Mabilis lang naligo si Ate Beth at mabilis lang din itong nag ayos, kaya nakalabas na kami agad ng apartment mag Jeep nalang kami pa Baclaran church.
" Hoy Ara, bat tulala ka diyan kanina ka pa walang imik, kumalma ka nga. Alam mo ikaw pwedi ka pang umatras huh, Pag di kaya talaga kaysa mabaliw ka diyan kakaisip. " Sabi nito sa'kin dahil di ko talaga maiwasang di mag isip.
" Wala na itong atrasan ate kaya nga hihingi na ako ng tawad bago ko ito gawin. "
" ok lang yan wag mo ng masyadong isipin, isipin mo nalang boyfriend mo yung maka 1 night stand mo isang gabi lang naman." pabulong nito sakin, dahil madaming tao sa loob ng jeep.
" Ate wag na nating pag usapan please lalo akong kinakabahan eh. "
" Relax ka lang kasi, alalahanin mo may pasok pa tayo mamaya. " wika nito
" Oo nga pala, bilisan nalng natin Maya pa naman ang pasok natin ate, makakatulog pa tayo mamaya pagka uwi natin ng bahay. " Sabi ko
" Gusto mo ba mag absent ka muna mamaya? " Sabi nito.
" Ay hindi ate papasok ako, di uso sakin ang absent absent na yan. "
" ikaw talaga napaka sipag mo, Pero sayang kasi Cory ka, maya libre nalang kita bago tayo umuwi. "
" Ang bait talaga ng ate ko. "
" Syempre alaga kita ako ang bantay mo, kaya di kita pagugutuman. "
Pagdating namin ng church nag pray kaagad kami at nagtirik ng candle. Napakasarap talaga sa feeling ang mag pray sa loob ng simbahan feeling ko gumaan ang pakiramdam ko pagkapos namin magdasal, pinapa ubaya ko na lahat Kay lord ayaw ko ng ma stress bahala na kung anong mangyayari mamaya. Paglabas namin ng simbahan kumain kami ni ate gaya ng pangako niya siya talaga ang nanlibre, malaki kasi ang kita nito sa mga tip. Di ko alam kasi bat ganon ang mga guest sakin bakit gusto nila akong eh table madami namang babae ang pwedi, di tuloy ako nag s-serve sa guest laki pa naman ng mga personal tip. Ako nakatago lang sa cashier area bawal ma expose kasi baka may mag away na naman.
" Ang sarap talaga pag libre ate, thank you alam mong di ako kumakain Pag mag isa lang sa mga ganito dahil ayaw kung gumastos. kung gagastos man ako papadala ko nalang kila Mama,. "
" Kaya ang payat mo, tinitipid mo ang sarili mo. Sabagay sexy ka pala di ka payat, Pero minsan eh treat mo din yung sarili mo lalo na Pag naka graduate kana huh, kahit paminsan minsan lang. " wika nito
" Sigi ate yan ang new year resolution ko, ang gumastos kahit pa kunti Kunti para sa sarili ko. "
" Very good, nag w-work ka ng bonggang bongga kaya kahit na minsan bigyan mo ng reward yang sarili mo. " dagdag pa nito.
" Soon ate, siguro sa graduation ko ate, ikaw nalang umakyat sakin huh samahan mo ako, alam ko naman di pwedi sila Mama kasi ang layo tapos may sakit pa ang Papa ko. talagang timing ate no? " Sabi ko
" Pagsubok lang yan Ara, wag mong masyadong dibdibin, ang laki pa naman ng dibdib mo kaya kalma ka lang. " sabay tumawa ito sa kalokohan niya.
" Maliit lang ito ate. "
" Ay maliit yan, eh pano na yung Sakin, monggo nalang ito. " natawa na rin ako sa kabaliwan nito.
" kaya gusto Kang eh one night stand eh, solid ang. 1m sayo be. " pagkasabi nito ay namula na nag init na naman ang mukha ko.
" Nako nako masanay kana ilang araw nalang , mag handa kana, may binili akong isang set ng undies sayo, Yun ang isuot mo huh, nako mababaliw talaga yun kung sino man siya. " dagdag pa nito
" Ate nasa labas tayo baka marinig tayo ng iba."
" Nako Ara tingnan mo nga naka fitted shirt ka lang at jeans Pero yung mga mata ng mga lalaki luwa sayo, iba talaga yang kamandag mong bata ka, wag mo silang pansinin hayaan mo kung marinig tayo, naglalaway na nga sila oh, kahit may jowang kasama nako pasimpling sulyap. " Sabi nito
" Ate bilisan na natin alis na tayo. "
" Taga bundok ka talaga napaka mahiyain mo kung ako yan, rarampa pa ako sa harapan nila, patutuluin ko pa ang mga laway nila, kung ganyan ang alindog ko kaso
nagkulang. " Sabi nito sabay tawa ng malakas. ganito talaga magsalita si ate Beth maingay at di nahihiya, basta kung anong gusto niyang sabihin sinasabi niya, Sabi nga nila walang ka filter filter ito. kaya minsan napapa away sa bar, ako nalang laging taga awat.
" Ate Beth ano na tara na umuwi na tayo may pasok pa tayo mamaya. "
" Sigi na nga. " Sabi pa nito.
" Ate may tanong lang ako San mo ba nakilala yung lalaking magbabayad ng malaki para sakin? "
" Sa pinapasukan natin minsan pumupunta yun doon. "
" Baka naman kunwari lang Yun na mayaman tas di naman pala, pano nalang pag di ako binayaran, Tas matanda pa ate. Nako talaga. " Sabi ko
" Sigi mamaya magtatanong ako kung talaga bang mayaman yun, baka kunwari lang yun, yari kailangan mo pa naman ng pera. "
" Akala ko naman ate sure na tapos baka pag binayaran tayo ng cheque tumalbog pa. tapos nasuko ko na, ano nalang gagawin natin Pag ganon. "
" Ang Sabi kasi nila bilyonaryo daw yun. pero sigi eh sure natin yan, walang may alam sa mangyayari tayo lang dalawa tsaka yung assistant ng bilyonaryo. "
" Akala ko siya mismo ang nakausap mo Ate nako patay na. Pwedi ko kayang makausap yung right hand ni Boss ate manghihiram ako baka sakaling payagan ako, hulog hulugan ko nalang sana. "
" Sigi try kung kausapin mamaya. "
" Sana pumayag ate na pahiramin ako malaki naman ang kita ng bar gabi gabi. Sana pagbigyan ako. "
" Tiwala lang para di mabenta yang pinaka iningatan mo, nako bigla akong nangamba baka lokohin tayo. "