14. blade of heaven and light

1636 Words
Tahimik kaming nakauwi sa bahay ni Harlan. Hanggang ngayon ay tulog pa rin siya. Medyo nag-aalala ako kung nalason ba siya o ano ng babaeng iyon. Kahit patay na ang isang iyon, hinding hindi ko pa rin siya mapapatawad. Hinawi ko ang kumot at hiniga ni Rhys si Harlan sa kama. "Lilith..." Mahinang tawag sa akin ni Rhys. "Iwan mo muna ako." Malamig kong tugon. Suminghap siya saka tumango. Walang siyang magagawa sa histura niyang iyon. Lumabas siya sa silid na ito saka sinara niya ang pinto. Kahit na ganoon ay hindi pa rin matanggal ang tingin ko kay Harlan. He's peacefully sleeping. Kusang gumalaw ang katawan ko at umupo sa gilid ng kama. Marahan kong hinawakan ang kamay ni Harlan. Hinaplos ko iyon. "You are now safe." Halos pabulong ko nang sambitin ko ang mga salita na iyon. Kahit ako, hindi ko rin maitindihan ang aking sarili. He's a demon hunter. There's a possibility he can kill me or Rhys. Pero mali ang iniisip ko. Ni minsan ay hindi niya kami ginawan ng masama. Sa halip ay nag-alok pa siya ng tulong para mahanap namin si tatay. Pero nang makita ko kung papaano siya walang malay habang nakahiga sa sapot kanina ay parang biglang sumiklab ang galit sa puso ko ng mga oras na iyon. Parang sinasabi ng parte ng aking isipan na hindi ko matatanggap kung sakaling malagay sa kapahamakan si Harlan... "Kaya gusto kong magpaturo sa iyo para sa oras na nanghihina ka, ako naman ang magtatanggol sa iyo." Pumikit ako ng mariin at umiiling-iling para mabura ang alaala na iyon sa aking isipan. Kumawala ako ng isang malalim ba buntong-hininga. Binitawan ko na ang kaniyang kamay. Tumayo na ako saka inayos ang kumot pero ang mas ikinagulat ko na biglang hinawakan ang isang kamay ko at walang sabi na hinatak ako palapit pa kaya napasubsob ako sa dibdib niya! Agad ako napatingin sa mukha niya. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko nang nagtama ang mga paningin namin. W-what the...?! A-anong ginagawa niya?! "Thank you for saving me, wife." Mahina niyang sambit. Mas lalo ako natigilan sa aking narinig. A-anong tawag niya sa akin?! "I'd never thought you care for me..." Dagdag pa niya. "H-Harlan..." Iyan lang ang tanging lumabas sa aking bibig. Ngumiti siya ngunti hindi pa rin niya maalis ang mga mata niya sa akin. Kaunti nalang talaga, mahahalikan ko na siya! The f**k?! Dahil sa mga ngiti niyang iyon ay umiba ang aking pakiramdam. Lahat ng dugo ko ay napunta na sa aking ulo! Hindi lang iyon, parang may tumitibok sa may bandang dibdib ko! Dahil doon ay agad ko inilayo ang sarili ko sa kaniya pero hindi pa rin mabitawan ang kamay ko. Nagtitimpi ako na magbigay ng sapak sa kaniya! Instead, I gulped. "M-matulog ka na." Malamig kong sambit. Pilit kumilos ng normal. "Dahil niligtas mo ako, you have any wishes? Tell it and I'll make it possible as I can, my wife." Teka, hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman ko. Mas bumibilis ang kabog ng aking dibdib. Bakit, bakit ganito?! "M-matulog ka nalang." Madali kong nabawi ang kamay ko mula sa pagkahawak niya sa akin. Mabilis din akong nakalabas sa kaniyang kuwarto. "Lilith," Tawag naman sa akin ni Rhys pero nilagpasan ko siya't dire-diretso ako pumunta kung nasaan ang silid ko. Pinihit ko ang pinto at sinara din iyon. Napasandal ako doon at napasapo sa aking dibdib kung nasaan ang aking puso. Walang tigil ang pagtibok n'on. Para akong hihingalin kahit wala naman akong ginagawa na ikakapagod ko. Ngayon ko lang naramdaman ito. Nagiging abnormal na itong nangyayari sa akin. I have no pulse but this is the first time! Napahawak ako sa kuwintas. "Ganito ba ang nararamdaman mo noon para kay papa, mama?" Mahina kong tanong kahit na alam ko ay walang sasagot sa akin. ** Kinabukasan din iyon, Paglabas ko ng kuwarto ay siya din ang paglabas ni Harlan mula sa kuwarto niya. Nakabihis na siya. Kulang nalang ay kumain siya para makapasok na siya sa trabaho. He's wearing a beige cream long sleeves polo shirt (na nakatupi ang mangas iyon hanggang siko niya), sky blue slacks and a leather shoes. Nakaayos din ang kaniyang buhok, brush up. Kahit na nakasalamin siya ay tumitingkad ang kaguwapuhan niyang taglay. Nagtama ang tinginan naming dalawa. Napalunok ako. Heto na naman ang puso ko. Nagiging abnormal na naman! Ako ang unang bumawi ng tingin. Patungo ako sa kusina dahil paniguradong si Rhys ang nagluluto ngayon at tama nga ang hinala ko. "Magandang umaga," Nakangiting bungad sa akin ni Rhys nang lingunin niya ako. May hawak siyang plato na may lamang mga pritong itlog. Nilapitan niya ang mesa pagkatapos ay inilapag niya ito. "Kumain ka na, Lilith." "Salamat..." Mahinang sagot ko. Umupo na ako sa nakagawiang pwesto ko, sa tabi ni Rhys. Nang pumasok na si Harlan dito sa dining area. Hindi ko alam pero kusang umayos ang sitting posture ko! Parang naalarma ang sistema ko sa presensya ni Harlan! Oh s**t, bakit ganito na naman ako?! Ano ba talagang nangyayari sa akin?! "Yes, kakain na!" Masiglang sabi ni Harlan sabay umupo siya... Kaharap ko siya. May inilapag pa si Rhys na plato sa harap namin saka umupo siya sa tabi ko. "Kain na." Aniya saka kumuha siya ng isang plato na naglalaman ng bacon. Siya pa ang naglagay sa plato ko. Pati din kanina, siya na din ang naglagay. Lihim ako tumingin kay Harlan na parang nakasimangot na ano na ngayon ko lang iyon nakita. Tss, parang bata. "Siya nga pala, Lilith..." Tawag niya sa akin. Halos matalon ako sa gulat nang tawagin niya ang pangalan ko. "A-ano iyon?" Oh s**t, bakit nauutal ako?! "Itatanong ko lang kung may gagawin ka ba ngayon?" "W-wala naman. Ba-bakit?" Oh f**k! "Great. May ipapakita sana kasi ako sa iyo-" "Sasama ako." Biglang sumingit si Rhys sa usapan. "Huwag ka na. No pets allowed nga eh." Tumalim ang tingin ni Rhys sa kaniya. Tumawa lang ng nang-aasar si Harlan. "Baka gusto mong masunog ka ng buhay, ngayon din?" Pagbabanta pa niya. "Tama na iyan." Malamig kong suway sa kanilang dalawa. Nilipat ang tingin ko kay Harlan. "Ano bang ipapakita mo?" "Kind of weapon but I am not sure about that. Isasama kita para makita at may malaman ako tungkol sa espada na iyon." Tugon niya. Espada? Hindi kaya ang angel blade, angel sword of the first sword? Alin ba doon? "Sige, sasama ako." Sagot ko. "Sasama ako sa iyo, Lilith." Giit pa ni Rhys. "Sabing bawal ng hayop doon. Naman!" Reklamo pa ni Harlan. I just heard Rhys tsk-ed. Kumawala nalang ako ng isang malalim na buntong-hininga. Pambihra talaga ang dalawang ito. Kahit kailan, hinding hindi magkasundo. Pag-untugin ko nalang kaya ang mga ito para matahimik sila pareho? Tss. ** Sa huli ay sumama din si Rhys. Pagkatapos namin kumain ay agad kaming naligo at nagbihis. Hinintay pa kami ni Harlan na matapos. Dahil parehong bawal kami ni Rhys sa araw ay balot na balot kami. Saka nalang namin tatanggalin ni Rhys ang mga jacket at sumbrero kapag nasa loob na kami ng Institute. Medyo nabuhay ang kuryusidad ko nang banggitin ni Harlan ang tungkol sa espada na nakuha niya.May parte din sa akin na sabik na akong makita iyon. I feel I'm anticipated... Nang nakarating na kami sa nasabing lugar ay mabuti nalang ay malaya kaming nakapasok ni Rhys. Siguro dahil sa kasama kami ni Harlan. Napapansin ko na bawat tao na nadadaanan namin ay binabati siya. Hindi lang iyon, napapatingin sila kasama kong si Rhys. Daig mo pang ngayon palang sila nakakita ng tao. Palagi ko rin naririnig sa kanila na 'omg, ang guwapo niya', 'kasama ba iyon ni sir Harlan iyan? Grabe!' Napangiwi ako. Ano bang meron sa mga lalaking kasama ko at ganyan ang mga reaksyon nila? "Nandito na tayo." Harlan announced when we reached his office. Iginala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid na ito. Organized and very appropriate kasi lalaki ang nagmamay-ari ng opisina na ito. May mga iilang bagay din na mukhang pinag-aaralan din niya. May mga plorera, kalasag, mga dekorasyon sa bahay o ano pa. It looks like... They're antique. Pinaupo kami ni Rhys sa isang malapad na sofa. Sabay kaming umupo. Pinapanood lang namin siya habang kinukuha niya ang bagay na ipapakita niya sa amin. Bumalik siya sa direksyon namin na buhat-buhat na niya iyon. Maingat niyang inilapag ang bagay na iyon sa mababang mesa. Hindi ko mapigilang mamangha nang tumambad sa harap namin ang naturang espada. "I-ito na ba ang tinutukoy mo?" Tanong ko ngunit hindi maalis ang tingin ko doon. "Yeah, blade of heaven and light ang tawag d'yan." Sagot niya saka umupo sa single sofa na nasa harap namin. "Blade of heaven and light kamo?" Hindi makapaniwalang segunda pa ni Rhys. Bumaling ako sa kaniya. "Why? May alam ka sa ganitong sandata?" Sumeryoso ang mukha ni Rhys. "This is the most powerful sword. Combined with the power of all archangels, can kill any kind of demons, including the Knights of Hell. Ayon din sa mga sabi-sabi, this is the only known weapon capable killing a Knight of Hell." He explained. "I-ibig sabihin, sa pamamagitan nito, pwede matalo si Flavius?" "Yeah." Muli niyang sagot. "Kaya malakas ang loob ni Flavius dahil alam niyang nawawala ang sandata na ito para hindi siya mapatay. May sumubok na daw na labanan siya. He's a fallen angel---half angel and half demon, pero mali ang paggamit niya dito kaya naman nahulog ito mula sa pakikipaglaban nila sa himpapawid." Fallen angel? Sino kaya ang tinutukoy nilang iyon? "Mukhang kailangan na talaga natin mahanap si tatay," Bigla kong sambit. Seryoso ko silang tiningnan. "Mukhang may alam din si tatay sa bagay na ito." "Kailan mo gustong pumunta kung ganoon?" I tapped my index finger three times. "Tonight." "Are you sure about this, Lilith?" Nag-aalalang tanong ni Rhys sa akin. "Hindi natin kailangan magsayang pa ng oras, Rhys. Alam mo kung bakit ginagawa ko ang bagay na ito." "Wala na rin palang problema. Actually my leave is effective today." Sabi naman ni Harlan. Tanging buntong-hininga lang ang ginawa ni Rhys, ibig sabihin, wala na siyang magagawa pa sa desisyon ko. "Alright, kukunin ko lang ang mga importanteng gamit ko dito tapos tutulak na tayo sa Batangas." ⏩
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD