FRIENDS
" Nice meeting you, Azalea. " saad ng binata habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha.
Bahagyang napaismid naman ang dalaga at binawi na ang kamay sa pagkakahawak ng binata.
" I am more comfortable being called as Zeah and not Azalea. So you should call me Zeah. " bahagyang nakataas ang kilay ng dalaga habang nagsasalita.
" I'd call you whatever I want. " sagot ni Gio.
" Then, same with me, GEORGIO. " nang-aasar na wika ng dalaga.
Mahinang natawa lang si Gio at napailing sa sinabi ng dalaga.
" So are we cool now? " tanong ng binata.
" Yeah, I think so. " sagot ng dalaga.
Bago pa muling makapagsalita si Gio ay may nauna nang magsalita sa kanya.
" Kaya naman pala hindi sinasagot ni my dudes ang tawag mo pre, busy pala sa pakikipagdate. " nakangising saad ni Henric na kadarating lang kasama si Jared.
" Aga namang date nyan pre! " umiiling na saad naman ni Jared habang naglalakad papalapit sa upuang katapat ni Gio.
" Oh your annoying friends are here. " nakairap na saad ni Zeah.
Tumawa lamang si Henric at umiling.
Samantalang si Gio naman ay tumikhim at umayos ng upo. Humarap siya sa dalaga at ipinakilala ang mga kaibigan.
" This is Jared, the dumb one " saad ni Gio at itinuro si Jared, " and this is Henric, the dumber. " saad ni Gio at itinuro si Henric.
Napailing na lang si Jared sa ginawang pagpapakilala ng kaibigan at ibinaling na ang tingin sa cellphone.
Napaawang naman ang mga labi ni Henric sa ginawang pagpapakilala ng kaibigan at muli sanang magsasalita nang mapatigil dahil sa tawang narinig mula sa dalaga.
Agad nabaling ang tingin ni Henric sa dalaga at pinagmamasdan lamang ito.
Nang mapansin naman ng dalaga na siya lamang ang tumatawa ay agad syang tumigil. Tumikhim ito at inayos ang sarili bago nagsalita.
" I'm Zeah. " maikling pakilala ng dalaga.
" Wala ba man lang nice meeting you? " nagbibirong saad ni Henric.
Hindi na sumagot ang dalaga at bahagyang umismid dahil sa sinabi ng binata. Ibinaling na lamang niya ang tingin sa egg pie na nasa harapan.
Dahil sa naging reaksyon ng dalaga ay mas natuwa si Henric na asarin ito.
" So, Zeah, ang aga niyo namang magdate ng kaibigan namin. " saad ni Henric habang itinataas baba ang dalawang kilay.
" We are not dating. It's just a coincidence. " paliwanag ng dalaga habang kumakain ng egg pie.
" Ayyiie! Meant to be kayo! Lagi na lang coincidence. " nang-aasar pa rin na wika ni Henric.
Masungit naman na humarap ang dalaga kay Henric at sinimangutan ito.
Si Gio naman ay walang pakialam sa pang-aasar na ginagawa ni Henric dahil sanay na siya sa ugali ng kaibigan.
Si Jared naman ay walang imik na nagcecellphone sa tabi ni Henric.
" I told you we are not dating! " nakasimangot na saad ng dalaga.
" Ikaw na ba ang gagamot sa pusong sugatan ng aming kaibigan? " patuloy pa rin sa pang-aasar si Henric.
" You know what, I'm outta here! " napipikong saad ng dalaga at tumayo na para umalis.
" Ayy grabe sya oh! Pikon ka girl? " saad pa rin ni Henric.
Hindi na sumagot ang dalaga at pinagpatuloy na lang ang pagkuha ng mga gamit.
Nang maayos na ang sariling mga gamit ay walang lingon itong lumabas ng cafeteria.
Natawa na lamang si Gio sa nakitang ginawa ng dalaga at binalingan ng tingin si Henric.
" Stop pissing her off. " saad ni Gio.
OA namang nagreact si Henric at talagang pinalaki pa ang mga mata at bahagyang tinakpan ang bibig gamit ang kaliwang kamay.
" Ikaw ha! Pinagtatanggol mo! Sabi na nga at meant to be kayo eh! " saad ni Henric habang naniningkit ang mga mata kay Gio.
" Tara na nga! " anyaya ni Gio sa dalawang kaibigan at tumayo na mula sa pagkakaupo.
" Uyyy! Umiiwas! " asar ni Henric sa binata.
Si Jared naman ay hindi nagsasalita sa gilid at hinahayaan lamang ang dalawa.
" Hoy gago! Back up-an mo naman ako sa pang-aasar! Wala ka ring suporta eh! " saad ni Henric kay Jared at siniko pa ito.
" Ayyiiie. " walang ganang saad ni Jared.
" Grabe naman yang pag-ayyiee mo, ramdam na ramdam namin. " nakasimangot na saad ni Henric kay Jared.
Napailing na lamang si Gio nang magsimulang magsagutan ang dalawa. Hindi niya pinansin ang dalawa sa halip ay nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papuntang gymnasium.
NANG sumapit na ang tanghali ay sabay-sabay na muling nagtungo sa cafeteria ang tatlong binata.
Naunang matapos umorder si Henric at ngayo ay kasalukuyang naglalakad sa pwestong lagi nilang inuupuan.
Bakante iyon dahil kakaunti lang naman ang estudyanteng kasabay nila ng lunch sa araw na iyon.
Ngunit hindi na niya naituloy ang pagpunta sa kanilang pwesto nang makita niya si Zeah na kumakain mag-isa.
Agad napangiti si Henric sa pumasok na ideya sa isipan.
Lumihis ito ng direksyon at nagtungo sa kinaroroonan ng dalaga.
Tahimik lamang kumakain si Zeah nang may biglang maglapag ng tray sa kanyang harapan.
Nag-angat siya ng tingin at napakunot ang noo nang makitang ang binatang nasa harapan niya ay ang isa sa mga kaibigan ni Gio.
" Pa-share kami ha. " saad ni Henric at hindi na hinintay ang dalagang sumagot sa halip ay umupo na sa harapan nito.
" Hindi ako pumayag na maki-share kayo at hindi ba't doon ang pwesto niyo? " saad ng dalaga at itinuro ang pwestong kanina ay dapat pupuntahan ni Henric.
" Ikaw ha! Bakit pati pwesto namin alam mo? " naniningkit ang mga matang tabong ni Henric.
Napairap lamang ang dalaga at walang ganang nagsalita.
" Georgio told me this morning. "
Nagkibit-balikat na lamang si Henric at hinanap ng tingin si Jared.
Nang makita ito ay agad niya itong tinawag.
" JARED, HOY! Dito tayo hindi dyan! " sigaw ni Henric sa kaibigan sabay kaway pa ng kanang kamay sa ere.
Nagtataka man ay lumapit pa rin si Jared sa kinaroroonan ni Henric.
" Bakit naman--- " hindi na naituloy ni Jared ang pagtatanong kay Henric nang makita ang babaeng kasama ni Henric.
" Gago ka talaga! " saad ni Jared at umiling na lamang.
" Bakit ba? Nakikipagkaibigan lang naman tayo! Wala rin naman siyang kasama, malungkot kayang kumain mag-isa at pumayag kaya siya na maki-share tayo. " paliwanag ni Henric kay Jared.
" I did n--- "
Hindi na naituloy ni Zeah ang pagsasalita dahil muling nagsalita si Henric.
" Tabi tayo ah! Dito ka, hayaan mo si Gio dun sa tabi ni Zeah. " saad ni Henric at kumindat pa sa dalaga.
Aangal pa sana ang dalaga ng biglang dumating si Gio.
" Anong ginagawa nyo dito? " tanong ni Gio sa dalawang kaibigan.
" My dudes, wala kasi siyang kasabay kumain at diba friends na naman kayo? " sagot ni Henric.
" Baka may hinihintay siya. " saad ni Gio.
" Ay s**t, oo nga. " gulat na saad ni Henric.
Walang imik lamang si Zeah at hinihiwa ang cordon bleu na nasa pinggan.
" Mission abort tayo pre. " bulong ni Henric kay Jared.
Tumayo na si Henric at inangat na ang tray na may lamang pagkain. Ganon din ang ginawa ni Jared samantalang si Gio naman ay nakatayo lamang sa gilid.
" I don't have someone who I can eat with, so you can stay. " mahina at nahihiyang saad ng dalaga.
Si Henric naman ay napaawang ang mga labi sa sinabi ng dalaga at ibinaling ang tingin kay Gio.
Si Gio ay nakatitig lamang sa dalaga at nagtanong.
" So, pwede ba kaming maki-share ng table? " tanong ni Gio.
Nagkibit-balikat lamang ang dalaga at bahagyang umusog upang magkaupo ang binata.
" Ayun naman pala eh! Maupo na tayo, nagugutom na ko! " saad ni Henric at bumalik sa kanyang pwesto.
Si Jared naman ay naupo na muli sa tabi ni Henric samantalang si Gio ay sa tabi ni Zeah umupo.
Nasa kalagitnaan ng pagkain silang apat nang hindi makatiis si Henric at biglang nagsalita.
" Ang tahimik niyo naman! " reklamo ni Henric.
Humarap si Jared kay Henric at nagsalita.
" Malamang kumakain kasi tayo. " saad ni Jared sa binata.
" Bakit pwede namang magkwentuhan ng konti habang kumakain ah. " pangangatwiran ni Henric.
" Just shut up and eat. " saway ni Gio kay Henric.
Hindi naman nagpatalo si Henric at muling nagsalita.
" Nandito tayo para sa getting to know each other. So simulan na natin " saad ni Henric at ibinaling ang tingin kay Zeah, " bakit mag-isa ka? " tanong ni Henric sa dalaga.
" I told you already, I don't have someone to eat with. " sagot ng dalaga.
" Wala ka bang friends? " tanong ni Henric.
" Of course, I have duuh! Anong akala mo sakin loner? " maarteng tanong ng dalaga.
Napatawa na lamang si Gio sa tono ng dalaga at nakinig sa usapan.
" Duuh! That's why I'm asking diba? Niaaway niya ako babe." maarte ring saad ni Henric at tumawa pa sabay haplos sa braso ni Jared.
Naiinis namang nilayo ni Jared ang sarili kay Henric.
" Para naman tong tanga! " naiinis na wika ni Jared.
" I have a friend. Hindi lang kami same ng schedule ng lunch ngayong araw kaya wala siya dito. " paliwanag ni Zeah.
" Sino naman yang kaibigan mo? Maganda ba yan? Reto mo naman ako oh! Kapag nireto mo ko dyan sa kaibigan mo irereto rin kay Gio. " nakangising saad ni Henric.
" Gago. " saad ni Gio at bahagyang umiling.
" My friend's Sammie Lim. " saad ni Zeah at inangat ang tingin kay Henric.
Nanlaki naman ang mga mata ni Henric at nabitawan ang kutsara.
" Si Sammie Lim, psychology student? Yung maputi freshman na matangkad at hanggang balikat ang buhok? Tapos--- "
Hindi na naituloy ni Henric ang iba pang sasabihin dahil pinutol na ito ni Zeah.
" Yeah it's her. She's my bestfriend since elementary. " sagot ni Zeah.
" Tangina, crush ko yun! " saad ni Henric.
" Huh? Hindi ba at may nililigawan kang iba? " nagtatakang tanong ni Jared.
" Huh? Sino? Wala ahh. " pagdedeny ni Henric.
" Babaero yan. Wag mong rereto kaibigan mo dyan. " saad ni Jared habang umiiling pa.
" H-hoy! Huwag mong sirain ang image ko! " reklamo ni Henric kay Jared at nagsimula nang magsikuhan ang dalawang binata.
Napatikhim na lamang si Gio at binaling ang tingin kay Zeah.
" I'm sorry for their behavior, they are just always like that. " saad ni Gio.
" Nah, it's okay. I think they are just friendly and... you know. " sagot ni Zeah habang nakatitig sa binata.
" Yeah, friendly and dumb. " natatawang saad ni Gio at dahil doon ay tumawa na rin ang dalaga.
Nakatitig sa isa't isa si Gio at Zeah habang bahagyang nakangiti.
" So... " panimula ni Gio.
Hindi naman nagsalita si Zeah at hinintay lamang ang sasabihin ng binata.
" Are we now friends? " pagpapatuloy ni Gio.
" I think so. " sagot ni Zeah habang bahagya pa ring nakangiti.