Nagkukumahog na pumasok sa loob ng bahay si Matt, nagtungo din siya kaagad sa kwarto ng kaniyang nobya subalit wala siyang nahagilap. Basang-basa ang buong niyang katawan nang dahil sa malakas na ulan. Maging ang suot nitong sapatos ay napasukan ng tubig sa loob. Apurahan kasi siyang tumakbo palabas ng restaurant upang madatnan lamang ang dalaga at makapag-paliwanag siya bago pa man lumubha ang hindi pagkakaunawaan nilang dalawa. Halos napaupo na lamang siya sa sahig at napabuga ng malalim na paghinga. Ramdam niya ang pag- agam agam sa kaniyang dibdib at lubos na pag-aalala sa kaniya. Sinubukan naman niyang kontakin ang dalaga, ngunit hindi ito sumasagot at palagi lang din siyang pinapatayan ng tawag. Galawgaw siyang palakad-lakad sa loob ng bahay habang inaabangan niyang makabalik an

