KABANATA 1
Chapter 1- Bintana and The Jerk
Aya’s POV
Nakarinig ako ng mga kaloskos sa malaking bintana sa kanang bahagi ng kwarto ko, 11:00 pa naman ng gabi. Kinabahan ako at bigla ko nalang naisip ang mga horror na pelikulang pinapanuod ko. Nagtalukbong ako sa kumot ko at humiling sa dyos na sana'y ako'y makatulog na at sana'y mag umaga na.
"Pssst!!...!" oh my god! sino yung sumutsut?
"dyos ko pong mahabagin. sana walang multo pleassssse."
"pssst!!.. Aya!" oh my gosh! alam niya pangalang kooo! nasa nightmare ba ako! si Freddy Crauger ba ang tumatawag sakin? si Sadako o si Boogyman? oh dyos ko!!
Mas lalo kong itinago ang sarili ko sa kumot ko nang biglang maramdaman kong may yabag ng paa ang lumalapit sa direksyon ng kama ko. oh my! kamatayan ko na ba ngayon?
"Ayaaaah..." mahinang bulong nito saakin na nagpatayo ng mga balahibo ko.
"aaaaaah!! wag pooooooooo!" napabangon ako sa kama ko at nagtatakbo sa pinto palabas ng kwarto ko ng walang lingon lingon at sa sobrang taranta ko'y hindi ko mapihit ang door knob, arrrgh! nilock ko pala ito ng dalawang beses.
Humarap ako habang nakapikit at ang mga kamay ko ay nakahawak ng walis tambo na nahagilap ng kamay ko sa tabi ng pintoan. Ayaw ko siyang tingnan dahil baka himatayin ako sakaling makita ko ang pangit nitong itsura o kung ano man ang mukha ng halimaw na to!!
"Please,, wag niyo po akong sasaktan, bata pa po ako at madaming pangarap sa buhay! May exam pa po ako bukas at may recitation sa lunes tapos magdidilig pa ako ng halaman sa sabado at magsisimba sa Linggo!! sige na poooo! spare my precious life!!" pakiusap ko na may kasama pang luha na namumuo sa gilid ng mata ko.
"pffff.... hahahahahaha!!"
huh? teka.. bakit tumatawa ang mamang killer?
"hahahahaaha!!" tuloy tuloy pa rin ang paghalagapak niya ng tawa. teka... parang famillar ang tawa niya ah! parang kilala ko ang taong to. Dahan dahan kong binuksan ang mga mata kong nakapikit at unti unting nakikita ang singkit niyang mga mata na mas lalong nawawala ngayong tumatawa siya at ang matangkad niyang katawan na naka luhod ngayon habang nakahawak sa tyan niyang nanakit na sa pagtawa at ang maputi niyang kutis at ngipin na nag g-glow sa reflection ng dim light ko sa kwarto.
Nanghina ang katawan ko at napahinga ng malalim ng mapag tanto ko kung sino ang lalaking nanakot saakin at pinagtawanan pa ako. Naghalo nanaman ang inis at kahihiyang nararamdaman ko!!
"Paul Sarvanteeee!!! babalatan kita ng buhayyyyyy!!" Malakas na sigaw ko sakanya at akmang susugurin ko na siya ng walis tambong dala dala ko. Gusto ko siyang pokpokin ng walis hanggang sa ma-amnesia siya!! palagi nalang niya akong pinag tr-tripan at inaasaaar!!
"Hahaha! teka lang!!! wag mo mona akong pukpukin ng walis mo.. hindi pa ako tapos tumawa. Hahaha.. pfff... haha.. grabe!! priceless yung mukha mo Aya! sayang hindi ko nakuhaan ng Video! hahaha..." sabi niya na nagpupunas pa ng kanyang tears of joy. Walangyang lalaki to!
"Nakaka-high blood ka talagang lalaki ka!!! lumayas ka na nga sa kwarto ko at baka ituloy ko pa ang pag paslang sa walang kwenta mong buhay!!! arrrgh!!!" padabog kong sabi sabay baba ng walis na hawak ko at sinarado ang bintana na dinaanan niya. nakakainiiiisss! bakit kasi sa dinami dami ng kwarto dito sa boarding house na to ay ang kwarto ko pa ang nalagyan ng malaking bintana malapit sa gate na nilulusotan ng mokong na ito kapag lagpas na ang curfew at nahuhuli siya ng dating dahil sa pag na-night life niya!!! iba't-ibang uri na ng lock ang nilalagay ko sa bintanang iyon pero iwan ko ba sa buwisit na lalaking to na feeling close at nalulusutan nya palagi!! arghh.. bakit ba kasi naging blockmate at ka-boardmate ko ang taong to!! nawawala ang tahimik kong mga gabi!!
tiningnan ko siya ng masama at ayon, tumatayo na ng tuwid ang mokong galing sa kanyang pagtawa. Tumingin siya sa direksyon ko at nagpipigil pa rin ng tawa.
"LABAS KAMPON NI SATANAS!!!" sigaw ko sakanya sabay turo doon sa pintuan ng kwarto ko.
"Calm down okay? ito na, lalabas na po.. hihihi!" aba't ngi-ngisi ngisi pa ang baliw!!
patalikod na siya at akmang pipihitin na ang door knob ko ng may ibulong akong mga salita na nagpatigil sakanya.
"Humanda ka bukas kay Mrs. Reyes (ang aming land lady) at isusumbong ko ang pagdating mo ng late sa curfew." sabi ko na may namumuong revenge smile sa mga labi ko.
Tumingin siya saakin na parang nagsusumamo. aba! ang bilis naman ata mag iba ang expression ng mukha niya!! From laughing so hard to a fake sad face? hahaha! ako nanaman ngayon ang may Alas!!
"What?! Why are you looking at me like that so suddenly? labas na dali!!! you're messing my beauty sleep!" I said confidently sabay higa sa kama ko, pumikit at nag talukbong ulit. hihi.. na-i-imagine ko na ang expression ng mukha niyang pikon. :P naramdaman ko ang pag upo niya sa study table ko malapit sa kama ko. Napangiti ako, heto na at magmamakaawa na ang mokong.
"Ayaaaa... my oh so beautiful friend.. kapag sinabi mo kay Mrs. Reyes ang nangyari, hindi na kita patutulugin ng maayos gabi-gabi." napadilat ako bigla sa sinabi niya at tumingin sakanya, aba't prenting nakaupo ito! nakatukod ang kamay sa ulo habang nakangiting tumitingin saakin. Taas-baba pa ang cute niyang kilay. teka? what am I thinking?! Cute daw??!! Erase3x!!
"Hindi mo po yun magagawa Mr. Paul Sarvante dahil gagawa na ako ng lock sa bintana ko na hinding hindi mo na mabubuksan kahit kailan!! At higit sa lahat, mapapalayas ka na rin dito sa dorm!! kaya lumayas ka na sa kwarto ko kong ayaw mong masira yang gwapo mong mukha!!!" sigaw ko sabay talikod ko sakanya at nag kumot ulit ng mabuti. grrr.. malapit na talaga akong mag sungay!!
"Wow!! so ngayon inaamin mo nang gwapo ako? hahaha! thank you sa compliment ah! tatandaan ko yung HULING sinabi mo."
wait!! sinabi ko ba talaga yun? napabangon ako bigla at tumingin ng masama sakanya.
"Hi-hindi ka gwapo nuh! opposite yung sinabi ko! u-umalis ka na nga!!!" grrr! nakakinis! bakit ko ba kasi nasabi yun? Nautal pa ako! Sheemsss!!
"talaga? e bakit ka nauutal? hmmm?" Nakakainis talaga ang lalaking to!!! Nakangisi pa ang mokong at sabay lumapit sa mukha ko ng dahan dahan. Napapa atras ako sa headboard ng kama ko at kinakabahan sa mga titig niyang nakakalunod. Palapit siya ng palapit hanggang sa mahawakan ko ang isa kong unan at HINAMPAS sa mukha niya!! ouch! napalakas ata palo ko. hihi.. e sa nataranta ako eh.
"Arayyyy!! Aya naman! binibiro lang kita eh!!" sabay hawak niya sa matangos niyang ilong. naawa tuloy ako ng kunti. Haha! "Bakit mo ba ako hinampas ng unan?! sa tingin mo hahalikan kita? Assuming ka rin eh nuh!! Amasona ka talagang babae ka! ang ilong kooo. ang sakit!"
"Yan ang napapala ng mga manyak na katulad mo! lumayas ka na kung ayaw mo na itong kamay ko na ang humampas jan sa mukha m-mong PA-PANGIT!!" bakit ba ako nabubulol pag nagsisinungaling? syempre, hindi kasi totoo yung lumalabas sa bibig ko.
"Oo na!! lalabas na!! ang baho ng unan mo! amoy panes! Amoy panes na laway!!" sagot niya habang naglalakad papuntang pinto at hinahaplos ang ilong niya.
"Che!! mapango na sana yang ilong mo!"
"What ever Aya! just remember our deal. A sleepless night for a wrong words from your cute lips to Mrs. Reyes. Okay?"
"psssh! mokong!!" palabas na sana siya ng pinto ng sumilip itong muli.
"and oh! I almost forgot my flying kiss! Good night and dream of me!" at gaya nga ng sinabi niya, nag flying kiss ito na may kasama pang kindat bago niya isaradong tuluyan ang pintuan.
"Grrrr... Dream your ass!! Jerk!!" inis kong sabi sa hangin at tuluyan ng nahiga. Kung isa siguro ako sa number one fan niya ay baka mangisay pa ako sa kilig dahil sa flying kiss niya. Pero HINDI, dahil siya ang mortal kong kaaway at kinaiinisan sa balat ng Earth! Bukod sa makulit ang lahi ay lagi niya akong inaasar at pinapahiya sa school magmula noong High school kami hanggang ngayong College na kami! Isip bata pa rin talaga siya kahit kalian!! Kababata ko rin siya actually at may sikat na banda magmula noong high school kami hanggang ngayon na mas lalong nagpalala ng hangin sa utak niya kaya ganun kayabang minsan! In fairness sikat talaga ang mokong kahit saang school at universities.
At ako? isang simpling babae na gustong malagay sa tahimik na buhay at gustong maging sikat na dancer someday. Hahaha! Hindi naman masamang mangarap minsan diba? Hihi..
Hindi naman ako member ng isang glee club o cheering squad sa school. Pero kasali naman sa hindi gaanong sikat na dance troop 'sa ngayon' na binubuo ng limang magagandang babae na galing sa iba't-ibang school dito sa Elmor City and I am proud to be its active member. Choss!!! I look at the alarm clock above my study table. Its already 12 midnight na pala. Napabuntong hininga nalang ako. That Jerk Paul Sarvante!!! He's such a pain in the ass. Tsk! I am not a fan of late night sleeping. Pilit ko nlang pinikit ang aking mga mata para makatulog ulit.
Sandali akong natahimik. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayong gabi. parang may nakatitig saakin, binuksan ko ulit ang mga mata ko at tumingin ulit doon sa malaking bintana kung saan dumadaan si Paul. Nakasarado naman ito. Buti pa’y matulog nalang ako. Guni-guni ko lamang siguro iyon.
I close my eyes and thinking that tomorrow will be the best day for me. I hope so... sinasabi ko yan palagi sa sarili ko bago matulog. Minsan effective, minsan hindi... Hindi pala minsan, kundi madalas.
---
END OF CHAPTER 1
---