KABANATA 12

1517 Words
WHO  Hindi alam ni Manang Gresha ang gagawin nang makita niya ang binatang nakahiga sa sahig, walang malay at napapalibutan ng dugo. Natauhan lamang ito nang marinig ang tahol ni Luna na ngayon ay malapit na sa kinaroroonan ni Gio.  Nagmamadali itong lumapit kay Gio at inignora ang nagkalat na mga basag na pinggan sa sahig.  " G-gio. " naluluha nitong tawag sa binata at hindi alam kung saan ito dapat hawakan.  " RAMON! RAMON! " paghinging tulong ng matandang babae kay Mang Ramon.  " Ano ba ang problema mo Gresha at sigaw ka--? "  Hindi na naituloy ni Mang Ramon ang dapat na sasabihin sapagkat nanigas ito sa kinatatayuan ng mabaling ang pansin sa binata.  " RAMON! MAGMADALI KA AT IHANDA MO ANG SASAKYAN! " natatarantang utos ni Manang Gresha sa matandang lalaki.  Hindi agad nakakilos ang matanda dahil hanggang ngayon ay nakatulala pa rin itong nakatitig sa binata.  " RAMON! ANO BA?!? KUMILOS KA NA DYAN AT HUWAG KANG TATANGA-TANGA! " nanggagalaiting sigaw ni Manang Gresha.  Dahil dito ay natauhan na ang matandang lalaki at nagmamadaling hinanda ang sasakyan. Pagkatapos ay agad din itong bumalik sa ikalawang palapag ng bahay upang tulungan ang matandang babae sa pagbubuhat sa binata.   Sa sobrang pagmamadali ay hindi na nasigurado ng dalawang matanda kung naisara nila ang pinto ng bahay.  SA KALAGITNAAN ng pagmamaneho ni Mang Ramon ay walang tigil sa pagrereklamo si Manang Gresha.  " Ano ba naman iyan Ramon?! Wala na bang ibibilis iyang pagmamaneho mo?!? " nagrereklamong bulyaw ni Manang Gresha kay Mang Ramon.  Hindi naman sumagot ang matandang lalaki at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho.  " Mas mabilis pa yata akong magmaneho kaysa sa iyo! Kahit kailan talaga wala kang kwenta--! "  " Naandito na tayo. " putol ni Mang Ramon sa iba pang sasabihin ng matandang babae.  NANG makapasok sa hospital ay agad namang inasikaso ng mga nurse at doctor ang binata. Napabuntong-hininga na lamang si Mang Ramon at umupo sa isang upuan.  " Ano ba kasing nangyari Gresha? " tanong ni Mang Ramon kay Manang Gresha na ngayon ay nakatayo malapit sa silid kung saan ipinasok ang binata.  " Hindi ko alam Ramon. Dadalahan ko lamang dapat siya ng almusal ng biglang nadatnan ko siyang napapalibutan ng dugo at walang malay. " natatarantang sagot ng matanda. " Maupo ka nga muna at kumalma. Hindi naman makakatulong iyang pagkataranta mo. "  " Huwag mo akong pakialaman Ramon! Manahimik ka riyan. " bulyaw ni Manang Gresha kay Mang Ramon.  Hindi kalayuan sa kinaroroonan ng dalawang matanda ay may isang babaeng pinagmamasdan ang bawat galaw nila.  NANG lumabas ang doctor mula sa silid ay agad naman itong hinarang ni Manang Gresha at tinanong ang kalagayan ng binata.  " Thankfully, it wasn't a deep cut. May I ask if the patient suffered from any kind of depression or stress in his past medical background, or is there any situation happened recently that can lead him to this kind of action? "  Agad namang nagkatinginan ang dalawang matanda dahil sa tanong ng doctor. Dahil dito ay inaya naman ng doctor ang dalawang matanda sa isang pribadong silid upang mas lalong mapag-usapan ang kalagayan ng binata.  NANG makita ng babae ang pag-alis ng dalawang matanda ay napangisi ito. Agad itong pumasok sa stock room at nagpalit ng damit. Isinuot nito ang uniporme ng isang nurse na pinatulog niya kanina.  Nang masigurong ayos na ang lahat ay nakayuko itong naglakad at pumasok sa loob ng silid ng binata.  Nang tuluyang makapasok sa silid na kinaroroonan ng binata ay agad nitong tinanggal ang takip sa bibig.  " Masyado mo namang pinapadali ang trabaho ko. " nakangisi nitong saad habang nakatingin sa binata.  Nagsimula na itong lumapit sa kinaroroonan ng binata. Nang tuluyang makalapit dito ay kinuha nito ang syringe na nakatago sa bulsa ng kanyang suot.  " Sweet dreams, Gio. "  " Pre sabi naman kasi sayo--! "  Hindi naituloy ng babae ang dapat na gagawin ng may biglang magbukas ng pinto ng silid. Agad nitong itinago ang hawak na syringe at nagkunwaring inaayos ang higaan ng binata.  " Manahimik ka nga Henric. Kita mong nasa hospital tayo napakadaldal mo. " naiinis na saway ni Jared kay Henric.  Nakaupo na si Jared sa upuan samantalang si Henric ay nakatayo pa rin malapit sa may pinto.  Nang masiguro ng babae na hindi na siya kahina-hinala ay umayos na ito ng tayo at nagsimula ng maglakad palabas ng silid.  Hindi naman sinasadyang nabunggo ni Henric ang babae. Dahil sa nangyari ay nalaglag mula sa bulsa ng babae ang dala nitong syringe.  " Hala! Miss, sorry. " hinging paumanhin ni Henric sa babae.  Nagmamadali namang pinulot ng babae ang nalaglag na syringe. Si Jared naman ay nakakunot lamang ang noo at pinagmamasdan ang babae.  Nang makatayo na ang babae ay walang paalam itong lumabas ng silid.  " AYY! Attitude ka ghorl?!?! " natatawang saad ni Henric habang tinatanaw ang babae.  NANG makalabas na sa silid ang babae ay agad itong pumunta sa fire exit at ito ang ginamit na daan upang makalabas ng hospital.  Dumiretso agad ito sa parking lot at sumakay sa sasakyan. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at mabilis itong pinaandar papalayo sa lugar na iyon.  " Masyadong maraming nakapaligid sayo, bawasan ko kaya? " nakangisi nitong saad habang diretso ang tingin sa daan.  " MANANG! " bati agad ni Henric sa matandang babae.  " Henric, Jared, narito na pala kayo. " nakangiting bati ni Manang Gresha sa dalawang binata.  " Syempre Manang, kami pa ba? " saad ni Henric at nakabuka pa ang mga kamay sa harapan ni Manang Gresha, na animo'y nagyayabang.  " What happened Manang? " tanong naman ni Jared.  Dahil dito ay napabuntong-hininga ang matanda at inilahad ang nadatnang tagpo kanina sa loob ng silid ng binata.  " Is he... Is he okay? " mahinang tanong ni Henric habang nakatuon ang pansin sa binatang mahimbing na natutulog sa kama.  Tumango naman ang matandang babae.  " Ang sabi ng doctor kanina ay hindi naman daw malalim ang sugat na natamo niya. Hinihintay na lamang namin siyang magising. May iilan din lamang ibinilin sa amin ni Ramon ang doctor kanina. "  " Buti naman Manang. May nadatnan pa po kasi kaming nurse dito kanina noong dumating kami-- " pagkukwento ni Henric sa matanda.  " Nurse? " nagtatakang tanong ni Manang Gresha.  " Oo Manang. Attitude nga yung nurse! Nabunggo ko kasi kanina tapos nalaglag yung dala niyang syringe. Nagalit pa yata sakin. Nagsorry naman ako Manang ehh! " nagrereklamong sumbong ni Henric kay Manang Gresha.  " N-nakita mo ba ang m-mukha noong babae? " paglilinaw ni Manang Gresha.  " Hindi nga Manang eh! Pangit siguro iyon, laging nakayuko eh. " nakasimangot na saad ni Henric nang maalala ang babae kanina.  Ngumiti na lamang ang matanda at tumahimik upang mag-isip.  NANG makapasok ang babae sa isang pribadong gusali ay agad nitong ibinato ang susi ng sasakyan sa salaming nakasabit sa pader.  Galit na galit nitong kinuha ang plorerang nakapatong sa isang lamesa at muling ibinato sa pader sa harapan.  Tumalsik pabalik ang ilang maliliit na bubog sa pisngi nito. Nagsimulang tumulo ang dugo sa kanang pisngi nito pero hindi nito iyon ininda sa halip ay tumawa.  " Sige pagbibigyan ko kayo ngayon. " nakangiti nitong saad.  " Tignan na lamang natin kung hanggang saan ang itatagal niyo sa larong ito. "  Pinunasan nito ang dugong tumutulo sa kanang pisngi gamit ang kaliwang kamay at lumapit sa litratong nakalahad sa lamesa. Pagkatapos ay ipinahid sa isa sa mga litrato ang dugong nasa kamay.  " The first one to die, will lose. " tumatawa nitong saad habang nagkalahad ang mga kamay na nagpapaikot-ikot sa kanyang pwesto.  " MANANG, uuwi na po muna kami. May aayusin pa po kasi kami sa kumpanya. " nahihiyang paalam ni Henric sa matandang babae.  " Ganun ba hijo? Sige, mag-iingat kayong dalawa ah. Parating na rin naman si Ramon. "  Nagpaalam na rin si Jared sa matanda at tumayo na mula sa kinauupuan.  Habang hinihintay si Mang Ramon ay nagsimula na ring ayusin ng matanda ang mga nagulong unan sa upuan.  Pagkatapos noon ay pumasok ang matanda sa loob ng cr upang umihi. Habang umiihi ang matanda ay biglang namatay ang ilaw.  Nataranta naman ito at hindi alam kung anong gagawin. Agad nitong tinapos ang ginagawa at nagmamadaling pinindot ang flush.   Tumayo na ito at naglakad papalapit sa pader upang hanapin ang switch ng ilaw. Ngunit bago pa man nito mapindot ang switch ng ilaw ay may dumamping kamay sa kamay ng matanda.  Agad inilayo ng matanda ang kamay sa switch ng ilaw at kinakabahang hinawakan ang seradura ng pinto. Bago pa man ito mapihit ng matanda ay mas lalo itong kinilabutan nang may bumulong sa kanyang kaliwang tenga.  " Hi Manang. "  Kasabay ng pagbulong nito ay ang pagbukas ng mga ilaw. Natatakot na nilingon ni Manang Gresha ang kanyang kaliwang bahagi at natuon ang kanyang paningin sa isang salamin.  Napasigaw sa takot ang matanda dahil sa nabasang nakasulat doon.  Nakasulat sa salamin ang mga katagang " GREETINGS, MANANG GRESHA! " sa pamamagitan ng dugo at sa baba ng salamin ay may nakapatong na kulay puting rosas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD