16. alew

1627 Words
Masaya kaming nagkukwentuhan dito sa Dining Area. Nasabi ko din kina tatay at Primus kung bakit namin kasama si Harlan papunta dito. Hindi rin sila makapaniwala na isang demon hunter ang kasama namin. Ipinaliwanag ko din kung bakit isasama ko din sa hukbo ang isang iyon. Malaking pasasalamat ko dahil naitindihan nila ang gusto kong mangyari. Si tatay pa rin ang nagluluto para sa amin. May mga maid pala dito sa mansyon. Simula noong nawala kami ni Rhys sa kaniya ay nanatili na siya dito, nagbabakasakaling dito daw kami didiretso balang araw sa oras na hahanapin namin siya at natupad nga iyon. Naikwento din ni Primus na hindi talaga siya incubus. Ampon lang siya ni Lucifer. Ang dahilan ng away nila ni Flavius dahil sa inggit at selos nito sa kaniya. Ilang beses na rin daw siya nito pinagtangkaan na patayin ngunit nakakaligtas siya kahit papaano. Ang labanan na naganap noon ay paghihiganti niya kay Flavius ngunit bigo siya kaya umatras siya para magpaglakas ulit hanggang sa muli niya iyo nagkaharap. "Hindi ko akalain na malaki ang ipinagbago ninyo... Ninyo ni Rhys." Masayang sambit ni tatay habang nasa harap kami ng hapag. Ngumiti ako. "Noong una, takot na takot ako doon, tatay. Pero hindi ko rin akalain na sa pamamagitan ng lugar na iyon ay magiging matatag ako." Sagot ko. "Pero, nakakabahala lang na baka sundan kayo ni Flavius." Segunda pa ni Primus. "Lalo na siya magagalit dahil pareho kayong nawala sa Nine Hell at napadpad kayo dito sa mundo ng mga mortal." "Sa umpisa palang naman ay hindi talaga namin ginusto maging assassin ng Host of Heaven." Sagot sa kaniya ni Rhys. "Siya lang naman ang pumipilit sa amin. Siguro dahil pareho kaming cambion ni Lilith. Alam naming gagamitin niya lang kami sa kaniyang gugustuhin. Sa masamang paraan." "Siya nga po pala," Biglang sumabat si Harlan sa usapan. "Napansin ko lang 'yung malaking picture frame sa may receiving area ninyo. Curious lang ako sa kwento ng parents ni Lilith. Ang astig lang, hindi naman talaga tao ang tatay niya tas nagpakasal siya sa nanay ni Lilith na tao." Ngumiti si tatay. "Kahit na full-blooded demon si Ramael, kusa siyang nagbago para kay Bethany. Ngayon lang kasi siya nagmahal. Gusto niya rin maranasan kung ano din ang ginagawa ng mga tao." Pagkukwento ni tatay. "Masyado nilang mahal ang isa't isa, Lilith was made through out of love..." Saka bumaling siya sa akin. "Kaya hindi ka lumaking masama, anak." "Tatay..." Mas lumapad ang ngiti niya. "I think history repeats by itself." "Ano pong ibig ninyong sabihin, tatay?" Takang tanong ni Rhys. "Kayong tatlo." Banggit ni tatay. "Kayo ang magtutuloy ng naiwan nina Ramael at Bethany..." Ano bang ibig niyang sabihin doon? ** Pagkatapos namin kumain ay itinuro sa akin ni tatay kung nasaan ang kuwarto nina mama at papa noon. Gusto ko kasi doon matulog. Nang buksan ni tatay ang pinto ay humakbang ako papasok sa silid. Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang ganda at ayos. Hindi siya nakakatakot para sa akin. Sa katunayan pa nga, parang masyadong maraming alaala ng silid na ito noong hindi pa ako nabuo. "Kung alam mo lang, sa kuwarto na ito ang lugar kung saan na naging sila." Natatawang sabi ni tatay habang nakapameywang. Pinapanood ko lang si tatay kung papaano niya nilapitan ang kama. Umupo siya sa gilid nito at marahan niyang hinaplos ang bed sheet. "At dito din namatay si Bethany pagkatapos ka niyang ipinanganak." Parang piniga ang puso ko nang marinig ko iyon. Napatitig ako sa kama. Tatay Raziel was suddenly faded away, the whole room switched into sepia... Parang bumabalik ako sa nakaraan... May narinig akong iyak ng sanggol. Nagtaas-baba ang dibdib ni mama dahil sa pagod. Pinapanood ko kung papano pinunasan ni tatay Raziel ng puting bimpo ang sanggol dahil sa mga dugo sa iba't ibang parte ng katawan nito. Pagkatapos n'on ay binalutan pa niya ng puting tela. Nilapitan ni tatay Raziel si mama na nakangiti. "She's a girl, Beth." Saka maingat niyang inilipat ito sa bisig ni mama. Hindi mapigilang mapangiti ni mama nang nasa mga bisig niya na ang bunga ng pagmamahalan nila ni papa. Kita ko papaano siya mapaluha nang makita ako. Tulad ni Rhys ay tao ito... "Lilith..."Nanghihinang tawag niya sa sanggol. "Nakita na din kita, anak..." Parang may tumutok na matulis na punyal sa parte ng aking puso habang pinapanood ko ang eksenang ito. Ramdam ko ang panginginig ng aking labi. 'Ramael, nandito na ang anak natin...' Rinig ko ang iniisip ni mama. Pumikit siya saka dinampian niya ng halik sa noo ang sanggol. Pinagmasdan niya iyon ng mabuti ang mukha nito. 'Kamukha mo siya, Ram...' Muling sabi ni mama mula sa kaniyang isipan. "Lilith Rosemarie Black." Bumaling siya kay tatay. "Iyan ang ipapangalan ko sa kaniya," Malungkot na tumango si tatay. Kita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao. Pinipigilan niya ang kaniyang sarili na mapaluha sa harap ni mama. Bumaba ang tingin ni mama sa bata. May pumatak na dugo sa kaniyang ulo nito.. Medyo natigilan ako nang makita ko ang iyon. Nagdudugo ang bibig ni mama! "It's my time, Raziel..." Nanghihinang sabi niya kay tatay. "Our promise, hmm?" Ibinalik niya ang tingin sa bata. "I love you, Lilith... Mama and papa always love you, baby..." Dahan-dahan niyang nang ipinikit ang mga mata niya... Napasinghap ako sabay marahas tumulo ang mga luha sa aking mga pisngi. Wala akong pakialam kung saan man iyon pumatak. Napasapo ako sa damit ko sa banda kung nasaan ang aking puso. Mahigpit ko iyon hinawakan. Para akong nanghihina... Binuka ko ang aking bibig para makahinga. Hanggang sa bumalik sa dati ang lahat... "Lilith..." Nag-aalalang tawag sa akin ni tatay. Dinaluhan niya ako't inaalo niya ako. "Kitang kita ko papaano nawala si mama, tatay..." Humihikbi kong sabi. "Noong nasa Abyss kami ni Rhys, hindi naging madali... Nasabi sa akin na ako ang dahilan kung bakit nawala si mama... Sinsisi ko ang sarili ko... Kasalanan ko..." "No, Lilith. Kahit kailan, wala ka dapat pagsisisihan sa pagkawala ni Beth... Ng mga magulang mo. Nagawa nilang ibuwis ang mga buhay nila para mabuhay ka. Kahit na wala na sila, may naiwan pa rin na magsisilbing alaala nila ni Ramael at ikaw iyon." Hindi ko magawnag magsalita. Sa halip ay yumuko ako at sige pa rin ang paghikbi ko. ** Nang kumalma na ako ay sinabi ko na kay tatay na siya naman ang magpahinga. Sinabi ko din na magiging maayos din ako. Wala na siyang magagawa kungdi iwan na niya ako dito sa kuwarto. Nilapitan ko ang balkohane at umupo sa railings na yari sa sementado. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang kabilugan ng buwan. Maliwanag at maganda. Parang nakakaakit. Pianglalaruan ko lang ang suot kong kwintas habang ginagawa ko iyon. "Lilith..." Napatingin ako sa pinto ng balkonahe. Nakatayo doon si Rhys. May pag-aalala sa kaniyang mukha. "Bakit, Rhys?" "Ayos ka na ba?" Tanong niya. Hilaw akong ngumiti. "Medyo nagiging maayos na ang pakiramdam ko." Sagot ko. "Ikaw ba? Anong pakiramdam na nakita mo na ang tunay mong ama?" Ngumuso siya at humawak sa railings. Tulad ko, pinapanood niya din ang buwan. "Parang nabuo ang pagkatao ko nang oras na iyon. Parang naghalo ang saya at inis pero mas nangingibabaw pa rin ang saya." Sagot niya. "Nasabihan niya na minahal niya daw talaga ang tunay kong ina, hindi niya lang magawang ipakita iyon para hindi siya mahalata ni Flavius... Na nagtataksil." "Glad to hear, atleast hindi ka na mangangapa tungkol sa pagkatao mo." Dagdag ko pa. Bumaling siya sa akin. Nilapitan niya ako at marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Taka ko siyang tiningnan. Nagtataka ako sa kinikilos niya. "Hindi ko alam kung tama bang itong mga salita na gagamitin ko." Malumanay niyang sabi. "Rhys..." Nagtama ang mga tingin namin. Mas lalo ko ipinatataka kung bakit parang mas sumeryoso siya ngayon. "Kahit anong gugustuhin mo ay ibibigay ko. Kung anong desisyon mo, susundin ko." Sambit niya. Mas lalo ako nagtataka. Bahagya akong gumalaw at umalis mula sa kinuupuan ko. Mas ikinagulat ko na bigla siyang lumuhod sa harap ko. "Rhys..." Mahinang tawag ko sa kaniyang pangalan. "I'll treat you as my queen. You will be the sword and I'll be your shield. The things are dark around you, I'll beacon of your light. If you are lost, I will be there. If you are wrong, I will be at your side." Tiningala niya ako. "I, one of the Princes of Hell, the general of Lilith Rosemarie Black, I oath that I will serve you, whole heartedly and soul." I'm speechless... Hindi ko alam na may ganitong side pala si Rhys. Tumayo siya at nagtama ang mga mata namin. Nagtataka pa rin ako. "Kailangan mo nang magpahinga at matulog, Lilith." Malumanay niyang sabi. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko hanggang sa narating namin ang kama. "Dito lang ako, babantayan kitang matulog—" "Lilithhhhhhhhh!" Sabay kaming napatingin ni Rhys sa pinto. Si Harlan na nakadamit pampatulog na at may dala pang unan. "H-Harlan?" Hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya. "Dito ako matutulog!" Masigla niyang sabi. "What the..." Bakas sa boses ni Rhys ang iritasyon. "Hindi pwede! Sa guest room ka!" Hindi niya mapigilang bulyawan si Harlan. Napayuko ako at natawa. Napatingin silang dalawa sa akin na may pagtataka sa kanilang mukha. Naluluha ko silang tiningnan na sapo sa aking tyan. "Ang mabuti pa, tabi-tabi tayo." Saka binigyan ko sila ng matamis na ngiti. Laglag ang panga nilang dalawa. Alam nilang nanibago sila sa ugali ko ngayon. "L-Lilith..." Mahinang tawag sa akin ni Rhys. "Bilisan ninyo na baka magbago pa ang isip ko." Saka humiga na ako. Agad silang sumampa sa kama. Malapad naman ito kaya kasyang-kasya kaming tatlo dito. Naglagay ako ng dalawang unan sa magkabilang gilid ko. Nasa kanan ko si Harlan habang nasa kaliwa ko naman si Rhys. Nasa gitna nila ako. Pareho kaming nakatingin sa kisame. "Ngayon lang ito. Bukas, matutulog na kayo sa mga kuwarto niyo." Sabi ko sa kanila. "Kailangan ulit natin magsanay habang naririto tayo." "Call." Wika ni Harlan. "Sure." Sabi naman ni Rhys. Napangiti ako. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. "Good night." Malambing kong sabi sa kaniya hanggang sa hinila na ako ng antok...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD