18. princess

1533 Words
Tulad ng napag-usapan ay ipinaliwanag namin kay Ingrid ang totoo nang nagkamalay na siya. Kung ano ba talaga kami. Noong una ay hindi siya makapaniwala, ang akala niya gumagawa lang kami ng kuwento. Sinabi ko sa kaniya nsa 'she's free to leave without Harlan' dahil d'yan wala na siyang magagawa kungdi manatili dito at nangangapa pa siyang makisama at sinasanay niya ang sarili niya sa presensya namin. "Papaano ang trabaho mo pala?" Bigla kong tanong ko sa kaniya nang nasa Kusina kami. Nagluluto siya para sa dinner. Gusto daw niya magluto. Wow, ha... Mukhang marunong magluto ang magkapatid na ito. "Nasa bakasyon naman ako ngayon kaya okay lang." Nakangiting sagot niya sa akin. Mukhang nasasanay na siya sa amin. Tumango lang ako at kinagat ang mansanas na hawak ko. Nalaman din niya ang tungkol sa mga magulang ko. Nagulat pa nga ako kasi bigla siya umiiyak nang ikuwento sa kaniya ni tatay iyon. Parang nanonood lang ng drama sa telebisyon, tss. "Ahh..." Iyon lang ang naging sagot ko sa kaniya saka kumain ulit ng mansanas. "Eh di nocturnal kayong dalawa ni Rhys niyan, Lilith, ano?" Tanong niya. "Ah, yeah. Basta bawal kami maarawan." Sagot ko. Ngumisi siya nang nakakaloko. Parang may binabalak siya sa lagay na iyon. "May mga bar or clubs ba dito?" Tanong niya. Ngumuso ako, "Ang pagkaalam ko, meron. Malapit sa Hacienda Virginia. Bakit mo naitanong?" Medyo kumunot ang noo ko. Parang hindi ko gusto ang ngisi niya, eh. Masama yata ang kutob ko dito. "Bar tayo! Kahit tayong dalawa lang." "Huh?" Iyana ng naging reaksyon ko. "Huwag na natin isama ang mga boys. Para naman makapagbaonding tayo. Hehe." Saka ipinagpatuloy niya ang kaniyang pagluluto. "Tutal naman pagabi na din naman. Sige na, please..." Napangiwia ko. "Hindi pa ako nakakapunta sa mga ganyan, Ingrid. Ni hindi ko nga alam kung anong sinusuot doon." "Ako na ang bahala sa suot mo doon. Hindi kita pababayaan doon." Aniya. ** Sumapit na ang hapunan ay maingay ulit. Sino pa ba ang naglilikha ng ingay dito? Malamang sina Harlan at Rhys na naman. Kailan kaya magkakagusto ang dalawang ito kahit isang araw man lang? Tss. Usapan din namin ni Ingrid na hindi namin ipagsasabi kung kanino ang balak namin. Kapag tulog na daw sila, saka daw kami aalis. Hayys. Wala na din ako magawa sa isang ito. At saka, mukhang alam ko na din kung kanino nagmamana si Harlan. Pagkatapos namin kumain ay pinalipat ko si Ingrid dito sa kuwarto ko. Siya ang bahala sa mga damit na susuotin ko. Ang mas hindi ko na inaasahan ay lalagyan niya ako ng kolorete sa mukha! "Bakit kailangan mo pa ako lagyan ng ganyan?" Inis kong sabi sa kaniya. "Naku, syempre, rarampa tayo! Sige na kasi!" Napabuntong-hininga ako. "Siguraduhin mong hindi ako kakatawa-tawa ang hitsura ko mamaya, Ingrid." Mariin kong banta sa kaniya. "Aye, aye, ma'm!" Talagang sumaludo pa na akala sundalo. Tss. ** Pagkatapos naming mag-ayos ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Literal akong napanganga nang makita ko ang sarili ko. Halos hindi ko na kilala ang sarili ko! Tapos, kitang kita ang kurba ng katawan ko dahil sa hapit na damit na pinasuot sa akoin ni Ingrid. Litaw ang pusod at balikat ko. Maski ang palda na suot ko ay maiksi masyado! Aapila pa sana ako sa kaniya nang hinila naman niya ako palabas ng kuwarto. Sa likod daw kami ng mansyon dadaan para hindi kami maharangan nina tatay, Primus, Harlan at Rhys. "Sigurado ka ba talaga dito sa gagawin natin, Ingrid?" Tanong ko sa kaniya na may halong pag-aalala. Hindi talaga ako sanay sa ganito. "Hindi 'yan. Uuwi din naman tayo agad." Sagot niya habang pinagpapatuloy parin namin ang paglalakad. "Mga anong oras?" Bigla siyang tumawa. "Grabe, wala pa tayo sa destinasyon natin, tinatanong mo na agad kung anong oras ang uwi? Hahaha!" Napangiwi nalang ako. Ang akala ko makulit lang ito. May kapilyahan din palang taglay ang isang ito. ** Napadpad kami sa nipa hut style na bar. Ito lang din ang alam ko, tulad din ng nababanggit ng mga lokal na nakakausap namin kanina. Hindi ko inaasahan an mas maraming tao ang dumadayo dito kaysa sa inaasahan ko.Papasok na sana kami nang bigla kaming hinarangan ng dalawang malalaking mama. May nakasulat na 'bouncer' sa kanilang mga damit. "Ah, miss. May dress code po tayo." Wika ng isa. Taka kami nagkatinginan ni Ingrid. Ngumisi siya sa akin. Iginalaw niya ang kaniyang ulo na parang sinasabi niya na tanggalin ko ang manipis na balabal na nakapulot sa aking itaas. Wala akong magagawa kungdi tanggalin iyon. Kita ko na napaawang ang bibig nila nang makita nila ang halos kita na ang cleavage ko sa damit pang-itaas ko! Eh kung dukutin ko kaya mga mata nila? Tss. I can feel Ingrid's arms snake around my arm. "Let's go." Masayang sabi niya. Kusang sumunod ang katawan ko sa kaniya hanggang sa narating na nga namin ang mismong loob ng naturang bar. Medyo madilim, tanging neon lights na sumusunod sa indak ng musika ang halos nakikita ko. Nakakahilo, ah. Napapansin ko din ang mga ibang pares na halos kainin na ang isa't isa dahil sa mga halikan nila! Ano ba itong nakikita ko?! "Alright! Partey-partey!" Hiyaw ni Ingird. Tumingin siya sa akin na malapad ang ngiti. "Mag-eenjoy na tayo dito. Before that..." Muli niya akong hinila patungo sa isang mahabang mesa at may mga matataas na upuan. Umupo kaming dalawa doon at nag-order siya ng inumin sa lalaking abala sa pagpupunas ng mga baso. "Six shots of margarita please!" She almost shout top of her lungs. "Right away, ma'm." Sagot nito sa kaniya. Lumingon ako. Iginala ko ang aking tingin sa paligid. Halos lahat sila abala. Mukhang nag-eenjoy nga sila sa ganitong lugar pero halos hindi ko lang masikmurahan ang mga couples na nakikita ko. Kung saan-saan na napupunta ang mga kamay nila! Get a rooms, guys! Oh f**k. Tss. Inilapag ng lalaki ang mga maliliit a baso sa aming harap. Kinuha ni Ingrid ang isa. Sinunod ko lang ang kaniyang ginagawa. "Cheers!" Aniya. Oh, alam ko iyan! Naturo nga sa amin ni Harlan ang bagay na iyan! Ngumiti ako saka mahina ko binangga ang baso na hawak ko sa baso niya. "Cheers!" Sagot ko. Sabay namin nilagok ang mga baso. Halos gusto kong sumuka dahil sa pait ng lasa ng alak na ininom namin! Halos maubo-ubo pa ako" Oh, s**t! Pero ang nagustuhan ko ay humahagod ang alak sa lalamunan ko... "Ubusin natin ito. Dali. Para makasayaw na tayo sa dance floor." Sinunod ko lang siya. Nang maubos namin iyon ay hindi ko akalain na tatamaan na ako agad! Hindi siya katulad sa alak na pinainom sa amin ni Harlan noon sa unit niya! Ramdam ko ang paghawak ni Ingrid sa isang kamay ko. Hinihila na pala niya ako patungo sa tinutukoy niyang dance floor. Tumatalon-talon sabay hiyaw niya na animo'y nakikisabay siya sa kanta ng dumadadundong dito sa buong lugar. Ginaya ko naman ang ginagawa niya. Nakikisabay ako sa indak. May mga gumala ding mga waiter daw ang tawag ni Ingrid sa mga lalaki na may hawak na tray. Kumuha kami ng sunod na inumin habang narito pa rin kami sa dance floor. "Yeaaaaahhhhh!" Hindi ko mapigilang mapahiyaw dahil sa saya. Oh s**t, ngayon ko lang naramdaman ito. Ang sarap lang sa pakiramdam. Pareho kami kumekembot ni Ingrid. Nag-untugan pa kami ng balakang habang nakaangat ang mga kamay namin! Hindi maalis ang mga ngiti sa aming mga labi. Medyo natigilan lang ako na biglang may pumulupot na braso sa aking bewang. Bago ko man sulyapan kung sino ang pangahas na iyon ay bumulong siya sa aking tainga. "Care to join you if you don't mind?" He huskily asked. Kusa nagtayuan ang mga balahibo nang marinig ko ang boses na iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig! Unti-unti ko na nararamdaman ang inis sa aking sistema. Bibigyan ko sana ng sapak sa mukha ang tampalasang lalaki na humahawak sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ang makita ko ang dalawang pamilyar na likod na nasa harapan ko... Napasubsob ang lalaking humawak sa akin sa mesa hanggang sa tuluyan na itong natumba kasam ang mesa! Kusa tumigil ang tugtog at rinig ko ang tilian sa paligid ko dahil sa insidente. "Bago mo hawakan ito, magpaalam ka muna." Rinig kong sabi Rhys. Bakas sa boses niya na galit na galit. Nilapitan ni Harlan ang lalaki sa kinuwelyuhan niya ito. "Ang kaso, hindi kami pumapayag na hawakan mo ang prinsesa namin nang basta-basta." Segunda pa ni Harlan na matalim niya tiningnan ang lalaki. Parang papatay na siya sa hitsura niyang iyon! Lumapit si Rhys sa kanila. "Mamili ka, lalayo ka o papatayin kita?" "H-hindi na... P-pasensya, pare." Natatakot na ang lalaki sa kanila. "Huwag mo kaming pare-parehin at hindi kita kilala!" Bulyaw ni Harlan saka marahan niyang binitawan ang lalaki. Tarantang umalis ang lalaki sa harap namin hanggang sa nakalabas na siya dito. "Pasensya na sa istorbo, sinusundo lang kasi namin ang prinsesa namin!" Nakangiting sabi ni Harlan sa kanila. "Pwede na kayo magparty-party ulit." "Lilith, let's go." Malamig na aya ni Rhys sa akin. "P-pero... Si Ingrid..." "Nasa labas na siya. Hindi mo lang namalayan na lasing ang isang iyon at siya ang inuna naming ilabas dito." Paliwanag naman ni Harlan. "Dahil sa ginawa ninyo, bukas ng umaga, magpapaliwanag kayo." Ngumisi ako sa kanila. Kinagat ko ang labi ko. Bumuhay na naman ang kapilyahan ko. Bigla kong pinulupot ang mga braso ko sa kanilang mga leeg na ikinagulat nila. "Kayo naman, galit na agad kayo. Uuwi na nga tayo." Saka hinila ko sila sa ganoong posisyon. 'Thank you, for saving me...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD