Chyrll's point of view Pagdating ng mga galing park ay si Master na ang nagpaligo sa kanila. Habang nasa taas sila ay may natanggap akong mensahe. Master: Ban, I have an early meeting in Singapore. At four in the morning is my flight, and I will leave the house around 2 in the morning. My parents know already. Me: Sige po Master. Kailan kayo babalik? Master: After the meeting uuwi din ako. Napailing ako dahil babalik din pala agad akala ko pa man din ay aabutin siya ng isang linggo. Me: Sige po Master. Master: I love you Ban. Me: 1432 (With laugh emo) Master: Hahaha Napangiti akong ibunulsa ang aking telepono at tumulong na kay Ate Cely na ihanda na ang mesa. Tapos na kaming kumain, ang tatlo ay pumunta na sa kanilang mga kwarto pagkakain. Sa laki ng bahay na lilinisan nila ay si

