Chapter 2: Dream or Real?

1194 Words
"s**t Ryan alam mo bang nalaman ko?" hindi mapakaling tanong ko sa bakla.Natapos ang unang klase namin ng hindi ako mapakali napaka-awkward lang kasi na teacher mo yung crush mo. "Sabihin mo kasi ng malaman ko!Kanina kapa ehhh! nabwebwesit na ako sayo!" nakataas ang kilay niya ng sabihin niya yun baka wala siya mood kaya nagkakaganyan siya.Nandito kami ngayun sa canteen kumakain ng lunch. "Diba kaninang umaga pinag-usapan natin yung ex ko at crush ko?" pangunguna ko sa kanya. "Then?" tanong niya at humihigop ng sabaw. "Teacher ko si Jayzam Gui-" diko natapos ang sasabihin ko ng bugahan niya ako ng sabaw. "HolyShhit? Seryoso?" Halos hindi makapaniwalang tanong niya. "Wow kung makareact ka! Bakit ikakamatay mo kung andito siya? Bwesit ka! Binugahan mo pa ako ng sabaw, ano ng susuotin ko ngayon?" irita kong sabi bago tumayo at pinupunasan ang bahaging nabasa. "Ikaw naman kasi ng gugulat! Sinabi mo pa talaga yun habang hinihigop ko yung sabaw!Kasalanan ko bang nagulat ako?" depensa niya. Wala na akong nagawa kundi iwan siya at pumunta sa cr habang nakayuko at nakatingin sa basa kong uniform, habang naglalakad ako papunta sa cr pinupunasan ko ang uniform ko ng may nabangga akong matigas na bagay ng lingonin ko ito, di pala bagay tao pala nabangga ko isang matikas at makisig na lalaki na nakatitig saakin ng masama. "Im sorry, diko sinasadya" ani ko bago yumuko ngunit imbes na magalit siya ay inangat niya lang ang ulo ko at nginitian ako nakaramdam naman ako ng kiliti sa katawan ko. "It's okay, uhmm bakit basa ang uniform mo?" tanong niya.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang inasal niya dapat lang na magalit siya pero hindi ehhh. "Nabugahan kasi ako ng sabaw dun sa may canteen kaya ito papunta ako sa cr." paliwanag ko sa kanya at ginantihan siya ng ngiti. "Ahh Adrian Torres nga pala, and you?" "Uhm Im Althea Gonzales, nice to meet you!" nilahad ko ang kamay ko ngunit imbes na magshakehands kaming dalawa ay kinuha niya lang ito bago hinalikan. "It's my pleasure!" ani niya bago binitawan ang kamay ko."See you later!" dagdag niya bago tumakbo at kumakaway-kaway.Napaisip naman ako 'Later?' so magkikita pa kami? Napiling namn ako sa inisip ko. Ng matapos na ang lunch namin at klase ay dali-dali kong hinanap si Ryan tinext ko pa nga siya ngunit di man lang nagrereply. Naisipan kong pumunta muna sa court para manood ng mga naglalaro boring ng first day ko ehhh nagpakilala lang kami sa harap tas explain ng explain si Sir Guiterrez ngunit nakatitig lang naman ako sa kanya kaya wala akong masyadong naintindihan tas si Sir Lopez naman ay ganon din ang ginawa at yung ibang techer pa. Ng makapunta ako sa basketball court ay nakita ko si Ryan na may kasamang mga babae at naghihiyawan.Kaya nilapitan ko sila. "Hoy Bakla! ?Kanina pa ako ikot ng ikot dito lang pala kita matatagpuan! Umuwi na tayo para matulungan natin si Mama!" bulyaw ko sa kanya. "Sister mo?" tanong nung isa niyang kasama. "Yes,girls sya nga pala si Althea!" pagpapakilala saakin ni Ryan. "Hi Im Rose, siya naman si Cassie at siya naman si Sophia!" pagpakilala ni Rose si Cassie pala yung nagtanong kanina kung kapatid ba ako ni Ryan. "Ahhh Nice to meet you! Ryan uwi na tayo!" aya ko sa bakla. "Siss naman ehh manood muna tayo sa practice nila ohhh!" paturo niya sa mga lalaking nagprapratice ngunit napadako ang tingin ko sa pamilyar na lalaki lumingon ito saakin kaya nagtagpo ang mga mata namin. "Hoyy type mo yun?" tanong ni Ryan ngunit iniripan ko lang siya at nilingon muli si Adrian, Yes si Adrian na nakabangga ko kanina at yung Adrian na hinalikan ang kamay ko naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi at ng buong katawan ko ng maalala ko yung ginawa niya kanina. "Hoy bakla! Crush mo yun? Bakit parang namumula ka?" tanong ulit ni Ryan. "Ano ba!? Hindi noh! Tumahimik ka nga diyan!" Bulyaw ko sa kanya ngunit tumawa lang ito pati na yung kasama niyang mga babae. Ng nagbreak ay lumapit saakin si Adrian kaya diko mapigilang di mapakali. "Heyy nice to see you again" nilingon ko siya at nginitian kinurot ko pa yung likuran ko para mapigilan ang isang nakakahiyang hagikhik na papalabasin ng bunganga ko. "Nagkita na kayo?" tanong ni Sophia. "Malamang sa alamang kaya nga again di'ba?" sabi naman ni Rose. " Uyy ang gwapo mo naman!" puri ni Ryan. Lahat naman sayo mga gwapo ehhh! Napakamot lang sa ulo si Adrian at nginitian si Ryan. "Hahaha bakit pwede na bang ipares sa napakagandang babaeng nasa harapan ko?" Nabigla naman kaming lahat sa sinabi niya kaya lalo ko pang kinurot ang likuran ko para pigilan ang sarili ko. Habang sila ay napaawang ang mga bibig.Tumayo naman ako at hinarap sila sophia,ryan,rose at cassie. "Guys nagbibiro lang siya kaya wag niyong ser-" diko natapos ang sasabihin ko ng sumingit nanaman siya sa pagsasalita ko. " Im not joking" seryosong sabi niya. Bigla namang tumunog ang phone ko kaya dali dali ko itong sinagot at hindi man lang hinarap si Adrian nanatili parin akong nakatayo sa harap nilang apat at si Adrian ay nasa likuran ko. "Hello. "Opo Mama. "Pauwi na din kami. "Sige bye. Ng matapos kaming mag-usap ni Mama ay nginitian kolang ang tatlong babae bago hinila si Ryan. "Ay girls kailangan na talaga naming umuwi bukas nalang ha? Tara na Ryan." aya ko sa kanya. " Bye Girls!" paalam ni Ryan sa kanila. Nilingon namin sabay si Adrian pagkalingon ko sa kanya ay nakatitig lang ito saakin at seryosong-seryoso. "Adrian mauna na kami!" paalam ko sa kanya. "Take care" malamig niyang sabi bago tumakbo ulit papunta sa mga kateam niya. Habang nakasakay kami sa taxi ay hindi ko mapigilang mapailing sa mga iniisip ko, kanina lang ay napag-alaman kung teacher ko yung 4 years ko ng crush at ngayon may nagkakagusto saakin? Gosh baka panaginip lang ang lahat ng ito? "Ryan kurutin mo nga ako!" utos ko sa bakla na kanina pacelpon ng celpon. "At ano nanaman ang trip mo?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay. "Basta biisan muna!" bulyaw ko sa kanya hindi na kami mahihiya kasi kapatid ni Mama ang driver ng taxi'ng sinasakyan namin. Napadaing naman ako ng kurutin niya ang tagiliran ko ng pagkalakas-lakas kaya hinampas ko siya noo. "Ano ba? bat mo nilakasan?" galit kong sigaw sa kanya sabay hampas sa noo niya. "Tang ina mo ikaw may sabi diba? Sakit ng noo ko!" sigaw niya saakin at hawak-hawak ang noo niya. "Oiii ano bayan nag-aaway nanaman kayo?" tanong ni Tito Joey. Ngunit walang sumagot saamin nakarating na kami sa bahay at kumain na bago naligo at pumasok sa kwarto namin ni bakla sa bahay namin may tatlong kwarto sa isang kwarto ay kaming dalawa ni bakla, sa isa naman si Mama at sa huli ay si Tito at ang asawa niya kasama ang isa nilang anak na babae. Kung hindi panaginip to? Baka sumpa or else totoo talaga to mapaglaro pala talaga si tadhana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD