17. sonriza

1600 Words
Nagising ako na wala na sina Rhys at Harlan sa tabi ko. Ang aga naman nilang magising ngayon, ah. Gumalaw ako saka kinusot ang aking mga mata saka humikab. Nag-unat ako. Niyakap ko ang aking mga binti saka ngumiti. Ang ganda lang ng gising ko ngayon. Hindi tulad noon... Umalis ako sa kama saka inayos iyon. Binuksan ko ang closet na malapit lang sa akin. Ngumuso ako nang napansin ko na puro dress pala ang narito. Vintage dress? Kinuha ko ang isa. Kulay sky blue iyon. 'Pahiram muna ako nito, mama, ha? Salamat.' Pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo para maligo na. Inabot ako ng kinse minutos para maligo at magbihis. Inayos ko din ang aking buhok. Lumabas ako sa kuwarto para tumungo na sa kusina. Binabati ako ng iilang kasambahay, binati ko din sila pabalik na may kasama pang ngiti. Buhat nang dumating na ako bahay na ito. Naging magaan ang loob ko. I feel like.. Safe. Don't know. Iyon talaga ang nararamdaman ko. "Ano ba 'yan, Rhys. Hindi niya magugustuhan iyan, sinasabi ko sa iyo." Rinig ko ang boses ni Harlan sa Kusina. "Ako ang kababata kaya alam ko kung ano ang mga ayaw at gusto niya. Puro ka lang naman dada, eh kung gumawa ka din para sa kaniya? Tss." Inis na sabi naman ni Rhys. "Kapag ako nanalo, iiyak ka nalang sa tabi." Wika pa ni Harlan na may kasama pang tawa na animo'y nang-aasar pa. Tumalikwas ang isang kilay ko. Nilagay ko sa likod ang aking mga kamay. Ngumuso ako. Humakbang ako palapit sa kaniya para silipin ang kanilang ginawa. "What are you doing?" Painosente kong tanong. Halos matalon sila sa gulat na bigla kong pagsulpot sa kanilang likuran. Kulang pa nga ay itago ang mga pagkain sa kanilang likuran. "G-gising ka na pala?!" Bulalas ni Harlan na nanlalaki ang mga mata. "W-wala 'to!" Dagdag pa ni Rhys. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pinaningkitan ko pa sila ng tingin. "Talaga?" And I chuckled. "Magsisinungaling na nga kayo, nahuhuli pa rin." Tinalikuran ko sila at magmamartsa ako palabas na nagpahabol pa ako ng sasabihin. "Sarapan ninyo ang luto, ha?!" ** Hindi mabura ang pagkamangha sa mukha ko nang tumambad sa akin ang mga masasarap na pagkain sa hapag. Ang buong akala ko, si tatay lang ang magaling magluto. Kumsabagay, salitan sila sa pagluluto noong nasa unit kami ni Harlan. "Aba, mukhang ginalingan ng dalawa, ah!" Natatawang puna ni tatay sa kanila. "Mukhang mapapadami pa ang kain ko nito." Dagdag pa ni Primus na natatawa din. "Kukuha na ako..." Pero biglang tinapik ni Rhys ang kamay niya na ikinagulat namin. "A-ano kasi... P-para kay Lilith iyan!" Malakas niyang sabi sa kaniyang ama. Nagkatinginan kami nina tatay at Primus na may pagtataka sa aming mga mukha. Lalo natawa sina tatay at Primus. Hindi ko rin inaasahan na sasabihin niya iyon. Tiningnan ko si Rhys na namumula ang mukha habang si Harlan naman ay tinatawanan siya sabay turo sa kaniya at nakahawak sa tiyan nito. "Shut up." Mariin na suway ni Rhys kay Harlan. "Kapag talaga ako nainis, susunugin na kita!" "No, pare... Nakakatawa ka naman talaga kasi!" Napabuntong-hininga ako. "Umupo na kayong dalawa. Kumain na kayo." Sabi ko nalang. Naunang umupo si Harlan sa kaniyang pwesto habang si Rhys naman ay sumunod na hiyang-hiya. Lihim ako napangiti. Hindi ko akalain na may ganyang side siya. Napailing nalang ako saka kumain na. ** Pagkatapos namin kumain ay nagpababa muna kami ng kinain. Pagkatapos n'on ay nag-ensayo na kami. Buti nalang pala may practice room pala dito sa mansyon at kumpleto pa sa kagamitan na tulad sa warehouse ni Harlan. Napapansin ko nagiging maayos ang kilos ni Harlan. Hindi na siya aanga-anga noong una. Sa una palang talaga ay mangangapa ka pero habang tumatagal ay maaadopt na niya ang ugali ng pakikipaglaban. Si tatay ang ka-sparring niya ngayon. Espada ang sinasanay na hawakan ni Harlan. Pinapanood lang namin sila. Bawat sakit na natatamo ni Harlan ay natitiis na niya. Hindi ko naririnig ang daing niya. Lihim ako napangiti habang nakahalukipkip at nakatayo. Kaunting tyaga pa, makukuha din ni Harlan na kung gaano siya kalakas... Na masasabi na isa nga siyang Demon Hunter, hindi puro salita lang. Pagkatapos nilang mag-ensayo ay kaming dalawa naman ni Harlan. Inaya niya ako, eh. Wala naman ako magagawa kungdi pagbigyan ko. Tutal para malaman ko din mismo sa sarili ko kung na-improve nga siya... Sinugod niya ako na agad naman ako umiwas. I grab his arm and try to break it pero nakawala siya. Imbis ay ang siya ang nakahawak sa braso ko. Lumipat siya sa bandang likod. Tinukod niya ang tuhod na dahilan para dumapo ang isang tuhod ko sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Mukhang nag-iimprove nga siya... But I smirked. Ginalaw ko ang binti ko na nakaluhod. Tumalon ako sa ibabaw ng ulo niya hanggang siya ang bumagsak sa sahig. Rinig ko ang daing niya habnag naliyad pa. "Ang daya mo, Lilith!" Hiyaw niya. Ngumisi ako. "Sorry, pero hindi ako nagpapatalo." May bahid na sarkastiko kong sabi. Naputol lang iyon nang biglang may kumatok kahit na nakabukas iyon. Lahat kami ay napatingin sa direksyon na iyon. Isa sa mga maid ang nakatayo doon. "Sir Raziel, may bisita po... Ang sabi, kapatid daw po siya ni sir Harlan." Magalang niyang sabi. Tumingin kami kay Harlan na may pagtataka sa aming mga mukha. Ngumiwi siyang tumingin sa amin pagkatapos niyang tumayo. "Tumawag kanina si ate. Panay tanong niya kung nasaan daw ako, sinabi ko nag-leave ako, gusto din daw niya pumunta dito..." Susugurin ko sana siya para batukan ang humarang si tatay. "Hayaan mo na anak, ako na muna ang haharap sa bisita ni Harlan. Mag-ayos muna kayo." Nakangiti niyang sabi. Sa huli ay wala na rin ako magawa. Nauna nang lumabas sa practice room si tatay. Hinatid lang namin siya ng tingin. ** [ I N G R I D ] Hindi ako mapakali habang nakaupo ako dito sa sofa. Grabe, ang ganda ng mansyon. Ang sabi ni Harlan sa akin, dito daw nakatira si Lilith. Pero jusko, hindi ko alam na ganito pala kabongga ang magiging bride -to - be ng kapatid ko! Napatingin ako sa pinto nang kusa itong nagbukas. Inayos ko agad ang aking upo dahil hindi pala si Harlan ang pupunta dito. Isang... Guwapong lalaki... "Hi, good day, you must be Harlan's sister, am I right?" Nakangiting bati niya sa akin nang nasa harap ko na siya. Napaawang ang bibig ko dahil sa pagkamangha. Omg, hindi lang ang mukha ang guwapo, pati boses! Shocks, mukhang pinagpala yata ako ngayong araw! Pero ano itong nakikita ko? Bakit may mga rosas na nakapalibot sa kaniya? Rinig ko din ang boses ng mga anghel. Ang mas malala pa, ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng aking puso... Shocks...! "Miss?" Tawag niya sa akin. Nanumbalik ang ulirat ko. "Ay, oo! A-ako nga..." Muli siyang ngumiti at nilahad ang kaniyang palad sa akin. "I'm Raziel Gauthier—" Hindi na niya matapos ang kaniyang sasabihin nang mabili skong tinanggap ang kaniyang kamay na ikinagulat niya. "I'm Ingrid Ferretti, Mr. Gauthier. Finally I meet you..." Para akong nanaginip ng gising, oh my gosh... "My dream man..." "H-ha?" Napaamang pa siya. "Oh my! I'm sorry!" Bulalas ko nang napagtanto ko kung anu-ano nang lumalabas sa bibig ko. Binitawan ko ang kaniyang kamay. Ramdam ko na din ang pag-iinit ng aking pisngi. "Sorry!" Hindi ko tuloy siya magawang tingnan nang diretso. Ughhh! I heard him chuckled. "It's alright. By the way, pababa na din ang kapatid mo... Ano bang gusto mong inumin? Coffee, tea, water?" Binuka ko ang bibig ko nang biglang may tumawag sa akin. "Ate!" Sabay kaming napatingin ni Mr. Gauthier sa pinto. Hindi lang si Harlan ang pumasok dito. Pati din si Lilith pati ang dalawang lalaki na ngayon ko lang nakita. "H-Harlan..." "Talagang pumunta ka dito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Harlan sa akin. Matik tumalikwas ang kilay ko. "Aba, syempre, saka, matagal na tayong walang bonding." Ngumiti ako sa mga kasama niya lalo na kay Lilith. "Pasensya na kung inabala ko kayo." Lalo tuloy ako nahiya. Lihim ako napasulyap kay Mr. Gauthier. Shems, ang guwapo talaga niya. "Ang mabuti pa, pakainin muna natin ang bagong bisita." Wika niya sabay tingin sa akin na ikinalok ko. Bakit ganito?! Bakit parang natutunaw ako?! "Tatay," Serosong tawag sa kaniya ni Lilith. Weeyytttttt! Ano daw?! TATAY?! Tatay ni Lilith itong mala-anghel sa kaguwapuhan na lalaking ito?! Eh bakit ganoo?! Parang halos magkaedad lang sila?! "Tatay?" Ulit ko pa. With matching wide eyes pa. Bumaling sa akin si Mr. Gauthier. "Ah, pasensya na pero anak-anakan ko itong sina Lilith at Rhys. Magkaedad lang sila. Kung nagtataka ka kung papaano nangyari iyon, mahabang kwento, but in fact, I'm already one hundred years old." Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Parang bumagsak ang panga ko sa sahig tapos ang mga eyeballs ko, parang lumabas na sa natuklasan ko. Shocks, ano itong nangyayari sa akin? Nadidilihiryo ba ako?! Mamamatay na ba ako?! Nananaginip o ano?! "Ate?" Tawag sa akin ni Harlan. Lalapitan pa sana niya ako hindi na niya ako naabutan. Hinimatay ako sa sobrang shockness! ** [ L I L I T H ] "Masyado mo siyang binigla, tatay." Walang emosyon kong sabi sa kaniya nang naidala namin ang kapatid ni Harlan sa isa sa mga guest room. Napangiwi siya sa akin sabay kamot sa kaniyang ulo. "Sorry naman, anak. Hindi ko naman kasi alam na ganyan ang magiging reaksyon niya. Si Beth kasi hindi naman ganyan noong nalaman niya kung ano ako." I shrugged. "Hays, wala ka talagang pinagbago." And I sighs. "Bantayan mo muna iyan, Harlan. Sa oras na gumising na siya, sabihan mo kami agad para makapagpaliwanag kami sa kaniya." "Sige." Nang nakalabas na kami ng silid ay biglang nagsalita si tatay. "Akalain mo 'yon, parang nabubuhay ulit ang bahay na ito? Parang kailan lang..." May bahid na saya at lungkot nang sabihin niya iyon. Tinapik lang siya ni Primus. "I can imagine their smiles..." Ganito rin ba noong nabubuhay pa sina mama at papa? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD