"You look bothered." I glanced at Doctor Satora after what she said. I sighed because of frustration. Nakakapagod ngayong araw, kahit wala naman akong masyadong ginagawa. Nagpahinga muna ako dahil sa stress sa enrollment, dahil mukhang mauubos brain cells ko kakaintindi sa mga nababasa ko. "You are not happy na may progress ka na kahit kunti?" hindi nakatiis na tanong niya sa akin nang mapansin na parang wala lang sa akin ang nangyayari. Dapit hapon na ngayon at nasa open field kaming dalawa. May iilang estudyante na kasama namin, pero malayo sa tinatambayan namin. Usually, mga kalalakihan na naglalaro ng soccer o nagja-jogging ang nandito. Noong una, iniisip ko pa lang na lalabas ako na may maraming tao, lalo na lalaki ay halos atakihin na ako nang panic attack ulit dahil

