TWO

1118 Words
"Ash!" "Nate? Why are you here? Mamaya pa ang pasok mo ah." "Dinalhan lang kita ng breakfast." tugon ko sabay abot ng sandwich at hot choco sa kaniya "A-ah thankyou. Oh i forgot may kailangan pa pala akong tapusin. I'll go ahead babe. Thankyou ulit." Napatango na lang ako habang si Ash naman ay hinalikan pa ako sa pisngi bago tuluyang umalis. "What do you think you're doing, Nate?" "Jade..." Napaiwas ako ng tingin at nagsimulang lumakad pero pinigil ako nito. "Nakita mo diba? Alam mo diba? Pero bakit nagbubulag bulagan ka?" naguguluhang tanong niya Sinalubong ko ang mga mata niya. "Mind your own business Jade. Thank you for letting me know, pero sana wag mo parin ako pangunahan sa pagdedesisyon. Kusang babalik sa akin si Ash." Napailing na lang ito kaya naman nagpatuloy na ako sa paglakad. "It's their first anniversary yesterday." Awtomatiko akong napahinto, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. First anniversary? Ibig sabihin matagal na akong niloloko ni Ash? No. That's impossible. "Noong una akala ko naglilibang lang si Ash kaya hinayaan ko siya, hindi ko akalain na aabot sila sa ganito. And now i can't turn blind eye on her wrongdoings. I'm sorry, Nate." Wala sa sarili akong naglakad pauwi. Gusto kong magalit, gusto kong komprontahin si Ash pero takot akong marinig ang sagot niya. What if tuluyan niya akong iwan? Hindi ko kaya... Dumiretso ako sa kwarto ko at doon ko ibinuhos ang lahat ng luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Hindi ako makapaniwala—hindi ko matanggap. Paano nagawa sa akin ni Ash yun? Alam ko kulang ang oras na nabibigay ko sa kaniya, pero sapat na na iyon para lokohin niya ako? "Nasan na ba ang magagaling kong mga anak? Paghain niyo naman ng pagkain ang tatay niyo. Mga wala kayong silbi ah!" Agad akong bumangon at nagpunas ng luha saka lumabas sa silid. "Oh, nandito pala ang soon to be engineer kong anak. May pera ka ba diyan, bili mo naman ako isang bote pa don oh." naniningkit na ang mga mata nito dahil sa kalasingan Hindi na bago ang ganitong tagpo sa bahay, umagang umaga pero lasing na agad si papa. Iyon nga lang naman ang gawain niya. "Wala po akong pera ngayon, alam niyo namang kailangan kong magbayad para sa finals." tugon ko saka naglapag ng pagkain sa harap niya Tiningnan niya ang nilapag kong kanin at isang pirasong isda saka ngumiti ng sarkastiko. "Punyeta e kagabi pa ito ulam ah. Ano ba tingin mo sakin pusa?!" walang pag aalinlangan niyang itinapon ang pagkaing inihain ko Napatiim bagang na lang ako sa ginawa nito saka inumpisahang linisan ang kalat na gawa niya. Abala ako sa pagdampot ng kanin sa sahig nang maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. "Bigyan mo na lang akong pera para may silbi ka." Sa halip na lingunin ay nagkunwari akong hindi ito narinig. "Hoy! Nathaniel bingi ka ba?! Bigyan mo kako ako ng pera. Punyeta!" Dahan dahan akong tumayo saka ko siya hinarap. "Wala po akong pera." Muling sumilay ang iritableng ngiti nito saka hinawakan ang damit ko. "Eh wala ka palang pakinabang e. Lumayas kana dito!" Buong lakas niya akong tinulak dahilan na mapahampas ako sa pader. Hindi ko na napigil ang inis ko at mabilis ko siyang sinugod at inakmaan ng kamao. "Kuya!" "Papa!" Agad akong napalingon sa mga nakababata kong kapatid na umiiyak na dahil sa takot. "Oh iyan kita niyo na ugali ng kuya niyong magaling, porket ga-graduate na akala mo kung sino na." Marahas niyang inialis ang kamay ko at umalis sa bahay. Agad ko namang nilapitan ang mga kapatid ko saka ko silang niyakap. "Oh eto, bumili na lang kayo ng pagkain niyo ah. Nichole ikaw na bahala kay Liam ha?" Di ko na hinintay ang sagot nito at pumasok na akong muli sa kwarto ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa sama ng loob. Alas siyete na ng gabi noong magising ako. Ni hindi na ako nakapasok sa klase dahil sa mga nangyari. Minabuti ko ng bumangon lalo at kailangan ko pang pumasok sa trabaho. "Oh gising kana pala anak? Kumain ka muna bago ka maligo." pag anyaya ni mama sa akin "Hindi na po. Sa trabaho na lang." walang buhay na sagot ko at dumiretso sa banyo Kahit anong gutom ang nararamdaman ko ay wala akong ganang kumain. Lalo kung ang kaharap kong kumain ay ang tatay kung maghapon nag iinom tapos ay pinagsisilbihan ni mama na maghapong nagbabanat ng buto. Mas lalo lang sasama ang loob ko. "Aalis na po ako." mahinang paalam ko "Di kaba muna kaka–" "Dalhin mo na damit mo, para bawas palamunin." Di ko na lang pinansin ang sinabi ni papa, lalo't alam ko naman sa sarili ko kung sino ang palamunin sa aming dalawa. Para akong lantang gulay noong makarating sa working site namin. Gustohin ko mang umabsent ay hindi ko magawa dahil sa pagca-call center lang ako kumukuha ng pangtustos sa pag aaral ko. "Nate, can we talk for a while." pagtawag sakin ng team leader ko Bakas ang pagkabalisa sa mukha nito, bigla tuloy akong kinabahan. "Bakit tl?" casual na tanong ko "Nate, napansin ko kasi na medyo poor ang performance mo nitong mga nagdaang linggo. Hindi mo na naaabot yung weekly qouta, which is unusual sa 'yo..." Ipinatong pa nito ang kamay sa balikat ko. "I'm sorry Nate pero ilalagay muna kita sa floating ha." "Ha? Ba-bakit niyo ako ifo-floating? Nagpe-perform naman ako ah." "I know. Pero di ka makapag focus sa trabaho. Mabuti pa ayusin mo muna yung mga gumugulo sa isip mo." "TL, pag naging floating ako mas madadagdagan lang ang problema ko. Alam niyo namang dito ako kumukuha ng panggastos sa pag aaral ko." "Nate, this is the only thing i can do. Gusto nga nila iterminate kana, nakiusap lang ako na bigyan ka pa ng chance." "Terminate?" napangiti pa ako ng sarkastiko, "Dahil lang sa ilang linggo na di maganda ang performance ko tatanggalin niyo na ako? Baliwala ba yung ilang buwan na naging top agent ako dito? Bakit bawal ba akong magkaproblema? Hindi ba kayo nagkakaproblema?!" "Bakit Nate, feeling mo ba ikaw lang ang may problema dito?" Napalingon ako sa biglang pagsasalita ng ceo namin. "Lahat dito may dinadalang burden, pero hindi sila unprofessional na tulad mo na dinadala sa trabaho ang problema. Ngayon kung ayaw mo ma-floating, then i have no choice but to terminate you." aniya sabay alis sa harap ko "Pasensiya na talaga Nate, hanggang dito lang ang kaya kung gawin para sa 'yo." Wala na akong nagawa kundi ang nakayukong umalis doon. Hindi ko alam bakit nagkanda malas malas ako ng ganito. Mas mainam sigurong tapusin ko na lang paghihirap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD