12

879 Words
Chapter Twelve "Anyare?" takang tanong ko kay Nicholas. Nagising akong nakayakap dito. Saktong na gising din ito kaya naman mabilis akong lumayo rito. Muntik na akong mahulog sa kama dahil sa biglaang reaction ng katawan ko pero mabilis din naman nitong napigil ang paghulog ko. "Are you okay now?" tanong nito sa akin. Kita ko na concern naman ito. Pero bahagyang namula ang pisngi at tenga nito kaya naman takang tinitigan ko ito. "What happened?" tanda ko ang pagbabago nang pakiramdam ko kagabi. Hangang sa pag-uwi rito. But after that, malabo na sa balintataw ko. "W-ala." Nag-iwas ito nang tingin. Lihim ang naging ngisi ko nang nag-iwas ito nang tingin, mukhang may dapat itong sabihin ngunit hindi nito na gawa. "Okay. Good morning, anong oras ka aalis?" tanong ko rito na ngumiti rito. Saka ako bumangon at tinungo ang bintana upang buksan iyon. "Mamaya...pupunta ako sa prisinto." Ani nito na bumangon na rin. Gwapo talaga ang loko, pero no, titikman ko lang pero malabo kong ibigin. Kumilos na rin agad ito. Pagkatapos naming mag-breakfast ay agad ding umalis. Tinungo ko ang kwarto ko para maligo. Pero bago iyon ay tinap ko muna ang hikaw ko. "May mga ikinabit s'yang gamit for surveillance." Ani ni Tori."Sa buong kabahayan. Pati na sa labas, harap at likod. Isuot mo special na salamin sa mata." Ani pa nito. Lumapit ako sa cabinet at kinuha roon ang salamin na kung titigan lang ay waring normal lang, pero kapag marunong kang gumamit ay nagkakaroon ng hologram ang paligid sa device lang na iyon. At ang tanging makakakita lang ay ang may suot. Tinungo ko ang bintana saka patalikod na sumandal. Sa angulong ito ay tiyak namang walang makakakita nang tinititigan ko. Ipinadala ni Tori ang data kaya naman agad kong nakabisado ang mga angulo kung nasaan ang camera. Bumuntonghininga ako saka tinap agad nang pasimple ang hikaw ko. Saka hinubad ang salamin. Anong balak ni Nicholas? Bakit nito iyong ginawa? Pero advantage ko pa rin iyon. Uululin ko ang gago para hindi ako mawala sa kanyang sistema. S'ya ang alas ko sa laban kong ito. Humakbang ako sa gilid ng kama. Saka ko marahang hinubad ang big shirt na tiyak kong si Nicholas ang nagsuot sa akin. Kung nanonood man ito ngayon, tiyak na mauulol ito. Wala akong suot na bra kaya naman pagkahubad ko nang t-shirt ay kita agad ang aking dibdib. Marahan kong hinaplos iyon padausdos sa t'yan ko. Sa legs, pabalik sa dibdib, bahagyang itinagilid ang ulo saka hinaplos ang leeg. Tumayo ako at sunod na hinubad ang underwear ko. Saka pinaikot iyon sa aking daliri. Pasimpleng inihulog, saka ako yumukod. Patuwad at waring nang-aakit na pinulot iyon. Nang mapagod sa palabas na ginagawa ay nagtungo ako sa banyo. Mayroon din dito, kaya naman mas lalong binulate ang isip sa kalokohan. Sumampa ako sa bathtub na walang tubig saka humiga roon. Ang dalawang binti ay magkahiwalayan na iniangat sa magkabilang gilid. Pumikit ako. Ang kamay ay senswal na pinagapang patungo sa gitna na nakabuyangyang. Si Tori na ang bahalang maglinis ng mga kalat ko. Ayusin lang ng bruhang iyon, baka magulat na lang ako ay may scandal na ako. May epekto pa rin ang gamot sa katawan ko. Sensitive pa rin kasi ang gitna ko. Pwede kong gawan iyon nang paraan. Pero hindi ko ginawa. Nagsimula akong haplusin iyon habang mariing nakapikit. Just enjoying it, lalo't ibang klaseng pleasure ang ibinibigay sa akin nang ginagawa ko. I'm not a saint. Kapag tinamaan ng kati, ako na rin mismo ang kumakamot. Kung si Islah, madalas bibig ang walang filter, ako? Kayang-kaya kong i-please ang sarili ko. Hindi ko kailangan nang kalaro para ibigay ang kailangan ng katawan ko. ILANG MURA NA BA ang nabangit ko? Simulan kasi nang mag-alert na movement ay agad kong binuksan ang cellphone ko. Saka chineck iyon. Hindi pa ako nakakalayo. Pero nakita ko na lang ang sarili ko na mabilis ang kabig sa manibela pabalik sa bahay ni Tatti. Tiyak na may effect pa sa katawan nito ang gamot na nilagay ni Lolo. Malakas ang kutob ko talagang ang matanda ang may gawa no'n. Baka masaktan nito ang sarili sa ginagawa nito. Patakbong pinasok ko ang bahay nito. Ini-off ang cellphone saka tuluyang pinasok ang silid nito. Dahan-dahan akong pumasok sa banyo. Naririnig ko ang mahinang halinghing nito. Ang basang tunog na nililikha nang ginagawa nito. "Come, samahan mo ako rito." Ani nang mapang-akit na tinig mula sa loob ng banyo. Pasimpleng sinulyapan ko ito saka muling nagkubli. "Cristo...w-ala akong kasama. Hindi ko lang kasi maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin." Ani ng babae. Kumuyom ang kamao ko, parang hindi na rin nakapag-isip nang maayos nang marinig ang pangalan na binangit nito. Nandito ako, hindi n'ya kailangan na humingi nang tulong sa iba. "N-icholas?" takang ani ni Tatti. Ang cellphone nitong hawak ay pasimpleng pinatay at inilapag sa gilid. Kung saan safe at hindi mababasa. "Hindi ko alam kung ano itong larong ginagawa mo, pero willing akong sumali. Pero ang gusto ko tayong dalawa lang...walang Cristo, kung 'di ako at ikaw lang." Mariing ani ko rito. Nasa mukha nito ang pagkalito. Pero hindi ko na iyon pinansin. Mabilis kong hinubad ang t-shirt ko at pantalon. Saka sumampa na rin sa bathtub habang waring na-off guard ang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD