" Ara ano na handa ka na ba? " tanong sa'kin ni ate Beth.
" Ate alam mo naman na wala pa akong karanasan sa ganyan. " Sabi ko habang hawak hawak ang buhok ko dahil di ko na alam ang gagawin ko, may sakit si Papa kailangan niyang operahan sa lalong madaling panahon dahil my appendicitis ito at kailangan ng malaking halaga para magawa ang operasyon agad agad. Dahil pag di ito na operahan delikado daw at ikakamatay ito ng Papa ko.
" kaya nga Ara babayaran ka ng malaki dahil virgin ka pa, malamang alam niyang wala ka pang karanasan. " wika nito na lalong nagpasakit ng ulo ko.
" Ate Beth baka may pera ka nalang dyan pahiramin mo nalang ako please 200k lang. " umiiyak ko ng sabi.
" Alam mo naman Ara na malaki ang gastos ko sa pagpapatayo ng bahay sa probencya kaya sagad talaga ako ngayon. pasencya kana. "
" Ang hirap naman ng ganitong sitwasyon, ayaw ko sanang gawin ito pero wala akong magagawa kailangan kung mag sacrifice para sa Papa ko. "
" Ara naalala mo dati na walang wala kayo, kaya ka nga pumunta ng manila di ba para sa kanila para makatulong, ngayon ka pa ba susuko? "
" Wala sa vocabulary ko ate Beth ang sumuko, di ko kayang sukuan si Papa, di ko kayang mawala siya na wala man lang akong ginawa para sa kanya, alam kung mahirap dahil nakasalalay dito ang pagkatao ko ang dignity ko, Pero wala akong choice, wala akong mahiraman, walang magpapahiram dahil walang tiwala ang mga tao samin sa probencya natin. "
" Ara kahit papano naman nakapatayo ka naman din ng bahay kahit papano bato na yung bahay niyo at di na kamalig kagaya
dati. Wag mong isipin na wala Kang nagawa sa pamilya mo. at wag mong isipin ang mga taong walang tiwala sayo, tingnan mo nga matatapos ka na sa pag aaral mo at take note virgin pa. kaya ngayon kailangan mo lang talagang mamili kung gusto mong di mawasak yang pokemon mo ang Papa mo naman ang mapapahamak, choice mo yan Ara. " mahaba nitong sabi.
" Ate Beth bat ba kasi di nagpapakita ang Boss natin ang tagal ko na sa bar Pero kahit minsan di ko pa siya nakikita, kung nakakausap ko sana siya di sana hihiram ako sa kanya pangpa opera ng Papa ko. " Sabi ko dito.
" Mysterious si boss di talaga siya nagpapakita or nagpapakilala, Pero di ka ba nagtataka kahit di ka niya nakikita free ang tuition mo sa Isang magandang school at private pa, so ibig sabihin di siya nagpapakita pero may pake siya satin, at lalo na sayo. At nung may nambastos sayo dahil gusto kung eh table nung bago ka pa lang di ka na niya ginawang waitress di ka rin niya tinanggal ginawa ka lang cashier para di ma expose sa mga guest natin na manyak, kaya ang swerte mo Ara. "
" Swerte nga sana ate , Pero ngayon di ko na alam ang gagawin ko. "
" Isa nalang talaga ang choice mo para maligtas ang Papa mo Ara tanggapin mo na ang offer na isang million, napakalaki nun, sobra sobra yun Ara makakatulong ka sa pamilya mo di lang pang operasyon ang ma solve kundi makakapag simula pa sila, ikaw pwedi ka ng di pumasok sa bar para makapag focus kana sa buhay mo. "
" Ate Beth hindi pwedi na basta basta ko nalang iwanan ang work ko ang laki ng utang na loob ko sa may ari ng bar, at sayo ate kung hindi dahil sa inyo di ako makakapagtapos kunting kembot nalang rarampa na ako
ate at iaabot na sakin ang diploma. "
" kaya nga sobrang proud ako sayo Ara grabe ang dedekasyon mo na makatapos, talagang pinagsabay mo ang pag aaral at trabaho. "
" Wala naman kasi akong choice ate pag di ko ginawa ito kung di ako lumuwas walang mangyayari samin, dahil ang kinikita ng Papa at Mama ko ay kulang pa sa aming mag anak, grabe yung naranasan namin ate, yung kailangan pa manglabada ni Mama para lang kumita kahit kunti, para may pambili ng bigas at sardinas. Ayaw ko ng maulit ulit yun ate, ayaw ko ng kumain yung kapatid ko na asin lang ang ulam. Gusto ko nabibigay ko ang mga pangangaylangan ng kapatid ko, Yung nakakain sila ng maaayos kaya ako nagsisikap para di maulit ulit yun. "
" Huwaran ka talaga Ara, napakabuti mong anak at kapatid. Wala Kang pakialam sa sarili mo, basta nabibigay mo lang sa pamilya mo lahat, halos wala ka na ngang tinitira sa sarili mo, ang tipid mo sa sarili mo pero sa pamilya mo binubuhos mo lahat. "
" Ganon talaga ate salamat sa pagpapatira sakin dito sa apartment mo huh, laking tipid dahil di mo na ako pinapabayad. "
" Ay speaking of that ang tagal ko ng gustong sabihin sayo ito, Pero lagi kung nakakalimutan, alam mo bang free lang ang apartment ko mula nung nag start ka sa bar, di ko alam kasabay siya sa scholarship mo, kasi dapat kuhanan ka ng apartment daw dahil yun ang bilin ni boss eh ayaw mo naman naalala mo, dahil takot ka mag Isa, kaya ito nalang yung nilibre nila. Ang swerte ko nga dahil sayo, tingnan mo ngayon manager na ako ng bar di ba. "
" Kaya nga ate curious ako kung anong itchura ng boss natin dahil sa tagal ko sa bar never ko pa siyang nakita, Sana someday makita at makilala ko siya para personal ko siyang mapasalamatan 1 month na lang ate matatapos na ako, graduation ceremony nalang ang inaantay ko, kaya napaka bless ko. kahit pa may problemang dumating. "
" Ilang araw nalang din at magkikita na kayo ng lalaking magbabayad sayo ng malaki, wag kang matakot, di ka naman papatayin nun, papatayin ka lang sa sarap, Pag natikman mo Ara nako baka ma adik ka at hanap hanapin mo ang sarap. kaya go ka lang para sa pamilya mo. " Sabi nito, biglang nag init ang pisngi ko, naloka ako sa narinig ko.
" Hala namumula ka, hay nako virgin ka nga talaga. " dagdag nito sabay tumawa ng malakas.
" Ate naman eh, " Sabi ko sabay takip ng mukha ko dahil sobra akong nahiya.
" Wag ka ng mahiya, nakaka proud kaya maging virgin. " Sabi pa nito.
" kahit na, kailangan ko pa munang mag Simba para ihingi ng tawad ang gagawin ko, samahan mo ako ate. "
" oh siya sigi maliligo lang ako mag ayos kana para makaalis na tayo maya maya. Di ka naba pupunta sa school? "
" Hindi na ate, wala na akong gagawin dun, mas kailangan kung humingi ng tawad sa gagawin kung ito, at para na din hilingin na sana maging successful ang operation ni Papa. " Sabi ko dito
" Ok ligo na ako, di tayo makakaalis agad ang daldal natin. " tumalikod na ito at pumasok sa banyo, kaya nagpatuyo na ako ng buhok para pag labas niya siya naman ang mag aayos, antayin ko nalang siya.
Alam kung mahirap mamili pero nasa isip ko na nakatatak na pamilya muna bago ang lahat sila ang priority ko, sila ang buhay ko kaya wlang Pag aalinlangan gagawin ko ito kahit pa magbenta ako ng lamang loob ko basta para sa kanila gagawin ko. Ganon ko sila kamahal. Dahil alam kung pag sila ang nasa position ko gagawin din nila ito. Mahal na mahal ko sila higit pa sa buhay ko. Siguro ito na din ang right time para mabasag na ang dapat mabasag. Gosh sabi nga ni ate Beth, ipapabasag ko na ang pokemon ko Pero ok lang atleast may bayad. Ngayon nga lang ako nakarinig na binibili ng Isang milyon ang virginity. Ang mahal nun huh, sa isip isip ko lang.