Chyrll's point of view Umakyat na ako para magpahinga ulit, mabuti at pinagpahinga ako ni Master sa kanyang opisina kanina. Mahihiga sana ako pero mas pinili ko na magbabad sa tub, masakit parin ang aking katawan. Baka makatulong ang warm water para maibsan ang sakit lalo na ang aking balakang. Pagkatapos kong magbabad ay tinapos ko na ang aking pagligo. Paglabas ko sa banyo ay nasa loob si Ate Cely na nakaupo sa higaan at may pagkain na mainit pa dahil umuusok ito. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" "Masakit parin po ang buong katawan ko." Nahihiyang sagot ko. "O sige masahiin na muna kita bago ka kumain, huwag ka na munang tatabi sa malibog kong alaga at talagang maimbaldado ka na." Sabi ni Ate. Humiga ako sa kama at lotion na ang ginamit ni Ate na pang hilot sa aking katawan. Inuna n

