Ang buong ko normal lang ang araw na iyon. Simpleng lakad lang at kakain lang kami sa labas. Wala akong kaalam-alam na ikakasal na pala ako. Maaga pa lang, ang weird na ni Psalm. Tahimik lang siya at masyadong maayos ang buhok. Naka formal na suot, puting polo at nakapabango. Hindi siya ganito kapag simpleng lakad lang. “Psalm,” sabi ko habang nag-aayos ng bag. “Saan ba talaga tayo pupunta?” “Basta, malalaman mo rin mamaya,” sagot niya. “Bakit pakiramdam ko parang may tinatago ka?” tanong ko. “Wala ah,” sagot niya agad. Masyadong mabilis, masyadong defensive. Kay may hinala na ako. Talagang wala akong ideya kung saan kami pupunta pero may hinala akong iso-sorpresa niya ako. Sumakay kami sa kotse at hindi siya nagsasalita, nakahawak lang sa manibela at seryoso na para bang pupun

