"Ako na naman nakita mo, Sakking!" Reaksyon naman ng isa para sumama timpla ng mukha ni Tito Sak. He hates calling him Sakking kasi dapat asawa lang niya ang tatawag sa kaniya ng ganoon. As far as I remember, 'yon daw talaga ang pang-asar na tawag ni Tita kay Tito Sak. Tawag na vina-value talaga ni Tito Sak hanggang ngayon. Espisyal sa kaniya 'yon kasi roon nagsimula ang lahat sa kanila ni Tita. Akala ko ay magbabangayan na sina Tito Sak at Tito Lux pero laking gulatna lang nila nang magsalita si Tito Ichi. "One billion." Sabay lapag bigla ni Tito Ichi sa check na naglalaman nga ng one billion. Napasinghap ang ilang kasama namin sa nasasaksihan nila sa mga Tito ko. Napatampal na lang kami ni Kuya Kel sa noo namin dahil sanay na sanay na kami sa ganitong eksena, pero lumala

