KABANATA 8

2328 Words
DEATH  Kinabukasan ay nagtataka si Gio kung bakit natagpuan nila si Manang Gresha sa hardin. Nakahiga ito roon at puno ng dugo ang braso dahil sa tinik na nanggaling sa mga halaman. Nang tinanong naman niya ito kung anong nangyari ay hindi ito sumagot at hinaplos lamang ang kanyang buhok. " Manang, are you sure that you're okay? Ano po ba ang nangyari? " nag-aalalang tanong ng binata sa matandang babae.  Kanina niya pa tinatanong ang matanda tungkol sa nangyari ngunit hindi naman nito sinasagot ang kanyang mga tanong. " Oo hijo, ayos lamang ako. Nagpapahangin kasi ako kagabi roon at hindi ko namalayan na nakatulog ako. Madilim kaya hindi ko rin napansin na naroon na pala ako sa lugar ng mga halaman. " napipilitang ngiti ng matandang babae.  Tumango na lamang si Gio kahit hindi siya kumbinsido sa mga paliwanag ni Manang Gresha. Hindi na lamang siya nagpumilit sa pagtatanong dahil halata namang ayaw nitong pag-usapan kung anong nangyari.  Nang sumapit na ang tanghali ay dumating si Henric at Jared.  " Magandang tanghali Manang! Bakit matamlay yata kayo ngayon Manang? " bungad ni Henric nang makapasok sa loob ng kusina.  " Nako wala ito hijo. Kumain na ba kayo? " nakangiting saad ni Manang Gresha kay Henric.  " Opo Manang. " si Jared na ang sumagot sa tanong ni Manang Gresha.  " Yo, Mang Ramon! Long time no see! " bati ni Henric kay Mang Ramon at umakbay pa rito.  Napailing na lamang si Gio habang pinapanood ang interaksyon ng mga kaibigan sa dalawang matanda.  " What are you two doing here? " tanong niya sa dalawang kaibigan.  " Luh gago. Inenglish tayo ni my dudes. Englishin mo nga rin pre. " bulong ni Henric kay Jared habang nakatingin sa kanya.   " Oh come on. Did you forgot? Today is the day! " sagot ni Jared sa tanong ng binata pagkatapos sikuhin si Henric papalayo.  " The day of what? "  Naglakad na si Gio papunta sa living room at binuksan ang tv. Naupo siya sa couch habang ang dalawang kaibigan naman ay magkahiwalay na naupo sa pang-isahang couch na nasa kanang bahagi ng couch na inuupuan niya. " Nakalimutan mo, o kinalimutan mo na naman? " tanong ni Jared kay Gio.  " My dudes, death anniversary niya ngayon. " paliwanag ni Henric.  Hindi niya pinansin ang dalawa sa halip ay nanatili ang tingin sa tv.  " Come on pre. I thought you've moved on. Let go of the past. " ani Jared habang nakatitig pa rin sa binata.  " Yes, I've moved on, pero alam niyo namang ayaw ng mga relatives niya na pumunta ako roon diba? " sagot ni Gio habang nakatuon ang pansin sa telebisyon.  " My dudes! Napatunayan naman ng mga pulis na wala ka talagang kinalaman sa nangyari dati diba? " saad naman ni Henric.  Nilingon saglit ni Gio ang dalawang kaibigan. " Yes, pero hanggang ngayon ay ako pa rin ang sinisisi nila. "  " Sumama ka na pre. Kahit ngayon lang, after this hindi ka na namin kukulitin na sumama next year. " pamimilit pa rin ni Jared kay sa binata.  " Oo nga, my dudes. Kaibigan din naman natin siya dati. Give respect my dudes. " pagsang-ayon naman ni Henric sa sinabi ni Jared.  Napabuntong-hininga si Gio at binitawan ang remote ng telebisyon.  " I'll just change. "  Siniko naman ni Henric si Jared habang nakangiting pinagmamasdan si Gio nang tumayo ito at naglakad papuntang kwarto.  SAMANTALA, muling nag-uusap ang dalawang matanda sa kusina.  " Nakita ko siya. " panimula ni Manang Gresha habang nakasandal sa may lababo.  Nananatiling nakatitig sa kanya si Mang Ramon at mukhang hindi naintidihan kung anong ibig sabihin ni Manang Gresha.  " Wala ka man lang bang sasabihin, ha Ramon? " naiinis na ang matandang babae dahil walang reaksyon ang matandang lalaki sa kanyang sinabi.  " Sino ba ang nakita mo? " mahinahong tanong ng matanda.  " Bobo! Isipin mong mabuti! "  Nag-isip naman ang matandang lalaki at pagkaraan ng ilang segundo ay nanlaki ang mata nito at napatayo mula sa kanyang inuupuan.  " P-paano? Hindi ba't matagal na siyang patay? "  naguguluhang tanong ni Mang Ramon.  Bumuntong-hininga ang matandang babae bago magsalita.  " Alam ko, anong akala mo sa akin, tangang katulad mo? "  nang-iinsultong saad ni Manang Gresha.  " Baka naman nagkamali ka lang ng nakita Gresha? O di kaya'y imahinasyon mo lang ang lahat? "  " Nakikita mo ba ang mga ito? " inangat ni Manang Gresha ang suot na long sleeves at ipinakita kay Mang Ramon ang mga sugat na nagmula sa mga tinik ng rosas.  " Siya ang dahilan niyan. "  pagpapatuloy ng matandang babae.  " Ngunit matagal na siyang patay. " pagpupumilit pa rin ng matandang lalaki.  " Kailangan nating makasiguro. "  " Anong gagawin natin? " tanong ni Mang Ramon at diretsong tinitigan si Manang Gresha.  " Puntahan mo ang lugar kung saan siya nakahimlay. Hukayin mo ang bangkay niya Ramon. " utos ni Manang Gresha kay Mang Ramon.  " ANO?!? Nababaliw ka na ba Gresha? "  " Uulitin ko Ramon. Hukayin mo ang bangkay niya! "  " Hindi. Hindi ko huhukayin ang bangkay niya. Tumigil ka na Gresha. "  " Umaatras ka na ngayon, ha Ramon? Tandaan mo, damay ka rito, dahil ikaw ang---! "  Hindi naituloy ng matandang babae ang kanyang sasabihin dahil biglang pinutol ito ng matandang lalaki.  " Paano kapag nalaman ni Gio? "  " Hindi niya malalaman kung hindi ka magiging tanga! "  Nag-isip muna sandali ang matandang lalaki bago muling nagsalita.  " Pumapayag na ako. "  Ngumiti naman ang matandang babae dahil nakuha na niya ang kanyang gustong sagot.  " Siguraduhin mo lamang na walang makakaalam nito. Kung mayroon mang makakita sa'yo ay alam mo na ang dapat mong gawin. Patahimikin mo kung kinakailangan. "  NANG matapos magbihis si Gio ay agad na siyang bumaba. Nagpunta muna siya sa kusina upang magpaalam sa dalawang matanda ngunit bahagyang napatigil nang marinig niyang may pinag-uusapan ang mga ito.  " ---dapat mong gawin. Patahimikin mo kung kinakailangan. "  " Manang. " tawag niya sa matandang babae.  Agad naman napalingon sa binata si Manang Gresha at nanlaki ang mga mata.  " G-gio! " kinakabahang bulalas ng matandang babae.  Si Mang Ramon naman ay parang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.  " Magpapaalam lang po sana ako dahil aalis kami nina Henric. "  Agad namang nawala ang kaba ng matandang babae nang dahil sa sinabi ng binata.  " A-ah ganun ba hijo? S-sige, umalis na k-kayo at mag-ingat. "  Tumalikod na si Gio at nagsimula ng maglakad ngunit nang makailang hakbang ay tumigil ito at hinarap na muli si Manang Gresha " Sino ang kailangang patahimikin Manang Gresha? "  Nakatitig lamang ang binata kay Manang at walang mababakas na reaksyon sa kanyang mukha. Hindi agad nakasagot ang matandang babae sa tanong ng binata kaya sinalo ito ni Mang Ramon at siya ang sumagot sa tanong ng binata.  " Si Luna, sir Gio. Sumasakit daw kasi ang ulo ni Gresha dahil kay Luna. Kanina pa kasi nag-iingay si Luna, kaya dadalahin ko muna mamaya sa clinic upang mapatignan. " kalmadong pagpapaliwanag ng matandang lalaki sa binata.  " Ganun po ba? "  " O-oo Gio. Nahihiya kasi akong sabihin sa iyo na sumasakit ang ulo ko dahil sa ingay ni Luna kaya si Ramon na lamang ang aking kinausap. " sagot ni Manang Gresha nang makabawi na mula sa pagkakagulat.  Hinilot pa ng matandang babae ang kanyang sentido upang mas maging kapani-paniwala ang pagsakit ng ulo.  " Sige mag-iiwan po ako ng pera para mapatignan si Luna. Pasensya na Manang dahil kay Luna. " sagot ng binata pagkatapos ay tumalikod na at nagtungo sa living room kung saan naroroon ang mga kaibigan.  Nang makitang nakaalis na ang binata sa kusina ay tsaka lamang nakahinga ng maluwag si Manang Gresha.  " TAGAL mo naman my dudes! " reklamo ni Henric kay Gio habang naghihikab.  " Let's go. "  Naglakad na ang tatlong binata palabas ng bahay at papunta na sana sa garahe nang magsalita si Jared.  " Pre, isang kotse na lang gamitin natin. Si Henric daw magd-drive. "  " H-huh? Anong ako? HOY! "  Hindi na pinansin ni Jared si Henric dahil naglakad na ito papuntang backseat ng sasakyan ni Henric. Samantalang si Gio naman ay nagtungo sa shotgun seat ng sasakyan.  Habang nagmamaneho si Henric ay kumakanta ito.  "Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero pag sinabing pag... "  " Damn it. Pati ba naman ikaw? " hindi makapaniwalang sambit ni Jared.  Tumawa lang si Henric at pinagpatuloy ang pagkanta.  " I don't think this is a good idea. " saad ni Gio habang nakatingin ng diretso sa harap.  Tumigil na sa pagkanta si Henric at saglit na lumingon kay Gio.  " My dudes, wala ka namang kasalanan diba? Matagal nang napatunayan iyon ng mga pulis. "  " Chill. " tinapik ni Jared ang kaliwang balikat ni Gio.  " We gotchu my dudes! " naka-thumbs up na saad ni Henric.  NANG makarating na ang tatlong binata sa lugar ng pagdaraosan ng death anniversary ay agad bumungad sa kanila ang mga taong nakasuot ng kulay itim na damit at naglalakad papasok ng tanggapan.  " Tara na my dudes! " sabay-akbay ni Henric kay Gio at nagsimula ng maglakad.  Pagkapasok nila ay sinalubong sila ng nakababatang kapatid ng dating kaibigan at ngumiti. Inanyayahan sila nitong pumasok at dinala sa mga bakanteng upuan. Ngunit hindi naituloy ng tatlong binata ang pag-upo dahil may humila kay Gio na isang ginang. Inilayo naman ito agad ng kanyang asawa at pilit pinapakalma.  " ANONG GINAGAWA MO RITO?!? " sigaw ng ginang habang nagpupumiglas at pilit na lumalapit sa binata.  " IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA NAMATAY! PINATAY MO SIYANG HAYOP KA! " nag-eeskandalong sigaw ng ginang.  Hindi sumagot si Gio at nanatili sa kanyang kinatatayuan.  " HAYOP KA. UMALIS KA RITO! PINATAY MO SIYA! PINATAY MO! "  " Dahlia, tama na. Mahiya ka sa mga tao. Nakatingin na silang lahat dito. Huwag kang gumawa ng eksena. " bulong ng asawa ng ginang.  " HINDI AKO GUMAGAWA NG EKSENA! HINDI AKO ANG DAPAT MAHIYA DAHIL SIYA DAPAT ANG MAHIYA! " nakaturo ito kay Gio habang umiiyak.  " Tita, wala po siyang kasalanan. Matagal na pong napatunayan ng mga pulis na wala siyang--- "  Hindi na naituloy ni Henric ang dapat na sasabihin dahil pinutol na ito ng ginang.  " Hindi ako naniniwala Henric! Hayop iyang kaibigan niyo! Hayop! "  " DAHLIA! " sigaw ng asawa nito at ngayon ay binitawan na ang ginang.  " Hindi mo na ginalang ang anak mo! Mahiya ka nga! " saad nito at umalis na. Sinundan naman ito ng ginang ngunit bago umalis ay tinignan muna nito ng masama si Gio.  " Pasensya na kayo kay Mama. " hinging-paumanhin ng bunsong anak ng ginang.  " Naiintindihan naman namin. " ngumiti na lamang si Jared.  " Maiwan ko muna kayo at mag-aasikaso pa ako ng mga bisita. " pagpapaalam ng dalaga sa tatlong binata. " Tulungan na kita. " saad ni Jared at tinapik lamang ang balikat niya bago umalis.  " Ang intense talaga ni Tita, my dudes. Hanggang ngayon ikaw pa rin ang sinisisi niya. " saad ni Henric habang inaayos ang upuan.  Napailing na lamang si Gio at bumuntong-hininga.  " Hindi talaga magandang ideya ang pagpunta rito. "  Hindi na muling nagsalita si Henric at pinili na lamang manahimik.  Napapansin ni Gio na may mga taong lingon nang lingon sa kinaroroonan nila pagkatapos ay magbubulungan. Hindi niya na lamang ito pinagtuonan ng pansin at nanatili ang tingin sa harapan.  Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Jared sa kanyang upuan. Ang mga tao rin ay tumigil na sa pagchichismisan at umayos ng upo.  Ngayon ay nakatayo na sa podium ang ginang kasama ang kanyang asawa at ang bunso nitong anak. Mapait itong ngumiti bago nagsalita.  " Maraming salamat sa inyong pagdalo. Ngayon ang araw ng ika-unang anibersaryo ng pagkamatay ng aking anak na si Marcus Darren Bautista. "  HABANG wala si Gio at nasa death anniversary ng kanyang dating kaibigan ay nagpunta naman si Mang Ramon sa sementeryo kung saan nakalibing ang babaeng sinasabi ni Manang Gresha.  Ipinarada niya ang sasakyan malapit lamang sa sementeryo dahil hindi maaaring may makakita sa kanya na papunta siya ng sementeryo. Bago bumaba ng sasakyan ay kinuha na niya ang bag na naglalaman ng pala at inihanda ang panyong may pampatulog.  Nang makalapit sa guardhouse ay dahan-dahan niya itong binuksan. Sakto namang nakatalikod ang guard na nagbabantay mula sa kinatatayuan niya kaya madali na lamang para sa kanya ang patulugin ito. Nang makitang tulog na ang guard ay iniwan na niya ito at nagmamadaling lumabas ng guardhouse.  Agad namang nahanap ng matanda ang lugar kung saan nakalibing ang babae.  " Azalea Leigh Ramos "  basa ng matanda sa pangalang nakaukit sa lapida.  Inalis ng matanda ang mga tuyong rosas na nakapatong sa lapida nito at sinimulan ng maghukay.  Inabot ng halos isang oras ang matanda sa paghuhukay dahil kahit anong gawin niyang pagbaon ng pala sa lupa ay napakahirap nitong hukayin. Nakakaramdam ng pagod at uhaw ang matanda pero hindi nito itinigil ang ginagawang paghuhukay. Nang matapos sa paghuhukay ang matanda ay tinitigan muna nito saglit ang kabaong.  " Patawad pero may kailangan lamang akong kumpirmahin para sa ikatatahimik namin. "  Pagkabigkas nito ay dahan-dahang inangat ng matanda ang takip ng kabaong.  Nanlalaki ang mga matang nabitawan ito ng matanda ng mapansing walang kahit anumang bakas ng bangkay ang loob ng kabaong.  " H-hindi. H-hindi m-maaari. "  Nanginginig na ito ngayon at hindi na malaman ang gagawin.  Humangin ng malakas at nagsimula na ring umulan.  Naramdaman ng matandang may nakatingin sa kanya kaya nag-angat ito ng tingin.  Nang mag-angat ito ng tingin ay napaupo ito sa gulat dahil ang babaeng inaasahan niyang nasa loob ng kabaong, ngayon ay nakatayo sa harapan niya.  " P-patay ka na! PATAY KA NA! " sigaw ng matanda habang nanginginig ang mga kamay.  Ngumiti lamang ang babae bago nagsalita.  " SURPRISE. " 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD