KABANATA 15

1772 Words
OFFER " Gresha, hindi na maganda ang nagiging lagay ni Gio. Noong madaling araw ay nagwala siya at nagawa ka pa nga niyang saktan. "  " Hindi niya sinasadyang saktan ako Ramon, marahil ay hindi niya nagustuhan ang sinabi ko kaya ganoon na lamang ang naging reaksyon niya. "  " Alam mo Gresha, hindi kita maintindihan. Hindi ko na alam kung ano ba ang gusto mong mangyari. Pati ako ay naguguluhan na sa mga plano mo. " napapailing na saad ni Mang Ramon habang nakaupo.  " Isa lang naman ang gusto kong mangyari Ramon. Iyon ay ang makalimutan na niya ang babaeng iyon at hindi na siya magtanong pa tungkol sa nangyari sa nakaraan. Gusto kong mamuhay siya na walang inaalalang iba. Kapakanan lamang niya ang iniisip ko. " paliwanag ni Manang Gresha habang nakatingin kay Mang Ramon.  " Kaya nilalason mo ang isipin niya? Gresha, puro na lamang kasinungalingan ang sinasabi mo kay Gio. Lalo lamang lumalala ang sitwasyon nang dahil dyan sa mga kasinungalingan mo. "  Nang dahil sa sinabi ni Mang Ramon ay tumawa ang matandang babae at dinuro ang matandang lalaki.  " Huwag mo nga akong sinisisi Ramon! Hindi ka na nga nakakatulong puro ka pa sermon! " naiinis na saad ni Manang Gresha.  Napabuntong-hininga na lamang ang matandang lalaki at nagpatuloy sa pagsasalita.  " Ipagamot na natin si Gio. Hindi ba't pumayag ka na noong una na ipagamot natin siya? Hihintayin pa ba nating mas lalong lumala ang kalagayan niya, ha Gresha? "  " Ipapagamot natin siya ngunit hindi pa ngayon. May kailangan pa akong-- "  Hindi na naituloy ng matandang babae ang sasabihin dahil pinutol ni Mang Ramon ang kanyang pagsasalita. Tumayo ang matandang lalaki at naiinis na sinabunutan ang sariling buhok.  " Ano pa bang hinihintay mo Gresha?!?! Ang hirap mong intindihin! Hindi mo ba nakikitang nahihirapan na si Gio ha? Hindi pa ba sapat ang mga nakikita mo? " naiinis na tanong ni Mang Ramon sa matandang babae.  Hindi naman agad nagsalita si Manang Gresha sa halip ay hinintay pa ang ibang sasabihin ng matandang lalaki.  " Kanina noong muling magising si Gio ay hindi nga siya nagwala ngunit nakatitig lamang ito sa kawalan at hindi nagsasalita. Kahit kumain ay ayaw niyang gawin. Gresha, mag-isip kang mabuti, kailangan na nating ipagamot si Gio sa mga eksperto. Magpasalamat nga tayo at mayroong handang tumulong sa atin. "  " Kaya nga hindi ako nagpapadalos-dalos Ramon dahil marunong akong gumamit ng utak! "  " Tanggapin natin ang tulong na ibinibigay ng doctor Gresha. " saad ni Mang Ramon.  " Hindi maaari dahil kailangang kontrolado ko ang magiging doctor ni Gio. " saad naman ni Manang Gresha.  " Ano ba iyang iniisip mo Gresha? Pati ba naman sa magiging doctor ni Gio ay pakikialaman mo pa? Akala ko ba ay gusto mong gumaling na si Gio? Eh ano iyang--? "  " Kailangan kong siguruhin na makakalimutan na niya ang pagmamahal sa babaeng iyon, Ramon! Kailangan kong siguraduhin na hindi siya gagawa ng paraan para mas lalong mahukay ang nangyari noon! " mariin na bigkas ng matandang babae.  " Sa ganong paraan lamang ako mapapanatag na magiging ligtas tayong lahat. " pagpapatuloy ni Manang Gresha.  Napatigil sa pag-uusap ang dalawang matanda nang biglang bumukas ang pinto at agad nilingon ang bisitang pumasok sa loob ng silid.  " I can help you! I'm willing to help. " nakangiting bungad ng bisita sa dalawang matanda.  Hindi naman agad nakapagsalita ang dalawang matanda nang dahil sa gulat.  " Hey, Manang, are you okay? Did you hear me? I said I'm willing to help. " nakangiti pa ring saad ng dalaga.  Tumikhim ang matandang babae at matiim na tinitigan ang dalaga.  " Kanina ka pa ba nakikinig sa pinag-uusapan namin? " diretsong tanong ni Manang Gresha sa dalaga.  Umirap ang dalaga sa narinig na tanong ng matandang babae.  " Of course not! I only heard about the doctor you're talking about and that's it. "  Hindi naalis ang titig ni Manang Gresha kay Aaliyah at inaanalisa ang bawat salitang binibitawan ng dalaga.  Umirap muli ang dalaga at naglakad palapit sa upuan. Kumportable itong umupo at pinagkrus ang dalawang hita.  " So, Manang Gresha, are you willing to accept my help? " " Paano ako makakasigurong tutulungan mo nga kami? " nanghahamong tanong ng matandang babae.  Tumawa naman ang dalaga bago sinagot ang tanong ng matandang babae.  " Well, well, well. " ngumiti muna ang dalaga bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.  " 'Cause we have the same agenda. That is to get rid of that b***h from Gio's life. I know that she's dead already but that b***h is still encrypted in Gio's mind and heart. It's a win and win situation for the both of us, Manang Gresha. "  Habang nagsasalita ay unti-unting nawala ang ngiti ni Aaliyah at naging seryoso ang mukha.  " I can help you Manang. I don't care about your past issues involving that b***h. I just want to get rid of her so I can have Gio again. " " Hindi ako kumbinsido sa mga sinasabi mo, hija. Wala akong kasiguraduhan na tutulungan mo nga kami. "  " Well, then, it's your decision to make. If you don't want to accept my help, it's okay. I still have other plans to make Gio mine. It's your loss Manang, not mine. " nakangising saad ng dalaga sa matanda.  " I think I should take my leave. I'll just comeback tomorrow. " saad ng dalaga at inayos na ang sarili at handa ng umalis ng silid nang mapatigil dahil sa sinabi ni Manang Gresha.  " Hintayin mo ang sagot ko hanggang bukas. Tatawagan kita. "  Nang dahil sa sinabi ng matandang babae ay nakangiting naglakad ang dalaga papalapit sa kinaroroonan nito. Nang makarating sa mismong tapat ng matandang babae ay hinawakan niya ang kamay nito pagkatapos ay niyakap. Inilapit nito ang mga labi sa tenga ng matandang babae at mahinang nagsalita.  " You will not regret making me as your ally, Manang Gresha. I will do everything just to get rid of that girl. " nakangisi nitong bulong sa matandang babae.  Matapos bumulong ng dalaga sa matandang babae ay agad na itong humiwalay dito at naglakad papalapit sa nakahigang si Gio.  Nang makalapit sa binata ay yumuko ito at hinalikan sa labi ang binata.  " I can't wait to make you mine again, babe. " nakangiti noong saad habang hinahaplos ang buhok ng binata.  Pagkatapos ay umayos na ito ng tayo at humarap sa dalawang matanda.  " I'll wait for your call Manang Gresha. " nakangiti nitong saad at tuluyan ng lumabas ng silid.  Nang makalabas ang dalaga sa silid ng binata ay agad nitong inilabas ang cellphone at tinawagan ang isang matalik na kaibigan.  " Be ready, I need your help. Find me a doctor, now. " utos ng dalaga sa kausap sa telepono.  Hindi na nito hinintay pa ang sagot ng nasa kabilang linya at agad na ring pinatay ang tawag. Hindi pa rin maalis ang ngiti ng dalaga hanggang sa makapasok ito sa loob ng elevator.  NANG makalabas ang dalaga ay agad na hinila ni Mang Ramon si Manang Gresha papunta sa balkonahe.  Nang makarating doon ay agad na nagsalita ang matandang lalaki.  " Nahihibang ka na ba Gresha? Bakit mo tatanggapin ang tulong na inaalok noong babaeng iyon? Nakalimutan mo na bang niloko noong babaeng iyon si Gio? " naghihisterikal na tanong ni Mang Ramon.  " Alam ko ang nangyari sa kanila ni Gio noon pero kailangan natin ang tulong niya. "  " Hindi ka ba nagtataka na bigla na lamang sumulpot ang babaeng iyan dito at pagkatapos ay mag-aalok ng tulong? Mas mabuti pa na tanggapin natin ang tulong na inaalok ng doctor ng hospital na ito kaysa tanggapin ang tulong ng babaeng iyon! "  " Hindi natin kailangan ng tulong ng doctor ng hospital na ito! Ang kailangan natin ay iyong makakasiguro tayo na walang mauungkat sa nakaraan habang ginagamot si Gio. "  " Ano ba Gresha?!?! Sarili mo na lang ba talaga ang iisipin mo, ha? Bakit ba gustong-gusto mo na walang maalala si Gio? Ano ba ang mapapala mo riyan sa mga ginagawa mo? Napakamakasarili mo! " nanggigigil na saad ni Mang Ramon.  " TUMAHIMIK KA! " nanggigigil na saad ng matandang babae at lumapit kay Mang Ramon at sinampal ito.  Tumutulo na ang mga luha ng matandang babae ngunit pinilit pa rin nitong magsalita.  " S-sa tingin mo ba ay hindi a-ako nahihirapan na nakikitang nagkakaganyan s-si Gio ha? Nahihirapan din ako Ramon d-dahil alam ko sa sarili kong nagkamali ako. Na sana h-hindi ko na lang sinabi ang m-mga kasinungalingang sinabi ko sa kanya. Na s-sana noon pa man ay ginawa ko na ang tama. Ngunit wala na akong magagawa kung hindi panindigan lahat ng nagawa ko noon. Nagsinungaling a-ako kay Gio dahil akala ko kapag sinabi ko a-ang mga iyon ay titigil na siya sa p-pagtatanong tungkol sa babaeng iyon. Akala ko ay mananahimik na siya ngunit hindi. H-hindi ganoon ang nangyari. "  Tila nawalan ng boses si Mang Ramon at ngayon ay nakatitig lamang sa matandang babae.  " Ramon h-hind ko kayang kamuhian a-ako ni Gio kapag nalaman niya ang nangyari sa n-nakaraan. Mahal na mahal ko si Gio dahil para ko na rin siyang anak. Kaya gagawin ko ang lahat mabaon lamang sa limot ang lahat. Kung kinakailangan kong alisin lahat ng n-nakakasagabal sa plano ko ay gagawin ko, maligtas lamang si G-gio. " umiiyak na saad ni Manang Gresha.  Napabuntong-hininga na lamang si Mang Ramon at bahagyang niyakap si Manang Gresha.  " P-pinipilit ko lamang na m-maging matapang, Ramon pero unti-unti na kong nauubos. A-ayokong dumating sa p-puntong hindi ko na kaya. " umiiyak na saad pa rin ng matandang babae.  SAMANTALANG sa isang matayog na gusaling katapat ng hospital ay matamang pinagmamasdan ng isang babae, gamit ang isang teleskopyo, ang dalawang matanda. Kitang-kita ng dalaga kung paanong yakapin ng matandang lalaki ang matandang babae sa balkonahe.  Tanging boses lamang ng dalawang matanda ang naririnig ng dalaga gamit ang isang hearing device na nakakabit sa kanyang kaliwang tenga. Rinig na rinig nito lahat ng pag-uusap ng dalawang matanda sa balkonahe.  Nang puro iyak na lamang ng matandang babae ang naririnig ng dalaga ay binitawan na nito ang hawak na teleskopyo at inalis ang hearing device mula sa tenga.  Lumapit ito sa isang maliit na lamesa at nagsalin ng alak.  " Maniniwala na ba ako sa lahat ng sinabi mo, Manang Gresha? " nakangisi nitong saad habang sumisimsim ng alak.  " Nagdagdag ka pa ng bagong kakampi. Iba ka talaga Manang Gresha, uugod-ugod ka na pero matalas pa rin ang iyong pag-iisip. Good job, Manang. Good job. " 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD