This will be the last day of enrollment. Hindi pa nagsisimula ang klase pero sumasakit na ulo ko sa daming problemang sasalubong sa akin. Hindi ko alam na ganito pala kasakit sa ulo ang mga paperwork every enrollment o pagkatapos ng school year. Now I can understand kung bakit na-de-delay minsan sa pag-process sa dami pala nito. "What the hell, Ping!" naiinis na sigaw ko. Narito ako ngayon sa opisina niya sa Hator. Simula noong nakabalik ako rito ay rito na ako pansamantalang nag-office. Suhestyo rin nina Doctor Satora na dumito muna ako. If kaya ko na makaihalubilo sa maraming tao at handa na ako ulit na makita ng maraming tao ay paunti-unti na lalabas ako rito sa Hator. Pero dapat kasama ko ang iilang Student Council Officers for safety purposes. Bawal muna ako maglalabas na hin

