Chapter 3: First Love never Dies

993 Words
"Ang lalim ata ng iniisip mo? May problema ba?" tanong saakin ni Mama.Kanina pa ako walang imik, hindi parin ako makapaniwala na teacher ko si Jayzam. "Wala ma, masakit lang talaga ang ulo ko," "Masakit ulo o masakit puso?" singit ni bakla, tiningnan ko naman siya ng masama.Bwesit talaga tong baklang to ang bibig hindi matikom. "Bakit naman sasakit ang puso ng kapatid mo?" tanong ni Mama. "Pano ba naman, teacher niya yung crush niyang 19" halos umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa sinabi niya, Shutaa. "Anong connect?" tanong ni Mama. Bakit mukang interesado siya? "Ma dika ba nainlove?" tanong ni bakla. "Syempre nainlove, ehh kung hindi di sana wala kayo ngayon, pero bakit ba? bakit sasakit ang puso niya?" Mama talaga. Hindi ako umiimik sa usapan nila. "Kasi naman Ma diba pag pagod tayo sumasakit ang katawan natin, ehh siya sumakit puso niya dahil pagod ito kakadug-dug" patawang sabi ni Ryan tumawa naman si Mama bago siya hinampas ng diyaryo. "Puro ka talaga kalokohan, o siya si Danica kunin mo nga yung batang yun yung mama niya tulog pa pakainin mo dito yung batang yun." utos ni Mama sa kanya patawa naman umalis si Ryan habang ako nakatitig lang sa gatas na hinahalo ko. "Althea okay lang yan, ganyan din yung naramdaman ko ng makilala ko Papa mo" nakuha niyang ang atensyon ko ng sabihin niya yun. " Di ako mapakali nun at hindi makatulog tas nung inamin ko sa papa mong may gusto ako sa kanya hindi niya ako sinagot bagkus ay umalis siya pero nung kunabukasan nun ay nagising ako dahil may parang kumakanta sa labas at pagdungaw ko ay ang papa mismo yun ng haharana kasama ng mga kaibigan niya.Alam mo ba bakit ko siya nagustuhan ang Papa ang klase ng lalaking di mahirap mahalin isa siyang matipuno,gentleman,gwapo at mabait na lalaki boto lahat ng pamilya ko sa kanya kaya nun nanligaw siya ay sinagot ko kaagad siya kaya ito lang ang maipapayo ko sayo anak, di mo kailangan maghintay na sabihan niya mismo sayo na gusto karin niya hindi sa lahat ng panahon lalaki ang unang gagawa ng kilos, kaya anak sabihin mona kaagad sa kanya na gusto mo siya baka ganon din ang nararamdaman niya para sayo" Paliwanag ni Mama kaya mapait ko siyang nginitian. "Ma may punto ka pero magkaiba tayo, magkaibigan kayo ni Papa diba? pero kami malabong magkaibigan dahil Teacher ko siya at isa pa di niya alam na nag-eexist ako sa mundong to di niya alam na may Althea nagmamahal sa kanya ng patago kaya malabong ganon din ang nararamdaman niya." ani ko. Tinabihan niya ako at hinimas-himas ang buhok ko. "Ganon ba? Alam mo anak di naman kailangan magmadali sa mga ganyan, mag-antay kalang kung di siya para sayo, baka may darating pang dapat para talaga sayo!" ani niya at hinalikan ang aking buhok. "Ano ba dali kana ditong bata ka yung mama natutulog pa tas ikaw ang ingay-ingay mo?" rinig naming sabi ni bakla nilingon namin sila ng makita namin na si Danica ay tumatakbo papalapit saakin at ng makalapit na siya ay bigla siyang yumakap sa tiyan ko. "Ate ohh si Bakla tinatakot ako," ani niya natawa naman kami. " Bakit ka naman natatakot sa kanya ang bait kaya ng kuya Ryan mo" ani ni Mama. "Pangit niya kasi-" halos sumakit ang tyan namin kakatawa dahil sa sinabi totoo naman ehh pangit si Bakla hahahah. "Ano? ikawng bata ka wag kang lalapit saaakin at manghingi ng piso haaa!" sigaw ni Ryan. "Okay lang, nandito naman si Ate ehhh," pambabara ni Danica sa kanya kaya mas lalo pa kaming tumawa, nakita ko naman ang paglabas ni Ate Ely.Asawa ng Tito ko, mama ni Danica. "Ohh gising kana pala kumain kana dito Ely." ani ni Mama. "Salamat Ate, nga pala Ate libre ba si Ryan o si Althea?ipapasundo ko kasi si Danica ehhh sabi ng kaibigan ko na madami daw kaming customer ngayon so matatagalan akong makauwi" paliwanag ni Ate Ely. "Ahh ako na ang susundo nga pala Mama sasakay na kami ni Ryan kay Tito ahh tas paguwian nanamin ako nalang susundo kay Danica sasabihan ko nalang si Tito" ani ko. "Salamat Althea haa?" ani ni Ate Ely. Pero nginitian ko lang siya. "Ahahah wala lang yun" ani ko. Ng matapos na kaming kumain ay nagpaalam na kami nila Mama at Ate Ely tas umalis na, pagkarating namin sa skwelahan parang kinakabahan ako. Natapos na ang klase ni Sir Guiterrez at naghanda naman kami sa klase ni Sir Lopez pero nakakapagtaka lang ay may kasama siyang nakashade hindi ko alam kung bakit napakalas ng t***k ng puso ko daig ko pa yung pagdugdug ng tambol may kakaiba talaga dito ehh at yung lalaking nakashade,he looks familliar sabi ng puso ko pero yung utak ko na loaloading ehh pinagtataka ko bakit siya kilala ng puso ko ehh hindi naman siya kilala ng utak ko? "Okay, mukang interesado kayo sa kasama ko ngayon ha?" pangunguna ni Sir Lopez."Class kailangan kong magresign dahil ang asawa ko ay may malubhang sakit kaya kahapon palang ay nakahanap na ako ng ipapalit pero babalik din naman ako kapag gumaling na ang asawa ko, at ang tinutukoy kong papalit muna saakin ay itong lalaking nasa harapan ko." paliwanag niya biglang tinanggal ng lalaki ang shade niya at ngumiti halos mailuwa ko ang mga mata ko at halos lumabas ang kaluluwa ko dahil hindi makapaniwalang- "Hi Im Xander VAlencia ako muna ang papalit sa guro niyong si Sir Lopez," Xander Valencia, yan lang naman ang pangalan na kinamumuhian ko ng husto. Siya yung lalaking unang minahal ko na minahal din ako inshorts siya yung First love ko pero diko inaakalang magiging guro ko siya at lalong lalo na hindi ko gustong mangyari ito pero wala tayong magagawa kundi tanggapin. Mapaglaro talaga si tadhana, First love never dies.Kaya pano nato?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD