Pagkatapos makita ni Furi ang flyer ng restaurant na pinuntahan nila nuon ay kaagad siyang nagbihis at nagtungo sa nasabing lugar. Bawat paghakbang ay bawat pagbigat ng kaniyang dibdib at kabang nadarama. Halos hindi siya mapakali at natutuliro siyang malaman ang katotohanan sa likod ng paglilihim sa kaniya ng nobyo niyang si Matt. Pagkasakay pa lamang niya ng jeep ay balisang-balisa na siya at panay ang pagtingin sa bawat paligid na kanila madaraanan. "Bayad po." Ani ng isang pasaherong kasabayan lang niyang sumakay ng jeep. Doon lamang niyang napagtanto na hindi pa pala siya nakakapagbayad, kung kaya't kumuha rin siya kaagad ng barya sa loob ng shoulder bag niya at siyaka iniabot sa manong jeepney drayber. Maya-maya lamang ay nakarating na siya sa lugar kung saan sila naglakad lakad

