ONE
"Nate!"
Napatigil ako sa pagmumuni dahil sa pagtawag ni Jiro.
"Diba jowa mo si Ashly?"
"Oo, alam naman ng lahat yun. Bakit ba?" Nangungunot ang noo na tanong ko. Sino ba naman kasing hindi makakaalam e tatlong taon na kaming magkasintahan.
"Huh, break na kayo 'no?" Natatawa pa ito.
Napatigil din siya noong mapagtantong nakaseryoso parin ang mukha ko.
"Jowa mo parin siya?" Mukha pa itong nagtataka.
"Bakit ba kasi? Ako nga tigilan mo sa kabulolan mo 'no?" napipikon na saad ko
"Gago! Hindi 'to kabulolan, nakita ko siya doon sa restaurant kanina may kasamang lalaki, estudyante ng private school."
Imbes na mapikon ay ako naman ang natawa sa tinuran niya. "Ulol ka hapon! Di mo 'ko maloloko." Tinapik ko pa siya sa balikat bago tumayo at maglakad paalis.
Kalokohan.
Hindi pa man ako nakakalayo ay humarang na ulit si Jiro sa daraanan ko. "Nate, seryoso nga. Nakita ko talaga yung syota mo, sweet pa nga silang nagsusubuan nung lalaki." giit pa nito
Di ko na napigilan na kwelyuhan ito, nakakapikon. Buti sana kung ganoon kami ka-close para biru-biruin niya ako.
"Jiro, hindi tayo magkaibigan para magbiruan." mariin na sabi ko
"Sino ba nagsabing nakikipagbiruan ako?" seryoso din ito at tinanggal pa ang kamay ko sa kaniyang kwelyo Inayos niya ang kaniyang polo at may dinukot sa bulsa. "Oh tingnan mo, saka mo sabihing ginagago kita."
Iniabot niya sa akin ang cellphone. Ayokong tanggapin iyon pero kusang loob na inabot ng kamay ko. Babasagin ko talaga ang mukha niya pag prank 'to.
Dahan dahan kong tiningnan ang litrato at ganoon na lang panlalaki ng mata ko.
"Girlfriend ko nagpicture niyan, pakita ko daw sa 'yo."
Ni hindi ko nagawang tingnan si Jiro, nakapokus lang ako sa picture ng girlfriend ko na masayang sinusubuan ng pagkain ang isang lalaki.
"Nate..." Naramdaman ko pa ang kamay ni Jiro sa balikat ko. Isinauli ko sa kaniya ang cellphone at walang abiso na iniwan siya.
Kusa akong dinala ng mga paa ko sa tapat ng building ni Ash, agad ko itong nakita na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya.
"Oh babe, bakit nandito ka?"
Imbes na sagutin ay hinawakan ko ang kamay niya at hinila palayo.
"Babe..." Mukha siyang naguguluhan.
"Saan ka nanggaling?"
"Huh?"
"Sinong kasama mo kaninang lunch?"
Agad nagbago ang expression sa mukha nito, ang kaninang naguguluhan ay napalitan ng tila pagkabalisa.
"A-ah sila Jade, kasama ko sila. Bakit? M-may problema ba?"
"Wala." pinilit ko pang magpakita ng ngiti, "Pasensiya na di na kita nasasamahan sa lunch."
"I understand you babe, ganyan talaga pag graduating na."
Napatango na lang ako sa kaniya. "Sige na bumalik kana sa room niyo."
Nag iwan pa ito ng matamis na ngiti bago naglakad palayo sa akin.
"This is the best thing to do." bulong ko sa sarili ko. Alam kong katangahan 'to, pero mas gugustuhin ko nang magbulag bulagan kaysa mawala sakin si Ashly.
***
Ilang araw na rin ang lumipas simula noong makita ko ang picture ni Ash. At kahit isang minuto ay di iyon nawala sa isip ko. Kahit anong pilit ko ay di ko ito magawang kalimutan o baliwalain. Para itong lason na unti unti akong pinapatay.
Sa bawat araw na yun ay paikli ng paikli ang oras na nabibigay ko sa kanya. Siguro nga ay kasalanan ko rin kung bakit nagawa niyang maghanap ng atensiyon sa iba.
Napatalon ako sa pag iisip noong tumunog ang cellphone ko.
"I'm sorry babe, but I can't make it tonight. May group activity kaming kailangan tapusin. Babawi ako bukas, promise."
Napabuntong hininga na lang ako matapos kong basahin ang text message ni Ashly. Ang daming naglalaro sa isip ko pero mas pinili kong paniwalaan ang salita ni Ash. Sinikap kong linisin ang isip ko saka ako nagsimulang maglakad pauwi.
"Nate!"
Napatigil ako sabay lingon sa naghahabol pa sa hiningang si Jade.
"Are you—here to meet Ash?"
"Oo e. Niyaya ko siyang lumabas kaso may group activity daw siyang kailangan matapos." pilit pa akong ngumiti
Napabuntong hininga ito saka may kinuha sa bag niya. "I'm sorry Nate, but you really need to know this. Nilalamon na ako ng guilt ko. Take this, para makita mo." bakas ang pag aalala at awa sa mukha niya
Inabot ko ang maliit na papel na hawak niya, naglalaman iyon ng pangalan ng isang restaurant.
"I am really sorry, Nate."
Hindi ko na nagawang sagutin pa si Jade, halos patakbo kong tinungo ang kinaroroonan ng restaurant. It's just a few meters away, sa restaurant na sana ay pagtatagpuan namin ngayon ni Ash.
Naghahabol ako sa hininga noong marating ko ito. At kahit nasa labas pa man ako ay nakita ko na ang dapat kong makita. Si Ashly na bakas ang saya at pagkislap ng mata habang kausap ang lalaki sa harap niya. Inaasahan ko ng makita 'to pero bakit ang sakit sakit parin. Gusto kong magalit kay Ash, gusto kong basagin ang mukha ng kung sino mang lalaking iyon. Pero sa huli mas pinila ko paring ipikit ang mata ko at umalis na parang wala akong nakita.
I can't afford to lose her. Babalik din sa akin si Ash, babalik din siya.