HELP
Sa isang malaking silid, pinapanood ng isang babae mula sa computer, ang pagtatalong nagaganap sa pagitan ng dalawang matanda. Masusing pinagmamasdan ng babae ang bawat galaw na ginagawa ng dalawang matanda.
Mababakas ang tuwang nararamdaman ng babae habang pinapanood na nagtatalo ang dalawang matanda.
" Ganyan nga. Kalabanin niyo ang isa't isa. " nakangiti nitong saad pagkatapos ay sumimsim ng alak sa hawak nitong copita.
Nang marinig ang huling sinabi ni Manang Gresha bago ito lumabas ng silid, ay napataas ang kilay ng babaeng nanonood.
" Matalino ka talaga Manang. Gagawin mo ang lahat maligtas lamang ang iyong sarili. Tignan natin kung hanggang saan ka dadalahin ng katalinuhan mo. "
NANG makalabas si Manang Gresha mula sa hospital ay dumiretso ito sa hardin ng hospital kung saan natagpuan si Gio.
Lumapit ang matanda sa malaking puno upang doon magpalipas ng oras. Naglabas ito ng sigarilyo at sinindihan ito.
Umihip ang isang malakas na hangin at nagsisimula nang pumatak ang ulan ngunit hindi ito pinansin ng matanda at nanatili lamang sa kanyang pwesto.
" Gagawin ko ang lahat mabaon lamang sa limot ang nangyari noong gabing iyon. Mananatiling sikreto ang lahat. Kung kinakailangan kong pumatay, maligtas lang kami ay gagawin ko. " saad ng matanda habang nakangising pinagmamasdan ang pagkamatay ng daig ng sigarilyo nang dahil sa patak ng ulan.
Ilang minuto pa ay napagdesisyonan na ng matandang babae na bumalik sa silid ng binata.
NAALIMPUNGATAN si Manang Gresha dahil sa isang kalabog na kanyang narinig. Pupungas-pungas pa ang matanda na inilibot niya ang tingin sa loob ng silid.
Nang mabaling ang paningin ng matandang babae sa kamang hinihigaan ni Gio ay nagtaka ito nang mapansing wala roon ang binata.
Nagmamadaling tumayo ang matanda at hinanap ang binata.
Natagpuan ni Manang Gresha ang binata sa balkonahe. Nakaupo roon ang binata at umiiyak habang yakap-yakap ang isang unan.
Naaawang nilapitan ito ng matanda at sinubukang yakapin.
" Love, I'm sorry. I'm sorry, love. " umiiyak na saad ng binata habang yakap-yakap ang isang unan.
" G-gio. Tama na, maawa ka naman sa sarili mo. Kalimutan mo na siya hijo. " saad ng matanda at pilit na pinapakalma ang binata.
" Love, don't leave me. Please. Don't leave me. " pagmamakaawa ng binata habang yakap-yakap pa rin ang isang unan at tila hindi narinig ang sinabi ng matandang babae.
" Patay na siya hijo. Tama na. Matagal ka na niyang iniwan, patay na siya Gio. Patay na-- "
Hindi na naituloy pa ng matanda ang balak na sabihin nang bigla siyang itulak ni Gio papalayo. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak ng binata sa matanda ay tumama ang likod ng matanda sa isang bakal na lamesa.
Napaigik sa sakit ang matanda dahil dito at hindi agad nakakilos.
Samantalang si Gio naman ay tumayo at inihagis ang hawak na unan sa kinaroroonan ng matanda. Tumatawa ang binata habang nakatingala at sinasabunutan ang sarili.
Kinakabahan man ang matandang babae sa nakikitang inaasal ng binata ay wala naman itong magawa upang makatawag ng doctor dahil hindi pa rin ito makatayo mula sa pagkakaupo.
Unti-unting humarap si Gio kay Manang Gresha at nakangisi itong tinignan. Hinablot niya ang isang plorerang malapit sa kanyang kinatatayuan at ibinato ito sa sahig. Tumama pa ang ilang bubog noon sa binti ng matanda, kaya muling napaigik sa sakit si Manang Gresha.
Unti-unting lumapit sa kinaroroonan ng matandang babae ang binata.
Nang makalapit sa matandang babae si Gio, ay buong lakas nitong hinawakan ang mga braso ng matanda.
" HINDI PA SIYA PATAY MANANG GRESHA! HINDI NIYA AKO IIWAN! HINDI! " gigil na gigil na saad ng binata sa matanda.
Nang dahil sa ingay ng paligid ay nagising naman si Mang Ramon at nang makita ang nangyayaring kaguluhan sa balkonahe ay dali-dali itong lumabas ng silid upang tawagin ang doctor.
" HINDI SIYA PATAY MANANG! HINDI! " sigaw ni Gio kay Manang Gresha.
Natatakot na ang matanda sa inaasal ng binata ngunit wala naman itong magawa.
" G-gio, hijo. " nanghihinang saad ng matanda.
Bago pa muling makapagsalita si Gio ay may dalawang tao na ang nakahila sa kanya papalayo sa matanda.
Agad namang nilapitan ni Mang Ramon si Manang Gresha at tinulungan ito.
Nagwawala pa rin ang binata sa hawak ng dalawang nurse. Tumatawa ito habang umiiyak.
" Hindi niya ako iiwan Manang. Hindi! " paulit-ulit na saad ng binata.
" Gio. " sambit ng matanda habang tumutulo ang mga luhang nakatingin sa binata.
Lumapit na ang doctor sa binata at pinatulog ito. Pagkatapos ay agad namang dinala ng dalawang nurse ang binata sa kama.
Nakatingin lamang si Manang Gresha sa mga ito.
" Gresha, ayos ka lang ba? "
" Huwag mo akong pakialaman Ramon. Si Gio ang isipin mo huwag ako. Kaya ko ang sarili ko. " naka-angil na sagot ng matandang babae sa matandang lalaki.
Napabuntong-hininga na lamang si Mang Ramon at hindi na muling kinausap si Manang Gresha dahil nilapitan si Manang Gresha ng isang nurse upang gamutin ang iilan nitong sugat sa binti.
" Both of you are his guardians, right? I suggest that you bring him in to a psychologist to check his condition. It is better to have someone who is specialized regarding the mental health field. I have someone I know who is a psychologist, I can seek for his help. I'll wait for your answers until tomorrow. " saad ng doctor sa dalawang matanda bago lumabas ng silid.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos na rin sa paggagamot ang nurse ng binti ni Manang Gresha kaya nagpaalam na rin ito at umalis.
" Kung sinabi mo lang sana ang totoo kay Gio ay hindi tayo darating sa puntong ito-- "
" Huwag mo nga akong sermonan nang sermonan ha Ramon! Manahimik kang matanda ka! Inaamin ko na hindi naging maganda ang epekto ng ginawa kong desisyon kaya gagawan ko ito ng paraan! " sagot ni Manang Gresha kay Mang Ramon.
KINABUKASAN ay napagdesisyonan ni Aaliyah na puntahan si Gio sa bahay nito dahil matagal-tagal na rin noong huli siyang nagpunta rito. Masyado kasi siyang naging busy sa paggawa ng disensyo ng mga damit na gagamitin sa isang fashion show kaya wala siyang oras para puntahan ang binata.
Nang maiparada ang sasakyan sa tapat ng bahay ng binata ay nakangiti itong lumabas mula sa sasakyan.
Nakasuot ito ng isang bestidang hapit na hapit sa katawan na hanggang gitna lamang ng hita ang haba. Kulay pula iyon at mababa ang neckline. Namumutok din ang labi nito sa sobrang pagkapula.
Nakangiti itong naglalakad papasok sa gate habang hawak-hawak ang isang box ng chocolate muffins.
Nang makarating ito sa tapat ng pintuan ay agad nitong pinindot ang doorbell. Inayos-ayos pa nito ang sarili habang hinihintay na magbukas ang pinto.
Nang hindi agad ito bumukas makalipas ang halos dalawang minuto ay napakunot ang noo ng dalaga at muling pinindot ang doorbell.
Halos nakalimang ulit ang dalaga sa pagpindot ng doorbell kaya nakaramdam ito ng inis. Lumayo ang dalaga sa pinto ng tahanan at inis nitong ibinato ang kahon na naglalaman ng chocolate muffins sa pinto.
Nanggagalaiti itong naglakad pabalik ng sasakyan.
Nang makarating sa loob ng sasakyan ay agad nitong tinawagan si Gio ngunit laging cannot be reached ang numero ng binata. Naiinis nitong ibinato ang cellphone sa shotgun seat at hinampas ang manubela ng sasakyan.
" Damn you Gio! You cannot ignore me for your whole damn life! " nanggigil nitong saad habang hinahampas pa rin ang manubela.
Ngunit agad ding nawala ang inis ng dalaga nang maalala ang dalawang kaibigan ng binata.
" Ohh! I know! Maybe I should call Henric or Jared to ask them where Gio is. " nakangiti nitong saad.
" Right, right! I should call them now. " saad nito at mabilis na kinuha ang cellphone na kanina'y ibinato.
Unang tinawagan ng dalaga si Henric.
" Hello? " sagot ng binata.
" Hey! It's me Aaliyah. I just wanna ask you if you know where Gio is? " nakangiting tanong ng dalaga sa binata.
" Huh? Bakit ko naman sasabihin sayo kung nasaan si Gio? Close ba tayo? "
Napairap na lamang ang dalaga sa naging sagot ng binata ngunit pilit pa ring kinakalma ang sarili.
" Oh come on, Henric. I just wanna say hi to Gio and ask if he's doing fine, duh. "
" Paano ka mag h-hi kay Gio, ha? Ehh naroon nga iyon sa hospital-- "
" WHAT?!?! What happened?! Is he okay? Tell me the name of the hospital he's in. I'll come and visit him. " natatarantang saad ng dalaga at binuhay ang makina ng sasakyan.
Wala namang nagawa si Henric kung hindi sabihin sa dalaga kung nasaan si Gio dahil maging pati siya ay nag-aalala sa kalagayan ng binata.
Pagkatapos malaman ni Aaliyah kung saang hospital naroroon si Gio ay agad nitong pinatayan ng tawag si Henric at nagmamadaling pinatakbo ang sasakyan paalis sa bahay ni Gio.
NANG makarating sa hospital ay agad siyang nagpunta sa information desk upang itanong kung saan ang silid ni Gio, ngunit kung ano-ano pang impormasyon ang itinatanong sa kanya ng nurse.
" I am his girlfriend, so tell me where my boyfriend is, you stupid b***h! " utos nito sa nurse na nasa information desk.
Nababagalan ang dalaga sa kilos na ginagawa ng nurse kaya mas pinili na lang nitong tawagan si Henric at itanong ang room number ni Gio. Agad namang nagreply ang binata sa kanyang mensahe.
" Ma'am room number-- "
" Nevermind. I already know where my boyfriend is. " nakairap nitong putol sa dapat na sasabihin ng nurse pagkatapos ay dumiretso na sa elevator.
Habang nasa loob ng elevator ang dalaga ay inayos pa nito ang lipstick at buhok. Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator nang matapos na siya sa pag-aayos.
Nakangiti siyang naglalakad sa hallway at nang makarating sa harap ng pinto ng silid ni Gio ay walang pag-aalinlangan niyang hinawakan ang seradura ng pinto.
Ngunit hindi niya tuluyang nabuksan ang pinto dahil napatigil siya nang marinig ang pag-uusap ng dalawang matanda.
" Tanggapin natin ang tulong na ibinibigay ng doctor Gresha. " saad ni Mang Ramon.
" Hindi maaari dahil kailangang kontrolado ko ang magiging doctor ni Gio. " saad naman ni Manang Gresha.
" Ano ba iyang iniisip mo Gresha? Pati ba naman sa magiging doctor ni Gio ay pakikialaman mo pa? Akala ko ba ay gusto mong gumaling na si Gio? Eh ano iyang--? "
" Kailangan kong siguruhin na makakalimutan na niya ang pagmamahal sa babaeng iyon, Ramon! Kailangan kong siguraduhin na hindi siya gagawa ng paraan para mas lalong mahukay ang nangyari noon! " mariin na bigkas ng matandang babae.
" Sa ganong paraan lamang ako mapapanatag na magiging ligtas tayong lahat. "
Habang nakikinig sa usapan ng dalawang matanda ay napangiti si Aaliyah sa sariling naisip.
Damn, what a great timing.
Tuluyan na nitong binuksan ang pinto ng silid at pumasok.
Napatigil naman sa pag-uusap ang dalawang matanda at nilingon ang bisitang pumasok sa loob ng silid.
" I can help you! I'm willing to help. " nakangiti nitong saad sa dalawang matanda.