SHUT DOWN
Ilang araw nang tulala si Gio at hindi kumikilos. Lagi lamang itong nakatitig sa balkonahe na tila may hinihintay. Kahit anong gawing pagkausap ng doctor at ni Manang Gresha pati na rin ni Mang Ramon ay wala pa ring pagbabago sa binata.
Sinubukan na rin itong kausapin nina Henric at Jared pati na rin ni Aaliyah ngunit wala pa ring naging reaksyon ang binata. Pati ang pagkain ng binata ay ginagamitan pa ng IV.
Nag-aalala na si Manang Gresha ngunit wala naman itong magawa.
" Ramon. " pagtawag ni Manang Gresha kay Mang Ramon.
Agad namang lumingon ang matandang lalaki nang marinig ang pagtawag sa kanya ng matandang babae.
" Maiwan ka muna at bantayan mo si Gio. Pupuntahan ko muna ang doctor para itanong ang tungkol sa kalagayan niya. " saad ni Manang Gresha.
Tumango naman si Mang Ramon sa naging saad ng matandang babae.
Ibinaling naman ni Manang Gresha ang pansin sa binata at sinubukan itong kausapin.
" Gio, hijo, pupuntahan ko muna ang doctor ha? Maiiwan naman dito si Ramon para may kasama ka. " parang batang kausap ni Manang Gresha sa binata ngunit wala man lang itong naging reaksyon.
Napabuntong-hininga na lamang si Manang Gresha at lumapit sa binata upang haplusin at dampian ng halik ang buhok nito.
" Huwag na huwag mong iiwanan si Gio, naiitindihan mo ba Ramon? " pag-uulit ni Manang Gresha kay Mang Ramon.
" Oo naiintindihan ko, hindi mo na kailangan pang ulitin sakin. " sagot ni Mang Ramon.
" Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo. " nakairap na sagot ni Manang Gresha.
Pagkatapos ng pag-uusap ng dalawang matanda ay lumabas na ang matandang babae at dumiretso sa opisina ng doctor.
Nang makarating sa tapat ng opisina ng doctor ay kumatok muna ito sa pinto bago nagpasyang pumasok.
" Good morning, Miss Candelaria. What can I do for you? " tanong ng doctor nang makita ang pagpasok ng matandang babae.
" Gusto ko lamang itanong kung anong nangyayari kay Gio. Ilang araw na siyang tulala at hindi kumikilos, kahit ang kumain ay hindi niya ginagawa. Lagi lamang siyang nakatingin sa balkonahe buong maghapon. " pahayag ni Manang Gresha.
Napabuntong-hininga naman ang doctor at nagsalita.
" To be honest, Ms. Candelaria, I don't know as well. There's nothing wrong with Mr. Alferez' body, he is physically okay. " sagot ng doctor.
" Bakit hindi niyo alam ang nangyayari sa pasyente niyo?!? Hindi ba't doctor ka?! " nanggagalaiting saad ni Manang Gresha.
" His mental state is not--- "
Hindi na naituloy ng doctor ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita ang matandang babae.
" Sinasabi mo bang unti-unti ng nababaliw si Gio?! " tanong ng matandang babae.
" That's not what I meant, Ms. Candelaria. What I was saying is that maybe his mind is somehow protecting himself from pain, so his mind is shutting us out. " saad ng doctor.
" Pain? " nagtatakang tanong ni Manang Gresha.
Tumango ang doctor bago muling nagsalita.
" The feeling of pain when he lost his ex-girlfriend. It is his own way of shielding himself for more pain. So I suggest that you should hurry and seek help from specialist in mental health field. "
Tumango na lamang ang matandang babae sa naging paliwanag ng doctor at pagkatapos ay nagpasyang umalis.
NANG makaalis na ang matandang babae ay hinanap agad ng doctor ang sariling cellphone at may tinawagan.
Ilang segundo lamang ang hinintay ng doctor bago sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag.
" Doc, ang aga mo yatang napatawag. May magandang balita ka ba para sakin? " sagot ng nasa kabilang linya at mababakas ang tuwa sa boses nito.
" His condition is getting worse. He is not responding to anyone. " saad ng doctor.
Tumawa lamang ang nasa kabilang linya.
" So, ano namang naging reaksyon ni Manang Gresha? " tanong ng nasa kabilang linya sa doctor.
" Galing siya rito kanina lang at tinatanong kung anong mali kay Mr. Alferez. " sagot ng doctor.
" Hindi pa rin ba nagbabago ang isip niya tungkol sa tulong na inaalok mo? " seryosong tanong ng nasa kabilang linya.
" Hindi. Mukhang desidido siyang tanggapin ang tulong ng isang mapagkakatiwalaang kakilala. " saad ng doctor.
" Inaasahan ko na iyan. Patuloy mo lamang bantayan ang kilos nila habang naandyan sila sa hospital at huwag na huwag kang magkakamali sa mga kilos mo. " paalala ng nasa kabilang linya at binaba na ang tawag.
NANG makalabas si Manang Gresha sa opisina ng doctor ay nagtungo muna ito sa hardin ng hospital.
Nang makarating doon ay agad niyang tinawagan ang numero ni Aaliyah.
" Hey Manang--- " saad ni Aaliyah mula sa kabilang linya.
Hindi na pinatapos ni Manang Gresha ang ano pa mang sasabihin ng dalaga dahil agad na niya itong pinutol.
" Hindi ba't sinabi mong tutulungan mo ako tungkol sa kondisyon ni Gio? Bakit hanggang ngayon ay wala pa iyang tulong na sinasabi mo?! " naiinis na tanong ng matanda.
" Manang Gresha, I am doing my best in finding the best doctor that can help Gio. " sagot ng dalaga.
" Kung ganon ay bilisan mo! Ayokong maging huli na ang lahat para kay Gio. " saad ng matanda at pinatay na ang tawag.
Pagkatapos putulin ni Manang Gresha ang tawag ay muli na itong nagtungo sa silid ni Gio.
SA SILID ni Gio ay tulala pa rin ito at nakatitig sa balkonahe. Habang nakatitig sa balkonahe ay naglalakbay ang isipan nito sa masasayang alaalala nila ng babaeng minamahal.
MAAGANG gumising si Gio at pumasok. Naabutan niya pa si Manang Gresha na hindi pa tapos sa paghahanda ng pagkain.
" Hijo, ang aga mo yata ngayon, hindi ba't alas diez pa ang klase mo? Hindi pa ako tapos sa paghahanda ng agahan ngunit sandali na lamang ito at matatapos na ako. " saad ni Manang Gresha habang nagluluto ng bacon.
" Huwag na po kayong magmadali Manang, sa school na lang po ako kakain. Maaga po kasi talaga akong gumising dahil pinapatawag kami ni coach. " paliwanag ng binata.
" Ganon ba? Oh siya sige, mag-iingat ka at huwag mong kakalimutang kumain, ha? " saad ng matanda.
Tumango lamang si Gio at nagpaalam na sa matanda.
Dahil sa maaga pa ay mabilis siyang nakarating sa school.
Kakaunti pa lamang ang mga estudyanteng makikita sa loob ng eskwelahan.
Ang halos lahat ng mga estudyanteng nalalagpasan niya ay may mga hawak na libro at nag-aaral. Mayroon din namang iba na nagkakape at nakikipag-usap sa mga kaibigan.
Habang naglalakad ay tinawagan ni Gio ang dalawang kaibigan.
Una niyang tinawagan si Henric ngunit nakailang ring na ang tawag ay hindi pa rin ito sinasagot ng binata. Napailing na lamang si Gio dahil marahil ay tulog pa ang kaibigan.
Sunod niyang tinawagan si Jared. Makalipas ang ilang segundo ay sinagot naman ito ng binata.
" Oh? Ano? " tanong ni Jared sa kabilang linya.
Napailing na lamang muli si Gio dahil halatang kakagising pa lamang ng binata.
" Tsk. Nakalimutan mo yata na pinapatawag tayo ni coach ng maaga ngayong araw. " saad ni Gio.
" s**t! Oo nga pala! Nasa school ka na? " natatarantang tanong ni Jared.
" Oo, kararating ko lang. " sagot naman ni Gio.
Nakarinig pa si Gio ng malakas na pagbukas ng cabinet sa kabilang linya.
" Si Henric ba nandyan na? " tanong ni Jared.
" Wala pa, kaya bilisan niyo na. " saad ni Gio at pinatay na ang tawag.
Inilagay na ni Gio ang cellphone sa kanyang bulsa pagkatapos patayin ang tawag at dumiretso na sa cafeteria.
NANG makarating sa cafeteria ay agad na siyang dumiretso sa counter upang pumili ng makakain.
Nang makabili ng pagkain ay agad na siyang nagtungo sa pwesto nila lagi nina Henric.
Inilapag na ni Gio ang tray sa lamesa at umupo na. Nang saktong pag-upo niya ay may narinig siyang isang sarkastikong tawa. Dahil doon ay napalingon siya sa kabilang table na nasa kaliwang bahagi niya.
Napataas ang kilay nang makita ang babaeng nakaupo roon. Ang babaeng nakaupo roon ay ang babaeng natapunan niya ng kape, ang bumato sa kanya ng sapatos, at ang pinagbintangan siyang stalker.
Hindi niya ito pinansin at binalik na lamang ang atensyon sa pagkain. Ngunit nang isusubo na niya ang pasta ay muli na naman siyang nakarinig ng sarkastikong tawa.
Hindi na niya ito nilingon at pinagpatuloy ang pagkain ngunit hindi niya pa tuluyang nalulunok ang pagkain nang eksaheradang umubo ang dalaga.
Nawawalan ng pasensyang nilingon ni Gio ang dalaga at nagsalita.
" What? Can't you let me eat peacefully? " naiinis na tanong ni Gio sa dalaga.
" Nauna ako rito kaya kung naiingaya ka sakin edi lumipat ka. " mataray na saad ng dalaga.
" This is my usual spot so bakit ako ang mag-aadjust? " sarkastikong tanong ng binata.
Bago pa muling makapagsalita ang dalaga ay muli ng nagsalita si Gio.
" And please, hindi kita sinusundan at wala akong gusto sayo. Baka kung ano na naman ang isipin mo. " pagpapatuloy ng binata.
" Huh! So sinasabi mo bang assuming ako?! " hindi makapaniwala at nanlalaki ang mga matang tanong ng dalaga.
Nagkibit-balikat lamang ang binata at inalis ang tingin sa dalaga.
" Jerk! " nanggagalaiting saad ng dalaga.
Humarap naman dito si Gio at nagsalita.
" Look, if this is still about the coffee incident, I already said sorry. If this is about the flower incident then sorry because of what happened. It was not my intention to embarrassed you. So can we have peace now? " saad ni Gio habang inaabot sa dalaga ang isang slice ng egg pie.
Umirap muna ang dalaga bago nagsalita.
" Fine! Then, I'll also say sorry regarding the shoes incident. " mahinang saad ng dalaga habang hindi makatingin sa binata.
Bahagyang natawa na lamang si Gio at inilapag ang egg pie sa lamesa ng dalaga.
" Para saan to? " tanong ng dalaga habang nakataas ang kilay.
" Peace offering. " maiksing sagot ng binata.
Tumango na lamang ang dalaga at kinuha ang tinidor para makakain ng egg pie.
" So can we let go of the past, now? " tanong ni Gio.
Tumango-tango lamang ang dalaga habang kumakain ng egg pie.
" I'm Gio Alferez. " saad ng binata at inilahad ang kanang kamay sa dalaga upang makipag-kamay.
Napakunot ang noo ng dalaga sa ginawa ng binata.
" Come on, let go of the past right? So here I am, introducing myself to you. "
Mukhang naintindihan naman ng dalaga ang ibig sabihin ng binata kaya inabot nito ang kamay ng binata at nakipag-kamay.
" Azalea Leigh Ramos, but they often call me Zeah. "
" Nice meeting you Azalea. " nakangiting saad ni Gio.