Prologue
" Agatha bakit hindi ka na lang sumama sa'kin. Bakit hindi mo na lang iwan, ang mga nakasanayan mo dito, salugar na ito.
Hindi mo ba gusto na lumayo at iwan, ang mga nakasanayan mo. kayang kaya ko ibigay sayo, ang lahat Agatha.
Bigla na lang napabalikwas sa kanyang kinahihigaan si Agatha, Nang bigla na lang niya mapanaginipan ang nakaraan. Pilit pinipigilan ni Agatha, ang kanyang mga luha na wag pumatak sa kanyang pisngi, ngunit kahit anong pagpipigil ay hindi niya magawa na wag mapaluha.
Tatlong taon na rin mula ng nangyari, ang bangungot sa kanyang buhay. Mula ng mawala ang lalaki na kanyang iniibig ay mas lalo siyang nawalan ng pag-asa na makaalis sa kanilang lugar.
Sa bawat Araw, Buwan, at taon na lumilipas ay hindi parin siya nagbabago. Marami na siyang nakikita na tao na mula pa noon at hanggang sa ngayon ay wala na sa mundo.
Habang siya ay ito at buhay na buhay parin, hanggang sa kasalukuyan na panahon ay ito parin siya at naghihintay sa tao na kaya siyang mahalin ng walang pag dududa. kahit may iba sa kanyang sarili ay handa siya maghintay sa tamang lalaki, tamang oras at panahon. Umabot man ng taon ang kanyang paghihintay. Mula sa kama na aking kinauupuan ay agad ako tumayo at nagtungo sa may labas ng aking tinitirahan.
paglabas ko sa aking munting kubo ay patingin tingin ako sa paligid ng aking bahay. Mula sa pintuan ay tumingin ako sa langit, pagtingin ko sa buwan ay hindi ko maiwasan na hindi parin malungkot.
habang tumitingin ako dito ay madalas ko. Naitatanong sa aking sarili na, kung sumama ba ako sa mga lalaki na aking inibig ay hindi kaya mangyayari sakanila, ang mga bagay na aking kinakatakutan ko.
Oh mas malala pa ang mangyari sa mga ito, dahil sa sumama ako sa mga ito.