QUESTIONS
" L-love. " nakatitig pa rin si Gio sa litrato ng minamahal at hindi malaman ang gagawin.
Bumalik lamang siya sa reyalidad nang marinig na may kumakatok sa pinto.
" Gio? Handa na ang pagkain natin. Bumaba ka na. "
Hindi sumagot ang binata dahil hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa litrato ng minamahal. May dugo sa mukha nito na nagmumula sa noo. Hindi alam ni Gio kung bakit at ano ang nangyari. Sinubukan niyang ipikit ang kanyang mga mata ngunit nang ito ay muli niyang imulat ay ganoon pa rin ang itsura ng litrato. Hindi nawala ang dugo at nanatili ito roon.
Narinig ng binatang pinihit na ni Manang Gresha ang seradura ng pinto. Nag-angat naman siya ng tingin dito. Lumapit ito sa kinaroroonan niya at pinulot ang picture frame. Tinitignan ito ng matanda at ibinalik ito sa table na nasa gilid ng kama ng binata.
Bumuntong-hininga muna ang matanda bago nagsalita.
" Tara na Gio. Kakain na. "
Pagkasabi nito ay tumalikod na ito at nagsimulang maglakad. Nang mapansin na hindi siya agad sumunod ay tumigil ito at muli siyang nilingon.
" Anong problema Gio? May gusto ka bang sabihin sa akin? " tanong ni Manang Gresha habang nakatitig sa binata.
Muling ibinalik ni Gio ang tingin sa litrato na ngayon ay wala ng bakas ng mga dugo. Pinag-isipan niya kung dapat niya bang sabihin kay Manang Gresha ang nangyari ngayon at ang nangyari kanina sa foundation.
" Wala po Manang. Napagod lang po talaga ako ngayong araw. "
Napagdesisyonan ng binata na huwag na lamang sabihin sa matanda ang lahat. Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginawa ngunit pakiramdam niya ay mas mabuti na huwag na lang munang sabihin kay Manang Gresha ang lahat.
" Sigurado ka ba Gio? " muling tanong ni Manang Gresha sa binata.
" Opo Manang. " maiksing sagot ng binata.
Tumango lamang ito at hindi na muling nagtanong pa. Nagpatuloy na ito sa paglalakad at lumabas na ng silid ng binata.
Itinuon ni Gio ang pansin sa litrato ng minamahal at kinuha ito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at makalipas ang ilang saglit ay iminulat upang tignan kung mag-iibang muli ang litrato, ngunit walang nangyari.
Ibinalik niya na ito sa table at lumabas na para kumain.
Nang magtungo na si Gio sa hapag-kainan ay nagsimula na silang kumain. Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay tinignan niya saglit si Manang Gresha bago ibinalik ang pansin sa kanyang pinggan.
" Manang. " tawag niya rito habang hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa sariling pinggan.
Naramdaman ni Gio na ibinaling ng matanda ang atensyon sa kanya kaya itinuloy niya ang pagsasalita.
" How did she die? "
Namayani ang katahimikan sa buong paligid. Tinignan niyang muli si Manang at nagtanong.
" Manang, how did she die? " muling tanong ni Gio kay Manang Gresha.
Napamaang lamang ito samantalang si Mang Ramon naman ay tumikhim.
Makalipas ang ilang segundo ay nakabawi na ang matanda mula sa pagkabigla at iniiwas ang tingin mula sa binata. Kinalma nito ang sarili at ipinapatuloy ang pagkain.
Nang dahil sa naging reaksyon ng matanda ay inakala ni Gio na hindi siya nito bibigyan ng isang konkretong sagot ngunit nagkamali siya dahil biglang sumagot ang matandang babae.
" Naaksidente siya. Hindi mo ba naaalala? "
Umiling lamang si Gio dahil totoong hindi niya gaanong maalala kung paano namatay ang minamahal. Naaalala niya ang nakaraan nila ng minamahal katulad na lamang ng mga masasayang alaala pero maliban doon ay wala na.
" Is that all? "
" Oo, Gio. Iyon ang ikinamatay niya, ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng mga pulis. Bakit mo naitanong hijo? "
Ang matandang babae at ang binata lamang ang nagpapalitan ng mga sagot at tanong, sapagkat si Mang Ramon ay mas piniling manahimik na lamang sa gilid at makinig sa pinag-uusapan ng dalawa.
" I was just... I was just curious. " mahinang sagot ni Gio.
" Ganoon ba hijo? May gusto ka pa bang malaman? "
Kung kanina ay nagsasalita ang matandang babae habang wala ang paningin sa binata, ngayon ay nakaayos na sa gilid ng plato ang mga kubyertos nito at nasa binata ang buong atensyon.
" You said that she had an accident, right? Did she... Did she ever call me to ask for help? " nagtatakang tanong ng binata.
Binigyan lamang ni Manang Gresha ng isang mapait na ngiti si Gio bago sinagot ang tanong ng binata.
" Hindi hijo. Naghiwalay na kayo bago pa mangyari ang insidente. " sagot ni Manang Gresha at mababakas ang lungkot sa tinig nito.
" Hiwalay? We broke up? " nagtatakang tanong ni Gio dahil hindi niya maalalang naghiwalay sila ng minamahal.
" Oo hijo. Nakipaghiwalay siya sa iyo. "
" Why? " Nakakunot na ngayon ang noo ng binata habang naghihintay ng sagot mula kay Manang Gresha.
" Hindi ko alam kung anong rason hijo dahil hindi mo naman ito nabanggit sa akin. "
Nanatiling nagtataka ang binata sa lahat ng nalaman niya mula sa matandang babae. Mas lalong dumami ang tanong niya sa kanyang isipan.
Bakit hindi ko maalalang nakipaghiwalay siya sa akin?
Totoo bang namatay siya ng dahil sa car accident?
Nang matapos kumain si Gio ay nagpaalam na siya sa dalawang matanda at umakyat na sa sariling silid.
Kinuha niya ang litrato ng minamahal at ipinatong ito sa ibabaw ng kanyang dibdib. Ngayon ay nakatitig ang binata sa kisame.
Sa paglipas ng mga minuto ay hindi niya namalayang nakatulog na siya habang iniisip ang lahat ng nangyari.
HABANG natutulog si Gio ay hinila ni Mang Ramon ang matandang babae papunta sa hardin.
" Ano ba Ramon?!? Bitawan mo nga ako! " naiiritang saad ni Manang Gresha.
" Bakit hindi mo sinabi ang totoo kay Gio? " mahigpit ang pagkakahawak ng matandang lalaki sa braso ng matandang babae.
Nagpumiglas naman ang matandang babae bago sumagot.
" Tonta ka talaga Ramon! " sigaw ng matandang babae habang dinuduro ito.
" Kahit kailan talaga hindi ka nag-iisip! Sa tingin mo anong mararadaman ni Gio kapag sinabi natin sa kanya ang tunay na nangyari? " pagpapatuloy ng matandang babae sa pagsasalita.
" Ayoko lang patuloy na magsinungaling kay Gio. "
Napamaang si Manang Gresha sa narinig na pahayag ni Mang Ramon.
" Ano?!?! Nakokonsensya ka na ha? Tandaan mo Ramon. Damay ka rito kaya gamitin mo iyang utak mo! 'Wag kang tanga! "
Napailing na lamang ang matandang lalaki at pumasok na sa loob ng bahay.
Samantalang ang matandang babae naman ay naiwang mag-isa sa hardin.
" Hindi. Hindi ako papayag na malaman niya ang katotohanan. Dadalahin ko ang lihim na ito hanggang sa kabilang buhay. " aniya habang nakatitig sa mga puting rosas na nasa hardin.
Habang nakatitig dito ang matandang babae ay napansin nitong unti-unting nag-iiba ang kulay ng mga rosas. Ang dating kulay puting mga rosas, ngayon ay nagiging kulay pula.
Nanlalaki ang mga mata ng matanda at napaatras sa kanyang kinatatayuan.
Habang ito'y umaatras ay tumama ang likod nito sa isang bagay. Napahinto ito sa paggalaw at lumingon sa kanyang likuran.
Napasigaw ang matanda at kinilabutan sa nakitang nakatayo roon.
Nakatayo roon ang isang babaeng binabalot ng dugo. Nakangisi itong naglalakad papalapit sa matandang ngayon ay napaupo na sa sobrang takot.
Ngumiti ang babae sa matanda at inabutan ito ng puting rosas na may bakas ng dugo.
Hindi naman ito tinanggap ng matanda at nagpatuloy sa pag-atras habang nakaupo.
Tumawa ang babae bago nagsalita.
" Natatakot ka yata Manang? Gusto lang naman kitang bisitahin. "
Nilakasan ng matanda ang kanyang loob at sinagot ang babae.
" H-hindi ako natatakot. Bakit ako matatakot sa isang patay? Ano ba ang kaya mong gawin?"
Bahagyang nanginginig pa rin ang matanda ngunit pilit nitong pinagtatakpan ang takot na nararamdaman.
" Wala ka ngang nagawa noong buhay ka pa, ngayon pa kayang isang malamig na bangkay ka ng matagal nang nakabaon sa hukay? " tumawa ang matanda kahit ang totoo ay kinakabahan pa rin ito.
" Sabagay wala ka nga palang kosensya, kaya bakit ka matatakot. " ngumisi ang babae bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.
" Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin alam ni Gio kung anong totoo. Bakit Manang? Bakit hindi mo sabihin ang lahat kay Gio? " may diin ang pagkakabigkas ng babae sa bawat salitang kanyang binitawan.
Nagpatuloy ang babae sa pagsasalita habang pinagmamasdan ang matandang babae.
" Mukhang sa akin ka lamang hindi takot, dahil mukhang natatakot ka sa maaaring gawin at maging reaksyon ni Gio kapag nalaman niya ang totoo. "
" Umalis ka na. Huwag mo na kaming guluhin. "
" Hindi ako makapapayag na maging masaya kayo! Kasalanan niyo ang lahat! Kasalanan niyo! "
Kung kanina ay kalmado pa ang babae ngayon ay galit na ito.
Dahil dito ay nagmamadaling tumayo ang matanda at nagsimulang tumakbo. Ngunit dahil matanda na ito ay naabutan ito ng babae at hinila ang buhok.
Kinaladkad ng babae ang matanda. Nagpupumiglas ang matandang babae ngunit hindi nito kaya ang lakas na mayroon ang babae.
Itinulak ng babae ang matanda sa kinaroroonan ng mga halamang rosas.
Napasigaw ang matanda sa sakit dahil bumaon ang mga tinik ng rosas sa kanyang mga braso.
" T-tulong. " mahinang saad ni Manang Gresha.
Nasiyahan ang babae ng makitang nahihirapan na ang matanda at ngayon ay humihingi ng tulong.
" Sumusuko ka na yata Manang. Nasaan na ang tapang mo?!?!? "
Nakangiti ang babae habang nakikitang umaagos na ang dugo ng matanda.
" I-itigil mo n-na ito. " nanghihinang saad ng matanda.
" Nagsisimula pa lang ako Manang Gresha. NAGSISIMULA PA LANG AKO! " sigaw nito at biglang umihip ang malakas na hangin.
Lumapit ang babae sa kinaroroonan ng matanda at sinakal ito.