Kanina ko pa hinahanap si bakla para sabihin sa kanya ang balita ko, ng matapos kasing magpaklala si Xander ay lumabas na siya at umalis ganon nadin si Sir lopez ng maglunch na ay hinahanap ko ngayon si Ryan.
Kaya naisipan kong baka nasa basketball court na naman yun, bweist talaga tong baklang to!
Naisipan ko nalang kumain, bahala na yung baklang yun ang kailangan ko ngayon ang magplano kung pano ko iiwasan si Xander.Habang kumakain ako ay may napansin akong nakatayo sa harap ko.
"Mukang gutom na gutom ka ahh?"
"Ayy ikaw pala Adrian,"
"Pwedeng maki-upo?"
"Oo naman, upo ka" ani ko at tinuro ang upuang nasa harap ko.Ng makaupo siya ay wala lang siyang ibang ginawa kundi titigan ako habang kumakain kaya nailang ako.
"Ayy nailang ka? sorry," ani niya pero ngiti lang ang ganti ko sa kanya at niligpit ang pinagkainan ko.
"Althea totoo yung sinabi ko kahapon," ani niya kaya natigilin ako.
"Adrian nanliligaw kaba?" tanong ko.
"Oo ganon na nga," sagot niya.
"Ahhh pwedeng bang hindi ko muna sagutin yan tanong mo?" ani ko.
"Okay, maghihintay ako," ani niya at akma sanang aalis.
"Adrian, bakit palagi ka nalang nagprapractice?" tanong ko.Curious din kasi ako kasi di ko pa siya nakitang pumasok sa mga room at nakikita ko lang siya paglunch.
"Kasi yung guro namin malelate lang siya ng kunti pero baka bukas andun na siya at unknown padin naman yung teacher namin, at saka schoolmate lang naman kita, nakita mo yung unang classroom sa third floor? dun yung classroom ko at dun kalang naman sa pangatlong room diba? at kung nagtataka ka kung bakit nandito ako kasi may practice kami araw- araw" paliwanag niya. Tumango-tango lang ako.
"Adrian nakita moba si Ryan?" tanong ko.
"Hindi ehh, mauna na ako sayo Althea" paalam niya at kinawayan pa ako.
Ng maiwan ako ay biglang tumunog ang bell hudyat na mag sisimula na ang afternoon class namin kaya pumasok na ako sa room at naabutan kung nag-iisa dun si Jayzam este si Sir Guiterrez agad siyang napalingon saakin.
"Miss Gonzales andyan kana pala," ani niya.
Simula ng nalaman kung teacher ko siya mas lalo akong nahuhulog sa kanya kaso natatakot din ako.May maamo siyang mukha nasa likod nito ay isang halimaw grabi siya kaistrikto.
"Good afternoon Sir," bati ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.Woww ang kapal siya pa yung nagopen convo tas siya pa yung may tapang na ganonin ako? Sarap batukan!
"Bat nakatunganga ka diyan? Go back to your seat!" mahinahon niyang sabi pero mas umaibabaw talaga sa kanya ang kanyang kasungitan.Kaya umupo na agad ako sa upuan ko.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na din ang klase namin natapos ng magklase si Maam Lyn at si Sir Guiterrez.
Agad kong naalala si Danica kailangan ko pa pala siyang sunduin ng lumabas ako sa room ko ay nakita ko si Adrian na nag-aabang.
"Nagmamadali ka ata?
"Nakita mo si Ryan?"
"Andun sa may hagdanan, Althea dimo sinagot ang tanong ko"
"Alin dun?"
"Ang sabi ko, bakit nagmamadali ka?"
"May susunduin pa kasi kami" sagot ko at dali-daling pumunta sa hagdanan at hinila si Ryan nakasunod lang saamin si Adrian at nakita ko ang taxi ng tito namin kaya agad kong nilingon si Adrian.
"Mauna na kami, bukas nalang ulit,Bye" ani ko at kinawayan siya pagkapasok ko sa taxi ay lumingon saamin si Tito.
"Kaninong manliligaw yun?" tanong ni Tito.
"Tito iniisip mo bang may manliligaw saakin ganun kagwapo, ehh bakla naman ako?" ani ni Ryan agad na nilipat ni Tito ang tingin niya saakin.
"Ohh ano?" tanong ko.
"Manliligaw mo yun?" tanong ni Tito.
"Hayst tito umalis na nga tayo,baka mahuli pa tayo" saway ko sa kanya ngunit tumawa lang siya bago binalik ang tingin niya sa harapan.
"Dalaga na talaga ang pamangkin ko, haystt" ani niya bago hinarorot ang sasakyan.
Masyado kaming natagalan papunta sa school nila ni Danica malapit lang naman kaso traffic ehh, pero ilang minuto lang ay nakarating nadin kami nakita ko si Danica nakaupo sa may guard house habang kumakaway sa isang batang lalaki.
"Danica tara na" ani ko sa kanya.
"Ate tingnan mo yun, Crush ko yun" ani niya at tinuro ang batang lalaki na pumasok sa isang kotse at may kasama siyang isang lalaki ng pumunta ang lalaki sa may Driver seat ay kitang kita ko kung sino ito.
"Jayzam?" napakunot noo ako.
Bakit kasama niya ang batang yun? Pamangkin niya ba? or else.Shittt hindi pwede to! May anak si Sir Guiterrez??