LSA30: 003

2726 Words
Narito ako ngayon sa bar kasama si Ping. Right after niyang umiyak sa harap ko at magdrama ay hinila ako ng bruha rito. Kailangan daw niyang uminom bago siya umalis papuntang Paris dahil nga sa big project niya, at the same time, ay para magkaroon siya ng chance na makuha muli ang kaniyang iniibig. Hindi ko nga alam bakit hinahabol pa niya ang babae 'yon eh playgirl naman siya. She can find anyone naman na much better pa sa babaeng ‘yon, pero wala eh. Natamaan talaga ang loka kaya nabaliw nang tuluyan. Minsan, hindi ko maintindihan ang nangyayari sa kaniya pero nasasabi ko na lang sa sarili ko na kaya ganoon ang nararamdaman ko o sinasabi ko sa kaniya ay dahil sa hindi ko naman napagdaanan ang pinagdadaanan niya na siyang pinagpapasalamat ko talaga. Ayoko pa namang magmukhang tanga when it comes sa love. Buti na lang talaga ay hindi kami parehong dalawa. I know naman kasi na napakahirap malagay sa sitwasyon niya. Tanggap nga ng iilang tao sa lipunan ang same s*x relationship, pero kung mismong pamilya nito ang tutol ay wala pa rin.   “Niyaya kitang mag-bar because I want you to have some fun! Hindi ‘yang ganiyan,” sabi ni Ping nang makita akong tahimik lang na umiinom dito bar counter area habang siya ay kakagaling lang niya sa dance floor.   Kanina pa niya ako pinapaalis dito sa bar counter para maghanap ng table para sa aming dalawa. If I know, she wants me to accompany her para may makasama siya sa table kasama ang magiging babae niya for tonight. As far as I know ay last na raw niya na pambabae ngayong gabi na siyang hindi ko talaga pinapaniwalaan. Darating din kasi sa point na babalik muli si Ping sa pagiging playgirl niya at baka lumala pa. Ayoko namang pangunahan kung ano ang mangyayari sa kaniya sa Paris, pero ‘yon talaga ang ini-expect ko.   “Ikaw lang naman ang may gusto, hindi ako,” bagot na sagot ko na ikinatawa lang niya.   “Oo nga pala, himala ata at hindi nag-iingay phone mo,” takang sabi niya pa nang mapansin ang nakataob na phone ko sa ibabaw ng bar counter.   “Nananahimik ang phone ko kaya tantanan mo. Umalis ka na nga.” Pagtataboy ko pa sa kaniya. “Magpakasasa ka riyan sa mga babae rito sa bar. Sooner or later ay hindi mo na magagawa pa.” Sabay irap ko pa.   “Mamaya na lang muna. Usap na lang muna tayo. Tagal na rin noong huling kita natin dahil nga sa busy ka sa ibang bansa dahil sa photo shoot mo,” ani pa niya sa akin ngunit nagkibit balikat lang ako.   Pinanuod ko na lang muli ang mga taong nagsasayawan sa dance floor. Inaaliw lang ang aking mga mata habang naghihintay ng oras kung kailan kami uuwi ni Ping bago binaling ang aking tingin sa hawak kong basong may laman na alak.   “I see the trend, Katya,” sabi niya bigla makalipas ang ilang minutong katahimikan sa aming dalawa.   Kahit sobrang ingay ay wala naman akong pakialam. Sanay na ako at sanay na rin ako na huwag na magbigay ng reaksyon. Nakakapagod lang.   Nilingon ko lang si Ping dahil sa sinabi niya bago binalik ang aking tingin sa basong hawak ko na nilalaro ko na ang lamang alak bago ininom.   Gusto ko na talagang umuwi para makapagpahinga na talaga ako.   “Kaya ka ba ganiyan ay dahil you know na sooner or later ay maghihiwalay kayo ng pang-lima mong boyfriend?” walang prenong tanong nito.   Automatic naman akong napabuntong hininga dahil natumbok niya. Nangalumbaba na lang akong tumingin sa kaniya nang mailapag ko sa bar counter ang aking basong hawak na wala na ring laman.   “Okay lang din naman sa akin. I am just waiting kung kailan siya makikipagkalas,” sagot ko na ikinaawang nang bibig ni Ping.   Hindi talaga siya makapaniwala dahil first time ko rin naman pag-usapan talaga ang love life ko—kung love life nga ba ang tawag sa meron ako. Nalalaman na lang nila na break na kami ng mga nagiging ex ko kung napapadalas na ang uwi ko sa Hatoria City lalo na sa bahay. Lagi na rin kasi akong tumatanggap ng projects na halos mapuno na ang aking schedules every day. Pag may boyfriend ako ay madalang na lang dahil minsan kino-consider ko naman ang plans ng boyfriend ko lalo na pag-usapang vacation. Pero mostly talaga ay hindi. Depende na rin lang naman sa mood ko. At first time ko rin hinayaan na pag-usapan namin ngayon ang tungkol doon na siyang sobrang himala for me na pag-usapan, dahil mailap akong tao when it comes to that kind of topic.   “The heck!”   Naiiling na lang tuloy ako sa reaksyon niya sa sinabi ko. Wala namang bago sa ganoon eh. Pero hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit ganoong siya maka-react.   “Hindi ko talaga alam kung siya pa ba ang lalaki sa relasyon ninyo o ikaw. Parang wala lang sa ‘yo,” sabi pa niya nang mapansin ang bagay na ‘yon.   Kung alam niya lang kung gaano ako nagtitimpi na huwag makipagkalas sa mga ex ko rati na ako ang gagawa. Some of them ay tsinitsismis ang mali patungkol sa akin, kasi hindi raw ako girlfriend material. When in fact, never naman, kasi wala ni isa sa kanila na binigyan ko ng kakaibang atensyon and such. Parang casual lang, ang kaibahan may relasyon kami, ‘yon lang.   “I don’t know. I just don’t feel na Vico is the person I want to be with for the rest of my life. Hindi rin sumagi sa isip ko na hanggang sa pagtanda ay siya ang makakasama ko.” Pag-amin ko sa kaniya.    Naisip ko tuloy ang nangyayari ngayon sa current relationship ko. Sa totoo lang, bago ako tinawagan ni Ping noong nasa ibang bansa ako ay kausap ko ang current boyfriend ko na si Vico. He asked me bakit hindi ako masyadong nag-u-update sa kaniya o nagtatanong kung saan ang whereabouts niya. He also asked kung ano ba talaga ang meron sa amin kasi parang wala lang din naman lalo na pag wala ako sa Pilipinas o wala ako sa Hatoria. Parang na-fi-feel niya na pinaparamdam ko raw sa kaniya ay parang he doesn’t exist in my life, not unless kung hindi pa siya mag-ti-text sa akin at hindi ako mag-re-reply with the endearment ‘babe’. Mukhang hindi talaga siya sanay na ganoon akong klase ng tao na hindi palatanong na tao. Wala rin naman sa akin eh.   Pagtumatagal kasi, parang nawawalan ako ng gana lalo na nang malaman ko na he doesn’t like someone or partner na may masamang ugali o bastos ang bibig which is malayong-malayo sa akin. Kahit na minsan lang akong ganoon ay nakikitaan ko ang sarili ko na hindi swak sa kung anong ideal girl niya. Minsan na kasi niya akong napagsabihan na I need to change my attitude and also kailangan i-filter ko ang mga salitang lumalabas sa bibig ko kasi hindi bagay sa isang tulad ko. Pero hindi ako nakikinig sa kaniya, kasi ayokong baguhin kung ano ako. Bakit ko naman gagawin ‘yon? Pwede naman na i-accept niya kung ano ako. Pero hindi na ako umimik pa that time, kasi wala namang patutunguhan ang pag-uusapan namin—mag-aaway lang kami.   I know naman din why he asked me to be his girl eh. Aside sa pagiging modelo ko na isa sa gusto nito sa akin ay dahil din sa pamilyang meron ako. Kaya hinahayaan ko na lang kung hanggang saan ang meron sa amin. Because I know, sooner or later ay makikipagkalas din siya, kasi magsasawa siya sa ugaling meron ako at sa takbo ng relasyon naming dalawa.   I am not clingy rin kasi na babae, hindi rin ako sweet na siyang minsan hinihiling niya na gawin ko. Especially, pag may gig siya na gusto niya ay naroon ako to cheer him, pero wala. Never akong pumunta, kasi hindi ko hilig lalo na rock lang ang naririnig ko sa mga kanta nila. Nakakarindi, kaya tina-timing ko talaga na may projects ako o photo shoot pag nag-aaya siya. Ayoko rin na tumatanggap ng regalo lalo na pag-alam kong mahal talaga. He loves giving me expensive gifts. Kulang na lang ay presyuhan niya at ipamukha sa akin kung gaano kalaki ang kinikita niya dahil nga sumisikat siya lalo. But it is a no for me. Unti-unti na ngang pumapasok sa isip ko na pare-pareho lang naman sila. Magaling lang sa una, pero pagtumanggal ay hindi naman pala, kasi pakitang tao lang ang pinapakita.   Para saan pa? For a show? O para iparamdam niya sa akin na ganoon niya ako kamahal, kasi mahal ang binibigay niyang regalo sa akin?   Tsk! Hindi ko naman kasi mararamdaman ang love na gusto niyang iparamdam sa akin sa kung gaano kamahal ang regalong binibigay o kung gaano niya ipakita na ma-effort siyang tao. Hindi rin naipaparamdam sa mga mabulaklaking mga salita. Naipaparamdam ‘yon sa kung anong totoong nararamdaman. If he really loves me? Mararamdam ko ‘yon. But unfortunately? Another empty love na naman.   That’s why, wala lang sa akin lahat. After I said yes, parang balik ulit sa normal routine ko pero nadagdag na siya roon, but he will never be my first priority. Kahit nga sumagi man lang siya sa isip ko ay hindi rin, not unless kung mag-text siya sa akin o tatawag para yayain ako lumabas at kung ano-ano pa. Never ko talaga naramdaman for my twenty-ninth years of existence ang sinasabi nilang kilig, excitement at saya dahil lang sa isang tao. Like, never pa akong nakaramdam ng kakaibang emosyon na never ko pang naramdaman noon until now. Kahit nga sa sinasabi ni Ping na maging horny ay never pa, kasi walang isang taong nakapagbigay sa akin ng ganoong pakiramdam.   I know the reason why. He is not the one I am looking for at laging pinapanalangin sa Diyos.   “Seryoso ka?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.   Tinaasan ko tuloy siya ng kilay dahil sa kaniyang naging reaksyon.   “Ang daming nagkakandarapa sa boyfriend mo kasi sikat na bokalista ‘yon dito sa Hatoria City. May pangalan din ang pamilya nila rito sa lugar natin pero ganoon pa rin?” she asked again afterwards na ikinatango ko lang.   Wala naman akong pakialam kung ganoon ang katayuan niya sa buhay. Wala rin akong pakialam sa kung saang pamilya siya nabibilang. I do care about how he fills my empty love tank. Pero nga-nga!   Wala.   Hindi niya mapupuno ‘yon dahil hindi ko ramdam ang love na pinapakita niya sa akin o pinaparamdam. Parang kumakain ako, pero hindi ako nabubusog, kasi hindi naman nakakabusog ang kinakain ko kahit madami pa ang nakain ko.   Hays! Kung ano-ano na lang naiisip ko.   No one can understand me naman, kasi iba-iba rin naman ang napagdadaanan namin when it comes sa love. Minsan nga, nag-uusap kami ni Kuya Kel pero nasabihan pa akong bato ang puso o mapaglarong babae. Eh sa hindi talaga. I’m trying naman pero I can’t. Kahit anong gawin ko, wala talaga.   “Sabi nga ng iba ay full package na ang boyfriend mo. Ano ba kasi hanap mo nang mahanapan kita sa Paris? Malapit ka na kayang mag-trenta anyos.” Paalala pa niya sa magiging edad ko.   Mabilis ko naman siyang sinamaan ng tingin dahil halos ipagsigawan niya ang magiging edad ko. Malapit na rin naman kasi ang birthday ko. Next week na, to be exact.   “Kahit gaano pa siya kagwapo at gaano kalaki ang kargada niya ligwak pa rin siya sa akin. I appreciate him, but I don’t love him. Period,” sabi ko sa kaniya para ma-gets naman niya kahit papaano bakit ako ganito.   Napansin ko ang kakaibang ngiti ni Ping nang marinig niya ang sinabi ko lalo na ang kargada.   Tsk!   Alam ko naman kasi ang likaw ng bituka ng bruha. Basta kasi malanding nilalang at sobrang dumi ng utak, kung ano-ano na ang magiging takbo ng isip.   Hays!   “So, nakita mo?” malokong tanong niya sa akin.   Sa dami ng sinabi ko ‘yon talaga ang tumatak sa kaniya.   Ibang klase!   “Yes, kasi Vico is trying to seduce me, pero ligwak,” sagot ko, na parang wala lang sa akin ang nangyari.   Sanay naman kasi ako eh. Halos na ata naging ex ko ay halos gumiling na sa harap ko na nakahubad para ma-seduce ako, pero wala pa rin. I always end up rejecting them na nagiging dahilan bakit umaayaw agad sila sa akin. Hindi naman katawan nila ang habol ko sa totoo lang unlike them. What I want is love—totoong pagmamahal na never ko pang na-feel.   May current boyfriend Vico, gusto niyang salakayin ang p********e ko at kunin ang puri ko noong mga panahon na sinabi ko sa kaniya na ilang buwan akong mawawala sa Pilipinas lalo na sa Hatoria City. Sinabi ko sa kaniya after dinner na sa ibang bansa ang shoot kaya gumawa talaga siya ng way para makatulog ako sa condo niya na siyang nangyari nga. Like, he seduced me to the extent that he intentionally slipped off his towel nang maglakad siya sa harap ko. Kitang-kita talaga ng dalawang mata ko ang nangyari at kabuoan niya, pero wala talaga. Hindi ako nakaramdam ng pagkasabik, kaba dahil sa excitement o init. Pati ata ang p********e ko ay walang kareak-reaksyon sa nangyari.   Full package naman kasi talaga siya. May six pack abs, may mahaba at matabang kargada, may matambok na puwet at maganda talaga ang katawan. Isama mo pa na gwapo siya at matangkad. Talented pa, which is a big plus talaga. ‘Yon talaga ang isa sa rason bakit alam ko sa sarili ko na hindi magwo-work ang relasyon naming dalawa.   After what he did ay nahiya agad siya dahil bigla ko ba namang sabihin sa kaniya na iligo na lang niya ang libog niya kasi ayokong mangyari ang binabalak niyang mangyari between us. Hindi rin naman tumalab, or else, may kalalagyan siya. Wala rin naman siyang choice kasi nasa labas lang din ng condo niya ang bodyguards ko na laging nakabuntot sa akin pag nalalaman nina Daddy na kasama ko si Vico. My Daddy doesn’t trust him. That’s why laging may guwardiya ako. Kahit wala sila ay kaya ko naman ang sarili ko. Nag-aral kasi ako ng self-defense kasi isa ‘yon sa gusto ko. Not just for myself but also sa mga taong matutulungan ko in the future to come. But, Daddy keep insisting kaya pumapayag na ako. Ang gusto lang naman ni Daddy ay maging safe ako. Ako kasi lagi ang lapitin ng disgrasya rati kaya ganiyan siya ka-protective tulad din ni Kuya Kel.   “Kulang ka ba sa aruga nina Tito Sin at Tita Eme kung bakit ganiyan ka?” tanong niya bigla na naging dahilan para mabatukan ko na siya.   “Siraulo ka!” Sabay irap kong muli.   “Ang ganda mo, ha? Naghubad na lahat-lahat pero wala pa rin?” tanong niya.   Sinamaan ko lalo siya ng tingin sa mga lumalalabas sa bibig niya ngayong gabi.   “Ibang klase,” hindi makapaniwalang sabi pa niya.   "Pakialam mo ba?" habang nagsasalubong na ang aking kilay.   “Huwag mong sabihin na pati halik ay hindi mo rin nasubukan?” tanong nito habang nakataas na ang isang kilay niya.   “Anong tingin mo sa akin?” naiinis na tanong ko na ikinatawa niya.   Baliw talaga! Professional na ako sa halik-halik na ‘yan kasi hanggang doon lang naman ang exes ko pati na rin si Vico. Sa paghawak man lang sa masisilang bahagi ko ay siyang hindi nila nagagawa, kasi pinipilipit ko na agad ang kamay. I can’t blame them especially Vico if ever na maghanap siya ng iba. Mas matutuwa pa nga ako kung 'yon ang gagawin niya.   Pero ‘yon nga, wala nga talagang progress o walang bago man lang na nakikita ko sa relationship namin ni Vico. Kaya sumagi na sa isip ko na i-stop na kaysa tumagal pa. Baka in the long run, mahirapan na siya to let go sa kung anong meron sa aming dalawa at mahirapan pa ako. Iniiwasan ko na mangyari 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD