Nang magising ako ulit, nakahiga ako sa isang hospital bed dito sa ER at nasa tabiko si Manang na punong pag-aalala ang mukha. Nakaramdaman ako ng kirot sa aking braso at nang tingnan ko ito, may nakalagay ritona bandage. Bigla kong maalala lahat ng nang nangyari sa bahay at sa amin ni Farah. Nahiwa niya ako gamit ang kutsilyo na hawak niya. Muntikan na akong mamatay dahil sa baliw na babaeng ‘yon, pero dumating si Lolo at niligtas niya akong muli. “Manang! Nasaan si Lolo?” agad kong tanong sa matanda na niyakap ako nang magising ako. Humiwalay siya sa akin at hinawakan niya ang aking mukha. “Okay lang ang Lolo mo, dinala na siya sa kanyang kwarto dito sa ospital at kinakausap siya ng mga police. Naku, hija, mabuti naman at ligtas ka. Nag-alala na naman ako para sa’yo. Nong una pinagta

