Chapter 4

4271 Words
***     "Ay!" bigla kong sigaw at napatakip ng bibig saka tumingin sa paligid. Konti na lang mga students kaya iilan lang ang nakakikita pero hindi sila pinansin.   Agad naman akong tumakbo papalapit sa kanila. "You! You're the one who started this right?!" sigaw naman ni Jake habang hinawakan ang kwelyo ni Callisto. Ngumisi naman si Callisto sa kanya.   "Bakit ka galit? Dahil ba.. nahuli ka?" asar niya dito. Gulat naman akong napatingin at lumapit sa kanila.   "T-tumigil nga kayo.." pigil ko sa kanila pero hindi ko sila nilapitan ng sobrang lapit.   Baka matamaan ako eh.   Napalingon ulit ako sa paligid ko at nakita kong sabay na lumabas sila Nick at Rachel sa gate, kumaway naman ako sa dalawa.    Agad akong nakita ni Nick, may hawak siyang dalawang sandwiches. Mabilis na binigay niya ito kay Rachel na nagulat pa at mabilis na pumunta sa direksyon ko. *pak!* Napalingon na naman ako sa dalawa dahil sa malakas na pag-sapak na naman ni Jake kay Callisto na natumba na. "Callisto!" tinaas niya ang kamay niya sa akin na tila sinasabi na huwag akong lumapit sa kanya.   Gulat namang napatingin sa akin si Rachel habang nakatakip pa ang bibig saka mabilis na sumunod kay Nick na napahinto sa paglakad.   "Nahuli? Niyakap ko lang siya! Sapat na ba yun para sabihing niloko ko si Kath?!" pagduro pa niya kay Callisto. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin ulit kay Jake.   Agad namang tumayo si Callisto, mahinahong inayos ang kanyang uniform at pinunasan ang kanyang bibig. Stop! Ang cool niya tingnan!   "Bakit? Wag mong sabihing nagseselos ka dahil niyakap ko si Coleen? Ha! If you're jealous wag mo kaming idamay ni Kath!" dagdag pa niya. Tiningnan naman siya ng masama ni Callisto. Mukhang tanga pa rin akong nanonood sa kanila.   "Ah oo nga pala, Dalawa lang ang sinend kong pictures kay Kath." kalmado na sabi niya. Napatingin naman ako kay Callisto. What do you mean? Does it mean, na hindi lang yun ang evidence?   "Anong nangyayare dito?" biglang singit naman ni Nick pero hindi siya pinansin ng dalawa. Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa isip ko. Ano ba Eunice!!!!! Magseryoso ka!!!   "Okay ka lang?" tumingin sa akin si Nick saka inexamine buong katawan ko. Tumango naman ako habang nakatingin lang dun sa dalawa.   Tahimik naman sumunod sa kanya si Rachel. "Ano bang ginagawa mo." palo ko naman sa kamay ni Nick. Kanina pa niya kasi ako hinawak-hawakan na para bang tinamaan ako ng bala. Tsk. Ang OA.   Gulat namang napabitaw si Jake kay Callisto. "Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil dalawang pictures lang ang sinend ko." Inayos ni Callisto ang kanyang uniporme ulit. Napakaclean freak talaga!   "I have enough evidence that can prove your cheating to Coleen, gusto mong makita lahat?" ngumisi siya.   "Hmm right, I change my mind, Ngayong araw ko na isesend lahat kay Kath. All of the evidences that proves your cheating." dagdag pa niya. "P*tangina... Ano ka detective?" Jake replied.   "Detective? Hmm. Well, you can say that. It's just that I have this kind of attitude na before I accuse, I should have gathered evidence first." ngumisi na naman siya.   Napahinto si Jake.   "I already have a suspicion to the both of you two weeks ago, when I both see you alone in SM Manila. Syempre, ayaw kitang sisihin agad because you're almost 4 years in a relationship with Kath." Nanlaki naman ang mata ni Jake.   "Then I investigated and gathered enough evidence. Then boom. You're guilty." maangas na pag-tawa niya na tinuro pa si Jake. Napahinto si Jake, na parang narealize niya na talo siya at wala siyang panlaban sa mga sinabing iyon ni Callisto. "And oh." pahabol ni  Callisto. Callisto then punched Jake. Hindi lang isa, Hindi lang dalawa Pero apat na beses!! Sunod sunod na mabilis iyon kaya hindi agad nakareact si Jake.   Gulat naman kaming nagkatinginang tatlo nila Nick at Rachel dahil sa mabilis na pangyayari.   ⊙.☉ Seryoso ang bilis talaga!   "That's my payback for your punch earlier." maangas na sabi niya at tumalikod. Hindi ko maiwasang mapatitig sa gwapo niyang likod na naglalakad papalayo.   Napatingin naman ako kay Jake na nakaupo at nakayuko na.   ***   Natulala naman akong naka-uwi sa bahay dahil sa nangyari kanina. Pagkatapos sinapak ni Callisto si Jake, mabilis siyang naglakad papalayo ng di lumilingon sa amin. Tahimik din kaming umuwi pagkatapos nun.   *ting* (messenger tone) Mabilis akong napatingin sa phone ko at binuksan ito. Callisto: “Hey” Callisto: “Sorry for that earlier, did I scare you?”                                                                                                                                       “Ah hindi no. Ayos lang”: Ang astig mo nga eh. Mahinang sabi ko sa sarili ko.                                                                                                                  “Hmm, Gusto ko sanang magtanong.”: Callisto: “Ano yun?”                                                                                                                       “Anong meron sa inyo ni Coleen?”: Callisto: Oh that girl? Wala.                                                                                                       “Pero, sabi ni Kath na, you're courting her?”: Callisto: “Oh that, I was just pretending. It was an act. I admit that I approached her though, you know to get information about her relationship with Jake.”           Callisto: “Bakit?” Callisto: Am I a great actor??                                                                                                “Pero, there's already a rumor between you two.”: Callisto: “Ah rumor? Hmm, who would spread it?”                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                        “Ewan.”: I then close my phone and nap a little.   Nagising ako sa alarm ko. I looked at the clock. 4:04 pm. Agad kong inayos ang aking higaan at tumingin sa salamin. Nagsuot ako ng jacket at tinali ang aking buhok, kinuha ko ang wallet ko saka bumaba.   "Ma, labas lang po ako."    "Saan ka pupunta?"   "May bibilhin lang po."   "Sige ingat, wag kang papagabi." tumango naman ako bilang pagtugon at lumabas ng bahay.   Pumunta akong SM at naglibot libot, eto ang way ko para mapahinga ang utak ko at makahanda sa exam bukas.   Konti na lang naman na ang aking rereviewhin.   Pumasok ako sa National Book Store at naglingon lingon at pumunta sa may pocketbook area. Nauubusan ako ng libro, ano kayang magandang basahin.   I was about to browse some more when I noticed someone. Nakasuot siya ng jogging pants at hoodie jacket. Bakit siya nandito?   He's busy reading a book habang tumatawa pa. Nasa may tago siyang parte sa gilid kaya hindi mo agad siya mapapansin.   "Callisto?" taka kong tawag sa kanya.   Napahinto siya, at nagmamadaling binalik sa pwesto ang librong binabasa niya saka napaayos ng tayo.   Natutulirong napatingin siya sa akin at nagulat pa.   "E-eunice?" nauutal niyang sabi at hindi ko maiwasang mapatawa.   Para kasi siyang batang nahuli sa akto! Bigla naman siyang namula na tila nahiya sa nakita ko pero napatitig lang siya sa akin.   Napahinto ako sa pagtawa dahil nailang ako sa tingin niya saka napalingon sa librong binabasa niya kanina. It's a love story, Rom-Com yun at isa yun sa mga paborito kong pocketbooks.  Hindi ko siya masisisi kung bakit tumatawa siya ng ganyan.   "Gusto mo ng spoiler?" casual na tanong ko. Napalingon naman siya sa akin.   "Ha?"   "Rom-Com yan diba? Pero ang sad ng ending niyan."   "Bakit?" takang tanong niya.   "Dahil hindi nagkatuluyan yung dalawang bida." seryosong sabi ko habang nakatitig lang doon sa librong iyon na nasa shelf.   Taka naman akong napalingon sa kanya nang di siya umimik.  Napatitig siya sa akin at malamyang napatingin doon sa libro.   "Bakit naman?" wala sa malay niyang tanong.   "Basahin mo na lang." casual na sabi ko at bumalik sa pagtingin ng mga pocketbooks.   "Paano ko pa babasahin yun eh na-spoil mo na ako." nakanguso niyang sabi. Napatungo naman ako sa hiya. Bakit ko nga ba siya inispoil?!   "B-basahin mo pa rin, para malaman mo kung bakit hindi sila nagkatuluyan." nahihiya kong sabi.   Napalingon naman siya sa akin at ngumisi. "Mukhang mahilig ka sa pocketbooks, samahan mo na lang ako maghanap, magrecommend ka na rin."   "Ha? P-pero."   "Yan ang kapalit sa pag-spoil mo sa akin." casual niyang sabi at taas noong naglakad papunta sa harapan ko habang nakapasok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya.   Napakamot ako sa sintido ko saka sumunod na lang sa kanya.   ***   Ilang minuto at oras na ang lumipas. Panay ang daldal ko habang tinuturo at pinapakita ko sa kanya ang mga pocketbooks na nabasa ko na at marerecommend ko talaga.   Taimtim naman siyang nakikinig sa akin at kinukuha ang gusto niya. Kanina ay naiilang ako pero nawala din yun agad at di nagtagal ay naging komportable akong magsalita sa kanya.   "Pito kukunin mo?" tanong ko sa kanya at napalingon sa mga hawak niyang libro.   Tumango naman siya at tinanong ako.   "Eh ikaw?"   "Dalawa lang, eto lang nagustuhan ko eh." mabilis na sagot ko at napalingon ulit sa mga librong hawak niya. Mukhang mahilig siya sa Rom-Com.   "Bakit ka nga pala nandito? Exam na bukas ah, hindi ka magrereview?" Taka naman akong napalingon sa kanya. Eh bakit nandito din siya?   "Ah. Konti na lang kasi rereviewhin ko. Free time hehe." tumango na lang siya bilang pagtugon.   Sabay naming binayaran ang librong nakuha at mabilis na lumabas.   "Uuwi ka na?"   "Oo, anong oras na din kasi, bawal ako gabihin." Bigla akong nagulat nang may inabot siyang isang pocketbook.   "Bayad ko sa serbisyo mo. Ingat." natatawa niyang sabi at pinat ang ulo ko. Sinuot niya ang hood niya at mabilis na umalis. Napamaang naman akong napatitig sa papalayo niyang postura.   ***   August 08, 2018 (Wednesday) Maaga akong nagmulat ng mata at napatitig sa kisame. Agad akong bumangon at napalingon sa aking orasan. 4:26am   Napabuntong hininga ako saka mabilis na nilabas muna ang aking mga notebook at panandaliang magreview.   Hindi ko namalayan ang oras kaya naman mabilis akong kumilos para maligo at mag-agahan. Ayoko ng malate ulit.   Agad akong pumasok sa room na nagsisimula ng ayusin ang upuan.   "Good morning Eunice!" bati sa akin ni Rachel.   "Ano? Nakapagreview ka?"    "Oo naman! Kayang kaya to!" masaya niyang tugon. Napailing na lamang ako habang napansin ang malalim niyang eyebags.    Napalingon ako kay Nick na mabilis pumasok at umupo sa silya niya. Kasunod niya naman ang teacher namin sa subject na to.   "Good morning Class." "Good morning Sir." sabay sabay naming bati. Math ang unang subject na itetest namin. Kaya naman kanina ko pa naririnig ang mga atungal ng mga kaklase ko.   Nasa likuran ko nakapwesto si Rachel at nasa bandang dulo naman si Nick. Maya maya lang ay nag-start na ang exam.   Unang question pa lang ay napakunot na ang aking noo. Mukhang mahihirapan si Rachel.   Pasimpleng lumingon ako sa likod ko at napailing ako ng makita siyang kumakamot na ng ulo.   Pagkalipas ng ilang minuto ay may naririnig na akong sitsit sa gilid. Napalingon naman ako doon. Si Marvin.   "Anong sagot mo sa 23?" mahinang bulong niya. Tinaas ko hintuturo ko at sinabing A.   Tumango naman siya ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay sinitsit niya na naman ako.   "Eh sa 30?" Bumuntong hininga muna ako at nagtaas ng tatlong daliri na nag-iindicate na C. Tatlong beses pa siya nagtanong. Pasimple naman akong lumingon sa kanya at nakitang pinapasa niya rin ang sagot sa katabi.   Napailing na lamang ako.   Isang subject pa ang lumipas, at sa wakas. Lunch time na. Agad naman akong tumayo at napalingon kay Rachel na nakahawak pa sa ulo.   "Sakit ng ulo ko Eunice." parang bata niyang sumbong. Sabay naman kaming nag-lakad palabas.   "Oo nga pala, anong sagot mo sa English kanina, yung number 34?"   "A." "Shet!! sabi na eh!" mabilis na atungal niya. "Bakit?"   "C sagot ko dun." "Ha? Ang layo?" kunot noo kong tanong.   "Oo na oo na! Tsk. Bangag kasi ako ngayon." nakanguso niyang sabi.   "Wag ka kasing magpuyat, mababangag ka talaga." Bumaba kami ng hagdan at nagtungo sa canteen.   Habang nasa pila ay lumingon lingon ako sa paligid at may nahagip ang aking mata. Si Kath at si Jake.   Nandun sila sa may puno at taimtim na nag-uusap. Mukhang nagtatalo sila dahil nakita kong naiirita ang mukha ni Kath. Inalis ko naman agad ang paningin ko baka mahuli pa akong nakatingin sa kanila.   "Sa tingin mo, kumusta na kaya si Kath?" tanong ni Rachel habang ngumunguya. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Kasalukuyan kaming nakaupo sa table.   "Ang hirap nun no? Tagal na rin nila, saka makikita mo talagang mahal na mahal ni Kath si Jake tsk tsk tsk." naiiling na sabi niya. "Nakita ko nga silang naguusap dun kanina eh." sabi ko habang nginuso ko pa ang direksyon ng puno na nakita ko kanina.   "Ha! Bakit hindi mo sinabi sa akin?"  "Kasi alam kong chismosa ka."  "Tss. Di ako chismosa no, curious lang."  Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kanya.   "Yow." sabay kaming napatingin kay Callisto na napadaan sa harapan namin.   "Oh Callisto, grabe eksena niyo kahapon ah." birong sabi ni Rachel. "Astig ko ba?" natatawang sabi niya.   "Oo! May pa-english english ka pa nga, grabe! Nosebleed!" "Tas ang lakas mo pang manapak! Sunod sunod ang bilis pa grabe! Ang cool!" "Tas ano yung sabi ni Jake? Detective ka daw ba? Hahaha! Pangarap mo ba yun?"   "Nope." "Ah ganun? Eh ano? Abogado? Hahaha." natatawa pang sabi ni Rachel at tumango naman si Callisto.   "Ay abogado? Taray."   Nagpatuloy lang akong nakatungong kumain habang nakikinig lang sa kanila.   "Kumusta Exam?" patuloy pa rin akong kumakain ng kinalabit ako ni Rachel at ngumuso kay Callisto. Aligaga naman akong nag-angat ng tingin at napatingin sa kanya.   "H-ha?"   "Kumusta exam?" pag-ulit niya pa habang nakangiti.   "O-okay lang." naiilang kong sabi at napatungo agad.   "Anong okay! Ang hirap kaya!" biglang singit ni Rachel. "Hindi ka kasi nagreview ng maayos." Tugon ko sa kanya.   "Psh." atungal niya at napanguso kaya naman hindi ko maiwasang ngumiti sa kakyutan niya.    "Alam mo." sabay kaming napalingon ni Rachel kay Callisto.   "Ang ganda mo ngumiti." casual na sabi niya at ngumit saka umalis.   Napamaang at napanganga naman akong napatingin sa papalayo niyang postura.   ***   Kanina pa ako naiirita sa kakaibang tingin na binibigay sa akin ni Rachel habang naglalakad kami paakyat sa room.   "Ano ba! Tigilan mo na nga yan!"  "Ang alin?" maang maangan niyang tanong.   "Yan! Yang tingin mo!" "Ano bang meron sa tingin ko?" maang maangan pa niya na natatawa pa. "Bahala ka nga diyan!" lakad ko ng mabilis.   "Ano ba! Hahaha. Teka! Eunice!" habol na sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon.   Nasa loob na kami ng room pero ramdam na ramdam ko pa rin yung tingin niya na yun sa likuran ko. "Tigil mo na nga yan Rachel!" inis na lingon ko sa kanya.   "Alam mo?" "Ano?!"    "Ang ganda mo ngumiti." asar na gaya niya sa ginawa ni Callisto kanina. "Ano baaa!" Ilang naman akong napatingin sa kanyang tumatawa pa.   "P-pinuri lang naman ako ng tao! Bakit ganyan ka makatingin!" "Eh kasi! Hahahahaa!" "Eh kasi ano?" "Namumula ka!" napahinto naman akong nandidilat pa rin ang mata sa kanya.   "Kasi naman Eunice, naiintindihan ko, Oo, pinuri ka niya, pero yung reaksyon mo kasi kanina, kakaiba! Parang kinikilig ka pa na namumula!" tawa tawa pa niyang sabi.   "Hindi ako namumula okay!" "Wag ka ng magsinungaling Eunice! Ang dali dali mo lang kayang basahin! Wala kang maloloko dito." natatawa niyang sabi at natahimik naman ako.   "Saka sabagay, minsan ka lang naman bang purihin, sinong di kikiligin? Hahaha." tawang asar niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.   "Aminin mo na Eunice."   "Anong aaminin?"    "May gusto ka sa kanya no?"   "Anong-- Wala ah!" mabilis na tanggi ko.   "Sus!"  Yan na naman ang mapanukso niyang tingin! Bwisit!!!   "Wala nga!" inis na tanggi ko ulet.   "Sus!!"   "O-osige, c-crush lang." mahina kong bulong.   "Crush? Pareho lang yun!"    "Magkaiba yun!" mabilis kong sabat.   "Oo na oo na, pero doon na rin papunta yun."   "Hindi yun mangyayari."   "Hindi mo rin masasabi."   "Hindi nga!"  Bwisit ang kulet!   "Hindi mo rin mapipigilan." napalingon naman ako kay Rachel na seryoso ng nakatingin sa akin at ngumiti.   "I'm proud of you."   "Ha?"   "Dalaga ka na!"   "Ano ba!"  Tumawa lang ng tumawa si Rachel at nahinto lang ang usapan namin ng dumating na ang aming Teacher.   *Bell rings* Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at mabilis na naglakad papunta sa pinto at lumabas.   "Oy Eunice! Teka! Hahaha. Antayin mo ako!"   Hindi ko siya pinansin at nagmamadali lang naglakad. Mabilis akong bumaba ng hagdan at natatawang naglakad takbo pa hanggang sa makarating ako sa gate.   Hingal na hingal ko siyang inantay sa labas. "Bakit ka ba nagmamadaling lumabas?" hingal niyang sabi.   "Trip ko lang." Ang totoo niyan ay nagmamadali talaga akong lumabas para di namin makasalubong si Callisto, mahirap na at baka asarin na naman ako ng babaeng to.   Sabay kaming lumabas at naglakad hanggang sa makalayo na kami sa school. Dumaan muna kami sa ice cream vendor at bumili ng ice cream at nagkwentuhan. Pagkalipas ng ilang minuto ay saka kami tumuloy sa paglalakad.   Bigla kaming napahinto ng may napansing tatlong tao.   Si Coleen! Kasama si Althea at hindi pamilyar na babae na mukhang kasama nila at si Kath! Mag-isa lang siya.   "Teka si Kath yun ah!" sabay turo ni Rachel. Agad din akong napalingon sa apat. Magkaharap si Kath at Coleen na tila nag-uusap, nasa likod naman ni Coleen si Althea at ang isang di ko kilala na babae.   "Teka, anong gagawin mo?" pigil ko kay Rachel.   "Edi pupuntahan natin sila."   "B-bakit?"   "Anong bakit?! Kaibigan mo yun oh! Nag-iisa, baka pagtulungan." sabay turo pa ulit.   "P-pero kailangan nila ng privacy, nag-uusap lang naman sila."   Pero sabay kaming nagulat nung sinampal ni Kath si Coleen.   *pak*   Sabay kaming nagkatinginan ni Rachel at mabilis na pumunta sa kanila.   "How dare you slap me?!" galit na galit na sigaw ni Coleen habang nakahawak sa pisngo neto.   "It's because you deserve it! You flirt!" sigaw ni Kath.   Bigla namang napabulong sa akin si Rachel. "Taray te, mga Ingleshera." pinalo ko naman siya.   Hindi kami agad lumapit at tumungo lang sa isang gilid, yung hindi kami mapapansin pero sapat na para marinig namin yung mga pinag-uusapan nila.   Para kaming chismosa!!!!!!   "Teka teka Kath, diba sabi mo masinsinan kayo mag-uusap? Bakit mo siya sinampal?" biglang singit ni Althea na masama na ang tingin kay Kath.   "Eh wala tong kwenta kausap eh!" duro pa ni Kath kay Coleen.   "What? Kasalanan ko pa?" maarteng sabi ni Coleen.   "Oo kasalanan mo! Mang-aagaw!"   "Why are you blaming me? Hindi ba't may kasalanan ka din?"   "What?!" kunong na tanong ni Kath na nag-aapoy pa rin ang galit sa mata.   "Kaya naman nagcheat ang boyfriend mo, dahil hindi ka sapat para sa kanya! Nakukulangan siya sayo!"  "How dare you!" *pak!*   Nagulat naman kami sa mabilis na nangyari.   Hindi dahil sinampal ni Kath si Coleen, kung hindi dahil pinigilan niya ang kamay ni Kath na sumapo sa pisngi niya at siya ang malakas na sumampal kay Kath!   "Ang kapal naman ng babaeng yun! Hoy-- Ikaw!" bigla akong nagulat sa mabilis din na pagsugod ni Rachel. Aligaga naman akong sumunod sa kanya at lumapit kay Kath na nakahawak sa pisngi niya at hindi makapaniwalang nakatingin kay Coleen.   Tiningnan naman siya ng masama ni Coleen ganun din si Althea at yung isang babae. Pero mabilis niyang binalik ang tingin kay Kath.   "Why? You slap me once, sa tingin mo makakaulit ka pa?" maarte na mataray na sabi niya!   Pero nagulat na lang ako ng mabilis na lumapit si Rachel dito at sinampal si Coleen na mas malakas pa talaga! *ppaaaaakkkkk!*   Gulat na napatingin si Coleen.   Inis naman na napatingin si Althea kay Rachel at susugudin pa dapat ng biglang may narinig kaming pito.   *ppprrriiitttttt*   "Anong nangyayari dito?" Sabay kaming napalingon sa tanod na papalapit sa amin, agad namang umalis sila Coleen at mga alipores niya na masamang tiningnan kami.   "You'll pay for this!" galit na sigaw ni Coleen habang hawak pa rin ang pisngi niya na namumula na.   "Bleh, bleh bleh." balik na asar sa kanya ni Rachel at binatukan ko naman to.   "Tumigil ka na nga." saway ko dito pero nginusuan niya lang ako.   "Okay ka lang Kath?" baling ko kay Kath.   "O-okay lang, salamat." seryoso niyang sabi habang nakatingin pa din dun sa dinaanan ni Coleen.   Pilit na ngiti naman siyang bumaling sa amin.   "S-salamat pala sa inyo, m-mauna na ako." nakatungo niyang sabi at mabilis na naglakad. Hahabulin ko pa sana si Kath pero pinigilan ako ni Rachel.   Tahimik namang naglakad kami pauwi ni Rachel.   ***   August 10, 2018 (Friday)   Kakatapos lang ng dalawang araw ng exam at ito na ang pinakamasarap na gising ko matapos ang dalawang araw na pag-iisip.   Agad akong bumangon at naligo at ginawa ang aking morning routine. Wala kaming masyadong gagawin ngayon araw kundi magcheck ng papel. Kumain ako ng agahan at nagpaalam sa aking magulang saka lumabas ng bahay.   "Eunice!" napalingon ako kay Rachel na nasa likod ko, sabay naman kaming pumasok sa school.   "Handa ka na ba?" taka naman siyang lumingon sa akin.   "Anong handa?"   "Makita scores natin."    "Ah shet! Oo nga pala! Checheckan nga pala ngayon." hysterical na sabi niya.   "Hindi pa ako ready huhuhu" dugtong pa niya.   Agad naman kaming umakyat sa room, at chineck ang papers namin.   *Bell rings* (Lunchtime)   "Ang baba ko te huhuhu. Lagot ako neto." nakangusong sabi ni Rachel habang lumapit sa akin. "Bumawi ka na lang sa susunod."   "Tch! Tas ikaw highest ka na naman! Pashare nga niyan!" natatawa na lang ako kay Rachel habang hinawak hawakan ang ulo ko.   "Baka mamaya, lahat ng subjects highest ka ah!" "O-oy hindi ah." "Sus! Ikaw na naman top 1 sa atin panigurado."  Hindi ko siya pinansin at tinapos ang pag-ayos ng gamit ko.   "Rachel, pupunta ako sa council room."  Napalingon sa akin si Rachel.   "Paano ka kakain?" "Dadalhin ko na lang dun." "Sige te, mauna ka na, nagluluksa pa kasi ako." malungkot na nakangusong sabi niya.   Tumango naman ako sa kanya at lumabas.   Bumili ako ng dalawang sandwich at dalawang inumin saka kumatok sa pinto. "Pasok." Dahan dahan ko namang pinihit ang pinto at pumasok.   "Oh Eunice ikaw pala." malamyang bati ni Kath. Nakangiti siya pero mapapansin mo ang pagpilit neto.   "May ginagawa ka?" pumasok ako sa loob at umupo sa tabi.   "Oo! Ang dami! Kulang kasi talaga kami ng members eh huhuhu. Nakakainis wala pa akong kain." nakanguso niyang sabi.   Kaya naman inabot ko agad sa kanya ang binili ko. Masigla niya namang tinanggap eto.   "Wow! Salamat Eunice!! You're the best!" natutuwa niyang sabi at niyakap pa ako.   "Need mo pa rin ba ng members?" tanong ko at kinagatan ang aking sandwich.   "Oo! Kahit isa na lang. Buti na lang talaga sumali si Callisto last week. Medyo nabawas bawasan gawain ko." sabi niya habang ngumunguya.   "Sumali si Callisto?"   "Oo! Hindi ko ba nabanggit sayo?" umiling naman ako bilang pag-tugon.   "Bakit? May balak ka na bang sumali?" nagulat naman ako nang may sama ng tukso yung ngiti niya.   "B-balak ko s-sana kasi, alam mo na, tapos na exam, h-hindi na masyadong busy, at g-gusto kitang tulungan, nakakaawa ka eh hehe." ilang kong sabi pero nandun pa rin yung ngiti niyang nangagasar!!   Bwisit! "Tigilan mo nga yan!"   "What? Hahaha. Ang cute mo Eunice!" natatawa niyang sabi at hindi ko naman mapigilang mapatitig sa kanya at mapangiti.   Atlis, tumatawa na siya.   "Oh? Anong tinitingin tingin mo diyan! Pumirma ka na."  Hindi ko naman namalayan na may nailabas na pala siyang folder.   "Eto ba?"   "Oo dyan, lagay mo name at section mo, number mo and pirma mo."  Sinunod ko naman ang sinabi niya at nagsimulang magsulat.   "Ayan good, alam mo na te, kapag council member ka na. Pwede kang umuwi at bumalik para magduty or pwede kang mag-stay at magduty. MWF or TTHF ang sched, anong gusto mo?"    "A-ano bang maganda?" tanong ko pero bigla na naman siyang ngumiti ng kakaiba!   "At dahil mabait akong friend, lalagay kita sa MWF same sched kay Callisto, odiba! Makakasama mo siya!" natigilan naman akong napatitig sa kanya.   M-makakasama ko si Callisto? Ng mas mahabang oras?   Walang malay naman akong napatungo at napakagat ng labi.   "Eunice!"   "H-ha?"   "Hahaha! Kinilig ka ba?"   "H-hindi ah!" mabilis na tanggi ko.   "Absent nga yung bebe mo e."   "B-bakit?"   Absent siya? Bakit?   "Uyyyy, nag-aalala!" asar na naman ni Kath.   Ano ba yan! Seryoso akong nagtatanong eh!   "H-hindi ah! C-curious lang!" mabilis na tanggi ko.   "Hindi ko nga alam eh, kahapon nga tulala siya eh, Ang bilis niya ngang tinapos yung exam kaya naman ang aga niya naka-uwi."   Kaya pala hindi ko siya nakita. Tulala siya kahapon? Parang nung isang araw lang ang sigla sigla niya ah.   "Kumusta ka?" ilang na tanong ko habang nakatingin sa kanyang mata.    Napahinto naman siya at bumalik na naman ang kanyang malamyang mukha. Dapat pala hindi na lang ako nagtanong!! Bwisit! Ang bobo mo talaga Eunice!   "P-pero kung ayaw mo sabihin, Ok--"   "No Eunice, It's okay, Alam ko namang yan talaga ang pinunta mo dito. I'm thankful I really am, but I'm not okay."   "A-anong pwede kong maitulong para maging okay ka?" nag-aalala ko namang sabi.   "Ano ka ba! Eto pa nga lang pagdadala mo ng pagkain at pagsali mo sa council ay malaking tulong na sa akin, wag kang maparanoid! it takes time to heal pain pero alam ko naman ang ginagawa ko." nakangiti niyang sabi.   "Kayo ni Jake? Anong nangyari sa usapan niyo?"   "Hmm kami? Break na kami." normal na sabi niya na para bang normal ang lahat!   "B-bakit?"   "Hahaha. Anong bakit? It's normal, kapag nanloko ang partner mo, hihiwalayin mo talaga. Nakausap ko siya, pero alam mo bang kung anong sabi niya sa akin?"   "Ano?"   "Mahal niya ako, pero mahal niya din daw si Coleen." tawa tawa pa niyang sabi at napatitig ako sa kanya.   She's not okay.   "Anong gusto niya? Polygamy relationship? What the hell?" inis na singhal pa niya habang natitig pa rin sa kanya at nakikinig.   "Kaya nakipag-break ako, kasi narealize kong, hindi niya mamahalin ang pangalawa, kung mahal niya pa rin ang una. Wala na ring saysay." mapait na ngiting sabi ni Kath.   To be continued...   ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD