa rin ang simpleng itim na t-shirt, pero sa loob ng bahay namin ay bigla siyang nagmukhang hindi dapat naroon. At ang mas nakakagulat? Ang nanay ko. Si Nanay Lukring ay nakangiti. At pinagsisilbihan siya. Mga tampalasan! “Kuya, dagdagan ko pa ba ang asukal?” tanong ni Nanay, halos kasing-lambing ng boses niya kapag naglalambing sa santo. KUYA? Nanlaki ang mata ko. “Nanay…” maingat kong sambit. “Bakit po may bisita tayo?” Tumayo si Markus nang makita ako. Hindi nagmamadali. Hindi rin nagulat. Parang normal lang na dumating ako sa sarili kong bahay at makita siyang nandoon. “Ito si Markus,” masayang wika ni Nanay. “Bagong trabahante ng Tito Bob mo.” Napakurap ako. “Tapos?” “Si Markus ang uukupa sa kabilang kwarto,” dugtong pa niya. “Mag-aarkila siya. Mabait ‘yan siya sa tingin ko. Mas nag-aalala ako sa safety niya gayong magkatabi lang ang kwarto niyo. Huwag mong gagapanhin sa hataing-gabi ha,” ani nanay at kinindatan ako. Kamuntik na akong matumba sa hiya. Napatingin ako kay Markus. Napatingin ako sa sofa. Napatingin ulit kay Nanay. Hindi ito panaginip. “Nanay…” ulit ko, iyong mas mahina na. “Bakit hindi mo man lang sinabi?” “Eh biglaan,” sagot niya. “Kanina lang nag-usap kami. Naghanap daw siya ng mauupahan na malapit sa trabaho.” Napatingin na lang ako kay Markus. Sa malapitan at lalong mas gwapo siya. Hindi ‘yong tipo ng gwapong maaliwalas. Kundi ‘yong rugged. Medyo seryoso. May konting gaspang sa mukha, parang sanay sa araw at alikabok. At doon ko napansin may piercing siya sa kanang tenga. Hindi flashy. Maliit lang. Pero ewan ko kung bakit, parang mas lalo siyang bumagay. “Ah… hello,” sabi ko, pilit na ngumiti. “Lara nga pala ulit baka nakalimutan mo na.” Tumango lang siya. Isang tango. Walang ngiti. Walang salita. Walang kahit nice to meet you man lang. Tahimik lang. Parang nagbigay-galang lang sa lamay. Letse! “O ayan,” masayang sabi ni Nanay. “Nagkakilala na kayo. Anak, gwapo naman siya ‘di ba?” Nanay. Mekaniko ‘yan. Hindi prutas. “Opo,” sagot ko na lang. Bumalik si Markus sa pagkakaupo. Uminom ulit ng kape na para bang wala lang ang presensiya ko. At ako? Nakatayo pa rin sa gitna ng sala, nakatulala, pilit inuunawa kung paano sa isang iglap ang lalaking halos hindi ko kilala ay biglang naging kapitbahay ko sa loob ng bahay. Pagkatapos kong magbihis, lumabas ulit ako ng kwarto. Nandoon pa rin si Markus sa sala. Pareho pa rin ang posisyon. Pareho pa rin ang mukha. Kung estatwa siya, baka napagkamalan na siyang dekorasyon. Umupo ako sa kabilang sofa. Tahimik. Masiyadong tahimik. “Ano po’ng kape ang iniinom niyo?” bungad ko. “Kahit ano.” Tumango ako. “Ah… mahilig din po ba kayo sa matamis o sakto lang?” “Sakto.” “Ahh okay,” sagot ko kahit wala naman talagang follow-up. Huminga ako nang malalim. Sige, Lara. Kaya mo ‘to. “Tagasaan po kayo?” tanong ko ulit. “Malayo.” “Ah… probinsya?” “Oo.” “Anong probinsya po?” Tumigil siya sandali. Tumingin sa tasa ng kape. “Basta.” Napakurap ako. Basta? “Opo,” sagot ko ulit. Anong upo? Tanga talaga! “Ah… ilang taon na po kayo?” Tumango siya. “Matanda.” Napangiwi ako. “Hindi naman po halata.” Hindi siya tumingin tapos tahimik ulit. Hindi puwedeng ganito. May dignidad pa ako. “Matagal na po ba kayong mekaniko?” tanong ko. “Oo.” “Mahilig po ba kayo sa aso?” “Hindi.” “Sa pusa?” “Hindi rin.” “Sa tao?” Saglit siyang tumingin sa ‘kin. “Hindi.” Napasinghap ako. “Ah… honest.” Tumikhim ako. “Mahilig po ba kayo sa movies?” “Minsan.” “Anong genre?” “Kahit ano.” “Romance?” “Hind—” “Charot lang,” mabilis kong bawi. “Baka ma-trauma kayo.” Hindi siya natawa. Hindi rin ngumiti. Grabe! Ang sakit na ng ego ko. Pero parang kumurap siya nang mas matagal. Small win. “Ah… may girlfriend po ba kayo?” Tumigil siya sa pag-inom ng kape niya saglit. “Wala.” YES. BUHAY. “Opo,” sagot ko ulit. Tang-ina! Anong opo, Lara? “Single ka po pala.” Tumango siya. Tahimik ulit. “Ah… comfortable po ba kayo sa bahay?” tanong ko. “Oo.” “May kailangan po ba kayo?” “Wala.” “Sigurado?” “Oo.” “Okay,” sabi ko. “Kung may kailangan po kayo, sabihin niyo lang. Huwag po kayong mahiyang magsabi. Kahit anong oras.” Tumingin siya sa ‘kin. Diretso. Tahimik. Walang emosyon. “Sige.” Isang salita. Pero ewan ko ba parang iyon na ang pinakamahabang usap namin. Tumayo na ako. Hindi ko na kaya ang sarili ko. Pagpasok ko sa kwarto, isinara ko ang pinto at idinikit ang noo ko roon. “Lara,” bulong ko sa sarili ko. “Tigil mo na ‘yan.” Letseng buhay ‘to oh. Sobrang saya ng usapan namin. Nakakakilig at gusto ko na lang maglaho. Lintik!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD