"I will survive, 'di ba?" tanong ko na naging dahilan para ngumiti siya lalo at tumango. Gusto ko lang itanong ang bagay na ‘yon. Gusto ko lang din mapanatag na kaya ko pang mag-survive sa nangyayaring pagbabago sa akin dahil sa isang sitwasyong hindi ko kailanman gustong mangyari sa akin at kahit sino. "Oo naman." Sabay pinatong niya ang kaniyang kamay sa aking ulo. "Malakas fighting spirit mo kaya malalampasan mo rin ang lahat na pagsubok na binigay sa ‘yo ng Diyos, Miss Katheliya. Have faith in God and always believe in yourself. Isa ‘yon sa makakatulong sa ‘yo para maging okay. Sarili at sarili lang natin ang tutulong sa atin to survive everything na nangyayari sa buhay natin. Plus na ‘yong support na natatanggap mo sa family mo, friends at ibang tao." Hindi ko maiwasan na

