LSA30: 004

2626 Words
“I’m just asking kaya huwag ka namang ganiyan sa akin, Katya,” sabi niya. “Siguro, hindi pa dumadating ang isang tao na magbibigay uneasiness sa ‘yo. ‘Yong tipong presensya pa lang niya ay parang hindi ka na mapakali, lalo na siguro pag malapit na siya sa ‘yo.”   Hindi ko tuloy maiwasan na iikot ang aking mga mata sa mga binitawan niyang mga salita. In short, gusto pa ata niya akong mahalintulad sa kaniya.   “Kasi ganiyan ka,” nasabi ko na lang na ikinaismid na niya.   “Never mo kasi naranasan kaya nasasabi mo ‘yan sa akin ngayon,” ani niya sa akin na ikina kibit balikat ko.   Siguro, pero ayoko ring maranasan ang ganoon.   “Inom na lang tayo para makauwi na tayo pagpatak ng alas-diyes. Nag-text na rin ako kina Gold at Gen na sunduin tayo sa ganoong oras.” Sabay tingin niya sa kaniyang relong nasa wrist niya.   Tumango na lang ako at sinalinan muli nang alak ang baso ko at nakipag-cheers kay Ping dahil ‘yon din ang gusto nito. Hinahayaan ko na lang siya sa trip niya ngayong gabi lalo na’t aalis nga pala siya papuntang Paris. Support na lang ako sa kaniya as her sister in heart at nag-iisang pinsan niyang babae. Nakakapagod na rin kung kokontrahin ko na naman siya sa gusto niya sa buhay.   "Can I have Limeade?" tanong ng isang babaeng bigla na lang sumulpot malapit sa gawi ko.   Agad akong napalingon sa kaniya, ngunit hindi ko siya masyadong maaninagan ang itsura niya dahil against the light ang kaniyang pwesto. Though I can feel na may itsura siya, tapos she has long nose with a slight bump in the bridge na umagaw sa atensyon ko nang gumalaw siya sa kinatatayuan niya.   "Yes, Ma'am," mabilis naman na sagot ng bartender.   “Hindi ko alam na ganoon pala ang gusto niyang inumin dito sa bar.” Bigla ko na lang narinig mula kay Ping kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ko.   "What are you saying?" takang tanong ko pa.   "About sa drink na in-order niya. It is a Vodka Mint Lemonade," sagot naman niya.   “So? May problema ka ba?” Sabay taas ng isang kilay ko sa kaniya.   "Never mind," sabi na lang nito.   “Thank you,” rinig kong sabi ng babae kaya napalingon akong muli sa kaniya.   Hindi ko alam pero curious ako sa kung ano ang itsura niya. I just want to know kasi hindi ko naaaninagan masyado eh. Ngunit, dahil sa aking kagustuhan na mangyari ay hindi ko na pala namalayan na napapatingin na ako sa kabuoan niya. Head to toe talaga ang hagod nang tingin ko sa kaniya kahit nakatalikod na ‘to sa gawi namin ni Ping. Naglalakad na kasi ‘to papunta sa mga kasama niya sa ‘di kalayuan sa aming pwesto.   "Ow! Someone catches your attention for the first time," komento naman ng pinsan kong si Ping na mukhang napanuod ang aking ginawa.   Ngunit, hindi na ako nagbigay reaksyon pa sa kaniyang sinabi. Naka-focus lang talaga ang atensyon ko sa babae na nag-order ng Limeade. Nang makaupo na ‘to sa table nilang magbabarkada ay roon ko lang nakita kahit papaano ang itsura niya kahit mabilis lang siya natamaan ng ilaw na galing sa dance floor.   “Hoy! Huminga ka rin naman!” sigaw ni Ping nang makitang halos pinipigilan ko na pa lang huminga dahil sa nakita ko.   She is so beautiful. Ang una ring napansin ko sa mukha niya aside sa ilong ay ang thick and bushy overarching brows niya na bumagay talaga sa kaniya. Isama mo pa ang kaniyang mga mata na malamig kung tumingin pero pag natitigan ka niya ay parang tagos hanggang kaluluwa. Ang mga mapupulang labi niyang manipis ngunit, nakakaakit.  Hindi ko alam na napakagat labi na lang ako matapos magtagal ang tingin ko sa mga labi niyang waring nang-aakit na halikan ko.   "I think, you don't need a man," sabi bigla ni Ping kaya agad akong napainom sa baso ko na may laman pang alak.   Umayos na rin ako sa aking pagkauupo at humarap muli sa bar counter. Sabay pikit nang mariin sa aking mga mata at agad ininom ang alak.   “You need a woman.” Dugtong pa niya na naging dahilan para umawang ang bibig ko at manlaki ang mga mata ko, habang nakalingon na sa gawi niya.   “Yes, Katya,” sabi niya. “You need a woman para sa pag-ibig na matagal mong hinahanap sa isang tao.”   Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin ngayon. Sa simpleng pagtingin lang sa isang babae ay ‘yon na agad ang judgement niya? What the hell!   “Anong pinagsasabi mo?” tanong ko, matapos kong ayusin ang aking sarili.   Bakit kasi para akong ewan ngayon gabi? This is the first time na umakto ako ng ganito at sa harap pa mismo ni Ping.   Hays!   “Sa klase ng hagod nang tingin mo sa babae kanina ay halos gusto mo na siyang lapain eh. And also, never mo ‘yan ginawa sa lahat ng mga lalaking may mala-Adonis na katawan at mukha.” Pansin niya pa sa ginawa ko kanina.   Ayoko mang amin sa kaniya pero tama nga siya. Ewan ko ba! Hindi ko rin naman alam eh. First time ko lang din naman ginawa. Pag nakakakita ako ng magandang babae ay never naman ganoon ang tingin na binibigay ko sa kanila. Sanay naman kasi ako na makakita ng mga magaganda, lalo na sa work ko.   “Paranoid ka lang. Uwi na lang tayo. Mukhang tinatamaan na ako ng alak,” sabi ko na lang para ma-dismiss ang pinag-uusapan namin ngayon.   I felt awkward discussing how I can fall in love with a woman. Hindi talaga sumagi sa isip ko na makipagrelasyon sa babae because I know kung hanggang saan lang ang pwede nilang maibigay. I am not against them, kasi okay lang naman sa family namin ang third s*x pero ayoko pa rin. Alam ko kasi anong magiging kakulangan nila in the future.   “Why?” tanong nito na ikinataka ko.   "Anong, why? Why na uuwi tayo ngayon?” kunot noong tanong ko sa kaniya.   “Never mind,” sabi na lang niya. “I think, lasing na siguro ako kaya kung ano-ano na lang nakikita at naiisip ko.”   Napahigpit tuloy ang hawak ko sa aking baso nang sabihin niya ‘yon. Mabilis akong nagsalin nang alak sa aking baso at uminom muli. Buti na lang ay ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol doon.   "Before we go home, I need to pee. Text mo na sina Gold para after kong magbanyo ay makauwi na tayo,” sabi ko pa na ikinatango lang niya.   Mabilis akong tumayo para pumunta sa comfort room, dahil sa nangyari ay parang unexpectedly na napuno ang pantog ko. Parang nararamdaman ko rin na may kakaiba sa baba ko na siyang titignan ko rin sa banyo maya-maya.   Nang makita ko na kung nasaan ang comfort room para sa babae ay mabilis akong naglakad papasok. May nadaanan pa akong dalawang babaeng naghahalikan sa gilid lang ng pinto ng comfort room. Halatang hindi nakaabot sa cubicle kasi rito na sila nag-make out sa labas.   “f**k! Finger me!” rinig ko pang daing na sabi ng babae sa babaeng kahalikan niya na kung saan-saan napapadpad ang mga kamay ngayon sa katawan nito.   Hindi maiwasan na makaramdam ako ng pangingilabot sa katawan. Nanayo talaga ang mga balahibo ko sa narinig mula sa babae. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang aking nararamdaman. O baka dahil sa alak na nainom ko, pero imposible naman kung ganoon eh.   "Gosh! What's happening?" natanong ko na lang nang tuluyan na akong nakapasok sa isang cubicle na available sa comfort room.   Mabilis akong umihi para makaalis na rin dahil hindi na ako komportable sa aking mga naririnig. Naririnig ko na rin kasi ang ungol ng babae na palakas na palakas pa na waring malapit na rin niyang maabot ang rurok ng kaligayan niya sa mga oras na ‘to. Dumagdag pa na masyadong erotic na rin ang kantang pinapatugtog sa bar. Kanta ba naman ni Chris Brown.   Hays!   After kong umihi ay aayusin ko na sana ang pagkakasuot sa aking panty nang makaramdam ako ng sticky mula roon. Napatingin tuloy ako sa baba and I realized na I am already wet down there. Hindi ko napansin nang pagbaba ko sa aking panty dahil sa ihing-ihi na ako.  Agad pumasok sa isip ko ang babaeng nakita namin ni Ping kanina sa bar counter. Pati na rin ang kakaibang naramdaman ko sa baba aside sa biglaang pagpuno ng pantog ko para maisipang magbanyo para umihi.   “Nag-wet ako dahil sa kaniya?!” hindi makapaniwalang tanong ko sa aking sarili nang mapagtanto ko ang lahat.   Bigla ring pumasok sa aking isip ang nadaanan kanina na dalawang babae na nagmimilagro hanggang ngayon bago makapasok dito sa comfort room. Instead na ‘yong dalawang babae ang makita ko sa aking isip ay ako at ang babaeng um-order ng Limeade kanina sa bar counter. I shouldn’t think about her, pero hindi ko talaga maiwasan sa kadahilang masyadong nakatatak na ata siya sa aking isipan right now.   Damn! This is holy crap!   Mabilis akong nagbihis ng panty. Buti na lang ay dala ko ang sling bag ko at may extra ako laging dala na panty. Nang maging okay na ako ay lumabas na rin ako sa cubicle para maghugas ng mga kamay at ayusin ang aking sarili. Naghilamos din ako agad nang sumagi na naman sa isipan ko ang kauna-unahang nangyari sa akin. Nagbabakasakali na sa paghilamos ko ay mawala na rin siya sa aking isip, pero mukhang malabo talaga mangyari.   “Epekto lang ng alak ‘yon. ‘Yon lang ‘yon,” pangungumbinsi ko pang sabi sa aking sarili kahit alam ko naman na imposible lahat ng ‘yon.   Habang inuuto ko ang aking sarili at paniwalain na hindi talaga ay hindi ko namalayan na may isang tao pala na nakatingin sa akin na may pagtataka kanina pa.   "Are you okay, Miss?" tanong nito agad.   Agad akong napaharap sa babaeng nagsalita at halos manlambot ang tuhod ko nang makita ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa’t isa. Mabilis namang dumapo ang kaniyang kamay sa likod ko para alalayan ako dahil sa biglaan kong ginawa. Kamuntikan pa akong ma-out balance dahil sa pagharap ko sa kaniya para makita kung sino ang nagsalita.   “Jusko!” nabulalas ko na lang.   Napako na talaga agad ang mga mata ko sa mga mata niya na malamig kung tumingin sa akin. Mabbilis namang kumabig ang aking puso at parang kung anong meron sa tiyan ko na hindi ko alam na gustong kumawala mula roon.   "Ganito ba talaga ang nagagawa niya sa akin? Pero babae siya. Bakit?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili.   “Are you okay?” tanong niyang muli na ikina-awang na talaga ng aking bibig.   Agad bumaba ang tingin ko sa kaniyang mapupula at manipis na mga labi na nakakaakit talaga sa mga oras na ‘to. Nagbibigay dahilan para manuyo lalo ang aking lalamunan na uhaw na yata sa kaniya.   “Y-Yeah,” sabi ko agad nang bumalik ang aking diwa.   Mabilis akong lumayo sa kaniya kasabay ng pagtulak ko sa kaniya palayo sa akin. Agad ko na ring inayos ang aking sarili dahil alam kong mukha akong tanga sa harap niya. Malakas pa akong napabuntong hininga para maibsan ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.   "T-Thank you. I'm fine. Alcohol," parang bangag na sagot ko.   Magsasalita pa sana siya nang mabilis na akong naglakad palabas ng comfort room nang mabilis bumalik ang aking ulirat. Tinawag pa niya ako pero hindi na ako lumingon pa sa kaniya, kasi hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa ginawa ko.   “Tangina ka, Katheliya,” murang sabi ko sa aking sarili nang mag-sink in lahat sa akin ang nangyari kanina. “Nakakahiya ka!”   Mabilis pa akong napahilamos sa aking mukha nang maalala ang kahihiyang ginawa ko. Hindi ko alam na aabot ako sa punto ng buhay ko na ganoon.   “Oh! Anong nangyari sa ‘yo, Katya?” Nag-aalalang nakatingin pa sa akin si Ping.   Mukhang balak din niyang pumasok sa comfort room para puntahan ako. Mukhang natagalan ata ako sa loob kaya naiinip na siya at balak akong sunduin na.   “Ang tagal mong lumabas kaya pupuntahan sana kita. Buti na lang ay lumabas ka na,” ani pa niya.   “Miss!” rinig kong sigaw na turan ng isang pamilyar na boses.   Sa taranta ko ay mabilis kong hinigit si Ping para makaalis na kami. Ayoko kasing harapin ang babae na 'yon. Nakita ko pang napalingon sa likod si Ping kaya hinigit ko siya lalo palayo at hindi na masyado maaninagan kung sino man ang sumisigaw.   “Miss, naiwan mo ang sling bag mo!” sigaw pa nito ngunit malabo na sa pandinig ko ang lahat.   Ayoko na rin marinig pa kung ano man ang sinisigaw niya.   “Sino ‘yon?” tanong ni Ping, ngunit hindi na ako nagsalita pa.   “Teka? Bakit nagmamadali ka?” Pigil ni Ping sa akin kaya natigil kami sa paglabas sa bar.   Bago pa ako makapagsalita ay bigla na lang may humawak sa braso ko. Mabilis kaming napatingin ni Ping sa nagmamay-ari ng kamay na nakahawak sa akin.   “W-What?” utal na tanong ko nang makita ko kung sino.   Damn this girl! Bakit humabol pa siya?   “Would you mind if we talk na kami lang?” Baling nito kay Ping na nagtatakang nakatingin sa aming dalawa ngayon ng babae.   Para namang na engkanto si Ping nang mapako ang mga tingin nito sa mga mata ng babae. Hinihiling ko pa naman na tatanggi siya dahil aalis na kami, pero hindi.   "Yeah," sagot nito agad.   Agad tuloy akong napatampal sa aking noo dahil sa naging sagot niya.   “Hintayin ka na lang namin nina Gold sa parking lot.” Baling ni Ping sa akin bago siya tuluyang umalis at iniwan ako sa kamay ng babaeng nagiging dahilan bakit para akong nawawala sa aking sariling katinuan.   Mabilis naman akong hinila ng babae sa may gilid ng bar. Sakto lang na madilim ng kunti sa gilid nito at walang taong makakapansin sa amin.   "I'm not going to do anything, but I believe you should bring this." Hesitant na sabi niya nang bitawan niya ako at sabay taas sa hawak niyang bag.   Doon ko lang napansin na dala-dala pala niya ang sling bag ko. Lahat ng gamit na dala ko ay naroon din.   “T-Thank you,” nasabi ko na lang.   "Don't leave your things unattended next time, especially since there is a used panty inside na hindi na-fold masyado. I assumed na nagmamadali ka kasi hindi mo pa nagawang isara ang ‘yong sling bag kaya nagkaganoon.” Habang alanganin pa niyang nilahad sa akin ang sling bag ko.   Umakyat na talaga ang hiya sa mukha ko nang tuluyan na ring mag-sink in lahat sa akin kung anong rason bakit niya talaga ako hinabol. Naiwan ko kasi talaga ang sling bag ko, kasi pinatong ko lang siya sa sink para makapag-ayos ako sa aking sarili. Hindi ko naman alam na hindi ko nadala nang umalis ako dahil din sa kaniya.   Mabilis kong kinuha sa kaniya ang sling bag na pagmamay-ari ko at mabilis na naman akong humakbang papalayo sa kaniya. Hindi na ako lumingon pa nang tawagin na naman niya ako muli. Wala na akong mukhang maihaharap sa kaniya. Nakita niya ang panty ko na may sticky liquid na naroon. Lalong-lalo na, ang gamit kong panty ay crotchless lace thong pa.   "Katheliya, isa kang nakakahiyang babae!" sigaw ko sa aking isip.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD