KABANATA 6

2416 Words
CONFUSED Nakasakay ang binatang si Gio sa kulay pulang kotseng pagmamay-ari ni Henric. Kasalukuyan nilang tinatahak ang daan papuntang foundation.  " Come on, just tell me what happened. "  Hanggang ngayon ay pilit pa ring naguguluhan ang binata tungkol sa nangyari noong araw na iyon kaya pilit siyang humihingi ng sagot sa kaibigan. Ngunit kahit anong pilit ni Gio sa kaibigan ay hindi siya nito binibigyan ng isang konkretong sagot sa halip ay nananatili lamang ang pansin sa kalsada.  " My dudes, wala nga. Hindi naman importante 'yon. " maiksing sagot ni Henric.  " I can feel that all of you are hiding something from me. " pagpupumilit ni Gio.  Nakukulitan na si Henric sa binata dahil hindi niya alam ang dapat sabihin. Inaalala niya ang bilin ni Manang Gresha na huwag sasabihin ang totoong nangyari noong araw na iyon.  " Ano bang sinabi ni Manang Gresha sa'yo? Hindi ba tinanong mo na siya tungkol dyan? "  " The only thing that she said was I went out with Luna to jog. Then, that's it. "  Hindi na muling sumagot si Henric kaya hindi na rin muli pang nagtanong si Gio. Tumahimik na lamang siya ngunit pilit pa ring hinahanap sa isipan ang memorya noong araw na iyon. Alam niya sa kanyang sarili na tila may tinatago ang mga taong nakapaligid sa kanya.  " My dudes. " tawag ni Henric kay Gio.  " What? "  " Stop overthinking. Kung ano ang sinabi ni Manang Gresha ay iyon lang talaga ang nangyari. "  " Then why didn't we go to the foundation? Kinukulit mo pa ako na samahan ka sa foundation kaya bakit biglang hindi tayo natuloy na pumunta roon? " nagtatakang tanong ni Gio sa kaibigan.  " Nagkaroon ako ng emergency kaya hindi tayo natuloy. Kaya ako naroon sa bahay mo ay para sabihin sa iyo na hindi tayo matutuloy dahil biglang nagkaroon ng urgent meeting sa kompanya. " pagpapaliwanag ni Henric sa naging tanong ng kaibigan.  Hindi pa rin kumbinsido si Gio sa naging paliwanag ng kaibigan ngunit tinanggap na lamang niya ito at ibinaling sa iba ang atensyon.  " My dudes, nakita mo na ba yung contract para sa bago nating project? Sinend na raw ng secretary mo sa e-mail mo. Nareceive mo na ba? " paglilihis ni Henric ng usapan.  " I'll check it later. "  ILANG minuto pa ay nakarating na ang dalawang binata sa foundation. May tatlong palapag lamang ito at napapalibutan ng mga puno. May malaki itong gate at may nakasabit dito na kulay silver na karatulang may nakasulat na, Rosas Blancas Foundation. Pagpasok sa gate ay mapapansin agad ang hardin na punong-puno ng mga namumukadkad na puting rosas.  Nang maiparada ni Henric ang kanyang sasakyan ay bumaba na sila at kinuha ang mga dalang pagkain, damit at pintura sa likod ng sasakyan.  " Tsk. Ang tagal niyo! " ani Jared habang naglalakad papalapit sa dalawang binatang kararating lamang.  " Gago. Tulungan mo kaya kami rito! Puro ka reklamo. " singhal naman ni Henric pabalik kay Jared.  Agad namang tumalima si Jared upang tulungan ang dalawang binata sa pagbubuhat ng mga kahon at ipinasok iyon sa loob ng foundation.  Nang nasa panghuling kahon na sila ay silang dalawa na lamang ni Jared ang naiwan para buhatin ang mga ito. Si Henric ay nasa loob na dahil kailangan pa nitong kausapin ang mga madre upang kumpirmahing ayos na ang lahat.  " Pre, bakit hindi ka sumama kay Henric noong isang araw? " tanong ni Jared sa binata habang sinasarado ang pintuan ng sasakyan ni Henric.  " What? Pumunta rito si Henric? " nagtatakang tanong ni Gio kay Jared. Hindi ba't kaya siya hindi nakapunta dahil sa emergency meeting na tinutukoy niya?  bulong ng binata sa kanyang isipan.  " Oo. Akala ko nga kasama ka kasi diba usapan nating tatlo na sasama ka. " sagot ni Jared habang inaayos ang kahon.  Nang dahil sa naging sagot ng kaibigan ay mas lalong naguluhan ang binata.  Kung totoo ang sinasabi ni Jared, ibig sabihin nagsinungaling sa akin si Henric? Ngunit bakit, para saan?  May kinalaman ba rito si Manang Gresha?  Ano ang tunay na rason kung bakit hindi kami natuloy sa pagpunta sa foundation?  Matamang nag-iisip ang binata at inaanalisa ang bawat pangyayari. Inalala ng binata ang mga naging sagot ng matanda sa kanya tuwing nagtatanong. Paulit-ulit lamang ang nagiging sagot nito at kung minsan pa nga'y inililihis ang pag-uusap sa iba.  Patuloy lamang sa pag-iisip si Gio hanggang sa bigla na lamang siyang siniko ni Jared.  " Hoy! Ano ba ang meron dyan sa kahon na iyan at kanina mo pa tinititigan? Tara na! " sambit ni Jared at nauna ng maglakad papasok ng foundation.  Naiwan saglit si Gio sa labas at humugot ng isang malalim na hininga.  " s**t. I think there's really something going on. " saad ng binata at naglakad na papasok ng foundation.  Nang makapasok na ang tatlong binata sa loob ng foundation ay agad silang nginitian ng mga madre. Inanyayahan din sila ng mga ito na magpahinga muna upang makapagmerienda. Agad namang sumang-ayon ang tatlong binata marahil na rin sa pagod na nararadaman nang dahil sa pagbubuhat ng mga kahon.  Nang matapos silang merienda ay napagdesisyonan muna ni Gio na libutin ang foundation. Ito ang unang pagkakataon na nakapunta siya rito sa foundation kaya nais niyang maging pamilyar sa lugar.  Sa paglilibot ng binata ay napadpad siya sa isang playground na nasa may likurang bahagi ng foundation.  Nang makarating doon ay una niyang nakita ang mga batang nagtatakbuhan at naglalaro ng taya-tayaan. Mayroong ibang mga batang naglalaro naman sa seesaw at swing. Samantalang ang iba ay nakaupo sa may ilalim ng puno at may hawak na mga bulaklak. Ang iba naman ay nanonood lamang habang nakaupo sa mga benches.  Nakaupo lamang ang binata at pinapanood ang mga batang naglalaro.  Habang nakaupo ang binata ay may isang batang lalaking naglalakad papalapit dito.  Nang makalapit kay Gio ang batang lalaki ay tinitigan lamang siya nito kaya naisipan niyang ngitian ito.  " Hey kid. " panimula niya ngunit hindi pa rin ito nagsasalita.  " Ikaw iyon. " sagot ng bata sa kanya habang siya ay itinuturo.  " Huh? " nagtatakang tanong ni Gio dahil hindi niya maintindihan kung anong tinutukoy ng bata.  Hindi sumagot ang batang lalaki sa halip ay tumakbo na ito papalayo sa binata. Naiwan namang nagtataka ang binata at nakakunot ang noong nakatingin sa batang lalaki. Ipinagsawalang-bahala na lamang ng binata ang pagtataka dahil naisip nitong maaaring gusto lamang siyang kalaro ng bata.  Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na si Gio at nagsimula ng maglakad papasok sa foundation ng may humila sa laylayan ng kanyang damit.  Humarap siya rito at yumuko. Napagtanto niya na iyon ang batang lumapit sa kanya kanina.  Ngayon ay may hawak na itong pulang rosas at pilit iniaabot sa kanya. Nagtataka man ay tinanggap niya ito.  Pagkatanggap ng binata sa rosas ay bigla na lamang siyang napahawak sa kanyang sentido dahil bigla itong sumakit.  " Gio. "  Bulong ng isang babae sa kanyang isipan. " Gio, tulungan mo ako. " umiiyak na ito ngayon at nagmamakaawa.  Iniling ni Gio ang kanyang ulo at nagmulat ngunit agad ding nabitawan ang hawak na rosas. Dahil pagmulat niya ay may isang babaeng umaagos ang dugo mula sa noo nito, na nakatayo sa kanyang harapan. Nakangiti ito habang umiiyak. Hindi niya maaninag ang kabuoang mukha nito dahil sa nanlalabong paningin.  Napaatras ang binata at hindi namalayang malapit na pala siya sa pintuan ng foundation. Tumama ang likod niya rito dahilan kung bakit siya napaupo. Ang babaeng kanina ay nakatayo lamang, ngayon ay unti-unti ng naglalakad palapit sa kanya.   " My dudes! " tawag ni Henric kay Gio na ngayon ay kasalukuyang nasa likod niya.  Agad namang lumingon si Gio sa kinaroroonan ni Henric.    " Anong ginagawa mo dyan? Para naman 'tong tanga. " natatawang sambit ni Henric.  " There's a woman. " saad ni Gio habang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nakita. Hindi na muling nais lumingon ng binata sa kinaroroonan ng babae kanina dahil sa kaisipang baka paglingon niya ay nakalapit na ito sa kinaroroonan niya.  " Huh? " lumingon-lingon si Henric sa paligid bago muling nagsalita.  " Gago wala naman! Umamin ka nga sa akin my dudes, nagdadrugs ka ba ha? "  Dahil sa sinabi nito ay ibinalik ni Gio ang pansin sa kinaroroonan ng babae kanina ngunit ngayon ay wala na nga ito roon. Tumayo na siya at lumingon-lingon sa paligid ngunit hindi niya talaga ito makita.  " Huh, ahh nevermind. Let's go inside. My head is aching. " sagot niya at inaya si Henric na pumasok sa loob ng foundation.  " Wow my dudes! Stop englishing me ha! " umakbay pa ito sa kanya habang naglalakad papasok sa foundation.  Naalala ng binata ang batang nag-abot sa kanya ng pulang rosas kanina kaya tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. Ngunit wala na roon ang bata, marahil ay lumapit na sa ibang mga bata upang makipaglaro.  SA KABILANG BANDA naman ay may nakatayong babae sa may ilalim ng puno. Nakasuot ito ng puting bestida at ang mukha ay nababalot ng dugo. Ang puting bestida nito ay naging pula dahil sa mga bakas ng dugo. Nakangiti ito habang hawak ang pulang rosas at tinatanaw ang binatang naglalakad papasok sa loob ng foundation.  " Nagsisimula pa lang ako, Gio. Nagsisimula pa lang ako. "  May diin ang bawat pagkakabigkas nito sa mga salita. Nagngingitngit ito sa galit habang nakakuyom ang mga palad, hindi iniinda na dumudugo na ito dahil sa mga tinik na bumaon sa palad nito na nagmula sa mga rosas.  " Sige, mag-iingat kayo. Maraming salamat sa mga donasyon na binigay ninyo. " nakangiting paalam ng mga madre sa tatlong binata.  " Walang anuman po iyon. Basta po lagi niyong ipagdadasal na sana magkaroon na ako ng magandang girlfriend. " pagbibiro naman ni Henric sa mga madre habang nakangiti.  Ngumiti lamang din ang mga madre bago sumagot.  " Ipagdadasal ko iyan, hijo. "  " Tsk, huwag po kayong maniwala dyan. Babaero po iyan. " sabat naman ni Jared sabay akbay kay Henric.  " H-hoy! Huwag mo ngang sinisira ang image ko! " sinakal naman ni Henric si Jared gamit ang braso.  Tumawa lamang ang mga madre sa inasal ng dalawa.  Lumapit kay Gio ang isang madre at hinawakan ang kanyang kamay.  " Mag-iingat ka. Magbabalik siya at sisingilin ka. "  nakatitig lamang ito sa mga mata ng binata habang sinasabi ang mga katagang iyon.  Tatanungin pa sana ito ng binata kung anong ibig nitong sabihin ngunit hindi na niya ito nagawa nang hilahin na siya ni Henric para makaalis.  " Aalis na po kami! Maraming salamat po sa warm welcome! " nakangiting saad ni Henric at nagawa pang kumaway sa mga madre.  Hinatid siya ni Henric pauwi dahil wala naman siyang dalang kotse. Si Jared naman ay humiwalay na sa dalawang binata dahil may dala naman itong sariling kotse.  NANG makarating na sila sa tapat ng bahay ni Gio ay bumaba na ito at nagpasalamat na kay Henric. Tinanguan lamang siya nito at agad ng umalis.  Maglalakad na sana si Gio papasok sa loob ng bahay ng mapansin niya si Luna na nagbubungkal ng lupa sa may hardin. Lumapit siya rito at pinagmasdan ito. " What really happened that day? "  SA KUSINA naman ay nag-uusap si Manang Gresha at Mang Ramon.  " Hindi ka ba nag-aalala sa maaaring sabihin ng kaibigan ni Gio? " tanong ni Mang Ramon kay Manang Gresha.  " Kung may sabihin man siya kay Gio ay alam mo na ang dapat mong gawin Ramon. "  " Dapat kasi ay sinabi na lamang natin kay Gio kung anong nangyari noong araw na iyon. Hindi sana tayo namomreblema ng ganito ngayon. "  " Manahimik ka nga Ramon! Tonta! " mariing saad ni Manang Gresha.  " Basta kapag may sinabing iba kay Gio ang kaibigan niya ay patahimikin mo agad. Siguraduhin mo lamang na walang makakaalam. " muling saad ni Manang Gresha habang diretso ang tingin kay Mang Ramon.  Nag-aalinlangan man ay tumango na lamang si Mang Ramon.  Nang matigil sa pag-uusap ang dalawang matanda ay ang eksakto namang pagdating ni Gio habang buhat-buhat si Luna.  " Sir Gio! " kinakabahang saad ni Mang Ramon.  Napahinto si Manang Gresha sa paghahalo ng niluluto at lumingon sa kinaroroonan ng binata. Nang makita ito ay agad namang ngumiti si Manang Gresha sa binata.  " Nakauwi ka na pala. Kamusta? Nagugutom ka na ba? Malapit ng matapos itong niluluto ko. " marahang tanong ni Manang Gresha sa binata.  Maraming gustong itanong at sabihin si Gio ngunit mas pinili niyang huwag na lamang magsalita. Ngumiti siya at sinabing tawagin na lamang siya kapag tapos ng magluto ang matanda. Umalis na ang binata at umakyat papunta sa silid nito.  Pagkaalis ng binata sa kusina ay nawala ang ngiti ng matandang babae at humarap sa matandang lalaki.  " Huwag na huwag ka na ulit magbabanggit at magtatanong sa akin tungkol sa nangyari at sa kaibigan ni Gio. Ayokong pagdudahan niya tayo. "  NANG MAKAPASOK na si Gio sa kanyang silid ay dumiretso siya sa kanyang kama at humiga. Nakatitig lamang siya sa kisame at hanggang ngayon ay iniisip pa rin kung anong nangyari noong araw na iyon.  " Why do I feel that there is something missing? " nakatitig pa rin ang binata sa kisame.  " Damn it! " naiinis nitong sinabunutan ang buhok dahil kahit anong pilit niyang alalahanin ang lahat ay wala pa rin siyang maalala.  Nadagdagan lamang ang mga tanong siya dahil sa nangyari sa foundation kanina.  Bakit kailangang magsinungaling sa akin ni Henric?  May kinalaman ba rito si Manang Gresha?  Sino iyong batang lalaki kanina na nag-abot sakin ng pulang rosas?  Bakit nila tinatago sakin ang nangyari noong araw na iyon?  Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ni Gio ngunit kahit isa ay wala siyang makuhang sagot. Tumayo na ang binata at pumasok na lamang sa cr upang maligo.  Habang naliligo ay hindi pa rin nawala sa isipan niya ang maraming tanong.  Nang matapos na siyang maligo ay naupo na siyang muli sa kanyang kama. Kinuha niya ang picture ng minamahal at kinausap ito katulad ng kanyang laging ginagawa.  " Hi love--- "  Hindi na naituloy ng binata ang kanyang sasabihin dahil bigla na lamang niyang nabitawan ang picture frame.  Ang mukha ngayon ng minamahal na nasa litrato ay nababalot ng dugo habang nakangiti at may ilang butil ng luha sa pisngi. Nakatitig lamang si Gio rito at napagtantong kahawig nito ang babaeng nakita niya kanina sa foundation. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD