19. silent failure

1630 Words
Nagising ako na masakit ang ulo. Humikab pa ako. Lumabas ako ng kuwarto para pumunta sa Kusina dahil gisingin ako ng gutom. Hays. Nakasara naman lahat ng kurtina dito sa kusina kaya hindi naman ako tatamaan ng sinag ng araw. Sa pagkababa ko ay natigilan ako nang may kausap na lalaki sina tatay at Primus. Bumaling sila sa aking gawi. Ngumiti si tatay. "Oh, anak. Buti gising ka na! May bisita tayo. Siya si Micheal, isa sa mga archangels galing langit." Natigilan ako sa aking narinig. Napaawang ang bibig ko. "S-siya po?! K-kasali sa Host of Heaven?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila. Tumango sila bilang tugon. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakilala ng anghel. Namulat lang ako na ako ang dudurog sa Host of Heaven. Hindi ko lang akalain na makikilala ko siya ngayon. "Sasaglit lang ako dito para ibigay ang imbitasyon." Wika ng tinutukoy ni tatay na Michael. May inilabas siyang kulay ginto na envelope. "Aasahan naming makarating kayo mamayang gabi. At isa pa, nasabihan ako ni Raziel na gusto mo daw kaming makausap lalo na ang mga archangels kaya bibigyan namin kayo ng tsansa para sabihin sa amin mamaya ang gusto mong mangyari." Then he smiled. Seryoso ko siyang tiningnan. Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Salamat po kung ganoon." "Saka ka na magpapasalamat kapag naapprobahan na namin ang kailangan mo." Bumaling siya kay tatay. "Mauuna na ako, Raziel, Primus. Marami pa ako dapat bisitahin." Sinuot na niya ang kaniyang puting sumbrero. "Mag-iingat ka." Hanggang sa tuluyan na itong lumabas. Tumingin sa akin sina tatay at Primus. "Formal party ang ibig niyang sabihin, anak." Wika ni tatay. Napaawang ang bibig ko. "H-ha? F-formal?!" Tumango si Primus habang nakahalukipkip. "Oo, mamayang gabi ay makikilala mo na ang mga archangels ng Host of Heaven. Hindi lang ikaw ang kasama dito. Kasama din mamaya sina Rhys at Harlan." "Teka, nasaan na ba ang dalawang iyon?" Tanong ko sa kanila nang napagtanto ko na hindi ko pa pala nakikita ang dalawnag iyon. "Ah, si Rhys, nagluluto habang si Harlan naman ay nasa practice room. Nag-eensayo." Tumango ako. "Sige po, pupuntahan ko lang si Harlan." Paalam ko. ** Nadatnan ko si Harlan na abala sa pag-eensayo. Sumandal ako sa pinto habang nakahalukipkip. Hindi ko na talaga maitanggi na gumagaling na siya sa pakikipaglaban. Medyo unfair lang ako. Because I'm a supernatural mythic creature. Kung ikukumpara ko na wala akong kapangyarihan at kakayahan laban sa kaniya, paniguradong talo ako sa kaniya. Isa pa, napapansin ko na talagang dedicated siya sa gusto niyang maging malakas kaya palagi siya nag-eensayo, hindi tulad ko... Namin na ipinanganak na kaming may kapangyarihan. "Lilith? Kanina ka pa d'yan?" Tila nanumbalik ang aking ulirat nang tawagin ako ni Harlan. "Hindi naman." Walang emosyon kong sagot. Umalis ako mula sa pagkasandal ko sa pinto saka nilapitan siya. "May lakad daw tayo mamayang gabi." "Hindi ko nga akalain na isasama pa ako kahit hindi naman ako tulad ninyo." "Dahil kasali ka sa aking hukbo na gagawin, Harlan." Sabi ko. "Sa oras na pumayag ang mga anghel na sumanib sa grupo natin, malaking tsansa na mananalo tayo sa laban na ito." "Well, I'm honored to be one of your army, my princess." Nakangiting sabi niya. "Gagawin ko ang binitawang pangako ko sa iyo." Doon ako natigilan. Heto na naman ang puso ko. Bumibilis na anman ang t***k nito. Anak ng tupa, bakit ba sa tuwing manggagangyan si Harlan, nagwawala ang sistema ko?! Ano bang problema niya?! Lumapit siya. Gustuhin ko mang umatras ay hindi ko magawa. Marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko at walang sabi na hinalikan niya ang likod ng aking palad. Nagtama ang mga tingin namin. "H-Harlan..." Tanging lumabas sa aking bibig. Ngumiti siya. "Hindi man ako tulad ni Rhys na may sobrang lakas, pero gagawin ko ang lahat para hindi ka madismaya sa kakayahan na meron ako. Noong binitawan ko ang mga salita na sa oras na manghihina ka, at ako ang magtatanggol sa iyo, totoo iyon, walang halong biro. Seryoso ako doon." Bumaba ang tingin ko. Dumapo ang aking tingin sa kamay namin na nanatiling magkahawak. "Hindi ka ba natatakot sa maaari kakahantungan ng buhay mo, Harlan? Mapanganib ang ihaharap naming gyera. Hindi natin masasabi kung mananatili kang buhay..." "Buhat nang nakilala kita, wala na akong ginusto kung protektahan ka. Kaming dalawa ni Rhys ang magtatanggol sa iyo." Aniya. Wala akong makapang salita. "I want to protect you, no matter what, wife." Medyo nanlaki ang mga mata ko. Tinawag na naman niya ako ng ganyan! Bakit ganoon? Mas lalo nagwawala ang sistema ko! Hinawakan ni Harlan ang chin ko. Marahan niyang inangat ang tingin ko hanggang sa muli nagtama ang mga mata namin. Ngumiti siya. Mas lalo ako nanigas sa kinakatayuan ko nang dumampi ang mga labi niya sa noo ko. "Bago ko man makalimutan, may kailangan kang ipaliwanag sa akin." "H-huh?" Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit kayo pumunta ni ate sa bar kagabi, hm?" Ngumuso ako. "Gusto daw niya ako makabonding." Sagot ko. "Oh, really?" Parang hindi pa siya kuntento sa sagot ko, ah. "Eh kung hindi kami dumating ni Rhys, paniguradong napahamak na kayong dalawa." Ngumiwi ako. "Kakain na nga ako." Pag-iiwas ko pero bigo ako. Nagawa pa rin niya akong harangan. "Harlan!" Saway ko sa kaniya. Ngumisi siya. "Dapat sa iyo maparausahan." Saka tumawa siya. Lumayo pa ako pero sige pa rin ang lapit niya hanggang sa naghahabulan na kami sa loob ng practice room. Arghhh! ** [ R H Y S ] I scoffed while I lean my back on the wall. Dinig ko ang pag-uusap nilang dalawa. Napasapo ako sa aking dibdib. Kusang tumulo ang aking luha. Tama nga siguro itong desisyon ko. Ang umatras sa laban na paniguradong wala naman akong laban. Paniguradong hindi ako mananalo. Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko lang mahulog si Lilith sa iba... Sa isang mortal pa. Sa loob ng maraming taon na magkasama kami ni Lilith, tinatago ko sa kaniya ang tunay kong nararamdaman... Na hindi lang kapatid ang turing ko sa kaniya, higit pa doon. Iyong tipong gusto ko ay sa akin lang siya... Na may karapatan ako na sa akin lang talaga siya. Na masasabi kong balang araw ay magiging asawa ko siya pero sa sitwasyon ko ngayon, mukhang malabo na. Dahil kitang kita ng dalawa kong mga mata na kahit kailan ay hinding hindi ako nararapat para sa kaniya. Masasabi ko na bang huli na ako? Na masyado akong mabagal? Kung maaga ko bang ipinaramdam sa kaniya na mahal ko siya, magbabago ba? Na bago man niya makilala si Harlan ay akin na siya? Pinunasan ko ang mga takas kong luha. Nagpasya na akong umalis nalang para hindi na madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko. Malapit ko na marating ang grand stair case... "Naranasan ko din kung ano ang nararanasan mo, Rhys." Napalingon ako nang may nagsalita. Napaawang ang bibig ko nang tumambad sa akin si tatay. Nakasandal siya sa pader at nakahalukipkip. Hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya. Humakbang siya hanggang nasa harap ko na siya. Tinapik niya ang isang balikat ko. "May pagtingin din ako kay Beth noon. But I choose to step back. I think I'm not meant for her. She was deeply inlove with Ramael that time." Ginawaran niya ako ng ngiti. "Tatay..." "May dalawang klase ng pag-ibig. Palihim mo siyang minamahal at ipinapakita o ipinaparamdam mo." Seryoso siyang tumingin sa akin. "Pinili ko ang una, palihim ko minamahal si Beth. Pero kahit na ganoon, naging mabuting kaibigan pa rin ang turingan namin. Noong ipinagbubuntis ni Beth si Lilith, humingi ng pabor sa akin si Ramael. Iligtas ko ang mag-ina niya. Kinuha ko ang opurtinidad na iyon dahil importante siya sa akin kahit na hindi ako ang mahal niya." Mapait siyang ngumiti. "Sa una talaga masakit iyan pero sa katagalan, matatanggap natin ang katotohanan. Pero sana, huwag kang lalayo kay Lilith hangga't maaari dahil importante ka pa rin sa kaniya kahit na nariyan si Harlan." Yumuko ako. I can't able to say any words. "Kita ko noong mga bata pa kayo kung papaano mo inaalagaan at pinoporotektahan si Lilith. Ikaw ang tumatayong kuya niya ng mga panahon na iyon. Kahit na sabihin nating nagbigay ka ng sobrang effort para sa kaniya, kahit na wala kang makuhang kapalit, kahit na sabihin nating martir na tayo eh kung gaanon talaga ang nararamdaman mo, ayos lang 'yan. Basta ang importante ay makita mong maayos ang taong mahal natin." Nagpamulsa siya saka tumingala. "Kahit na ang totoo kong mahal ay si Lucille na kapatid ni Ramael." Parang mababasag na ang boses niya nang banggitin niya ang pangalang Lucille. Marahil tama nga si tatay. Imbis sa kusina ako didiretso ay nagpasya na akong pumunta muna sa kuwarto para mapag-isa at makapag-isip ng tama. Naalala ko tuloy ang usapan naming dalawa ni Harlan... "Gusto ko si Lilith." Diretsahan niyang sabi sa akin. Binigyan ko siya ng isang malamig na tingin. Hindi ko mapigilang mapakuyom ng kamao dahil sa inis. "Gagawin ko ang lahat para maprotektahan siya—" "Hindi ka tulad niya, hindi mo rin siya katulad. Wala ang lakas mo sa lakas niya. Anong silbi na maprotektahan mo siya?" Hindi ko mapigilang sbaihin iyon. May halong sarkastiko iyon. "Hindi man ako tulad ninyo na may kakaibang kapangyarihan, I will protect her in my own way." Nagsukatan kami ng tingin. Kinagat ko ang aking labi. "Nakikita ko naman na talo na ako. Kahit na gumawa na ako ng paraan para mapansin niya iyon, talo na ako." Nasasaktan kong sabi. Ngumiti ako ng mapait saka tumingin sa kaniya ng diretsahan. "Kahit na ganoon, hayaan mo lang akong protektahan siya sa sarili kong paraan, Harlan." "Rhys..." "Nagbitaw ako ng salita sa harap ni Lilith. Kung anuman ang magiging desisyon niya ay susundin at tatanggapin ko iyon ng buo. Hinding hindi ko siya iiwan kahit anong mangyari. Kahit masakit para sa akin na kapatid lang ang nakikita niya sa akin, tatanggpin ko." Ngumiti ako. "Kaya alagaan mong mabuti si Lilith, Harlan. Hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na malaman ko na may nangyari sa kaniyang masama." Seryoso siyang tumango. Ngayon palang, tatanggapin ko na ang pagkatalo ko... ...Na talo na ako sa puso ni Lilith...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD