LSA30: 002

2544 Words
I am Katheliya Ruby Florenz, pero sa model industry ay kilala ako bilang Katheliya lang. I just don’t like na isama ang surname ko kasi ayaw kong sabihin nila na kaya ako naging isang sikat na modelo ay dahil sa apelyidong dala-dala ko. Nang makilala na ako sa industriang ginagalawan ko ay roon na nila laging naisisingit ang apelyido ko kaya nasanay na rin naman kahit papaano.   Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe. Kung hindi lang ako ginising ni Gold ay hindi ko pa mamalayan. Masyado akong pagod sa nangyari at diretso pa agad papuntang Hatoria University na dapat ay sa penthouse na para ako ay makapagpahinga agad at makabawi man lang ang aking katawan sa pagod.   “I will text you if papasundo na ako.” Baling ko kay Genesis nang makalabas ako nang sasakyan. “Ingat sa pagda-drive, Gen. Ingat kayo.” Bilin ko pa bago sila tuluyang umalis ni Gold papuntang penthouse.   Nakita ko rin ang pagsunod ng dalawang van na lulan ng ibang bodyguards na laging pinapasama sa akin ni Daddy pagnagwo-work ako. Pinauwi ko na rin ang mga ‘yon dahil nasa Hatoria University lang naman ako, kasi wala naman dudumog sa akin dito sa lugar na ‘to. Sanay na rin naman kasi ang ibang estudyante sa presensya ko kasi lagi naman kasi akong nagagawi rito pag naisipan kong bisitahin ang aking pinsan. Pero diretso agad sa opisina niya, labas agad pagkatapos. Besides, protocol na rin sa university na bawal magkaroon ng commotion or else mabibigyan ng karampatang parusa lalo na pag pinagkakaguluhan ang mga taong bibisita rito. Suki kasi talaga ang university na ‘to ng iilang artista kaya nag-exist ang rule na ‘yon. May iilan din na nabigyan ng tsansa na makapag-shoot sa university depende sa gusto nina Ping and her father. Mabuti na rin naman sa part ko bilang isa sa sikat na modelo rito sa Pilipinas. At least, may isang lugar na makagagalaw ako nang maayos kahit papaano without using disguise, ‘yon ay ang Hatoria University.   Mabilis akong naglakad papunta sa opisina ni Ping dito sa university na pagmamay-ari na niya. Pinamana na kasi ni Tito sa kaniya ang university na ‘to dahil gusto na ring mamahinga ni Tito sa pag-handle nito at mag-focus na rin sa family nila lalo na kay Tita. Kaya ngayon ay nasa Paris ang dalawa para raw sa honeymoon nila.   Hays! Ewan ko na lang talaga sa pamilya namin.   “Good afternoon, Miss Katheliya,” bati sa akin ng secretary ni Ping nang makita ako.   Mabilis naman akong ngumiti sa babae nang makapasok ako sa Chancellor’s Office. Nasasanay na ako na siya ang unang mabubungaran ko pagpasok sa office kasi nakapwesto ang table nito malapit sa pinto.   “Nasa loob ba ng office niya si Cyll?” Tukoy ko sa pinsan kong abusado.   Mabilis namang tumango ‘to at gi-nuide niya ako papunta sa opisina ng bruha kahit pwede naman na dumiretso na ako. Ayoko lang kasing maging bastos lalo na’t trabaho nito bilang secretary na gawin ang bagay na ‘yon. Besides, baka ma-offend ko siya kaya iniiwasan ko na mangyari ang ganoong bagay. Baka rin may kausap si Ping sa loob makadisturbo pa ako.   “Kumatok lang po kayo, Miss,”  sabi niya. “She’s expecting you to come po.” At tuluyan niya akong iniwan para bumalik sa kaniyang table kanina.   Nilibot ko muna ang aking tingin sa Chancellor’s Office bago pumasok sa office ni Ping.   I can see na mas maganda at maaliwalas na ‘to tignan compared noong huling punta ko rito. Buti naman at nakinig ang bruha sa akin na baguhin ang itsura ng office. Cozy na siya tignan hindi katulad last time na pagpasok ko ay parang kakainin na ako sa loob dahil sa pagiging dark ng theme ng office nito which is Tito’s like.   “Ping, ano na naman ba?” tanong ko agad nang nakapasok na ako sa opisina niya.   Hindi na ako bumati rito dahil hindi naman dapat siya binabati dahil sa pagiging abusado niya ngayon.   “Katya, matuto ka rin namang kumatok! Aatakihin ata ako sa puso sa ‘yo.” Reklamo niya habang nakahawak siya sa kaniyang dibdib.    Mukhang nagulat ko ata siya dahil sa kaniyang reaksyon ngayon. Mabilis naman tumaas ang isang kilay ko dahil wala naman akong nakitang ginagawa niya kundi lang ang phone na nakapatong lang sa kaniyang table na kalalapag nito nang magsalita ako kanina. Mukhang may ginagawang kababalaghan na naman ang bruha kaya ganoon na lang ang naging reaksyon niya sa pagpasok ko.   “Nagulat ka ba dahil kamuntikan ko na makita at masaksihan na nakikipag-video s*x ka na naman?” Sabay mapanuring tinignan siya habang naglalakad na ako palapit dito.   Mabilis naman siyang umirap bago niya ako ki-niss sa pisngi at inayang umupo sa sofa na na rito sa loob ng opisina niya.   “Mapanghusga ka talaga, Katya!” sigaw niya na may kasamang reklamo sa akin. ‘Itutulad mo pa ata ako sa ‘yo.”   Hindi ko tuloy maiwasang ihampas sa kaniya ang unan na nahawakan ko nang makaupo ako sa sofa. Dinadamay pa ako ng bruha kahit malayong-malayo ako sa pinaggagawa niya sa buhay.   “Kapal ng mukha mo! Itutulad mo pa ako sa ‘yo. Remember? Virgin,” sabi ko pa.   Mabilis namang kumawala ang kaniyang tawa dahil sa huling sinabi ko. Alam ko naman ang rason kung bakit eh. Hindi naman dapat bagay sa isang tulad ko na mananatiling virgin pa rin lalo na’t magte-trenta na ako. Ikanga niya, dapat ay bago pa ako mag-birthday ay may nakawasak nang p********e ko at makakuha na sa puri ko. o pag nag-trenta na ako, dapat hindi na ako virgin. Para pag nag-trenta uno na ako ay may alam na ako at may s*x life na rin tulad niya.   “Ano bang klaseng organ ba ang meron ang boyfriend mo ngayon at ang naging exes mo?” tanong nito habang tumatawa pa rin siya. “Bakit ni minsan ay wala man lang nakasalakay sa puri mo? Juts ba ang mga ‘yon?”   Hindi ko na talagang mapigilan ang aking sarili na sakalin siya dahil sa mga pinagtatanong niya sa akin. Hindi talaga uso sa kaniya na i-filter ang bibig lalo na at matanda pa rin ako sa kaniya ng ilang taon. Hindi na talaga nahihiya na sabihin sa akin ang mga bagay na ‘yon.   “Sinabing huwag mong pakialaman kahit kailan ang s*x life ko kasi simula pa lang hindi ‘yon ang aking hanap,” nanggigigil na sabi ko sa kaniya habang sinasakal ko pa rin siya.   Umaalingawngaw talaga ang tawa at tili ni Ping dahil sa ginagawa ko sa kaniya. Pulang-pula na rin ang kaniyang mukha at leeg dahil doon.   Naglayo lang kami sa isa’t isa nang biglang pumasok ang secretary niya na gulat na gulat na nakatingin sa aming dalawa lalo na sa nadatnan niya. She maybe thinking na may something kaming ginagawa ni Ping na hindi naman dapat.   “Anong ginagawa niyo ho?” tanong na lang niya bigla sa amin ni Ping.   Nagkatinginan tuloy kami ni Ping dahil doon.   “Just leave us alone, Cindy.” Agad na sabi ni Ping na hinihingal sa nangyari. “We are just having fun. Sorry kung nadisturbo ka namin.”   Alanganin namang tumango ang secretary niya bago tuluyan ‘tong umalis. Mabilis ko ring sinamaan nang tingin ang bruha dahil nang-aasar talaga siyang nakatingin sa akin. Lumalala talaga siya, time to time eh.   “Seriously?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.   Mukhang hindi talaga siya makapaniwala na isa pa ring ‘virgin’ ang nag-iisa niyang pinsang babae na magte-trenta na rin. I am not like her na walang pakialam kung sino ang naiikama eh.   “Hindi ko alam na sa tagal niyo ni Vico ay virgin ka pa rin.” Sabay tawa na naman niya ngunit ngayon ay mahina lang.   Hindi na ako umimik pa dahil hindi kami matatapos dalawa kung magsasalita pa ako. Masyado siyang alaskador at mausisa kung bakit ang boring ng life ko kasi wala raw akong s*x life. Hindi katulad niya na lagi raw happy kasi laging nasa langit. Itutulad pa ata niya ako sa sarili niya na laging libog ang inuna. Doesn’t mean na wala akong s*x life ay boring ang buhay ko.   “Anyway, about nga pala sa ‘last favor’ na sinasabi mo,” sabi ko nang maalala ko anong pakay ko rito.   Diniinan ko pa ang salitang ‘last favor’ para maalala niya kung pang-ilan na rin niyang sinabi sa akin ang dalawang word na ‘yon. Mabilis naman siyang umayos sa kaniyang pagkakaupo at tumitig sa akin.   “Kailangan kong pumunta sa Paris for my big project,” sabi naman niya agad sa akin na walang paligoy-ligoy pa unlike noong nakipag-face time siya sa akin.   “And? Anong konek ko riyan?” Habang pinagtaasan na naman siya nang kilay.   “Pwede naman siguro tayo mag-usap na hindi ganiyan, ‘di ba?” Tukoy niya sa pagtaas nang kilay ko kaya hindi ko mapigilang ihampas muli sa pagmumukha niya ang unan na yakap-yakap ko.   “Ang sadista mo talaga, Katya,” angal niyang sabi habang sinasangga niya bawat hampas ko.   Tumigil lang ako nang makaramdam na ako ng pagod.   “Ano nga kasi?” tanong ko ulit.   “Actually, 1 semester akong mawawala sa kadahilanang big project nga ‘yon. Ako ang magiging photographer at the same time ay videographer ng isang sikat na company sa Paris,” sagot naman niya agad.    Nakaramdam tuloy ako ng kaba dahil sa magiging usapan namin. Isa lang talaga ang pumasok sa isip ko ngayon.   “Ikaw ang gusto kong hahalili sa akin dito habang wala ako.” Dugtong niya na naging dahilan ng pag-ayaw ko for the first time.   “No! Ayoko nga!” Mabilis na tanggi ko sa gusto niyang mangyari.   The hell! Kaya nga nasa model industry ako kasi ayokong humawak ng negosyo. Buti na lang talaga ay mabait ang kuya ko kaya siya na ang humawak lahat ng business ng family namin. Tapos sasabihan niya na ako muna ang hahalili sa kaniya rito? Ano bang malay ko sa pagpapatakbo ng university na ‘to? Hindi ko alam na seseryosohin niya ang sinabi niya sa akin na ako ang hahalili kahit iba naman ang dating ng sinabi niya noong una.   “Listen kasi,” sabi niya pero pauli-ulit ko pa ring sinasabi ang no sa kaniya.   Nakita ko pa ang biglaang pagbuntong hininga niya sa ginagawa ko.   “This is my dream, Katya,” ani niya bigla sa akin na ikinatigil ko.   Mabilis akong napatitig sa mukha niya. First time ko lang din nakita sa mga mata niya ang frustration, hope and excitement dahil sa binabalak niya ngayon.   “What do you mean na dream mo ‘yon?” tanong ko.   Sa pagkakatanda ko ay hindi niya pinangarap ang ganoong bagay kasi nasa isip niya ay business nila na matagal na ring pinapalago ni Tito Ichi. Pero bakit ibang-iba ngayon?   “I thought hobby mo lang pag-bored ka, kasi you love handling business naman. ‘Yon ang pagkakaalala ko nang tanggapin mo ang Hatoria University kay Tito Ichi.” Habang nakakunot na ang aking noo.   Mabilis naman siyang napaiwas ng tingin sabay yuko niya.   “Ano ba ang rason bakit ganiyan?” At mabilis akong naupo sa tabi niya.   Mabilis kong hinawakan ang mukha niya para maiharap sa akin. Para makita ko kung ano ba talaga ang dapat kong makita mula sa kaniya.   “Ang big project ba na inaalok sa ‘yo ay from Paris ba talaga or someone I know na nasa Paris ngayon?” tanong ko na ikinabato niya sa kaniyang kinauupuan.   Mabilis na lang akong napabuntong hininga nang makuha ko na kung bakit.   “Siya pa rin pala hanggang ngayon,” nasabi ko.   Agad kumawala sa kaniyang mga mata ang luhang pilit niyang pinipigilan kanina pa. Mabilis ko siyang niyakap para patahanin. Hindi ko alam na until now ay mahal na mahal pa rin ni Ping ang babaeng ‘yon after ng lahat ng ginawa ng babae sa pinsan ko. Pero heto, habol pa rin nang habol, nagbabakasakali na magkabalikang muli.   “Ito na talaga ang huli, Katya! Ito lang talaga. After this, hindi na,” pagsusumamong sabi niya hoping na sa huling pagkakataon ay pumayag na ako sa pabor na gusto niyang hingiin sa akin.   “Why can’t you just let her go?” hindi ko mapigilang itanong sa kaniya.   Kasi hindi ko talaga ma-gets bakit siya pa rin ang mahal ng pinsan ko. Iniwan na siya, pinaasa and everything na naging dahilan ng kabiguan ng pinsan ko pero bakit ‘yon pa ring babaeng ‘yon ang gusto niya?   “I can’t, Katya,” mahinang sabi niya habang nailing. “I can’t because she’s my everything.”   Napabuntong hininga na lang ako sa aking narinig mula sa kaniya.   “Ang martyr mo talaga sa babaeng ‘yon.”   Hindi na ‘to nagsalita pa dahil totoo naman ang sinabi ko. Ang martyr kasi talaga niya. As far as I know ay may fiancée na rin ang tao ngunit ‘tong si Ping ay habol pa rin nang habol. She’s hoping na may chance pa for the both of them, but I doubt it. Kung meron man, dapat matagal na. Hindi na kailangan umabot pa sa point na mangyari ‘to sa pinsan ko at gawin niya ang isang bagay na hindi ko aakalain na gagawin niya sa buhay niya.   “Please, Katya?” pagsusumamo nitong muli sa akin.   Wala na akong nagawa kundi tumango na lang.   Tatanggapin ko na lang ang pabor na hinihingi niya.   “Basta, ha? 1 semester lang akong hahalili rito. Pag hindi ka pa bumalik? Ipapasara ko ang university na ‘to.” Malditang pagkakasabi ko na ikinatuwa nito.   Mabilis siyang yumakap sa akin habang paulit-ulit na sinasabi ang pasasalamat niya dahil sa pagtanggap ko sa gusto niyang mangyari.   “This is the last favor na gagawin ko para sa ‘yo, Alpha Cyll Florenz,” seryosong sabi ko.   “Oo. This is the last,” sabi niya na ikinatango ko naman.   “Be mature na rin, Ping. Matanda ka na. Learn from your mistakes. Huwag mo ng ulit-ulitin. Hindi playground ang buhay na meron tayo.” Sabay gulo nang buhok niya.   Napabuntong hininga na lang din ako dahil ngayon ko lang talaga siya nakita muling sumaya. Pero hindi ko pa rin makuha bakit sa dinami-daming nangyari sa kanila ng babae ay siya pa rin ang hanap ng pinsan kong playgirl.   Hays! Bahala na nga.   “Opo. I will make sure na this will be the last,” sabi niya. “Pero pumayag ka na, ha? Wala ng bawian.”   Tumango na lang ako bago tuluyang nagpaalam sa kaniya. Kailangan ko na ring magpahinga. Masyadong maraming nangyari sa araw na ‘to. Galing pa ako ng ibang bansa tapos aabutan ko pa ay ‘to. Wish me luck na lang.   Letseng favor naman kasi! Isama mo pang nagdrama pa sa harap ko.   Hays!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD