I am trying my best na pigilan ang aking pag-iyak habang nag-eempake na ako ng aking mga gamit. May ilang linggo pa ako para mag-stay dapat dito sa farm. Ang dami kong plano para alagaan ang aking Lolo. Laking gulat ko kanina nang dumating ang aking mga magulang. Akala ko dadalawin lang nila si Amoz dahil sa nangyari sa kanya. Imagine, how I felt when my daddy grandpa said na susunduin nila ako, that I need to go back home now.sobrang sakin! Parang binalatan ang puso ko ng paunti-unti at sinabuyan ito ng asin. I never thought I could feel so much hurt than this. Mas masakit pa ito sa mga nangyari sa akin with the last couple of days. Mas masakit pa sa suntok, sampal at hiwa na natamo ko sa masasamang tao na gusto akong mawala sa buhay ni Lolo. Hindi ko akalain na pati siya ay ayaw na ako

