KABANATA 9

1645 Words
REVEALED Hinimatay ang matanda nang dahil sa gulat. Ngumiti naman ang dalaga sa nangyari sa matanda at pinagmasdan ito. Matapos nitong pagmasdan ang matanda ay hinila niya ito at inilagay sa loob ng kabaong. Bago isara ang kabaong ay nag-iwan siya ng isang puting rosas na may patak ng dugo sa ibabaw ng dibdib ng matanda. Umalis na ito at hindi na nag-abalang tabunan ng lupa ang kabaong. Nakangiti itong naglalakad habang dinadama ang nagsisimulang pagpatak ng ulan. NANG MAGISING ang matanda ay agad itong kinabahan nang mapagtantong nasa loob siya ng isang kabaong. Pilit niyang inaangat ang takip ng kabaong ngunit nahihirapan siya. Ginagalaw-galaw niya rin ang kanyang mga paa upang mas maiangat ang takip ng kabaong. Nang magtagumpay ay agad itong naupo. Hinahabol ang paghinga habang inililibot ang tingin sa buong paligid. Nang masigurong wala na ang dalagang kanyang nakita kanina ay nagpasya na itong umalis sa loob ng kabaong. Napansin nito ang puting rosas na nalaglag sa kanyang kandungan. Inangat niya ito at agad ding itinapon sa gilid nang mapagtantong may patak ito ng dugo. Nang makaalis sa loob ng kabaong ay nagmamadali nitong inayos ang lahat. Nang matapos sa pag-aayos ay umalis na lamang ito bigla at hindi napansing naiwan ang pala na kanyang ginamit. NANG matapos na sa pagsasalita ang nanay ni Darren ay agad itong umalis sa podium at lumapit sa mga kamag-anak habang pinupunasan ang mga luha. Samantala ang asawa naman nito ay piniling lumapit kay Gio at inaya itong lumabas upang makapag-usap. Nang makalabas ang ginoo at si Gio ay lumipas muna ang ilang minutong katahimikan bago nagsalita ang ginoo.  " Gio, ako na ang humihingi ng pasensya sa nagawa ni Dahlia kanina. " " I understand her Tito. It is also my fault for still coming here even though I know what will happen. " sagot ng binata habang diretso ang tingin sa harapan. Naglabas muna ng isang stick ng sigarilyo ang ginoo bago muling nagsalita.  " Isang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Darren. " Hindi sumagot si Gio at nanatili lamang nakikinig.  " Kahit anong paliwanag ng mga pulis sa kanya tungkol sa imbestigasyon ay hindi siya nakikinig. Pinipilit niya na ikaw ang pumatay sa anak namin, kahit nahuli na ang tunay na may sala. " " Naiintindihan ko naman po Tito dahil bago mamatay si Darren ay nagkaroon kami ng misunderstanding. " " Mas malapit ang loob niya kay Darren noong una pa lang dahil muntik na siyang makunan noong ipinagbubuntis niya si Darren. Pakiramdam niya ay may pagkukulang siya bilang isang ina kaya nang isilang niya si Darren ay ibinuhos niya ang halos lahat ng pagmamahal niya rito. Kaya nang mamatay si Darren ay hindi niya matanggap. " Humithit muna ang ginoo sa sigarilyo bago nagpatuloy sa pagsasalita. " She suffered depression ng mamatay si Darren. She's still taking medications and having regular check-ups. May mga pagkakataon na sinasabi niyang napapaginipan niya kung paano namatay si Darren. Minsan naman ay sinasabi niya ring nakita niyang ikaw mismo ang pumatay sa anak namin. The doctor explained to me that she may be having hallucinations that's why. " Tinapos na ng ginoo ang paninigarilyo at tinapik ang binata sa balikat. Pagkatapos ay walang-imik itong naglakad papasok ng tanggapan.  Nanatili namang nasa labas ang binata at ilang minuto lang ang lumipas nang mapagdesisyonan nitong umuwi na lamang upang makaiwas sa gulo.  NANG makarating sa bahay si Gio ay pumasok na agad siya sa loob ng bahay. Nakita niya pa si Manang Gresha na naghahanda ng hapunan sa lamesa. Nag-angat ng tingin ang matandang babae sa binata at nginitian ito.  " Gio, hijo, sakto ang dating mo at kakatapos ko lamang magluto. Umakyat ka na muna para makapagpalit ng damit bago tayo kumain. " nakangiti nitong saad habang inaayos ang mga kubyertos sa gilid ng pinggan. Tumango na lamang si Gio at umakyat na para makapagbihis. Agad din naman siyang bumaba pagkatapos magbihis at umupo na sa pwesto niya sa hapag. Nang mapansin ng binata na wala si Mang Ramon ay binaling niya ang tingin kay Manang Gresha na ngayon ay nagsasandok ng kanin sa sariling pinggan. " Manang, nasaan si Mang Ramon? Hindi ko rin siya napansin kanina sa labas. " Napatigil si Manang Gresha sa ginagawa at binaling ang tingin sa binata. " Binisita ni Ramon ang kanyang mga apo pagkatapos niyang dalahin si Luna kanina sa clinic. Inuwi niya muna rito si Luna bago siya muling umalis para puntahan ang kanyang mga apo. " " Ahh. Kamusta raw po si Luna? May sakit po ba? " tanong niya kay Manang Gresha. " Okay naman daw. Wala naman daw sakit. Kumain ka na hijo. " ngumiti ito at nilagyan ng ulam ang pinggan ng binata. Nasa gitna sila ng pagkain ni Manang Gresha nang mapatingin siya sa entrada ng kusina. Nagtataka ang binatang nakatingin kay Mang Ramon dahil basang-basa ito ng ulan at puro putik ang damit. " R-Ramon! " tila nagulat na saad ni Manang Gresha habang nanlalaki ang mga matang nakatitig kay Mang Ramon. " Mang Ramon, what happened to you? Are you okay? " nagtatakang tanong ni Gio kay Mang Ramon habang inaanalisa ang itsura nito.  " S-sir Gio, n-nakauwi ka na pala. " nag-aalinlangang saad ng matandang lalaki sa binata.  Tumango lamang si Gio sa matandang lalaki at tinanong kung bakit ganoon ang itsura nito. Sasagot na sana ito ng biglang tumayo si Manang Gresha mula sa kinauupuan. Nag-aalangan itong tumingin sa binata bago nagsalita. " Gio, s-sa tingin ko ay kailangan nang magpahinga ni Ramon dahil sigurado akong napagod siya sa pakikipaglaro sa kanyang mga apo. " Nagtataka man sa inaakto ng dalawang matanda ay hindi na lamang nagtanong si Gio at tumango na lang. Maya-maya pa ay nagpaalam si Manang Gresha na dadalahan si Mang Ramon ng mainit na kape sa silid nito. Naiwang mag-isa si Gio sa hapag habang iniisip kung ano ang maaaring dahilan kung bakit ganoon ang inaakto ng dalawang matanda. NANG makapasok sa loob ng silid ni Mang Ramon si Manang Gresha ay agad nitong sinarado ang pinto at siniguradong naka-lock ito. Binaba ni Manang Gresha ang dalang kape sa lamesita at nagsimulang lumapit kay Mang Ramon na nakaupo sa dulo ng kama habang nakayuko at nakasabunot ang mga kamay sa sariling buhok. " Anong nangyari Ramon? Nagawa mo ba ang inuutos ko? " Hindi agad nakasagot ang matandang lalaki kaya nakaramdam ng inis ang matandang babae. Kinuha nito ang alarm clock sa lamesita at binato sa matandang lalaki. " Punyeta Ramon! Sumagot ka nga! Ano, naputol ba iyang dila mo ha?!?! " Nag-angat lamang ng tingin ang matandang lalaki sa matandang babae at tinitigan ito. Mas lalong nakaramdam ng inis ang matandang babae sa pananahimik ng matandang lalaki. " Huwag mong sabihin sa aking hindi mo nagawa ang pinapagawa ko sayo ha??! ANO?!?! Wala ka talagang silbing matanda ka! " Napasabunot sa sariling buhok si Manang Gresha dahil sa inis at nagsimula ng maglakad patungo sa pinto. " Nakita ko siya. " saad ni Mang Ramon habang nakatitig sa sahig. Napatigil naman sa paglalakad si Manang Gresha at ibinalik ang tingin sa kinaroroonan ng matandang lalaki. " A-ano? " nauutal na tanong ng matandang babae. " Nakita ko siya kanina sa sementeryo. " paglilinaw ng matandang lalaki. Ngumiti naman ang matandang babae sa pag-aakalang isang magandang balita ang ibinahagi sa kanya ng matandang lalaki. " May silbi ka naman pala. " nakangiti nitong saad at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa pinto. Pipihitin na sana ni Manang Gresha ang seradura ng pinto nang mapatigil siya sa sinabi ni Mang Ramon.  " Wala siya sa kanyang kabaong. " Napalingong muli ang matandang babae sa kinaroroonan ng matandang lalaki. " A-anong s-sinabi mo? Akala ko ba ay nakita mo siya?!? " nakasinghal nitong tanong sa matanda. " Wala siya sa kanyang kabaong nang buksan ko ito pero nakita ko siya sa sementeryo. " " B-buhay s-siya? " kinakabahang tanong nito sa matanda. " Hindi ko sigurado. Natakot ako at nawalan ng malay. " pagpapaliwanag ni Mang Ramon kay Manang Gresha. " TONTA! " sigaw ni Manang Gresha kay Mang Ramon. " Bakit hindi mo inalam kung buhay siya?!? Hindi ba't sinabi ko sayong gawan mo ng paraan kung may makakakita sayo ha?! " nanggagalaiting saad ni Manang Gresha.  " Natakot ako nang makita ko siya Gresha! " giit ni Mang Ramon.  " Kahit na! Dapat ay hindi mo pinairal iyang takot mo! Wala ka talagang silbi! Wala kang kwenta! " dinuro-duro pa ng matandang babae ang matandang lalaki.  Nakaramdam ng galit ang matandang lalaki dahil sa pang-iinsulto ng matandang babae kaya lumapit ito rito at sinakal ito. " B-b-bitawan... m-mo a-ako! " Halos maubusan ng hininga ang matandang babae sa higpit ng sakal sa kanya ng matandang lalaki. Patuloy pa rin si Manang Gresha sa pagtulak kay Mang Ramon upang makawala sa hawak nito. Makalipas ang ilang segundo ay binatawan na ni Mang Ramon si Manang Gresha. Napaupo naman ang matandang babae habang hinahabol ang kanyang hininga. " Huwag mo akong insultuhin nang insultuhin Gresha, dahil sa ating dalawa ikaw ang walang silbi! Puro ka utos pero wala kang ginagawang hakbang! " saad ng matandang lalaki bago sinipa ang binti ng matandang babae. " Kung gusto mong tulungan kita, umayos ka! Huwag kang umastang parang reyna! " saad nito bago umalis sa loob ng silid. Naiwan naman ang matandang babae na hanggang ngayon ay nakaupo pa rin sa sahig at minamasahe ang leeg. SA KABILANG banda naman ay may nakangiting babaeng pinagmamasdan ang litrato ng iba't ibang mga tao. May hawak itong puting rosas at inaamoy-amoy ito habang pinagmamasdan ang mga litrato. Binatawan nito ang rosas at kumuha ng isang kutsilyo. Ibinato nito iyon sa kinalalagyan ng mga litrato. Nakangiti nitong pinagmasdan ang litrato nang tumarak ang kutsilyo sa noo ng taong nasa litrato.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD