Mula nang makabalik ako sa bahay namin, nanatili lang ako sa aking kwarto at lumalabas lang pag nagugutom ako. Both of my parents have their business to run. Masasabi ko na marangya ang buhay namin dahil na rin sa aking mga magulang at sa pagtulong ng aking Lolo. Malaki ang bahay, may sarili kaming pool sa likod at napakagandang garden. Wala kaming maid pero may pumupunta rito na cleaners thrice a week para linisin at mag-ayos dito sa bahay. Dahil bakasyon pa ko, nakatambay lang ako rito. Wala rin naman akong gagawin at wala rin akong gana na gumawa ng kung ano. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang bumalik ako rito. Miss na miss ko na ang aking Lolo at lagi kong tinitignan ang mga pictures at videos namin na dalawa. Minsan umiiyak, minsan ngumingiti o tumatawa. Para na nga akong b

