***
Agad naman akong lumapit sa kanya. Sumunod naman sa akin si Callisto, nagtataka kung bakit ako tumakbo.
"Nick?"
May suot siyang earphone, mukhang di ako naririnig. Kinalabit ko siya.
"Hoy Nick."
Inalis niya ang suot na earphone at lumingon sa akin.
"Bakit di ka pa umuuwi? Anong oras na ah?" Nick then looked at his watch.
"It's 6:32 pm," seryosong sabi niya kaya naman binatukan ko siya.
"Aray! Bakit mo ako binatukan." masungit na atungal niya.
"Kasi trip ko lang, ano nga, anong ginagawa mo dito? May inaantay ka? Sino?" takang sunod na suno na tanong ko naman saka lumingon lingon sa paligid.
But he only mumbled something na hindi ko narinig saka lumingon sa likuran ko.
"May kasama ka?" takang tanong niya habang nakatingin sa akin.
Hindi ako agad nakapagsalita dahil lumapit bigla si Callisto.
"Hi, I'm Callisto Perez." Callisto extends his hand.
"Hindi kita tinanong." masungit na reply niya.
"Hoy, ang sungit mo naman." sita ko naman kay Nick.
"Tsk." tinarayan siya ni Nick.
Kalalaking tao, hilig manaray
By the way, he's Nick Bonifacio, 16 yrs old, my childhood friend. Magkapit bahay lang kami noong bata pa kami pero lumipat na kami ng bahay dahil sa isang pangyayari.
"Bakit kayo magkasama?" taka niyang tanong.
"Ah.. kase.. sa-sabay kami uuwi?" di ko sure na sagot ko at ilang na tumingin kay Callisto, tinanguan niya naman ako.
"Eh ikaw? Bakit di ka pa umuuwi?" takang tanong ko ulit sa kanya.
"Eto na uuwi na." tiningnan niya ng masama si Callisto saka siya mabilis na naglakad papalayo.
"Teka, teka huy! Teka." Malakas na sigaw ko sa kanya pero di niya na ako pinansin.
"Problema nun." Mahinang bulong ko.
Sabay na sana dapat din kami uuwi.
"Maybe he doesn't like me." singit ni Callisto.
"Huh? Bakit naman." taka kong tanong habang nakatingin pa rin sa papalayong likuran ni Nick.
"Hmm. Bakit kaya." then he looked at me meaningfully as he shrugged his shoulder.
I just shrugged at him also saka nagpatuloy sa paglakad.
"Taga saan ka?" tanong ni Callisto.
"Malapit lang, dyan lang. Sa may pangatlong kanto." turo ko.
"Hmm, malapit nga lang." tango niyang sabi.
"Ikaw ba?" tanong ko naman.
"Malayo pa ako. Kailangan ko pang sumakay ng jeep."
"Ahh.. malayo nga." tango ko at..
*Silence*
Ang awkward!! Ang tahimik!! I can't stand it!!!
Sa ganitong sitwasyon ko namimiss ang kaingayan ni Rachel. I sighed.
May nadaanan naman kaming tindahan malapit sa amin.
Yan yung store na pinagbibilhan ko ng gummy worm!!!!
Gusto kung bumili...
Pero anong sasabihin ko??? (ꏿ﹏ꏿ;)
"Teka." huminto siya sa paglakad.
Huminga naman ako ng malalim. Naghahanda na nga ako magsalita eh inunahan pa niya ako.
I was just going to ask him why we stopped but he's already at that store that I was talking about.
Pagkatapos nun, mabilis siyang lumapit sa akin.
"Eto." he offered a pack of gummy worms.
I was just hesitating to accept it but he gently pulled my palm then put the pack of gummy worms and closed it.
Naiilang naman akong tumingin sa kanya.
He then smiled at me and patted my head.
"Go home, una na ako. Bye." nagwave siya ng mabilis at tumakbo papalayo.
And then I just stood there staring at his back slowly fading away, speechless...
***
Pumasok ako ng bahay at agad na inalis ang aking sapatos.
"Good evening po." Bati ko may Mama at Papa na kumakain sa table at lumapit sa kanila para magmano.
"Oh bakit ngayon ka lang?" tanong ni Papa.
"Nagseminar po kami. Eto po oh." Nilabas ko naman yung phone ko at pinakita ang picture ko sa seminar.
"Ah okay, sige kumain ka na." sabi ni Mama.
"Sige po mamaya, bababa po ako."
Pumasok ako sa aking kwarto at agad na tumalon sa kama at tinakpan ang aking mukha saka tumili ng mahina.
What just happened!!! What just happened!!!
Bumangon ako upang icharge ang aking phone at napatitig sa gummy worms na hawak ko.
Binuksan ko ito at sinimulang kainin habang hindi naman ako mahinto sa kakangiti.
Nahihibang ka na Eunice.
Maya maya lang ay napabangon ako at napalingon sa aking phone.
*ting* (messenger tone)
Callisto: Look at your expression! Hahaha?
Agad ko namang tiningnan ang picture at sinuri ito.
I looked like this ☞ (°o°)
Bakit ganyan itsura ko!!!
“Ang panget ko diyan.”:
Callisto: “Hindi ah.”
Nagulat naman ako sa mabilis niyang reply.
Hmm. Anong irereply ko?
“Btw, salamat sa gummy worms :))”:
Callisto: “Wala yun, I just give back what you gave to me earlier."
“Isang piraso lang naman binigay ko sayo e”?:
Callisto: “Well, that's how I pay back.”
“Thanks for the sweet payback(。•̀ᴗ-)✧”:
I froze. Teka!!! why did I add 'sweet'?! and what's with that emoticon!! Tinakpan ko ang mukha ko saka walang malay na binato ang cellphone ko.
Shame on me!
*ting*
Aligaga ko namang hinanap ang phone ko.
Callisto: “Sweet??”
Napatampal naman ako ng noo.
Agad naman akong nagtype at dahan dahang sinend ito.
“I mean kasi ang sweet ng gummy worms? Hehe”:
AHHHHH!! Anong klaseng reply yun?!(༎ຶ ෴ ༎ຶ)
Callisto: “?? you're really funny”
Napahinto naman ako sa pagtatype.
Callisto: “And weird”
“I'm not a clown ಠ_ಠ”:
Callisto: “It suited you??”
“I'm not weird!!!”:
Nanlaki mata ko sa reply niya. Bwisit talaga to oh!!! I was just about to type something aggressively when he replied again.
Callisto: “A weird pretty clown, I mean hahahahha.”
What-- Ano ba tong ginagawa niya? Namumuri o nang-iinsulto? Napatampal naman ako ng noo.
“Pero clown pa rin yun, ang malala, weird pa!”:
Callisto: “At least it's pretty.”
“Ha? did u even met a weird pretty clown? Anong itsura ha?”:
Callisto: “Yes.”
Napakunot naman ako ng noo, seryoso ba siya?
Callisto: “Ikaw???? Hahaha.”
Bwisit!
“???”:
Callisto: “Joke lang, chill.”
“Goodnight then,”:
Callisto: “Okay, See u tomorrow”
And why would I see you?
Mahilig mang-asar, minus points!!!!!!
Inikot ko ang mata ko saka humiga sa kama.
Hinawakan ko ang dibdib ko saka ko ipinikit ang aking mata. Agad naman akong bumaba upang kumain saka naligo at natulog.
Can't wait to wake up...
***
August 07, 2018
Next Morning.
Bwisit!!! Late na ako!!!
Agad akong napatayo ng makitang malilate na ako.
Pumunta ako sa banyo upang maligo, agad naman akong nagbihis at bumaba.
Sinuot ko agad ang aking sapatos at mabilis na tumakbo palabas.
Tumingin naman ako sa aking orasan.
6:04 am..
Shet!!
Hingal na hingal naman akong nakarating sa gate.
I looked at my watch again.
6:11 am
Nice! Umabot pa ako.
6:15 am kasi nagsasara itong gate. Agad naman akong napayuko at napahawak sa tuhod ko.
Nagugutom ako..
"Late ka?"
Hindi ba halata? Bwisit!
Inangat ko ang aking ulo at nagtama ang aming mata habang nakaharang ang buhok ko sa mukha ko.
Callisto?
May hawak siyang kape.
"Kaya pala hindi kita nakita sa room mo.." tango tango pa niyang sabi as he sips his coffee.
Nauuhaw ako!
Agad naman akong napatayo.
"Siguradong hindi ka kumain ng agahan." sabi niya habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Tiningnan ko lang siya ng may pagtataka habang sapo sapo pa rin ang dibdib ko sa hingal.
Teka it's already late, bakit pa siya nandito?
"Teka." agad naman siyang tumakbo papunta sa canteen.
Napahinga naman ako ng malalim at umupo.
Late na rin naman na ako, pahinga lang ako saglet. Sulitin ko na.
Nilabas ko ang phone ko at nagulat ako ng makita ko ang reflection ko.
Ang g**o ng buhok ko!!!! Walang suklay!! Para akong bruha!! Bwisit.
I quickly fix my hair using my fingers pero dahil hindi ako nakapagsuklay, nagkabuhol buhol lang.
"Oh." napalingon naman ako kay Callisto sa nilapag niyang tinapay at water bottle habang inaayos ko ang buhok ko.
"Wait, magkano." I was about to pick my wallet pero pinigilan niya ako.
"No, it's okay. Instead, I have a favor." taka ko naman siyang nilingon.
But his eyes got distracted with my hair.
He chuckled. Pinasok niya ang kamay niya sa bulsa at may nilabas na maliit na suklay.
What the-- buti pa siya may suklay?
"Kalalaki mong tao pero may suklay ka." mahinang bulong ko pero mukhang narinig niya.
"Eh ikaw, kababae mong tao pero wala kang suklay, tingnan mo nga yang buhok mo." natatawa niyang sabi pero natahimik na lang ako dahil tama naman siya. Bwisit na yan.
"Ako na." mabilis siyang pumunta sa likuran ko.
"T-teka" pigil ko sa kanya pero hinawakan niya na ang buhok ko.
"Meron ka bang pantali?"
"Ah, oo." mabilis na napaabot na lamang ako ng hair tie sa kanya.
"Pwede ba kitang suklayin?" napatango na lang ako.
Makakatanggi pa ba ako, eh hinawakan mo na?
Dahan dahan niyang sinuklay ang buhok ko at tinali ito. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng t***k nito at sa kakaibang kiliti na nararamdaman ko sa tyan ko.
Ano ba tong nararamdaman ko?
"Kausapin mo si Kath mamayang lunch." he finished at pumunta siya sa aking harapan.
"Comfort her." He smiled and then patted my head again as he walked away papunta sa direction ng room niya.
***
Agad ko namang kinagatan ang aking tinapay saka mabilis na pumunta sa room.
Napatingin ako sa relo ko. 6:20 am na.
I went to the back door while looking at the front.
Buti naman at abala ang guro sa pag-aayos ng gamit niya.
Agad naman akong napansin ni Nick.
Sobrang useful talaga ng pwesto ni Nick.
"Bakit late ka?" He mouthed.
"Bilisan mo" I mouthed also as he slowly open the door para di manotice ng mga classmate at teacher ko.
Nice!!
Dahan dahan akong pumasok at pumunta sa katabi niyang upuan.
My original seat is in the second row but right now, I'm in the back row.
Nilapag ko naman ang bag ko sa upuan at ang hawak kong tinapay at plastic bottle sa desk.
"Bakit ka nga late?" Mahinang bulong pa ni Nick.
"Basta sshhh!" reply ko sa kanya habang nakatingin lang sa harapan and then time passed...
*Bell rings*
Lunch break.
Napaisip naman ako sa sinabi ni Callisto kanina.
May nangyari ba kay Kath?
"Euniceee! Balita sa council?" bungad naman na bati sa akin ni Rachel.
"Huh?" taka kong tanong.
"Anong huh ka dyan. Diba sinabihan mo si Nick na ieexcuse ka na malilate ka dahil tinawag ka ng ssg council? Teka, paano ka nakapasok? Saan ka dumaan? Hindi kita napansin ha."
napalingon ako kay Nick pero kinindatan niya lang ako
Tinaasan ko na lang siya ng kilay at tumawa saka nagthumbs up sa kanya.
Edi dapat sa front door na lang ako pumasok.
"Hulaan mo." Natatawa ko namang sabi kay Rachel.
"Anong hulaan-- Tara na nga." Paghila pa sa akin ni Rachel.
"Ano kayang ulam ngayon..." she mumbled.
"Anong gusto mo?" tanong ni Rachel.
"Kahit ano na lang." Mabilis kong sabi habang tumitingin tingin sa paligid.
Hindi ko makita si Kath.
"Teka Rachel, pupunta ako sa council room, sunod ka na lang sa akin ah?" Paalam ko kay Rachel.
"Oo sige, susunod ako. Mauna ka na." nagtaka naman siya pero tumango na lang siya akin.
Tumango ako sa kanya at pumunta sa council room.
***
Huminga naman ako ng malalim habang nasa tapat ako ng pinto at dahan dahang nangatok.
"Kath?" Mahina kong tawag at hinawakan ang doorknob.
Bukas ito.
Nasa loob siya.
Dahan dahan akong pumasok at nakita siyang nakayuko sa table.
"Kath?" alala ko namang sabi at inangat niya ang paningin niya sa akin.
Nanlaki naman ng mata ko ng makita ko ang namamaga niyang mata at magulo niyang buhok.
Umiiyak ba siya?
"Ano nangyare Kath..." Alala ko namang sabi at mabilis na lumapit sa kanya.
"E-Eunice huhuhuhu" she cried again when I hugged her.
I quietly patted her back.
"E-Eunice.. Do you believe that Jake will cheat on me?" napahinto ako sa kanyang tanong.
Agad kong inalis ang aking yakap at gulat na napalingon sa kanya.
"Bakit? Ano bang nangyari? Niloko ka? Sinaktan ka?" mabilis ko namang tanong sa kanya.
"I-I just.. can't believe it.. Eunice.. I really can't believe it.." mahinang bulong niya at niyakap ulit ako ng mahigpit.
Napatahimik ako saglit habang pinapat ang likod niya kasi I can't seem to say such things right now.
So this is what Callisto means..
"Ang tagal na namin Eunice eh.. We-we're almost 4 years.. Pero bakit ngayon pa? Bakit.. Bakit niya yun ginawa.." bumitaw siya sa akin at napahawak siya sa kanyang mukha.
Kath really loves Jake at saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa.
"Bwisit yung kupal na yun, h-hindi ka niya deserve!" gigil kong sabi saka inabot ang panyong binigay ko.
"Eunice eto na yung order mo! Naku ka, grabe ang haba ng pila! Ang sikip sik--" dire diretsong pasok naman ni Rachel habang may hawak na dalawang plato.
Hindi man lang nag-katok.
Napahinto siya sinabi niya at takang napalingon sa aming dalawa.
Agad naman niyang nilagay ang dalawang plato sa table and immediately went to Kath.
"Anyare te? Bakit ka umiiyak?"
Oh God, ayan na siya.
Ang dakilang chismosa ng school namin. Napailing naman akong natatawa sa pagtitig sa kanya.
She looked like she's worried pero mas lamang ang pagiging uhaw niyan sa impormasyon.
***
Rachel then started interrogated Kath as if she's a reporter.
I want to stop them but I can't because of the way Rachel acts and of course I thought Kath would be uncomfortable but she seems to stop crying now and then started to rant her problems to Rachel. Titig na titig pa si Rachel sa kanya.
Masarap kasing kasama si Rachel, at magiging komportable ka talaga kapag kasama mo siya.
Tumingin ako sa kanila saka inumpisahang kumain.
"Hala?? Weh?!" gulat na gulat pang sabi ni, Rachel, while she's chewing her food. Napaigtad naman ako sa reaksyon niya.
"Yes! That b***h!" gigil namang sabi ni Kath at inagaw ang kutsara ni Rachel saka sumubo ng pagkain.
Taka naman akong napalingon sa kanila, natingin naman si Rachel sa akin.
"His boyfriend cheated on him with Coleen" she mouthed.
"Ha?" gulat kong sabi at napahinto ako sa pagkain.
"Paano mo nalaman?" takang tanong ko naman kay Kath.
"Sinend to sa akin ni Callisto, it was that time. Seminar day, kahapon." Pinakita sa akin ni Kath ang phone niya.
It was Jake hugging and kissing Coleen at her cheeks. Dalawang picture yun.
"Wow ang sweet." walang malay kong sabi.
Kath glared at me I just chuckled and raise a peace sign saka nagpatuloy sumubo.
(◠‿◕)
You would notice if it's just a simple hugging and kissing but in this photo.
Ang sweet nila tingnan.
"Alam na ba ni Jake?" tanong naman ni Rachel.
"No.. I just can't say it to him.. Natatakot ako na baka totoo... na niloloko niya ako.. I-I.. can't bear to know the truth.."
"Tanga."
Nagulat ako ng binatukan ni Rachel si Kath.
"Bakit ikaw matatakot? Dapat siya ang matakot sayo, kasi siya ang nagloko! Atsaka hindi ka pa rin naniniwala eh kitang kita na yung evidence oh!"
Pati din si Kath nagulat sa ginawa ni Rachel sa kanya.
"Yang Jake talaga na yan! I really didn't trust that man since sa umpisa pa lang, sabi ko naman sayo playboy yan eh!" rant pa ni Rachel.
"Remember nung bago pa kayo? That boy tried to hit Eunice too you know!"
"Ako?" gulat ko namang sabi.
Napahawak naman siya saglit sa kanyang bibig na tila hindi niya sinasadyang maglantad ng lihim na hindi dapat ilantad.
Umayos naman siya agad ng upo.
"Oo kaso manhid ka, manhid. Puro ka kasi pag-aaral." dagdag pa ni Rachel.
"Ha? Paano? I didn't notice it at all" taka namang ding tanong ni Kath.
"Malamang jowa ka, di talaga papanotice sayo." sabat pa ni Rachel.
"Alam niyo kasi, malalaman niyo kasi agad kapag tinatry kayong landiin ng isang lalaki. Pero dahil manhid si Eunice, hindi niya napapansin, at yun. Buti na lang tinigil niya." sabi ni Rachel.
Napaisip naman ako sa sinabi niya pero wala akong maalala bukod sa panay send niya ng chat na di ko napansin dati dahil hindi ako babad sa social media at ang pagiging clingy niya na sa tingin ko ay personality niya na yun. Talaga? Yun yon?
"Pero hindi ka naman sigurado diba." dagdag ko pa.
"Oo na, past is past na rin naman. Akala ko nga nagbago na eh." sabi ni. Rachel.
"M-may hinala na rin talaga ako sa kanila ni Coleen, kaso hindi ko lang pinaniniwalaan itong instinct ko." mahinang sabi ni Kath.
Ah.. Kaya pala grabe ang galit niya kay Coleen.
"Alam niyo kayo, talitalino niyo nga. Bobo niyo naman sa pag-ibig." sabat naman ni Rachel.
"Mag-aral ka kasi." sabat ko naman sa kanya.
"Oo!! Pero hindi ngayon hehehe." then she chuckled. Bigla namang napahinto si Rachel.
"Oo nga pala!!! First quarter exam na natin bukas!" naghehysterical na sabi niya.
Nagtaka naman akong tumingin sa kanya.
"Matagal na yan sinabi ah, last 2 weeks pa ata, hindi ka nakapagreview no? Tsaka for sure sinabihan na kayo ng pointers to review kanina."
"Tch! Oo naalala ko kanina at nakalimutan ko ulit! Naalala ko na lang ulit ngayon! Hayy. Mamayang gabi na lang ako magrereview."
"Lahat ng lessons mamayang gabi?"
"Oo, kaya yan!" confident pa niyang sabi.
Natatawa na lang akong napailing sa kanya. Napalingon naman ako kay Kath na di makapaniwalang nakatingin din kay Rachel.
"How will you handle this?" tanong ko kay Kath.
"Ano pa ba? Syempre kakausapin ko siya ngayon." pilit na ngiti na sabi ni Kath.
"Girl, hiwalayan mo na yan." sabi naman ni Rachel habang sinisimot ang pagkain sa plato niya.
"Pero.. hindi kasi ganun kadali yun Rachel. We've been together for almost 4 years. Sa tingin mo ganun kadali lang yun?!" rant ni Kath.
"Oo na oo na hindi madali, sorry naman." nakangusong sabi ni Rachel.
"Bakit kasi ang aga mo nagjowa.." mahinang bulong ko naman pero narinig yun ni Kath at pinandilatan ako ng mata.
"Hehehe joke lang.^_^" napatungo ako bigla.
"Osige balitaan mo na lang kami ah. Halika na nga dito Eunice." hila naman sa akin ni Rachel.
"Don't worry Kath, you're still young pa kaya. Marami ka pang makikilala. Marami pang isda sa dagat! Hindi ka mauubusan okay. You don't deserve him." dagdag ni Rachel. I nodded also bilang pagsang-ayon
"Guys... Thank you." matamis na ngiting sabi ni Kath.
"H'wag kang magpakatanga ah, make the right decision." that was Rachel's last words to Kath and we waved goodbye to her.
***
"Ang kapal talaga ng mukha ng Jake na yun." gigil na sabi ni Rachel habang naglalakad kami sa hallway.
"Kapag nakita ko yung lalaking yun! Naku talaga!" dagdag pa niya.
"Tama na, malilate na tayo." sabi ko pa.
"Ha! Isa pa yang Coleen na yan! Seriously, ilan na ba naging lalaki nun? Ganda lang puhunan ng babaeng yun eh!" rant pa niya.
Tumango tango naman ako.
"Sexy pa." dagdag ko pa.
"Oo nga, ang sexy niya no? Grabe. May lahi kasi." bulong pa ni Rachel sa akin. Tumawa naman ako.
"Kaso malandi!!!" dagdag pa niya at sabay naman kaming tumawa.
*Bell rings*
"Shet, sabi ko sayo malilate na tayo eh." reklamo ko kay Rachel.
Tatakbo na sana ako ng pinigilan niya ako.
"Wait."
"Gummy worms." napatingin naman ako sa kanya.
"Deal."
"Deal."
"Game!"
Mabilis naman kaming tumakbo at agad ko naman siyang naunahan.
I looked at my back while still running then I teased her.
"Haha. Bakit ang bagal m--"
"Wait lingon!" pigil ni Rachel sa akin but it's too late.
Dahil nabangga ko na siya.
"f**k!" malakas na sigaw niya.
"Ow.. Hala sorry." taranta kong sabi habang nakatingin sa natapong milk tea sa kanyang uniform.
I'm screwed!!!
"Coleen! Bat ang tagal mo, malilate na tayo. Oh-- what the hell!" malakas namang sigaw ni, Althea. Isa sa kaibigan ni Coleen.
"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa daan?!" maarteng malakas pa na sigaw sa akin ni Coleen.
"S-sorry sorry.." taranta kong sabi at naglabas ng panyo para punasan ang kanyang damit but she slaps my hand.
Nagulat naman akong napatingin sa kanya.
Bwisit! Naiiyak ako.
"I'm sorry? Do you think your sorry will fix this?" galit pa niyang sabi.
"Excuse me, I know we're wrong dahil nabangga ka niya. But it doesn't mean na sisigawan mo na siya. Nagsosorry na nga yung tao eh. Atsaka hindi lang naman siya may kasalanan ah, kung tumingin ka din sa dinaanan mo edi sana nakailag ka at maiiwasan mo siyang bumangga sayo!" biglang mataray na singit ni Rachel.
"And who are you to butt in our business?" lingon niya kay Rachel.
"Ay taray Ingleshera." mahinang bulong ni Rachel na alam kong ako lang angnakarinig.
Tumingin naman ako kay Rachel and shake my head to calm her down because I know this time, it's my fault.
"Tsk! Butt mo mukha mo!" pahabol niyang dagdag, I glared at her pero ngumuso na lang siya.
"Coleen, tama na yan malilate na tayo. May long test pa naman tayo ngayon."
singit naman ni Althea.
"But I'm dirty!! Ang lagkit ng uniform ko!" rant pa niya.
"Don't worry, I have an extra shirt sa taas, doon na lang tayo magpalit." mahinahong sabi ni Althea saka hinila si Coleen.
"Fuck." mura pa niya saka sumama kay Althea.
Coleen then looked back at me and glared me.
I'm really screwed!!!
"Ha, ang kapal talaga ng babaeng yun." rant pa ni Rachel habang nakatitig kami sa papalayong likod nila.
She's Coleen Pardila, 16 years old from section A. She's a half-Filipino. Matangos ang ilaw at maliit ang mukha.
She's truly beautiful with her long brown curly hair. Nangingibabaw din ang kagandahan ng katawan niya.
"Tama na yan, kasalanan ko naman." napatungo ako at kinagat ang ibaba kong labi.
"Pero kahit na, bakit kailangan ka pa niyang sigaw sigawan ka tch. Tsaka di lang ikaw may kasalanan okay."
"Last year lang siya nag transfer dito diba? Tapos ganyan na siya umasta." dagdag pa niya.
"Tara na, hayaan mo na." paghila ko pa sa kanya papunta sa direksyon ng room namin.
***
*Bell rings* (uwian na)
Habang inaayos ko ang aking bag ay napalingon ako kay Shea nang tinawag niya ako.
"Eunice may naghahanap sayo."
Nagkatinginan naman kami ni Rachel
"Sino?" she mouthed but I only shrugged.
*( •_• )ㄏ
Tumingin naman sa akin si Nick na inunahan pa akong lumabas sa pinto.
Huwaw, siya hinahanap?
Sumunod ako kay Nick at sumunod din sa akin si Rachel.
Napahinto ako ng nagtama ang mukha ko sa likod ni Nick.
"Aray ko, bat ka huminto." hampas ko sa likod niya.
Napasilip naman si Rachel sa pinto.
"Oh, si Jake." casual na turo niya.
"Anong kailangan mo?" masungit na tanong ni Nick.
Bakit ba parang lagi na lang may toyo tong lalaking to?
"Asan si Eunice?" tanong ni Jake.
"Hindi mo sinasagot tanong ko." sagot ni Nick.
"Ikaw ba si Eunice?"
"Pft." muntik na akong napatawa sa sinabi ni Jake.
Nick glared at me pero hindi kos iya pinansin.
"Oh ayan kasi, si Eunice ka ba ha? si Nick ka diba? Paepal kasi eh, dun ka nga." singit naman ni, Rachel, tsaka itinulak si Nick.
"Oh, anong kailangan mo?" pasiga na tanong ni Rachel.
"Are you two Eunice bodyguard or something?"
"Anong sabi mo! Aba--"
"Stop stop, nakaharang kayo sa pinto. " pagtigil ko naman sa kanila saka itinulak ang dalawa palabas.
"Anong kailangan mo?" lingon ko kay Jake.
"Gusto kitang maka-usap tungkol kay Kath." seryosong sabi niya.
Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Nick at. Rachel.
"Tayong dalawa." dagdag pa niya habang nakatingin sa dalawa kong bodyguard ko raw,
"Tayong dalawa lang? Pero bakit?" takang tanong ko.
"As much as possible."
Napatingin naman ulit ako kay Nick at Rachel na sabay na umiling.
"Ok sige." ʘ‿ʘ
Sinubukan pa akong pigilan ni Rachel but I just raised my thumb telling them that it's gonna be okay.
***
Lumabis kami ng gate sa school at pumwesto sa may bandang gilid, yung hindi masyadong nadadaanan ng mga tao.
"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ko.
Napapunas muna siya ng mukha saka nagsalita.
"Can you please explain to her properly, na hindi ko siya niloko?"
"Bakit ko naman gagawin yun?" hindi ko naman maiwasang tumaas ang aking kilay.
"Magkaibigan kayo, hindi niya kasi ako pinapakinggan." mabilis niyang sagot.
"Ha? P-pero kasi.. kitang kita naman sa ebidensya?" naiilang kong sabi.
"That--that evidence is nothing! Wala lang yun! I'm just comforting her!"
"Comforting? By kissing sa cheeks?" mahinang bulong ko at walang malay kong tinuro ang pisngi ko at mukhang narinig niya ang sinabi ko dahil bigla siyang sumigaw.
"Magkaibigan lang kami." napaigtad naman ako sa gulat.
Bwisit to!
"Ah, okay."
Tango tango ko kunware. Mga rason mo, bulok na yan!
"Please Eunice."
Napakamot na lang ako sa ulo, at pilit na ngumiti.
He then stares at me. Pinanliitan ko naman siya ng mata.
Ilang minuto pa ang lumipas at nangibabaw ang katahimikan sa aming dalawa, hindi ko na to natiis.
I looked around to escape his gaze and then stopped when I saw a familiar silhouette.
"Cali!!" masayang sigaw at kaway ko naman kay Callisto ng makita ko siyang dumaan.
Mukhang pauwi na siya.
Taka naman siyang lumingon sa akin.
Lalayasan ko tong manlolokong to!
"Cali?" takang tanong naman ni Jake saka lumingon sa likuran niya.
I saw his gaze went dark when he and Callisto made eye contact.
Teka. Teka.. mukhang hindi maganda na tinawagan ko siya.
Mabilis namang naglakad si Callisto papunta sa direksyon namin.
Teka! Stop! Ako dapat ang pupunta sayo!!!!
Maglalakad na sana ako ng inunahan ako ni Jake.
Mabilis siyang naglakad papunta kay Callisto at saka..
Shemay!
Sinapak niya to!
To be continued...
***