KABANATA 11

1473 Words
FOOLED Patuloy lamang na hinahaplos ni Manang Gresha ang buhok ni Gio. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin umiimik ang binata at nanatiling nakatitig sa kawalan.  " Gio " tawag-pansin ng matandang babae sa binata, ngunit hindi pa rin natinag ang binata sa kanyang posisyon.  Napabuntong-hininga na lamang ang matandang babae at lumabas saglit ng silid. Nagtungo ito sa sariling kwarto at kinuha ang gamot na nakatago sa drawer.   Inaayos ng matanda ang gagamitin upang mapatulog ang binata nang mapahinto ito saglit dahil sa narinig na katok sa pinto. Hindi na ito nag-abalang tumayo upang pagbuksan ang kumatok sa halip ay nanatili itong nakaupo sa kama at nakatingin sa pinto.  Ilang segundo pa ay bumukas na ang pinto at pumasok si Mang Ramon, may hawak itong kahong may katamtaman lamang ang laki. Napahinto si Mang Ramon sa tuluyang pagpasok sa silid nang makita ang hawak ni Manang Gresha.  " Ano na naman bang pinaplano mo Gresha? " tanong ni Mang Ramon habang nakatuon ang pansin sa hawak ni Manang Gresha na syringe.  " Huwag kang makialam Ramon! " gigil na saad ng matandang babae.  " Ako na ang nagsasabi sayo Gresha, itigil mo na kung anong pinaplano mo. Tama na, Gresha! Makonsensya ka naman! " singhal pabalik ni Mang Ramon kay Manang Gresha.  Tumawa lamang ang matandang babae sa sinabi ng matandang lalaki.  " Tonta ka talaga Ramon! " patuloy pa rin sa pagtawa ang matandang babae.  " Ano ba ang akala mo? Papatayin ko si Gio, para makasiguro akong umaayon ang lahat sa aking mga plano? " nang-iinsultong tanong ni Manang Gresha kay Mang Ramon.  Hindi naman nagsalita ang matandang lalaki at nanatili ang atensyon sa kilos ng matandang babae.  " Hindi ako mamamatay-tao Ramon, alam mo iyan. " nakangising saad ng matandang babae.  " Nagtatanong na naman siya kanina kung anong nangyari sa babaeng iyon. " pagpapatuloy nito sa pagsasalita.  " S-sinabi mo na b-ba ang totoo? " kinakabahang tanong ni Mang Ramon. Napailing na lamang si Manang Gresha sa narinig na tanong ng matandang lalaki.    " Malamang hindi! Tonta ka talaga kahit kailan Ramon. "  Binalewala ng matandang lalaki ang pang-iinsulto ng matandang babae at muling nagsalita.  " Kung ganon ano ang sinabi mo sa kanya? " seryosong tanong ni Mang Ramon kay Mang Gresha.  " Sinabi ko na may pumatay sa babaeng iyon at tinawagan siya nito noong gabing mangyari ang insidente upang manghingi ng tulong pero hindi niya ito sinagot at pinuntahan. " saad ni Manang Gresha.  " Pinaglalaruan mo si Gio! Tama na Gresha, maawa ka naman sa kanya. Kung hindi mo kayang sabihin sa kanya ang totoo, ako ang magsasabi! " gigil na saad ng matandang lalaki at tumalikod na upang lumabas ng silid. Ngunit hindi pa ito tuluyang nakakalabas ng silid nang mapatigil ito sa akmang pag-alis dahil sa sinabi ni Manang Gresha.  " Isipin mo ang pamilya mo Ramon. Kakayanin mo ba ang pagkamuhing mararamdaman nila sa iyo kapag nalaman nila ginawa mo noon? " nakangising saad ng matandang babae.  Hindi na nito hinintay ang susunod pang sagot ng matandang lalaki. Tumayo na ito at bumulong sa tenga ng matandang lalaki.  " Sabi naman sayo Ramon eh, huwag mong pairalin ang katangahan mo. Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa ikabubuti nating lahat. "  Tinapik ni Manang Gresha ang balikat ni Mang Ramon bago lumabas ng silid at dumiretso sa silid ng binata.  Pagbalik ni Manang Gresha sa silid ng binata ay hindi niya inaasahang wala ang binata sa dati nitong pwesto. Hinanap niya rin ito sa loob ng cr ngunit wala ito roon. Kinakabahan siyang lumabas ng silid at inutusan si Mang Ramon na hanapin ang binata.  Lingid sa kaalaman ni Manang Gresha ay nakasalubong ni Mang Ramon ang binata kanina. Pinili lamang nitong itago ito sa kanya at sinunod ang utos niyang libutin ang buong bahay upang hanapin ang binata.  SAMANTALANG kanina naman, noong lumabas si Manang Gresha sa silid ng binata ay tsaka lamang kumilos ang binata. Kinuha nito ang litrato ng babae sa may gilid ng kanyang kama.  " I-Im sorry love. I-I wasn't there for y-you. " umiiyak na saad nito habang nakatitig sa litratong hawak.  Ilang segundo ang lumipas ay napagdesisyonan nitong puntahan ang lugar kung saan nakahimlay ang babae.  Nang makalabas na ito sa kanyang silid ay nakasalubong pa nito si Mang Ramon. Naglalakad ito pataas ng hagdan habang may hawak na kahon.  " Sir Gio! Nagmamadali ka yata. Saan--? " hindi na naituloy ng matanda ang pagtatanong dahil basta na lamang siyang nilagpasan ng binata.  " ANO Ramon? Nahanap mo na ba si Gio? "  " Hindi-- " hindi na naituloy ni Mang Ramon ang pagsasalita dahil agad itong pinutol ni Manang Gresha.  " Hanapin mo kahit saan! Malamang nasa sementeryo iyon, kaya pumunta ka roon! Wala ka talagang silbing matanda ka! "  Nang makaalis na ang matandang lalaki ay dumiretso na si Manang Gresha sa kanyang silid. Doon ay nakita niya ang kahong dala-dala kanina ni Mang Rmaon. Nilapitan niya iyon at tinignan.  Nang makita ang pangalan niyang nakalagay sa labas ng kahon ay agad siyang kumuha ng gunting upang ito ay buksan.  " AAAAH! " sigaw ng matanda ng makita ang nilalaman ng kahon.  Isang patay na daga ang laman ng kahon. Nakalabas ang lamang-loob nito at nakahiwalay ang mga paa pati na rin ang mga kamay sa mismong katawan. Pinalilibutan ito ng talulot ng puting rosas na may patak ng dugo.  Nang mapansin ng matanda ang isang maliit na kulay pulang papel ay agad nito iyong kinuha at binasa ang nakasulat doon.  Napangisi na lamang ang matanda sa nabasang nakasulat sa papel at nilamukos ito.  NANG makarating ang binata sa lugar kung saan nakahimlay ang babae ay walang pag-aalinlangan itong lumuhod sa lupa. Hindi nito iniinda ang malakas na pagbuhos ng ulan.  " I'm sorry my love. I'm really sorry. " paulit-ulit nitong saad habang nakaluhod sa lupa.    Hindi kalayuan sa kinaroroonan ng binata ay may babaeng pinapanood ang kanyang bawat galaw at makikita ang poot sa mga mata nito habang nakatitig sa binata. Nakakuyom ang mga kamao nitong pinagmamasdan ang binata.  " Patawarin mo ako Azalea. I'm so sorry. " pagmamakaawa ng binata habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha.  Paulit-ulit na humihingi ng tawad ang binata at nakaluhod sa puntod ng babae.  Halos isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin natitinag ang binata sa kanyang pwesto. Nilapitan na siya ng guard kanina ngunit inignora lamang ito ng binata. Hindi na rin nagpumilit ang guard na kumbinsihin itong sumilong muna sa halip ay binigyan na lamang ito ng payong.  Ilang minuto pa ang lumipas ng may muling lumapit sa binata.  " Sir Gio, umuwi na tayo. Nag-aalala na si Gresha sa kalagayan niyo. " saad ni Mang Ramon habang pilit kinikumbinsi ang binata.  Hindi sumagot ang binata at patuloy lamang sa paghaplos sa puntod ng dalaga.  Muli itong kinausap ng matanda ngunit parang wala itong naririnig at patuloy pa rin sa paghaplos sa puntod ng dalaga. Dahil dito ay napagdesisyonan ng matanda na gamitan ng pampatulog ang binata para maiuwi na ito.  NANG MAKARATING sa bahay ay agad tumakbo papalapit si Manang Gresha kay Mang Ramon na buhat-buhat si Gio.  " Anong nangyari Ramon?!?! " tanong ni Manang Gresha nang makalapit sa kinaroroonan ng dalawa.  " Masyado siyang naapektuhan sa mga sinabi mo kanina. Ang sabi ng guard sa sementeryo, bago ko siya tuluyang puntahan sa kinaroroonan niya ay paulit-ulit daw si Gio na humihingi ng tawad sa puntod ni Azalea. Ilang minuto na raw itong nakaluhod doon. " paliwanag ni Mang Ramon habang naglalakad paakyat ng hagdan.  Nang makarating sa loob ng silid ng binata ay agad itong inihiga ng matanda sa kama at kinumutan.  " Nang lapitan ko naman ito at subukang kausapin ay hindi na ito nagsasalita at patuloy lamang sa paghaplos sa puntod ni Azalea. " pagkukwento ni Mang Ramon.  " Kung ganon ay wala pa rin talaga siyang naaalala at naniwala siya sa mga sinabi ko? " paniniguradong tanong ni Manang Gresha.  " Karapatan niyang malaman ang totoo Gresha. " nagbuntong-hininga ang matandang lalaki.  " Iniisip ko lamang ang kapakanan niya Ramon! Huwag ka ngang tanga! " pagdedepensa ni Manang Gresha sa naging pahayag ng matandang lalaki.  " Kapakanan mo lang ang iniisip mo Gresha huwag ka ng magkunwaring kapakanan ni Gio  ang iniisip mo. " saad ni Mang Ramon at iniwan na ang matandang babae sa silid.  Makalipas ang ilang segundo ay umalis na rin ang matandang babae ngunit bago ito tuluyang lumabas ng silid ay tumawa ito habang nakatitig sa binata.  KINABUKASAN, kakatapos lamang magluto ni Manang Gresha nang mapagdesisyonan niyang puntahan ang binata sa silid nito at dalahan ng almusal.  Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya at nabitawan ang dalang almusal, nang makita niya ang binatang nakahiga sa sahig, walang malay at napapalibutan ng dugo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD