15. home

1713 Words
Panay kabog ng aking dibdib habang papalapit na kami sa naturang mansyon na tinutukoy ng isang lokal. Napagtanungan kasi namin kung may kilala ba silang Ramael at Bethany Black. Itinuro nila kung nasaan ang tahanan nito noon. Hindi ko alam na kilala pala ang parents ko sa lugar na ito. Habang umaandar ang sasakyan ay natatanaw ko na ang mansyon. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Mula dito sa labas ay hindi ko maitanggi ang ganda nitong taglay kahit sa gabi. Buhay na buhay dahil sa mga ilaw. Maraming halaman at puno sa paligid. Papaano kasi may mga nakakabit na christmas lights mga halaman. October palang pero mukhang pinaghahandaan na para sa buwan ng kapaskuhan. Parang alagang-alaga ito. Nakakatuwang lang isipin, parang hindi man lang pinabayaan ang malaking bahay na ito kahit na wala na ang mga magulang ko. Nang tumigil na ang sasakyan sa tapat ng gate nito ay kani-kaniya na kaming ng baba. Napatingala ako sa lumang bakal na gate na nasa harap namin. Tumabi sa akin si Harlan para sumilip. "Walang doorbell." Aniya. "Puwede naman siguro tayo pumasok?" Usisa naman ni Rhys na nasa tabi ko lang din. "Hindi kaya paratangan tayong trespassing?" Ani Harlan. "Hindi 'yan, kasama naman natin ang tunay na may-ari, oh." Tinutukoy niya ay ako. Harlan just shrugged, samantalang si Rhys naman ay nanatiling tahimik. Huminga ako ng malalim. "Let's go." Seryosong sabi ko sa kanila. Ako na ang unang kumawala ng hakbang palapit sa gate. Marahan kong itinulak iyon. Alam ko lang na sumusunod lang sa aking ang dalawa kong kasama. Tumigil lang ako sa paglalakad nang may nakita akong isang lalaki kakalabas lang mula sa mansyon. Inaayos niya ang kaniyang sumbrero habang naglalakad. Tumigil lang siya nang makita niya kami. Umukit sa kaniyang mukha ang pagtataka. Base sa kaniyang hitsura ay isa siya sa mga naninilbihan sa bahay na ito. Binatilyo at moreno ang kaniyang kulay. "Sino po sila?" Magalang niyang tanong sa amin. "Pwede ba namin malaman na dito nakatira si Mr. Raziel Gauthier?" Si Harlan na ang nagtanong.  Nagkatinginan kaming dalawa ni Rhys. Tulad ko ay bakas sa mukha niya ang kaba at takot na baka magkamali kami ng pinuntahan. O di kaya ay wala siya dito... Halos mapugto ang hininga ko sa kaba. Sabay naming ibinalik ang tingin namin sa binatilyo. "Ah, si Sir Raziel po ba? Opo, dito po siya nakatira... Kaso, wala siya ngayon dito. Pero pauwi na din po sila..." Ano? Sila? Ibig sabihin, hindi lang si tatay ang nakatira dito? Tinapik ni Harlan ang balikat nito. "Ano kasi, mga anak-anakan ito ni Mr. Gauthier. Matagal na kamo sila hinahanap. Okay lang bang maghintay kami sa loob?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ng binatilyo nang ipinakilala kami. "P-po?! Sila po pala ang binibanggit ni sir Raziel na Lilith at Rhys?!" Bulalas niya. Saglit kami natigilan ni Rhys sa aming narinig. Ibig sabihin, binabanggit pala kami ni tatay sa ibang tao? Papaano? "Matagal na po kasi pinapahanap ni sir Raziel ang mga anak-anakan niya, labing apat na taon nang nakalipas. Palagi po namin siyang nakikitang malungkot, kung minsan po ay umiiyak siya sa kaniyang kuwarto. Naririnig pa nga po namin ang mga pangalang Ramael, Bethany at Trish..." Napapikit ako ng mariin. Sabi ko na nga ba, sinisisi na naman ni tatay ang sarili niya dahil sa pagkawala naming dalawa. Sinisisi niya ang sarili niya at pinagdudusahan niya iyon na dapat ay hindi. Hindi niya kasalanan kung bakit kami kinuha ni Flavius noon. Ako. Ako ang may kasalanan. Kung hindi lang umaandar ang kapilyahan ko ng mga panahon na iyon, paniguradong magkakasama pa rin kami hanggang ngayon. Ramdam ko ang mainit na palad ni Rhys sa aking balikat. Bumaling ako sa kaniya na may maliit na ngiti sa kaniyang labi. Parang sinasabi ng mga mata niya na huwag ko din sisihin ang aking sarili. ** Naghihintay kami ngayon sa receiving area ng mansyon. Hindi ako mapakali. Iginagala ko ang aking paningin sa paligid. May pagbabago ba sa bahay na ito? Ano kaya ang histura nito noon sa ngayon? May isang malaking larawan pa ang nakasabit sa pader. Napaawang ang bibig ko nang makita ko iyon. Hindi ko alam ngunit kusang akong lumapit para makita iyon nang mas malapitan... Ang wedding photo nina mama at papa... Kusa akong napahawak sa suot kong kuwintas. Hindi lang sina mama at papa ang nasa litraro... Kasama din doon sina tatay na nasa tabi ni papa at tita Lucille na nasa tabi lang ni mama. Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan ng araw na iyon. Parang wala silang inindang problema. Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ko iyon. Ganito pala ang histura nila noon wala pa ako sa mundo... "Ang ganda pala ng mama mo, Lilith." Rinig kong boses ni Harlan sa tabi ko. Sa kanan ko. Napatingin ako sa kaniya. Nakatuon ang tingin niya sa larawan na nasa aming harap. "Yeah, hindi na nakakapagtataka kung may magkakagusto man sa iyo." Rinig ko naman sabi ni Rhys na nasa kaliwa ko naman. Kunot-noo ko silang tiningnan. Ano bang pinagsasabi ng mga ito? Hindi ba sila marunong makiramdam? Nagdadrama ako tapos bigla silang eeksena? Tss. "Siguro, masyadong mahal ng papa mo ang mama mo." Nakangiting sambit ni Harlan. Bumaling siya sa akin. "Akala mo, hindi na namin napapansin ni Rhys kung anong histura mo kanina habang pinagmamasdan mo ang wedding picture ng parents mo? Kitang kita na parang nagsisisi ka kung bakit bigla kang dumating sa mundo at haharapin ang tadhana ninyo bilang maging cambion." Natigilan ako. Masyado na ba akong halatado? "Lilith, ang sabi nga nila, kung ano ang nakatadhana, mangyayari at mangyayari iyon. Walang makakapigil." Seryosong wika naman ni Rhys. "Nasaan sila?!" Sabay kaming napalingon sa pinto. Napasinghap ako nang makita ko ang isang bulto ng lalaki na mukhang hapong-hapo. Parang tumakbo at nagmamadali. Nahawak siya sa magkabilang tuhod niya. Maya-maya pa ay inangat niya ang kaniyang tingin hanggang sa nagtama ang tingin namin. Kitang kita ko kung papaano siya napatulala at hindi makapaniwala nang makita niya ako... Kami ni rhys. Napasinghap siya. Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa direksyon namin. Parang sinusuri niya kami. Maski ako ay hindi rin makapaniwala. Kahit na parang nadudurog ako dahil nasasaktan ako para kay tatay ay pilit ko pa rin siya bigyan ng isang matamis na ngiti. "Tatay..." Sabay naming tawag ni Rhys sa kaniya. Hindi na niya mapigilan ang sarili niya na humikbi sa harap namin hanggang sa tagumpay niya kaming niyakap. Niyakap din namin siya pabalik. Hindi na namin mapigilan ni Rhys na mapaluha. Pumikit ako ng mariin. Marahas tumulo ang mga luha ko sa aking mga pisngi. Hindi pa rin ako makapaniwala, nasa harap na namin si tatay at yakap-yakap na namin siya. Makakasama na namin siya... "Namiss ko kayo, mga anak." Wika ni tatay sa gitna ng kaniyang hagulhol. "S-sorry... Sorry... K-kung napabayaan ko kayo..." Marahan kaming kumalas mula sa pagkayakap namin sa kaniya. Umiling ako. "Hindi, tatay. Kahit kailan, hinding hindi namin magawang magalit sa iyo." Kinagat ko ang aking labi. "Sorry din kasi dahil sa kapilyahan ko noon, nahuli kami..." Yumuko si tatay at umiyak ulit. Nakakatuwa lang. Walang nagbago sa hitsura ni tatay. Kung ano ang hitsura niya noong mga bata palang kami ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Sa puntong ito, parang bumalik kami sa pagkabata ni Rhys. Parang naging bata kami noong mga panahon na namulat kami na siya ang tanging magulang namin... Tatay Raziel is now one hundred years old. Nephilims and cambions has a life span within five hundred years. Pagtuntong ng 300 years old, saka maiiba ang hitsura namin... Tatanda. "Malaking pasasalamat ko sa diyos dahil bumalik kayo sa akin." Sabi pa ni tatay saka pinunasan niya ang mga luha niya. Bumaling siya kay Rhys. Tinapik niya ang balikat nito. "Alam kong... Matagal mo nang pinapangarap na magkaroon ng ama, anak." "A-ano pong ibig ninyong sabihin, tatay?" Naguguluhang tanong ni Rhys. Bago man magsalita si tatay ay nilingon niya ang pinto kung saan siya pumasok. May isang lalaki na kasing edad lang ni tatay na pumasok dito... Black leather jacket, white shirt, black pants, even black leather boots. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang lalaki ito... S-siya 'yung nasundan ko noong nakaraan... Ngumiti siya sa amin... "W-who is he, tatay?" Hindi ko mapigilang itanong iyon. "He's Primus, Rhys' father." Napasinghap ako sabay tingin kay Rhys na ngayon ay tulala. Bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala. Parang ayaw pa magsink in sa isipan niya ang nangyayari ngayon..."Rhys..." Mahinang tawag ko sa kaniya. Bumaba ang tingin niya. Kita ko ang panginginig ng magkabilang balikat niya. Dumapo ang isang palad ko sa balikat niya. "Anak..." Tawag sa kaniya ni Primus. Lumapit pa siya sa amin. "Rhys..." Doon ay kumawala na ang mga luha ni Rhys. Halos mapaluhod na siya. Doon na siya mapahagulhol. Ramdam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Pareho kaming nangungulila sa magulang. Kahit na masabi naming nariyan si tatay Raziel na siyang tumatayong magulang para sa aming dalawa, iba pa rin kung makakasama mo din ang mismong magulang mo. Noong mga bata palang kami, palagi sinasabi ni Rhys na mabuti pa daw ako dahil kilala ko ang tunay kong mga magulang pero ang hindi niya alam, mas maswerte siya dahil ngayon ay makakasama na niya ang tunay niyang ama. Kilala ko nga ang mga magulang ko pero ni minsan ay hindi ko sila nakakasama. Iyon ang pinagkaiba namin. "Patawad..." Primus' voice cracked. He's trying to hold Rhys. Niyakap niya ito. Yumakap pabalik si Rhys. Alam ko... Alam kong sabik siya na makilala niya ang tunay niyang magulang. "B-bakit n-ngayon ka lang... Nagpakita?" Humihikbing tanong ni Rhys sa kaniya. Tinapik ni Primus ang likod ni Rhys. "Kailangan ko munang magpalakas. Grabe ang natamo ko mula sa pakikipaglaban ko noon kay Flavius..." Tagilan kaming tatlo sa aming narinig. Nakaharap na pala niya si Flavius? "I-ikaw ang fallen angel?" Kusang lumabas ang tanong na iyon mula sa aking bibig. Kumalas siya ng yakap mula kay Rhys. Bumaling sa akin si Primus. Tumango siya. "Ako ang nakakuha ng blade of heaven and light noon. Hindi kinaya ang kapangyarihan na meron ako kaya nabitawan ko ang espada at nahulog ito kung saan man." "I-ibig sabihin, totoo pala ang nakuha kong impormasyon..." Dagdag pa ni Harlan. Tahimik na tumango si Primus bilang tugon. Tumingin ako kay tatay. Seryoso. "Tatay, kailangan ko kayong makausap. Sa tingin ko ay sapat na ang aking kapangyarihan at kakayahan. Aminado na ako, gusto kong matalo si Flavius. Gusto kong mabigyang hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko pati ni tita Lucille." Sabi ko. Pero sa parte ng aking puso, nagdidiriwang ito. Masasabi ko na... We're finally home... ▶▶
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD