"You like her for her." I stated para mapakurap ng ilang beses sa harap ko si Daddy. Bago pa siya makapagsalita ay biglang pumasok ang mga kasama namin dito sa kusina. Nagulat pa sila nang makita ako kasama si Daddy. "Thel," tawag ni Kuya Kel sa akin. Nilingon ko siya at tumango kaya ngumiti 'to. "I thought tulog ka, kaya hindi ka bumaba kanina," sabi pa niya. "Na rito ka lang pala." Nagtaka siguro si Kuya Kel bakit hindi ako nagsasalita. Nakatuon kasi ang aking atensyon kina Lali at sa kasama nitong Ayu ang pangalan. Hindi ko alam na kasama pala niya ang dalawa na pumunta rito sa kusina. What a great timing nga naman talaga. "Nga pala," ani ni Kuya Kel. "Si Ayu, closest friend ni Lur." Pagpapakilala pa niya sa babae sa akin. Nabaling tuloy ang tingin sa akin ng

