KABANATA 5

1867 Words
FEAR Nakatulala lamang si Gio at hindi malaman ang gagawin. Nanginginig ang kanyang mga kamay at pinagpapawisan, kinakabahan sa nakikitang kalagayan ng kanyang aso.   " HOY! My dudes! Anong ginagawa mo dyan? " tanong ni Henric kay Gio habang naweweirduhang nakatingin sa itsura ng kaibigan.  Hindi pinansin ni Gio ang tanong ni Henric at sa halip ay itinaas ang kanang kamay habang nakaturo sa kinaroroonan ng kanyang aso. Binuka niya ang mga labi upang magsalita ngunit isang salita lamang ang nasambit.  " B-blood. "  Dahil sa sinabi ni Gio ay napatingin na rin si Henric sa tinutukoy ng kaibigan. Nanlaki ang mga mata nito at bigla na lamang napasigaw.  " OH s**t! " sigaw ni Henric kaya nawala ang pagkatulala ni Gio sa nangyayari.  Naglakad si Henric papasok sa silid ni Gio habang nakasabunot sa kanyang buhok. Samantalang si Gio naman ay nanatiling nakatayo sa harapan ng pinto ng silid at inaanalisa ang nangyayari.  " A-- "  Hindi na naituloy ni Gio ang ano pa mang sasabihin dahil bigla na lamang binuhat ni Henric si Luna.  " Ikaw talagang aso ka! Ano na ngayon ang gagamitin namin para sa foundation?!? "  Nakasimangot na ngayon si Henric at inaalog si Luna. Pagkatapos ay lumingon ang binata kay Gio na hanggang ngayon ay mababakas pa rin ang pagtataka sa mukha.  " My dudes, ano bang ginagawa mo dyan. You look like an idiot. " nakangiwing tanong ni Henric sa binata.  Naguguluhan pa rin ang binata sa nangyayari ngunit pinilit nitong magsalita.  " B-blood. There's a l-lot of b-blood. " mahinang saad ni Gio habang nakatingin pa rin sa pulang likido.  " My dudes naman, pintura yan gago! Iyan ang gagamitin natin mamaya para sa pagpipintura sa foundation. " paliwanag no Henric kay Gio.  Nang hindi sumagot si Gio ay inilibot ni Henric ang tingin sa buong paligid at natuon ang pansin sa isang pulang rosas na nasa sahig. Binaba niya si Luna upang pulutin ang pulang rosas. Ngayon ay hawak na niya ang pulang rosas at bahagyang tinitigan ito bago nagsimulang lumapit kay Gio.  " My dudes, bakit naman puro tinik ito-- "  Hindi na napakinggang mabuti ni Gio ang sinasabi ni Henric dahil bigla na lamang sumakit ang kanyang ulo. Napayuko siya at napahawak sa kanyang ulo pagkatapos ay napasigaw sa sobrang sakit.  " AAAAAHHH! " sigaw ni Gio habang nakasabunot sa sariling buhok.  " G-gio. " nag-aalalang tawag ni Henric sa binata.  Nag-angat ng tingin si Gio kay Henric na ngayon ay kakaunti na lamang ang distansya mula sa kanyang kinaroroonan.  Napaatras si Gio nang dahil sa takot nang maaninag na hindi si Henric ang naglalakad papalapit sa kanyang kinaroroonan. Napalitan si Henric ng isang babaeng nakasuot ng puting bestida at may hawak na puting rosas na nababalot ng dugo.  Hindi maaninag ni Gio ang kabuoang mukha ng babae dahil nanlalabo ang kanyang paningin. Tumutulo ang mga luha ng babae ngunit nakangiti itong naglalakad papalapit sa kanya.  Iniling ng binata ang kanyang ulo sa pag-aakalang mawawala ang babaeng nakikita sa harapan.  Nag-aalala na si Henric sa nagiging reaksyon ng binata habang nakatitig sa kanya ngunit tuluyan pa rin siyang lumapit dito upang tulungan ito. Agad niya itong hinawakan sa balikat ngunit buong lakas siyang itinulak ni Gio habang nakapikit at nakahawak sa ulo.  May mga boses na naririnig si Gio sa paligid at ito ang nagiging dahilan upang mas lalong sumakit ang kanyang ulo. Hindi niya alam ang dapat gawin upang mawala ang mga boses na kanyang naririnig. Nanatili lamang siyang nakaluhod at sinasabunutan ang sarili.  Muling lumapit si Henric kay Gio at sinubukan itong pakalmahin.  " M-my dudes, a-ayos ka lang ba? T-tawagin ko si Manang G-gresha. " marahang tanong ni Henric sa binata.  Nagmulat na ng tingin si Gio at inangat ang tingin kay Henric na ngayon ay nakahawak na sa kanyang balikat. Ngunit agad din niyang itinulak papalayo ang mga kamay nitong nakahawak sa kanya at unti-unting umatras habang nakaupo sa sahig. Wala na ang naaninag ni Gio na babae kanina ngunit ang mukha ni Henric maging ang kasuotan nito ay nababalot ng dugo. Ang dugong nagmumula sa noo nito, ngayon ay umaagos na papunta sa leeg, balikat at braso nito.  Nanginginig na lumalayo si Gio mula kay Henric.  Napadako ang tingin niya sa kanyang sariling mga kamay. Ang mga kamay niya na kanina'y malinis ngayon ay binabalot na rin ng dugo.  Nilibot ni Gio ang tingin sa buong paligid, at napagtanto na ang buong paligid ngayon ay mga bakas na rin ng dugo. Ang mga pader na kulay dilaw at sahig na dati ay makintab at malinis ngayon ay nababalot na ng dugo.  Muli siyang napapikit at napahigpit ang hawak sa kanyang mga buhok. Muli na naman niyang narinig ang mga boses sa kanyang isipin.  " Gio. " ang boses na ito ay tila umiiyak.  " Tulungan mo ako Gio. "  nagmamakaawa na ito ngayon.  Ilang sandali lamang, ang nagmamakaawang boses ay napalitan ng isang nakakakilabot na halakhak.  " RUN! RUUUUNNN! " saad nito habang tumatawa.  " Tama na. T-tama na, please. "  Parang isang batang paslit si Gio habang nakaupo sa tapat ng pinto ng kanyang silid. Nakasandal sa pader habang nakakulong ang mga tuhod sa mga braso. Nakapikit pa rin siya dahil sa takot baka kapag magmulat siyang muli ay makita na naman ang mga dugo sa paligid. Hindi niya malaman kung bakit ang lahat ng kanyang tignan ay may bakas ng mga dugo.  Samantalang si Henric naman ay nagmamadaling nagtungo sa kusina upang tawagin si Manang Gresha at ipagbigay-alam dito ang nangyayari kay Gio.  Nang maipagbigay-alam ni Henric kay Manang Gresha ang nangyayari kay Gio ay agad itong mabilis na naglakad patungo sa kinaroroonan ng binata.  " G-gio. " tawag ni Manang Gresha sa binata.  " UMALIS KA! UMALIS KA NA. PARANG AWA MO NA! " sigaw ng binata habang nakapikit.  " G-gio. Si Manang Gresha to. "  Dahil sa narinig ng binata ay iminulat nito ang mga mata at nag-angat ng tingin sa matandang babae.  Walang anumang bakas ng dugo si Manang Gresha. Tinignan rin ni Gio ang sariling mga kamay na kanina ay nababalot ng mga dugo ngunit ngayon ay wala na.  Ang buong paligid na kanina ay may mga bakas ng dugo, ngayon ay malinis na. Kulay dilaw na muli ang mga pader at ang sahig ngayon ay naging malinis at makintab na hindi katulad kanina.  Si Henric din ay hindi na ngayon nababalot ng dugo at nakatayo sa tabi ng matandang babae. Nang masigurong wala ng dugo ang buong paligid ay niyakap ni Gio si Manang Gresha. Hindi pa rin nawawala ang panginginig ng katawan ng binata pero unti-unti na itong kumakalma.  " Sleep Gio. Sleep. " saad ni Manang Gresha habang hinahaplos ang buhok ng binata. Hindi nagtagal ay nakatulog na rin ang binata sa tulong ng matanda.  HABANG natutulog si Gio ay nagsalita si Manang Gresha at tinanong si Henric.  " Ano ba ang nangyari? " tanong ni Manang Gresha habang hinahaplos pa rin ang buhok ni Gio.  " Bigla na lamang pong sumakit ang ulo niya at nagwala. Nilapitan ko siya pero tinulak niya lang po ako. "  Nakikinig lamang mabuti ang matanda sa sinasabi ng binata nang mapadako ang tingin niya sa loob ng isang silid.  " Jusko anong nangyari diyan? " " Pintura yan Manang na gagamitin sana namin mamaya para sa foundation. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Luna at bakit natapon. " nagkakamot si Henric ng kanyang noo habang nagpapaliwanag sa matanda.  " Bakit kasi dyan mo dinala sa kwarto ni Gio? " bahagyang umiling si Manang Gresha.  " Manang kaya ko nga dinala rito sa kwarto ni Gio para makalayo kay Luna eh. Hindi ko naman alam na rito niya dadalahin si Luna. " nakangiwing saad ni Henric.  " Halika na at tulungan mo na lamang akong buhatin si Gio. Dalhin natin sa guest room at pagkatapos ay linisin mo iyang kalat dyan sa silid niya. " utos ni Manang Gresha kay Henric.  Napakamot na lamang sa ulo niya si Henric at tinulungan na ang matandang buhatin si Gio.  Pagkarating sa guest room ay sinabihan ni Manang Gresha si Henric na sumunod sa kanya sa kusina.  Nandoon din si Mang Ramon na ngayon ay kararating lang dahil inutusan ito ni Manang Gresha na bumili sa bayan.  Inabot ni Mang Ramon kay Manang Gresha ang tableta at tinunaw naman agad ito ng matanda babae sa isang baso ng tubig.  Nagsalita na ang matanda babae habang hinahalo ang tableta sa tubig.  " Kapag nagising si Gio at tinanong kung anong nangyari ay huwag na huwag kang magbabanggit ng kahit ano. "  " Huh? Manang bakit naman po? " nagtatakang tanong ni Henric. " Basta sumunod ka na lang. Para rin ito sa ikabubuti niya. "  Walang nagawa si Henric kung hindi sundin ang sinabi ni Manang at nagpaalam na aakyat na sa silid ni Gio upang linisin ang kalat na ginawa ni Luna.  Habang naglilinis sa itaas si Henric ay nag-usap naman ang dalawang matanda sa kusina.  " Naulit na naman ba? " tanong ni Mang Ramon kay Manang Gresha.  " Oo.  Makakalimutan niya rin naman ang nangyari kanina kaya katulad ng lagi nating ginagawa, wala tayong babanggitin sa kanya. "   " Paano ang kanyang kaibigan? Nakakasiguro ka bang wala itong babanggitin kay Gio? "  nababahalang tanong ni Mang Ramon kay Manang Gresha.  Napatigil si Manang Gresha at napalingon kay Mang Ramon.  " May tiwala ako sa batang iyon na wala siyang babanggitin kay Gio. Kung meron man, gagawan natin ito ng paraan. "  Hindi sumagot ang matandang lalaki sa sinabi ng matandang babae.  " Ramon, naiintindihan mo naman ako diba? "  Tumango na lamang si Mang Ramon sa tanong ni Manang Gresha at bumuntong-hininga.  Naputol ang pag uusap ng dalawang matanda ng pumasok sa kusina si Henric habang hawak ang pulang rosas.  " Manang, anong gagawin ko rito? " tanong ni Henric at ipinakita kay Manang Gresha ang pulang rosas.  " Ibigay mo na lang sa akin at ako na ang bahala riyan. " inilahad ng matandang babae ang kamay sa binata.  Agad namang inabot ng binata kay Manang Gresha ang pulang rosas at nagpaalam na pupuntahan na lamang si Gio sa guest room upang ito ay samahan ngunit bago pa ito makaalis ay muli itong tinawag ni Manang Gresha.  " Nalinis mo na ba ang mga dapat linisin sa kwarto ni Gio? " tanong ni Manang Gresha kay Henric.  " Opo Manang, nalagay ko na rin sa laundry yung bed sheets. "  " Sige, kapag nagising si Gio ay ipainom mo agad ito sa kanya. " saad ni Manang Gresha sabay abot ng baso sa binata.  Nagtataka namang kinuha ni Henric ang baso na inabot sa kanya ng matanda.  " Ano po ba ito? " tanong ni Henric habang nakatitig sa laman ng baso.  " Huwag ka ng maraming tanong basta gawin mo ang sinasabi ko at ang bilin ko huwag na huwag mong kakalimutan. " sagot ni Manang Gresha at mariing tinitigan ang binata.  Tumango lamang ang binata at umalis na.  Tinitigan ng matandang babae ang rosas na hawak at lumapit sa kalan. Binuksan niya ang kalan at inilapit ang rosas sa apoy. Nakatayo lamang ang matandang babae at pinagmamasdan ang rosas habang tinutupok ng apoy. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD