bc

Love Starts at 30

book_age18+
734
FOLLOW
5.3K
READ
age gap
independent
drama
gxg
city
school
slice of life
virgin
model
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

They said, darating ang pag-ibig sa tamang panahon at oras. Pero paano na lang sa isang taong tulad ko na magte-trenta anyos na nga ngunit NBSB pa─No Boyfriend Since Bi-break-up-an ko na.

Wala na bang bago?

Yes, he loves to appreciate me pero hindi ko ramdam ‘yong sincere sa mga pinagsasabi niya sa akin. Yes, he can buy anything para sa akin, but I can’t feel the happiness in it. Yes, he is a husband material and boyfriend material but I didn’t see myself be with him in the future and have a family. Yes, he loves me, but why can I only feel an empty love?

But I wish, for the last time before my 30th Birthday ends, to feel the natural and pure love that I long for a long time. The love that will fill my empty love tank. Para naman umusad ang love life ko at magkaroon ng destinasyon, which is magkaroon kami ng masayang pamilya and grow old with me.

Darating pa kaya?

O baka iba ang dumating sa buhay ko?

chap-preview
Free preview
LSA30: 001
“Hoy, Katya, just this time lang naman, please?” pagsusumamong pakiusap ng pinsan ko nang mapatingin muli ako sa kaniya.   We are talking about her another favor she wants to ask from me kanina pa. Hindi ko na rin mabilang ilang ‘last favor’ na ang hinihingi niya sa akin noon at hanggang ngayon.   “Hoy ka rin, Ping,” sabi ko sa kaniya. “As far as I remember, last week, nagsabi ka rin sa akin regarding about sa ‘last favor’ na ‘yong hinihingi sa akin.”   Pinapaalala ko lang sa kaniya ang kaniyang sinabi sa akin last time we talked. Nakarinig pa ako ng reaksyon at halata sa mukha niya ang frustration na hindi ko alam kung saan galing.   “Ano na naman bang ginawa ng babaeng ‘to at ako na naman ang naging takbuhan niya?” hindi ko maiwasan na itanong sa aking sarili.   Kung hindi ba naman ako lang ang pinsan niyang babae, asa naman na magtitiis ako sa kaniya. Besides, we are best friends din naman that’s why ang kapal talaga ng mukha niyang paulit-ulit na maghingi siya ng favor sa akin. Hindi ko rin naman kasi mahindian si Ping, kaya pinagtiya-tiyagaan ko na lang din. I treated her as my sister aside from being my one and only girl cousin kaya minsan ako ang nagiging takbuhan niya sa mga problema niya sa buhay.   “And then now? Another one?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. “Abusado kang nilalang!” Sabay irap ko pa.   Nasa ibang bansa ako para sa isang project and it is great opportunity for me lalo na sa modelling career ko. Kaya bigla na lang siyang tumawag sa akin para makipag-face time. Noong una, okay pa ang usapan naming dalawa ni Ping kasi kinakamusta niya ako and such. Pero ang ending, another favor na naman ang hinihingi niya sa akin na nahalata ko na sa simula pa lang. Kung hindi lang siya ang bunso sa aming magpipinsan ay hindi siya magiging ganito.   Bakit panay reklamo ko na lang lately eh kasalanan naman namin, lalo na ang iba naming pinsan dahil nagiging spoiled na si Ping sa pamilya. Pinagpapasalamat ko na lang na hindi naman siya brat o mean na babae. Minsan lang, kung anong gusto niya talaga ay dapat mangyari. Never ko pa naman siyang nakita na na-involve sa isang away o eskandalo dahil sa ugali niya. Aside lang sa pagiging playgirl niya na hindi naman nito pinagkakaila.   “Please, Katya,” sabi pa niya habang nagpa-puppy eyes sa harap ng camera. “Just this one! Last na talaga.” Pag-uulit nito.   ‘Just this one’ is a scam lalo na pag sa kaniya galing.   Hays!   “Maka-Katya ka parang same age lang tayo, Ping, ah?” Sabay irap ko.   Bastos talaga siyang babae, hindi marunong rumespeto sa akin. Even though almost five years ang gap namin ay hindi naman kami nagkakalayo ng ganda. Nagmumukha pa naman ako na nasa twenty’s kahit malapit na ring mamaalam ang edad ko sa kalendaryo. Sadyang ayaw niya lang, dahil hindi raw bagay na tinatawag niya akong ‘Ate’.   “Hayaan mo na ang pagtawag ko sa ‘yo na Katya. Hindi bagay na tawagin kang ganoon, kasi hindi ka mukhang matanda sa akin. Baka ako pa ang pagkamalang ate sa ating dalawa,” sabi na naman niya para depensahan ang sarili mula sa akin.   Hindi na ako umangal pa dahil totoo naman ang kaniyang sinabi ngayon. Minsan talaga na mas napagkakamalan pa siyang ate ko kaysa sa ate niya ako. Minsan, pag nagkakasama kaming dalawa sa isang gala o kahit saan ay mas nagiging mas matanda pa siya kaysa sa akin. Dahilan siguro kaya ayaw niya na tinatawag akong ate, pero iba pa rin kasi talaga. Kailangan ko na rin talagang tanggapin na hanggang ‘Katya’ na lang ako sa kaniya at masanay na rin.   “Kasi masyado kang malibog na tao kaya tumatanda ka tignan agad. Lagi ka kasing nagpapasabog sa kung saan,” pambabara kong usal na ikinairap nito.   Naging harsh ako sa part na ‘yon pero totoo ang sinasabi ko na ayaw na ayaw nito na naririnig mula sa akin.   “Hay naku! Hayaan mo na ang s*x life ko, Katya ,” depensa pa niyang sabi para sa kaniyang sarili. “Huwag mo akong itulad sa ‘yo na kay dumi ng isip, pero virgin.” Sabay ngisi niya na ikinaismid ko.   Virginity ko na naman ang nakita na naman niya ngayon. Wala namang big deal doon for me, kasi hindi naman ako katulad niya na kahit sino na lang tinutuhog at kinakama niya. Making love is sacred for me kaya as much as I can ay iniingatan ko talaga ang virginity ko kahit magte-trenta na ako sa susunod na buwan.   “Hoy, Ping!” sigaw ko sa kaniya matapos ang kaniyang sinabi sa akin. “At least, proud ako na kahit ganito ako ay buo pa ang puri ko. Sa ‘yo ba?” Sabay taas nang isang kilay ko na ikinatawa na niya pagkatapos marinig ang sinabi ko at tanong.   “Bakit ba riyan napunta ang usapan?” tanong niya bigla nang mapansin niyang nalilihis na ang pakay niya sa akin at ang usapan namin.   “Aba! Ewan ko sa ‘yo, Ping!” Umirap na naman ako sa kaniya kaya natawa siya lalo.   “Miss Katheliya, ” sabi sa akin ng personal assistant ko. “Pack up na po. Tapos na po ang shoot.”   Nasa shooting kasi ako ngayon na dahilan bakit nasa ibang bansa ako right now. This is the last day shoot namin and after naming mag-empake ay uuwi na kami pabalik ng Pilipinas. Mukhang wala akong magiging pahinga nito pag-uwi dahil sa makulit kong pinsang babae na for sure bubulabog sa akin.   “Thank you,” pasasalamat ko. “Kindly pack my things na rin, Gold. I’ll help you after talking to Ping,” turan ko sabay ngiti sa kaniya at binaling ang aking atensyon sa aking pinsan.   “I heard that,” sabi niya agad nang makaharap ako muli sa screen. “Tamang-tama, aalis din ako at ikaw ay babalik na rito sa Hatoria City. Ikaw na ang hahalili sa maiiwan ko pansamantala rito. Thank you, Katya my dear cousin s***h sister!”   Napaawang na lang ang bibig ko sa kaniyang huling sinabi sa akin lalo na’t binabaan na rin niya ako nang linya. She dares na ihabilin sa akin ang maiiwang posisyon niya sa Hatoria University without waiting for my approval na papayag ako sa gusto niyang mangyari. Pero mukhang biro lang ata niya ‘yon. Ibang klase naman talagang babae!   “Sira ulo na bata,” nabulalas ko na lang.   Narinig ko pa na natawa si Gold na nasa tabi ko lang na nag-aayos ng mga gamit ko.   “Mana lang naman siya sa ‘yo, Ate Thel,” komento niya nang mabaling sa kaniya ang aking atensyon.   “Hindi kaya! If may gusto ako, ginagawa ko siya without asking some favor sa iba. Ayokong maka-disturbo ng tao kung alam ko na kaya kong gawin ang bagay na ‘yon. Unlike her, masyadong abuso,” usal ko na may kasamang reklamo sa sinabi niya sa akin.   “Tino-tolerate mo rin naman kasi kaya ganiyan, Ate Thel,” sabi pa niya sa akin na ikinabusangot ko na.   Hindi na ako nagsalita pa kasi totoo naman ang sinabi ni Gold sa akin.   My cousin Alpha Cyll Florenz is a well-known playgirl but not a typical playgirl that everyone knows. She loves girls more than boys. She has girls every month pero never niyang pinagsasabay. As far as I remember ay nagkakaroon ng mutual understanding between them ng nagiging babae niya bago magkaroon ng ‘landing ugnayan’ at after nilang tapusin ang meron sa kanila.   Aished!   “Bakit buhay niya pa ang iniisip ko?” I asked myself all of a sudden dahil sa mga naiisip ko. “Mas pagtuunan ko na langng pansin ang buhay na meron ako,” I said afterwards.   “Bakit kayo nakatingin sa kalendaryo, Ate Thel?” tanong bigla ni Gold sa akin nang makitang nakatulala na pala ako sa harap ng calendar.   Doon ko lang din namalayan na nakaharap ako sa isang malaking kalendaryo na nasa set ngayon. Bigla tuloy pumasok sa isip ko na malapit na pala ang aking espesyal na kaarawan. Malapit na rin ang katotohanan na magta-trenta na rin ako pero may kulang pa rin sa akin.   “Kahit magti-thirty years old na ho kayo ay hindi naman po halata eh,” sabi niya nang hindi ko sinagot ang tanong niya sa akin.   Mukhang nakuha niya agad kung anong laman ng isip ko sa mga oras na ‘to.   “I don’t care about my looks,” turan ko na lang bigla sa kaniya.   Nakita ko pa ang pagngiti niya nang humarap ako sa gawi niya.   “You do care about your love life?” tanong niya na bakas ang hindi kasiguraduhan doon.   Mabilis naman akong napatango na ikina-buntong hininga niya.   “Is he the same sa past relationship niyo?” alanganing tanong nito sa akin kaya ako ay napaisip.   Actually, I don’t know kung parehas ba lahat. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko lately lalo na nang maalala ko kung ilang buwan na kaming dalawa. Hindi ko rin naman iniisip ang tungkol doon kasi naka-focus ako sa kung ano ang meron ngayon, at hindi sa kung anong mangyayari in the near future. Besides, I do believe na kung anong meron ngayon will always affect the future. That is why I am always doing my best sa present para maging maayos ang future, kaso hindi ko hawak ang mangyayari sa present lalo na ngayon o mamaya.   “You know what, we should not talk about that.” Pagdi-dismiss ko sa topic. “Iisipin ko muna kung ano na naman ang pabor ang hinihingi ni Ping sa akin.”   Ayoko rin kasing magsalita ng tapos. Ayoko rin sagutin kasi hindi ko rin alam. It is better na hayaan na tanong na lang muna ‘yon for now, sasagutin ko na lang pag may sagot na ako.   Nang matapos na kami sa pag-e-empake ng mga gamit ko ay mabilis kaming lumabas sa tent. Nakita ko ang iilang nakatrabaho ko rito sa ibang bansa na nakangiting nakatingin sila sa akin. Lalo na ang photographer na naging kaibigan ko na rin, dahil sa haba ng panahon na magkasama kami sa work.   “You are great, Katheliya,” sabi niya agad sa akin nang makalapit siya sa amin. “Hindi talaga ako nagsisi na lagi na ikaw ang nakakasama ko sa shoot. I can see na you love your work.”   Agad akong nailing nang bigla pa siyang kumindat sa akin.   “You know what, Randolf,” ani ko. “Stop doing like that baka ma-issue na naman tayo pag-uwi natin sa Pilipinas.”   He is flirting again with me, which is hindi naman awkward o nakaka-offend sa part ko because I know him naman. He is she, kasi may pusong babae ang malanding nilalang na nasa harap namin ngayon ni Gold. Pero kailangan ko siyang sitahin sa ginawa niya baka ano pa ang mangyari. Uso pa naman ang pag-shi-ship sa dalawang tao ngayon.   “Hoy, bakla!” sigaw na lang bigla ni Gold dito.   Napatingin tuloy kami ni Randolf sa kaniya dahil sa biglaan niyang pagsigaw.   “Tigilan mo na nga si Ate Thel.” Gumitna pa si Gold sa aming dalawa ni Randolf. “Kaya nag-aaway minsan sila ng boyfriend niya ay dahil sa ‘yo. Layo!”   Tinaboy pa niya si Randolf pagkatapos na hindi na ako nagugulat pa na gagawin ni Gold dito.   Bakla si Randolf pero hindi naman halata, kasi kilos lalaki pa rin naman siya. Manly rin siya magsalita pero sobrang landi talaga niya. Minsan ay siya ang kasabayan ni Ping sa Pilipinas pag nagpang-abot ang schedule nilang dalawa.   “Tse! Inggit ka lang siguro kasi walang lumalandi sa ‘yo. Pangit mo kasi, Gold fish,” sabi ni Randolf na may kasamang pang-aasar na naman bago tuluyang umalis sa harap namin.   Nag-aalburuto na naman sa inis si Gold dahil sa tawag na naman sa kaniya ni Randolf. Hindi kasi talaga magkasundo ang dalawa. Simula pa lang nang pagkikita nila dalawa ay mainit na ang dugo nila sa isa’t isa.   “Inggit ka lang, Rudolf! Bakla!” sigaw pa ni Gold kahit hindi na siya masyadong naririnig ni bakla dahil malayo na ‘to sa amin.   “Hoy! Eskandalosa ka, Gold,” sita ko sa pinaggagawa niya. “Hayaan mo na. Ganiyan ka rin naman sa kaniya eh. Saktong naunahan lang niya na asarin.”   “Nakakainis kasi siya, Ate Thel,” sabi pa niya habang nakabusangot na. “Binabalik ko lang kung anong ginawa niya sa akin when we first met. Ang kapal ng mukha niyang sabihan niya akong retokada. Letsugas na bakla.”   Bakas talaga sa mukha niya ang pagkainis at pagkaasar. Hindi ko tuloy maiwasang matawa nang maalala ko ang first meet nilang dalawa. Mukha kasi talaga barbie doll si Gold kaya minsan napagsasabihan siyang retokada na feeling gustong maging kamukha ni Barbie. Minsan nga ay kinukuha siyang maging modelo kasi mukha talaga siyang live action na barbie doll. Though tinatanggihan niya kasi mas gugustuhin niyang maging personal assistant ko. Okay raw ang buhay niya sa ganoong trabaho compared sa inaalok sa kaniya. Hindi raw siya papasok sa mundong ginagalawan ko kasi magulo at sakit daw sa ulo which is somewhat true naman. Lalo na pag napipilitan ka lang na gawin ang isang bagay kasi ‘yon lang ang way para kumita ka and such.   Alam na alam pa naman ngayon ni Gold ang nangyayari sa buhay ko at kung gaano ka hectic minsan ‘yon. Minsan, para ko na rin siyang manager sa kinikilos niya. Mas close pa kasi sila sa manager ko kaysa sa akin kaya alam niya lahat. She always reminding me with everything na kailangan kong gawin pag nakakalimutan minsan ng manager ko lalo na ako.   “Tara na?  Diretso airport na raw tayo,” aya na sa akin ni Gold matapos kaming tawagin ng iba para sumakay sa van.   “Sige,” nasabi ko na lang at sumunod na rin.   Kakapasok lang namin sa airport dito sa Pilipinas nang biglang makatanggap ako ng mensahe sa magaling kong pinsan na si Ping.   “Gold, mauna ka na sa penthouse.” Baling ko kay Gold nang matapos kong basahin ang mensahe ni Ping sa akin.   “Why po? Wala ka namang schedule ngayon, ah?” tanong pa nito sa akin na may pagtataka.   “Dadaan pa ako sa Hatoria University eh,” sagot ko naman agad. “Ping wants me to go there agad. May pag-uusapan lang kami.”   Mabilis naman agad nagsulputan ang bodyguards ko para harangin ang ibang tao na nagtatangkang lapitan ako. Nakayuko lang din akong naglalakad papunta sa van na sasakyan namin paalis dito. Kamuntikan ko na ring makalimutan kung ano ako rito sa Pilipinas. Buti na lang talaga ay nagsuot ako nang sombrero at shades kaya hindi halata masyado kung sino ako. Iilan ay nagtataka pa bakit gwardiyado ako sa mga oras na ‘to. Ang iilan naman ay nakakahalata sino ako dahil kay Gold. They know my famous personal assistant kaya alam nila na ako ‘to. For safety purposes na rin, kasi minsan na rin akong nakalmot dahil sa tuwa at gigil ng fans nang ako ay makita sa kung saan. Iniiwasan ko na mangyari ulit ‘yon kasi hindi nakatutuwa kahit masarap sa feeling na may nag-I-idolo sa ‘yon.   “Gen, idaan niyo ako sa Hatoria University bago kayo dumiritso sa penthouse,” sabi ko sa personal driver kong si Genesis s***h personal bodyguard na rin minsan, kapag wala si Gold at bodyguards ko.   “Yes, Thel. Nag-text na rin kasi si Ping sa akin na i-drop kita roon,” ani niya sa akin.   Mukhang desperado na talaga ang bruha na makapag-usap kami personally para sa favor na hinihingi niya, kasi pati si Genesis ay ti-next na niya.   Hinahayaan ko na rin sina Gold at Genesis na mag-usap. Hindi naman din kasi ako striktong amo. I treat them as my friends—close friends, to be exact. Kaya sanay sila na tinatawag nila akong Thel. Besides, schoolmate ko kasi silang dalawa sa isang unibersidad sa Manila. Nagkataon lang talaga na nagtagpo ang landas namin dahil needed nila ng pera that time at needed ko rin magkaroon ng personal driver, a bodyguard at a personal assistant. Sila lang talaga ang hinahayaan ko na tawagin akong Thel aside sa family ko. The rest ay Katheliya na, kasi  ‘yon ang aking pangalan.   Pumikit na lang ako habang binabaybay namin papuntang Hatoria University.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

NINONG II

read
619.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

NINONG III

read
364.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook