Rona naka 1 point of view Narinig ko na umalis si Dox kaya mabilis kong tinawagan si Rendon. Mabuti at naaga ako ng gising at kaalis lang ng mga bata. Me: Rendon, umalis si Dox at ang yaya lang ang kasama sa sasakyan. Patambangan mo na sila dali! Rendon: Okay bye! Ibinulsa ko na ang aking telepono at tinagalan kong maligo. Tama lang siguro darating ang mga biyenan ko at may tatawag na din na pulis. Sobrang saya ko kaya napatawa ako ng malakas sa aking banyo. Kung sana ay pareho ng school ang kapatid ni Dox ay isinama ko na rin para mas malaking ransom ang aming hihingin. Asar din ako sa bata na iyon kung makapagsalita pareho lang sila ng kanyang Ina. Halos isang oras akong nag babad sa tub. Hindi maalis ang aking ngiti na nagsuot ng aking mga damit. Inayos ko na ang aking sarili at lu

